Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"BIRTHDAY na ni Mama sa Linggo. Umuwi ka muna sa bahay. Isama mo na rin ang asawa mo."

Pilit kong pinasigla ang boses. "Ita-try ko si Psalm, kuya. Busy kasi siya sa hacienda at sa negosyo. Baka ako lang pumunta muna. At saka, sabi ko sa kanya magbabakasyon muna ako riyan ng ilang araw. Pumayag naman siya."

"Sayang kung hindi mo isasama ang asawa mo. Ni request paman din ni Mama na pumunta siya. Kahit na saglit lang. Kung ako lang, okay lang ako kahit wala siya pero si Mama na ang nag-request. Ayoko namang sumama ang loob nun at kagagaling lang niya sa sakit."

"I’ll try. Pero paki sabi na lang kay mama na hindi pa ako sigurado."

Simula kagabi ay hindi pa kami nagkaka-usap ni Psalm. Lagi siyang wala sa bahay. Mukhang iniiwasan din talaga ako. Hindi ko namalayan na napabuntong-hininga na pala ako.

"Halea?”

"Kuya?"

"Okay lang ba kayong dalawa ni Psalm?" sa tanong ni kuya bumuhos na naman lahat ng emosyon ko. Pinipigilan ko ang huwag maiyak habang kausap pa siya sa cell phone. Kahit na gustong-gusto ko na. Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil na huwag maiyak habang kausap ko siya. "Halea?"

"O-Okay lang kami, kuya. Masama lang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko.

"Uminom ka na ba ng gamot? Na saan si Psalm? Inaalagaan ka ba naman ng asawa mong 'yan?"

"Kuya, chill. Alagang-alaga ako ni Psalm dito." Parang may bumikig sa lalamunan ko nang sabihin ko 'yon. Lalo akong nasasaktan sa mga kasinungalingan ko. "Nananaba na nga ako dito." Dinagdagan ko pa ng tawa. "Huwag ka nang mag-aalala riyan. Masaya ako dito. Basta, magkita na lang tayo diyan sa Linggo. Mag-ingat kayo riyan. I love you."

End call.

Marahas na napabuntong-hininga ako. Buo na ang desisyon ko. At alam kung sa gagawin ko ay mas mapapabuti ang lahat.



TAHIMIK lang kami sa buong b'yahe ni Psalm. Malapit na kami sa bahay at kabadong-kabado ako. Sana nga lang ay hindi mahalata nila Mama.

"Kailan mo balak sabihan sa kanila ang totoo?" basag na tanong niya nang hindi ako tinitignan.

"Hahanap muna ako ng tiyempo. Ayoko munang biglain si Mama. Ngayon lang ulit kami magkikita at kagagaling niya pa lang. Nagmamadali ka ba?"

"I'm not in a rush. Take your time. Once you signed the papers. Si Atty. Manzano na ang bahala sa lahat. We can start anew after that. As for the land you promised to my father –”

"You don't need to think about it. Ibibigay 'yon ni Papa. A promise is a promise."

"You don't need to –”

Sinubukan kong ngumiti. "Saka na natin 'yan pag-usapan. Ayoko munang isipin ang mga bagay na 'yan." Ibinaling ko sa may bintana ang mukha. Nawala ang ngiti ko. "Pasensiya na."

Pagdating namin sa bahay ay binati kami ng mga magulang ko at ni kuya sa entrada ng bahay. Pagbaba ko sa sasakyan ay nangilid agad ang mga luha ko at tinakbo ang pagitan na distansiya namin ni Mama.

"Mama!" iyak ko. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. "Mama, miss na miss na kita."

"Anak, Halea. Miss na miss na rin kita." Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko pababa sa mga balikat at mga kamay ko. "Okay ka lang ba? Naku, nanaba ka, anak." We both chuckled. "Mukhang alagang-alaga ka ng asawa mo."

Lumagpas ang tingin ni Mama kay Psalm na nasa likod ko. Nailabas na niya lahat ng mga gamit ko mula sa sasakyan.

"Sabi ko nga kay kuya e." I glanced at my brother. "Tumaba ako."

"Pansin ko nga." He chuckled.

"Makisig tulungan mo muna si Psalm sa mga gamit nila. Pumasok na muna tayo at ipapahanda ko na ang pagkain."

"Ma, Pa, aalis ho agad si Psalm pagkatapos kumain. May importante ho kasi siyang lalakarin.”

"Ah ganoon ba. O, sige. Okay lang. Sige pasok na tayo."

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay 'di ko maiwasang maigala ang tingin sa buong paligid. Ilang buwan din akong hindi naka uwi. Halos wala namang pinagbago sa bahay. Ganoon pa rin 'yon.

Naramdaman ko bigla ang pag-akbay ng kung sino. Pag-angat ko ng tingin ay binati ako ng nakangiting mukha ni Kuya Maki.

"I missed you little sis."

Napangiti ako pero dagli rin 'yong nawala nang panggigilan ni kuya na kurutin ang pisngi ko. Napangiwi ako sa sakit. Bwesit talaga to e. Malutong na tumawa lang si kuya. Pinalis ko ang kamay niya.

"Kuya naman e!” reklamo ko. “Asar ka talaga.”

"Kain na tayo para mas lalo kang manaba. Ang cute-cute mo na kasi e. Nakakagigil.” Pang-aasar pa ni kuya sa’kin.

Napasimangot ako. "Ay grabe siya!” pinanggigilan kong kurutin ang tagiliran niya. Napamura siya sa sakit. It was my turn to laugh. “Buti nga sa’yo! Akala mo, ha?”

Kahit papaano ay nawala ang lungkot ko. Ang dating pilit na ngiti ay napalitan ng masayang tawa.



HINDI naman halata na medyo iwas kaming dalawa ni Psalm habang kumakain. Hindi naman din pinahalata ni Psalm. Umaakto siya na parang wala lang nangyari. Sa tuwing ginagawa niya 'yon lalong bumibigat ang kalooban ko. I missed him.

Naabutan ko si Psalm sa sala. Nakatingin siya sa mga larawan na nakasabit sa ding-ding. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Lakas loob na lumapit ako sa tabi niya. Inangat ko ang tingin sa mga larawang tinitignan niya.

"Kamukhang-kamukha mo ang babaeng 'yon." Basag bigla ni Psalm sabay turo sa larawan ni Tita Regina.

"Marami nga ang nagsasabi na kamukha ko si Tita Regina. Kapatid siya ni Papa.”

"She died?"

Tumango ako. "Namatay siya noong isang taon pa lamang ako. Hindi ko na siya nakilala pa."

"Sino naman ang mga babae sa mga larawan? Mukhang halos magkasing-edad lang sila."

They're my future Psalm. We hold the same fate. To die.

"My great-great-grandmothers." Nakangiting ibinaling ko ang mukha kay Psalm. Hindi na importante kung sino sila. Makakalimutan mo rin naman ako. Hindi mo mamalayang wala na ako. "Aalis ka na ba?" pag-iiba ko. Tumingin siya sa akin. "Mananatili muna ako dito sa bahay ng ilang araw. Saka na tayo mag-usap ulit pagbalik ko."

"Okay," he nodded. Nagulat siya nang bigla ko siyang yakapin. "H-Halea?" akmang kakalas siya sa pagkakayakap ko nang yakapin ko siya nang mahigpit. Sandali lang Psalm. Kahit ilang segundo lang. "Huwag mong pabayaan ang sarili mo." Salamat. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. May ngiting inangat ko ang mukha sa kanya. "Ihahatid na kita sa labas."

"Magpapaalam muna ako sa mga magulang mo." Tumango lang ako.

Nagpaalam na si Psalm sa mga magulang ko. Gaya ng sabi ko ay hinatid ko siya sa labas.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi -" nagulat ako nang bigla niya ako gawaran nang mabilis na halik sa mga labi. Napatitig ako sa mukha niya.

"Don't misunderstood," mahinang sabi niya. "Your parents are looking."

Pilit akong ngumiti. "Ingat ka."

"Ikaw rin.”



NAKANGITING sinusuklay ni Mama ang buhok ko habang naka upo kami sa itaas ng kama ko. Magtatabi kaming matutulog ngayon gaya noong bata pa ako.

"Mukhang masaya na kayo ni Psalmuel, anak." Bakas ang saya sa boses ni Mama. "Nakikita ko sa lambingan n'yong dalawa."

"Masaya ho ako, Ma." Iniisip ko na lang ang mga panahon na masaya kaming dalawa. Sa mga nalalabing oras ng buhay ko. Mas gusto kong alalahanin ang mga bagay na magpapasaya sa’kin kaysa sa mga bagay na magpapalungkot lang sa akin.  "Mahal na mahal ko ho si Psalm."

"Matagal ko nang alam 'yon, anak."

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Mama. "Alam mo na Ma?" Umisod ako para magkaharap na kami.

"Naririnig ko kayo ni Makisig na nag-aasaran. Sa tingin mo ba maitatago n'yo 'yon sa akin." Natatawang kwento ni Mama. "Ang lakas-lakas pa ng mga boses n'yo."

"Nakakahiya,” naitakip ko ang mga palad sa mukha.

"O, bakit ka pa mahihiya?" hinaplos ni mama ang buhok ko. "Kasal na kayo. Ang tanging ipinagdadasal ko lagi sa Dios ay sana magkaroon na kayo ng anak at magsama kayo nang mas matagal pa." Hinila niya ko para yakapin. Inihilig ko ang ulo sa balikat ni mama at yumakap sa baywang niya. Patuloy pa rin niyang hinaplos ang buhok ko.

"Ma,”

"Hmm?"

"Kung hindi man kami magkaanak at kung dumating man ang oras na kailangan ko nang umalis. Huwag n'yo pong isipin na hindi ako naging masaya. Masaya po ako Ma. Masayang-masaya dahil kayo ang naging pamilya ko. At si Psalm ang naging asawa ko."

"Huwag kang magsalita nang ganyan, anak. May awa ang Dios. Hindi Niya tayo pababayaan. You will live."

Gusto kong mabuhay Ma. Pero ayokong mabuhay na may marami akong nasasaktan na mga tao. Tama na ho na naging selfish ako para sa sarili ko. I don't want to be a burden to anyone starting now.



"AY IBA!" yumakap agad ako sa isang braso ni kuya pagkalabas niya sa sasakyan. Teacher na teacher ang istura ng loko. "From katipunero to Jose Rizal. Wow!"

Ang pogi version ni Jose Rizal, minus the side bangs at pumada. Syempre gwapo pa rin naman si Dr. Jose Rizal. Pero mas gwapo ang kuya ko. Bias ako e. Bumagay sa kanya ang puting long sleeve polo at itim na pants. Mas nagmukha pa nga siyang tatakbong binatang mayor sa suot niyang salamin sa mata.

"Tumahimik ka riyan.” Suplado pa rin. “Gusto mo bang ipabunot ko sa'yo lahat ng damo sa bakuran natin?"

"Ay 'to naman 'di na mabiro. Kuya, um-absent ka muna bukas. Gumala tayo."

"Hindi ako pwedeng um-absent bukas."

"Daya! Minsan lang kaya ako nauuwi sa bahay. Gala tayo!" inalog-alog ko ang braso niya. "Huwag nang KJ. Sige na. Please! Please!"

"Hay naku! Ang tanda muna pero isip bata ka pa rin. Buti na to-tolerate ni Psalm ang ugali mong 'yan."

Ngumisi ako. "Is that a yes?!"

"May choice pa ba ako?!" Bigla niyang iniyakap sa leeg ko ang yakap kong braso kanina. Napahawak ako sa kamay niya. "Kulit! Kulit mo! Kulit ng bunso namin."

"Kuya naman e! ‘Ray ko, ha? Nanakit ka na talaga!”

"May regalo ako sa’yo." He let go of me. Mula sa bulsa ng pants niya ay may inalabas siyang maliit na box. Inabot niya sa’kin 'yon.

Naibaba ko ang tingin sa box. "Ano naman ‘to?”

"Buksan mo."

Tumalima ako at binuksan ang box. "Oh!" napangiti ako nang malaki. "Kuya ang ganda!" Inside the box is a pair of sunflower earrings.

"Gawa 'yan ng isa sa mga estudyante ko. Ibinibinta niya sa mga kaklase niya. When I saw it, naisip agad kita."

"Thank you,” niyakap ko ang kuya ko. “This is beautiful.”

"O, baka naman lumubo na naman 'yang liver mo sa pag-a-assume na mahal na mahal kita.”

"Mahal mo naman kasi ako.” Tinangala ko siya. “Ako kaya ang pinaka favorite mong kapatid." Sumilay ang isang magandang ngiti sa gwapong mukha ng kuya ko.

"Ikaw lang naman kapatid ko." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Inakbayan niya naman ako at sabay na kaming pumasok sa bahay. "Magluto ka na. Gutom na ako."

"Ikaw dapat magluto. Mas masarap kang magluto kaysa sa akin."

Tinawanan lang niya ako. “Pagod ako.”

Natigilan ako bigla nang maramdan kong sandaling umikot ang buong paligid. Ilang beses akong napakurap-kurap.

"Hey, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni kuya.

"Wala, naalog yata ang ulo ko." Maayos na ulit ang pakiramdam ko. Ang weird. Parang sandaling umalog ang mundo pero ako lang ang nakapansin. Na sobrahan yata ako ng tulog. Ngumiti ulit ako sa kanya. "Ikaw kasi. Magluto ka na kasi. Nahihilo na ako sa gutom."

"Ewan ko sa’yo. Ang daming pagkain sa bahay. Kayong mga babae ang hirap n'yong ispelingin sobra.”

"Nag-drama pa 'to."


Psalm

"NABABALIW ka na ba talagang bata ka?!"

Hinarap ko ang galit na galit kong ama. "What now? You can't do anything. This is my life. Don't add me up with your crazy drama. Hindi ako artista para kompletohin ang cast ng gusto mong love story . I will never ever love someone from the family of your other woman!"

"You don't know what you're talking about Psalmuel. Pwede ba makinig ka muna sa akin."

"Wala na tayong pag-uusapan. Buo na ang desisyon ko. Maghihiwalay na kami ni Halea. Pasalama't ka't annulment lang ang hiningi ko mula sa kanya."

"Don’t do this to Halea, Psalmuel. Alam kong mahal mo na siya. Why are you doing this to yourself? Huwag kang gumawa ng isang bagay na baka pagsisihan mo lang din sa huli.”

"Love?” I look at him disbelievingly. The angst of this man! “I doubt it. You dont know anything about love. Muel Pancho Fidalgo doesn’t know how to love other than himself. And it’s not even love, it’s selfishness. This craziness of your has to stop. Sa ginagawa mo lalo mo lang pinapalala ang lahat. Wala akong pakialam kung nahihirapan kang kalimutan ang kabit mo o kung may pangako kang ginawa sa babae mo. And guess what, I don't fuckin care to any of your reasons. I’ve had enough of you!”

"Psalmuel!"

"Sana naisip mo rin kung gaano mo nasaktan si Mama noon. Sa mga araw na lagi siyang umiiyak dahil sa’yo. Hanggang sa huling hininga niya ikaw pa rin ang hinahanap niya. Tang ina! Pero na saan ang tatay ko? Wala! Walang pakialam sa mag-ina niya. Laging wala. You should have died instead of her. Sana ikaw na lang ang nawala! Mas magiging masaya pa ako kung ikaw! Wala kang kwentang ama!"

Furious, I turned my back at him.

"Hate me Psalm," his voice is calm now.

He sounded hopeless. Naikuyom ko ang mga kamay sa inis. Ito ang unang beses. Unang beses na narinig ko ang lungkot at pagmamakaawa sa boses ng ama. Ganoon ba talaga ka importante ang pamilya ni Halea? Mas mahal ba talaga niya si Regina kaysa mama ko?

"Huwag mong idamay si Halea sa galit mo sa akin. Alam kong mahal na mahal mo siya. Nakikita ko 'yon sa mga kilos mo. Sa mga tingin mo. Ayokong pagsisihan mo ang lahat ng mga ito Psalmuel. Huwag mong hayaang kainin ka ng galit mo sa akin. Iba si Halea. Iba ako. Ako ang may kasalanan sa’yo. Iba ang pagkakamali ko. Walang kasalanan si Hale –”

"Well, you’re wrong. Kailanman ay hindi ko minahal si Halea. You're not the only one who knew how to play this game. "


Halea

"ANO bang okasyon ngayon at ang dami mo naman yatang inihanda, anak?" nakangiting tanong ni Mama habang isa-isa kong inilalapag ang mga niluto kong pagkain sa mahabang lamesa. Pati sila Papa at Kuya Mak ay 'di maitago ang gulat sa mga mukha. Namilog ang mga mata nila sa pagkamangha. "Tapos naman na ang birthday ko."

"Bibitayin na ba ako bukas?" dagdag na tanong ni kuya. "Ang daming pagkain. Mauubos ba natin 'to?"

"Saan ba kayo nagpunta nitong kapatid mo Makisig at umuwi 'tong hyper ngayon?" Segunda pa ni Papa. Napa-iling-iling tuloy ito sa akin.

Natawa naman ako. "Ang oa n'yo naman. Dapat nga magsaya kayo. Aba'y hindi naman ako laging nandito. Hindi ko kaya laging naipagluluto. O, 'yan na." I gestured my hands to the foods on the table. "Halea's scrumptious meal."

"Naku Pa,” ni kuya. “Mukhang manghihingi 'yan sa’yo ng 'sang milyon."

Sa halip na maasar ay napangiti lang ako. Isa-isa ko silang tinignan. Isa-isang menimorya ang hugis ng mga mukha nila. Ang saya ng ngiti ng bawat isa. Ang tunog ng bawat tawa nila. Ang liwanag ng kislap ng mga mata nila. I want to keep those beautiful memories  of them kahit saan man ako dalhin ng tadhana.

Nagsimulang manikip ang dibdib ko. Kasabay nun ang pag-iinit ng mga mata ko. Pero pilit ko 'yong nilabanan. Ayokong umiyak sa harap nila. I don't want them to worry about me. I don't want them to be sad because of me. For now, I just want to be with them. I want to treasure this moment.

“Si kuya talaga pabibo.” I stick my tounge at him. “Inggit ka lang!”

"Tama na 'yan,” nakatawang awat sa amin ni Papa. "Kumain na tayo at madami-dami rin ang mga ito. Sana nga lang ay matunawan ako bukas.”

"Magdasal muna tayo." Sabi ko. "Kuya Mak, ikaw na mag-lead." Ngingiti-ngiti ako dahil alam kong ‘yon ang pinaka-iiwas-iwasan niya.

"Bakit ako?"

"O, bakit hindi ikaw?" balik tanong ni Papa kay Kuya Mak.

"Sabi ko nga."

Hindi sa ‘di gusto ni Kuya Mak mag-lead ng prayer. May trauma kasi ‘yon sa prayer. Noon kasing nag-lead siya napaghalo niya ang linya ng Hail Mary and Our Father. At dahil sa school ‘yon nangyari. Narinig ng lahat, syempre! Ewan ko ba sa kanya, tali-talino pero ‘di sauludo ang prayer.

Pasimple akong pinandilatan ni kuya ng mga mata. Ginatihan ko naman ‘yon ng matamis na ngiti. Halea, one. Makisig, zero.



KINAGABIHAN ay natagpuan ko si Papa na tahimik na nakatingin sa litrato ni Tita Regina habang naka upo sa wooden swing chair sa garden. Lumapit ako kay Papa at tumabi sa kanya. Inihilig ko ang ulo sa balikat niya habang dahan-dahan kaming idinuduyan ng swing chair.

"I missed Regina," basag ni Papa. Ramdam na ramdam ko ang lungkot at pangungulila sa boses niya. Ang sakit at kalungkutan na unti-unting nagpapabigat sa kalooban ko nang mga oras na 'yon. "Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Hindi ko man lang nagawang sagipin ang sarili kong kapatid. Napakawalangkwenta kong kapatid.”

Hinawakan ko ang isang kamay ni Papa. "Hindi mo kasalanan ang lahat Pa. Walang may gusto ng lahat ng ito." Inangat ko ang ulo para matignan sa mga mata ang aking ama. "At alam ko na pilit ding nilabanan ni Tita Regina ang sumpa. Kailanman ay hindi ka sinisi ni tita... dahil alam niyang ginawa mo rin ang lahat para mabuhay siya."

Hindi napigilan ni Papa ang sariling mga luha. Lalo akong nalungkot. Lalo akong nasaktan para sa ama ko. Alam kong masakit na para sa kanya ang pagkamatay ng kapatid niya. Gusto kong pawiin ang sakit sa puso niya. Pero hindi ko magawa. Hindi ko nga magawang sagipin ang sarili ko. Dadagdagan ko na naman ng sugat ang mga puso nila.

"Don't leave us Halea." Niyakap ako ni Papa. "Huwag mo kaming iwan ng mama at kuya mo. H-Hindi ko yata kakayanin 'yon anak."

"P-Pa?" nahihirapan kong tawag sa kanya dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko. It feels like my thoat was stabbed by something sharp. Hindi magawang maisatinig ang mga gusto kong sabihin.

"Nawala na sa’kin ang kapatid ko. Muntik nang mawala sa atin ang mama mo. Ayokong pati ikaw ay kunin nila mula sa akin."

Ilang sandali pa ay kusa na lamang naglandas ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Mahigpit na mahigpit kong niyakap ang aking ama.

Kung pwede lang. Kung pwede lang sanang mabuhay ako nang mas matagal nang hindi ko nasasaktan ang mga taong nasa paligid ko. Kung sana naging normal lamang ang pamilya natin. Kung sana wala ang sumpa. Gusto ko pa sanang mabuhay nang matagal at makasama pa kayo hanggang sa matanda na kayo.

Pero hindi pwede.



"ALAM mo pwede ka namang umiyak kung gusto mo."

"Hindi ako iiyak." Pilit akong ngumiti sa harap ni Roan. Nakipagkita ako sa mga kaibigan namin ni Alyana noong high school pero si Roan lang ang dumating. Expected ko naman na hindi sila makakapunta. Alam kong galit sila sa ginawa ko kay Alyana. "Alam ko namang may pupunta."

Pero ilang segundo pa ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Napayuko na lang ako at tahimik na napahikbi. Mabuti na lang at nasa pinakalikod kaming bahagi ng restaurant na ‘yon. Wala rin gaanong tao.

"Halea," naramdaman ko ang paghagod ni Roan sa likod ko. Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako. "Ayokong nakikita kang umiiyak pero sige ilabas mo lang lahat 'yan. Nandito lang ako para damayan ka."

"A-Ayokong umiyak." Hikbi ko. "Ayokong malungkot. P-Pero… b-bakit ang sakit Ro? B-Bakit ang s-sakit... s-sakit isipin... na lahat sila... galit na galit... s-sa akin."

"Maiintindihan ka rin nila." She cupped my face and wiped the tears on my face. "Walang perpektong tao sa mundo. Kahit na ako. We make mistakes. We make bad decisions in life. And we sometimes, hurt the people we love. Pero kung may natutunan man ako mula sa’yo. 'Yon ay ang magmahal ng walang hinihinging kapalit. To love someone without an assurance that they will stay."

Lalo akong naiyak sa sinabi ni Roan.

"Mahal mo pa rin kami kahit na halos talikuran ka na namin. Not everyone can do that Halea... and you're one of those people who can love someone even if they already turned their back at you."

"R-Ro..."

"I will always be thankful that I have a friend like you. Huwag mo na masyadong isipin ang mga iniisip nila. We all deserve to be happy. You deserve to be happy. Our imperfections will never lessen our worth as a person.”




"IlANG araw kang gala nang gala tapos ilang araw ka ring nagkulong doon sa lumang wine cellar." Paminsan-minsan ay ibinabaling ni Kuya Mak ang tingin sa akin habang nagda-drive siya ng sasakyan. Pabalik na kami sa Consolacion. "Ano bang meron doon sa wine cellar?"

"Bawal ka nga doon. No one is allowed to get inside there ng walang pahintulot mula sa akin."

"Sus! Ang sabihin mo madami kang kababalaghang ginagawa doon. Baka isang araw bigyan na lang kami ng warrant ng mga pulis dahil serial killer ka pala."

"Sa ganda kong 'to kuya? Serial killer agad?”

"O, hayan nagbubuhat ka na naman ng black board." He chuckled sabay gulo sa buhok ko. Pinalis ko ang kamay niya. Lalo lang natawa ang kuya ko.

"Kuya naman e,” umakto akong naiinis.

"OA nito.” Palatak niya. “Minsan na nga lang kita maasar dahil may asawa ka na."

"Mag-asawa ka na rin kasi."

"Mag-aasawa lang ako kapag twenty five ka na."

"Uugod-ugod ka na nun."

"By that time, I'll be twenty nine. Masyado pang bata para mag-asawa."

Napamaang ako. "Bata? May balak ka bang mag-asawa kapag forty ka na?"

"I can manage on my own." May naglalarong nakakalokong ngiti sa mga labi niya. "Hindi ako takot mag-isa Halea. I'm more afraid of losing my sister." Natigilan ako sa huling sinabi ni kuya kaya napatingin ako sa kanya. He glanced at me for a second before fixing his eyes on the road. "O, natahimik ka na riyan?" nakangiti niyang tanong.

Pilit akong ngumiti. Mauulit ang sumpa. Maipapasa 'yon sa magiging anak ni Kuya Makisig. Sa magiging pamangkin ko. At masakit isipin na may isa na namang inosenteng buhay ang masisira dahil sa sumpa. Mawala man ako sa mundong 'to... mananatili ang sumpa.

Ibinaba lahat ni Kuya Makisig ang mga gamit ko nang makarating kami sa hacienda.

"Alagaan mo sarili mo lagi." Naingat ko ang tingin sa kanya. "Huwag masyadong makulit. Kung malungkot ka tawagan mo lang ako or pumasyal ka sa bahay. Kung may masakit sa'yo sabihan mo agad si Psalm at baka kung ma paano ka pa - "

"Kuya!" mabilis na niyakap ko siya.

"O, bakit?” halatang nagulat siya sa bigla kong pagyakap.

Patawad. "Wala lang." Patawarin mo sana ako. "Gusto lang kitang yakapin."

"May asawa ka na. 'Yong asawa mo ang yakapin mo."

"Arte naman nito. Minsan na nga lang akong maglambing sa’yo." Kumalas na ako ng yakap sa kanya. "Mami-miss mo rin yakap ko. Che!"

Natawa lang siya. "Mas ma-arte ka. Ang dami mong ka dramahan sa buhay."

"Mag-ingat ka sa pag-uwi." Itinulak ko na siya pabalik sa sasakyan. "Alagaan mo lagi sila Mama at Papa, ha? Malilintikan ka talaga sa’kin kapag nagkasakit sila. Magpaka-ulirang anak ka muna habang single ka."

"Wow naman!"

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at muling pinaandar ang makina. Ibinaba niya ang bintana ng front seat para silipin ako. "Kung may kailangan ka pa tawagan mo lang ako." Tumango lang ako. "Mag-ingat ka. Papasyal na lang ulit ako dito. Bye." Itinaas niya na ulit ang salamin bago tuluyang umalis.

Napabuntong-hininga ako nang mawala na nang tuluyan sa paningin ko ang sasakyan ni kuya. Mami-miss talaga kita kuya. Humugot ako nang malalim na hininga. ‘Di, kaya mo ‘to Halea. Ikaw pa!

"Inday?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Manang Belma.

Napangiti ako nang lumapit siya sa akin. "Manang."

"Nandito ka na pala. Bakit hindi ka man lang nagsabi na ngayon pala ang balik mo? Tulungan na kita riyan sa mga gamit mo."

"Naku, salamat ho."

"Berto! Berto lumabas ka muna riyan. Iakyat mo muna ang mga gamit ni Ma'am Halea mo."

Mabilis na dumating si Kuya Berto. Pawisan pa at medyo basa ang damit. Mukhang naglilinis ng sasakyan sa garahe. Malaki ang ngiti ni Kuya Berto sa akin nang makita ako.

"Ma'am Halea, nandito na po pala kayo. Pasensiya na at madumi pa po ako."

"Naku Kuya Berto, okay lang ho. Sumama ka na lang mamaya sa amin ni Manang Belma." Napatingin si Manang sa akin. "Ipagluluto ko ho kayo ng pagkain. Madami po akong naipamalengke sa San Atonio. Ipagluluto ko kayo ng specialty ko."

"Ay talaga ba?" nagdaop ang mga kamay ni Manang sa tuwa. "Naku! Tutulungan kita. Tatawagin ko rin sila Noreena at Rona para matulungan tayo."

"Naku! Sana makaabot si Sir Psalm."

"Wala ba si Psalm?" naigala ko ang tingin sa paligid.

"Maagang umalis," sagot ni Manang. "Habilin niya ay gagabihin na raw siyang makakauwi."

Nanlumo naman ako. “Ah, ganoon po ba.” Pero pilit ko pa ring ibinalik ang ngiti ko. “Baka may importante nga siyang lakad.” Hindi naman na importante kung nandoon o wala si Psalm. Baka nga, sinadya niya para ‘di kami magkita.



HININTAY ko pa rin si Psalm na maka-uwi. Pasado alas diez na ng gabi. Malamig na rin ang ininit kong pagkain para sa kanya. Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan at i-text pero hindi niya ako sinasagot. Na saan na kaya 'yon?

Mayamaya pa ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan mula sa labas. Mabilis na tinungo ko ang pinto sa sala para sana salubungin si Psalm pero natigilan ako. Tama ba 'tong gagawin ko? Baka magalit lang si Psalm.

Napasinghap ako nang bumukas 'yon dahilan para mapaatras ako.

"Halea,"

Kumabog nang mabilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses ni Psalm. Naingat ko ang mukha sa kanya. Gusto kong maiyak dahil sobrang miss na miss ko na siya. Gusto kong hawakan ang mukha niya at yakapin siya pero alam ko na wala akong karapatang gawin 'yon.

"Naka uwi ka na pala.”

"Kumain ka na ba?" pag-iiba ko.

"Kumain na ako."

Nilagpasan niya lang ako.Naipikit ko ang mga mata sa biglang pagdaan ng sakit sa puso ko sa malamig na pakikitungo niya sa akin. Humugot ako nang malalim na hininga.

"Psalm…”

Tumigil siya pero hindi ako hinarap. "Hindi na kita tatanongin kung nasabi mo na sa pamilya mo ang totoo dahil mukhang hindi mo pa nasasabi."

"Pipirmahan ko naman 'yon. Gusto ko lang sana na –"

"You can do everything you want Halea." Seryoso ang mukha na hinarap niya ako. "Just don't expect anything from me anymore." Tinalikuran niya na ulit ako. "But I would appreciate if you leave sooner." ‘Dire-diretsong siyang umakyat sa hagdan.

Tila may malaking bato na nahulog sa puso ko. Nahirapan akong humingi sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Mabilis na tumalikod ako at humugot nang malalim na hininga. Para akong nauubusan ng hangin. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Hindi ko mapigilan ang mga luhang isa-isang naglandas mula sa mga mata ko.

But I would appreciate if you leave sooner.

Naipikit ko ang mga mata. Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan ang isa-isang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga mata. Aalis din ako Psalm. Pangako ko ‘yan sa’yo.



IBINABA ko ang isang tangkay ng sunflower sa puntod ni Nemo bago naupo sa lupa katabi ng puntod niya. I straightened my legs forward.

"Hoy Nemo, kumusta ka na diyan?" Tanong ko kahit alam kong hindi naman ako masasagot ni Nemo. "Maganda ba riyan? Hayaan mo't malapit na rin tayong magkita riyan. Hintayin mo ko, ha?" Mapait na napangiti ako. "Pasensiya na nga pala, ha? Baka ito na rin ang huli kong bisita sa’yo. 'Di ko alam kung magagawa ko pa bang makabalik dito. Baka sa ibang lugar na tayo magkita."

Bumuntong-hininga ako.

"Bantayan mo lagi ang amo mo, ha? Huwag mo siyang pababayaan habang wala ako. Ikaw na ang bahala sa kanya, ha? Pepektusan talaga kita kapag may nangyaring masama sa kanya kapag nagkita tayo riyan."

Natawa ako pero bigla ring naiyak. "Nemo, nababaliw na ako." Iyak ko. "Magiging-okay lang kaya ako? Sa totoo lang... na ... na tatakot ako Nemo." Ngayon lang ako nakadama nang sobrang takot. The feeling of hopelessness. "K-Kung bakit ako pa? Ano bang nagawa kong masama?" I sobbed in too much pain. The fear I feel inside is slowly eating me whole... including my soul. I feel so lost right now. "Sobrang sama ko bang tao? Bakit ako pa? Pagod na pagod na ako. Ayoko na."

Ayoko na.

Just let me die in peace.

Please.


MAHIMBING na natutulog si Psalm sa kwarto. Malalim na ang gabi kaya alam kong tulog na tulog na siya. Tahimik na pumasok ako sa silid at maingat na nahiga sa tabi niya paharap sa kanya. Pinagkasya ko lamang ang sarili ko sa pagtitig sa mukha niya. Memorizing the shape of his face. The line of his eyebrows. Ang matangos niyang ilong at mapupula niyang mga labi. Psalm's dimple even if it doesn't show on his face right now.

Ini-imagine ko ang masayang Psalm. Ang nakangiting si Psalm. I want to keep a happy version of him. Iiwan ko lahat ng mga masasakit na alaala sa lugar na 'to at puro magagandang alaalala lang ang dadalhin ko sa pag-alis ko.

Nagsimulang manikip ang dibdib ko hanggang sa isa-isa nang naglandas ang mga luha ko sa mukha ko.

Psalm, kung mabibigyan man ako ng pangalawang buhay. Gusto kong hilingin sa Dios na mabuhay ulit sa mundo mo. At sana sa panahon na 'yon. Wala na ang sumpa para hindi ko na kailangang iwan ka.

At sana... sa panahon na 'yon.

Maingat na idinampi ko ang mga labi sa mga labi niya.

Ako naman ang mahalin mo.

Hihintayin ko ang buhay na 'yon mahal ko. Mahal na mahal kita Psalm. Ingatan mo lagi ang sarili mo.

Paalam muna sa ngayon.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE