Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"You have something written on your back."

Pinalis ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. "Imagination mo lang 'yon." Kaila ko.

"You're lying again." Pinihit niya ako patalikod na sobrang ikinagulat ko. Nag-panic ako. "I saw it last night. I have a proof." Napasinghap ako nang bahagyang ibaba ni Psalm ang back zipper ng dress ko. Hala! Huhubaran pa yata ako ng 'sang 'to in public.

"Psalm, ano ba. Wala nga kasi." Naglikot ako at pinagpapalo ang kamay niya. "Panaginip lang 'yon."

"It's not a dream. I saw my name on your back."

"Hindi mo pangalan 'yon." Umayos ako ng tayo at napabuntong-hininga. "Fine, I have a tattoo there.” Amin ko rin dahil mukhang ‘di rin naman ako titigilan nitong si Psalm. He’s very skeptical with my answers. Kahit hindi niya sabihin. Sa isip ni Psalm, sinisigaw na niya ang salitang, liar! “It's Psalm 23:4 and not just Psalm."

"Psalm 23:4?”

Nagtaka naman ako sa biglang pananahimik ni Psalm. Na turn off ba siya dahil may tattoo ako sa katawan? Maliit lang naman 'yon. Ang sakit-sakit kaya nang ipagawa ko 'yon. Akmang pipihit ako paharap sa kanya nang maramdaman ko ang paghawak niya sa makabilang balikat ko.

"Wait," pigil niya sa’kin.

"B-Bakit?"

"Let me zip your dress first." Narinig ko ang tunog ng pagsara ng back zipper ng dress ko.

Nasa ganoong posisyon kami nang bigla na lang dumating si Kuya Makisig. Kunot na kunot ang noo niya na para bang may nakita siyang hindi niya gusto. Napaatras ako dahilan para maapakan ko ang mga sapatos ni Psalmuel. I heard him cursed under his breath.

Nayakap tuloy ako ni Psalmuel mula sa likod dahil sa ginawa ko.

Lumapit si kuya sa amin with that blank expression on his face. Hindi ko tuloy alam kung galit siya o hindi. Lumagpas ang tingin niya kay Psalmuel.

"I have nothing against your public display of affection. Kung maghuhubaran kayo please do it inside your room."

Lumayo ako kay Psalmuel.

"K-Kuya, hindi! Ano… mali 'yong pagkakaintindi mo –" hiyang-hiya ako promise. Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nilayasan na kami ni Kuya Makisig.

"Nakakahiya." I groaned.

"Ba't ka nahihiya?" napatingin ako kay Psalm. "Wala naman tayong ginagawang masama."

"Pero iba 'yong iniisip niya –"

"Let him, ano namang masama kung isipin niyang hinuhubaran kita? We're already married. I can undress you anywhere."

Muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa sinabi niya. Wow, naman. Sana mapanindigan mo ‘yan, hijo.



SIMPLE lang ang nakahandang pagkain sa mahabang wooden table na inilabas sa garden. Magkatabi kaming nakaupo ni Psalmuel sa wooden bench. Katapat ko si kuya samantalang katapat naman ni Psalmuel si Papa.

All of my favorite foods are on the table. From lumpia shanghai, pansit, afritada to my favorite desserts. Mahilig ako sa cheese at mangga kaya present din syempre ang mga ‘yon sa lamesa. May maliit ding birthday cake na dala sila kuya para sa akin.

Enjoy na enjoy ako sa lahat ng nakahanda sa mesa. Hindi ko inasahan na pupuntahan ako nila papa at kuya sa birthday ko. Masaya sana kung nandito rin si mama. Bigla naman akong nalungkot. Hindi ko tuloy magawang inguya agad ang kinakaing puto.

"Psalmuel, hijo." Basag ni Papa. "Kailan kaya kami magkakaroon ng apo?"

Inihit ako ng ubo nang bumara ang kinakain ko sa lalamunan ko dahil sa tanong ni papa. "Halea!" nag-aalalang tawag sa’kin nila papa at kuya. Mabilis na inabot sa’kin ni Psalm ang baso ng tubig habang hinahagod ang likod ko.

"Hinay-hinay naman sa pagkain Halea."

Nakadama ako ng ginhawa nang makainom ako ng tubig. Humugot ako nang malalim na hininga at kinalma ang sarili. Napahawak ako sa dibdib ko. "S-Sorry, nabigla lang ako."

"Talaga naman," komento ni Psalm. "Hindi ka naman mauubusan ng pagkain."

"Papa naman kasi," nanghaba ang nguso ko. "Huwag mo kasi akong tanongin nang ganyan."

"O, ano namang mali sa tanong ko? Normal lang naman na magkaanak kayo ni Psalm. Mag-asawa kayo. Syempre, hindi naman na ako bumabata. Mas mabuting habang maaga pa at malakas pa ako ay maalagaan ko ang mga apo ko sa inyo."

"Arte nito," diretsa akong tinignan ni kuya sa mga mata. "Gusto mo rin naman."

Napamaang ako. Gosh! Nilalaglag ako ng traydor kong kuya. Bahagya ko siyang pinandilitan ng mga mata. Kating-kati na akong ibato sa kanya ang puto.

Natawa lang si papa. Kuya Mak just shrugged his shoulders. Si Psalm naman nakangiti lang sa tabi ko. 'Di ko alam kung sinasakyan din ang pang-aasar nila sa akin o sadyang gumagalang lang sa papa ko.

"How about you Makisig." Basag ni Psalm sabay tingin kay kuya. "Wala ka pa bang balak na mag-asawa na rin?"

"I'll think about it." Tipid na sagot nito.

Naibaling ko ang atensyon kay kuya. Inaamin kong nalulungkot rin ako para sa kuya ko. Nang dahil rin sa sumpa kaya iniwan siya ng babaeng lubos niyang minahal. Kahit hindi niya sabihin sa’kin, alam kong, isa rin ako sa dahilan kung bakit mas pinili niya ang mapag-isa. Na isa ako sa mga rason kung bakit pati sarili niyang kaligayahan naisakripisyo niya.

Napabuntong-hininga ako.

"Nakakalungkot," I muttered out of the blue.

"Ang ano?"

"'Yong madaming nagsasakripisyo para sa –" naingat ko naman ang tingin sa kanila nang mapagtanto kong sabay-sabay nga pala nila akong tinanong at shuks kailangan kong lutusan 'tong ginawa kong sentence. "Ating bayan nang sakupin tayo ng mga Espanyol nang mahigit 333 years." Ngumisi ako sabay abot ng isa pang puto. "At doon nabuo ang La Liga Filipina, KKK, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, La Solidaridad at si Padre Damaso."

Kinain ko na lang nang buo ang puto para tumahimik na ako.

"Nakalimutan mo ang Doctrina Cristiana at sila GomBurZa." Natatawang dagdag ni Kuya Makisig. Lalo lang tuloy akong nahiya. Kaya ayokong nag-iisip. Nababaliw ako. "Lutang ka na naman, Halea. Bawasan ang pag-iisip ng mahalay."

"Hindi ako mahalay mag-isip."

"Hindi ba?" my brother teased. Giving me his usual mischievous smile.

"Ewan ko sa’yo!" Kumuha ako ng puto at patayong dumukwang para maipasak sa bibig niya ang puto. "Tumahimik ka na. Nang-a-ano ka na e.”

Sa huli ay napuno lang ng tawanan ang buong paligid. Bwesit ka talaga kuya! Traydor ka talaga kahit kailan. Naku! Kung 'di lang kita mahal ibinalik na kita sa panahon nila Dr. Jose Rizal para may maipambala si Heneral Luna sa canyon.



PAGLABAS ko ng banyo ay naabutan kong nagbabasa ng Bible si Psalm sa itaas ng kama. Talagang natigilan ako at napako sa kinatatayuan ko. Hindi naman ako na inform na napaka-relihiyoso pala ng asawa ko. I bit my lower lip while suppressing a smile.

"Psalm 23:4," he flip and skim through the pages. Nanlaki ang mga mata ko. Talaga bang hindi mo ako tatantanan Psalmuel?! Grabe ka sa’kin, ha? Patalon na sumampa ako sa kama at inagaw sa kanya ang Bible. "Halea?!" asik niya sa’kin.

"Bakit mo hinahanap ang bible verse na 'yon?"

"Why can't I?"

"Hindi pwede!"

"Yes, I can." Kinuha niya mula sa’kin ang bible. "I can do whatever I want –" pero nagawa ko pa ring maagaw sa kanya ang bible.

"No you can't."

Akmang kukunin niya mula sa’kin ang bible pero niyakap ko 'yon nang mahigpit.

"Fine," hinuli niya ang tingin ko. "Then tell me why Psalm 23:4?"

"Wala lang,"

"Kasi crush mo ako?"

Napamaang ako. "Oy 'di ah.” Mabilis na sagot ko. “Matagal ko nang favorite ang verse na 'yon bago pa lang kita nakilala."

"'So 'di mo ako crush?"

"Crush – este, 'di naman na 'yon importante."

He crossed his arms over his chest. "When did you have it?"

"'Yong tattoo ko?" He nodded. "Noong eighteen years old ako. Kaming dalawa ni kuya. Napagalitan nga kami nila papa nang malaman 'yong ginawa namin." Natawa ako bigla nang maalala ang nakaraan. "Naalala ko kung gaano kagalit si Papa sa amin nang isumbong kami ni Aling Berta, ‘yong kapitbahay nung nag-tattoo sa amin na si Mang Noel. Inis kasi ‘yon sa mga batang nagpapa-tattoo kasi raw sinisira raw namin ang katawan na bigay ng Dios sa atin. Muntik na kaming i-disowned." Natigilan ako. Nawala rin ang ngiti ko. "Sorry 'di pala tayo close para mag-share ako."

"Mabait ako ngayon dahil birthday mo."

"Hindi ba pwedeng i-extend 'yon?"

"Ang birthday mo?"

"Ang kabaitan mo. Kahit maging friends lang muna tayo."

He shrugged. "It depends."

Ang moody talaga nito. Choosy, mo, ha?

"So tell me," naibaling ko ulit ang atensyon sa kanya. "Honestly, why Psalm 23:4? Sa dami ng bible verse sa mundo."

"Hindi mo talaga ako titigilan ano?" He shrugged again. Sapakin na kaya kita? "Fine! Psalm 23:4 'cause it's – " binigay ko sa kanya ang bible. "Sige hanapin mo na nga lang. Medyo mahaba e."

Sa pagkagulat ko ay malakas na natawa si Psalm sa’kin. Teka, wait lang. Tumatawa si Psalm? Bakit? Paano? Natulala na lang ako. Hindi ako makapaniwala. Nanuno yata ako. Teka wait lang, may punso ba sa ilalim ng kama? Thumbelina? Seven dwarfs are you there?

"I thought you memorized it?" bakas pa rin ang pagkaaliw sa mukha ni Psalm.

"Kaya nga Psalm 23:4 lang pinalagay ko. Kung sauludo ko 'di sana buong verse pinalagay ko, diba?"

Joke lang syempre. Sauludo ko naman. Masyado lang mahaba at baka maubusan ako ng dugo kung buong verse ang pinalagay ko. Dios ko! Psalm 23:4 na nga lang halos balde-balde ang iyak ko sa sakit. 'Yong si Kuya Makisig, tinawanan lang ako. Traydor talaga!

Tumikhim muna si Psalm bago ulit pinaseryoso ang mukha. Binuklat niya ang Bible pero sinara lang ulit niya 'yon. "Even though I walk through the valley of the shadow of death." He suddenly uttered the exact verse without looking at me. Natulala ako. He knows! "I will fear no evil," ibinaling niya ang tingin sa’kin. "For you are with me."

Ilang segundong nagtama ang mga mata namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Para akong naiiyak na ewan. Para kasing may pinanggagalingan ang emosyon na ibinigay ni Psalm nang sabihin niya ang buong verse.

"I know that bible verse. It's my mother's favorite verse. She would always share that to me every time I visit her in the hospital. She would always hold on to that verse like a prayer until her last breathe."

Biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha ni Psalm. Tila may gusto siyang itanong sa’kin na dapat sagutin ko ng may katotohanan.

"Halea," sumeryoso ang mukha niya. "Are you dying?"

"Paano kung sabihin kung oo? Anong gagawin mo?" sakay ko sa kanya sa seryosong boses. We were both silent for a moment. Nang biglang ihilamos ni Psalm ang isang kamay sa mukha ko. "Psalm!"

"Puro ka biro," bahagya niya akong itinulak sa tabi. Ay brutal. Umayos na siya ng higa at tinalikuran pa ako. Hindi talaga naniniwala sa akin e. Sabagay ‘di naman ako mukhang mamamatay na. "Matulog ka na Halea."

"'Di mo man lang ba itatanong sa’kin kung anong wish ko bago matapos ang birthday ko?"

"Ano 'yon?" tanong niya sa’kin nang hindi ako hinaharap.

"World peace,” I smiled. Alam ko na importante na mabuhay ako pero sa ngayon, hiling ko, magkaayos tayo at matutunan mo akong mahalin kahit nang slight lang naman.

“Too cliché,”

Natawa ako. “World peace para sa ating dalawa.” Dagdag ko pa. “Sana ‘di na tayo mag-away. Kung inis ka sa’kin, sabihin mo lang sa’kin, promise, ako na ang mag-a-adjust. Magtatago ako sa banyo hanggang sa humupa na ang inis mo sa kagandahan ko.”

“Lol,”

Natatawang bumaba ako sa kama at pinatay ang ilaw at lampshade sa silid. Bumalik ako sa kama at patalikod kay Psalm na nahiga.

“Goodnight Psalm,”

Nagulat ako nang maramdaman ang mainit na yakap ni Psalm sa akin mula sa likod. Lalabas na yata ang puso ko sa dibdib ko sa malakas na pagtibok ng puso ko. Psalm buried his face on my neck. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya na sobrang nagbigay sa akin na kakaibang pakiramdam.

"P-Psalm?" halos pabulong kong sambit sa pangalan niya.

"Let's not rush things, Halea."

E anong tawag dito? Slow things? Dios ko, ha?

"Psalm?”

"Goodnight Halea."

Kaysa magreklamo Halea mas mabuting hayaan mo na lang. Mabuti na rin 'yong ganito kayo kaysa lagi kayong nag-aaway. At least ngayon, hindi na masyadong bato si Psalm sa’yo. Sige na nga! Iisipin ko na lang na birthday gift sa’kin ni Psalm ang pagiging mabait niya sa akin ngayon.

Goodnight din Psalm.



NASA huling baitang na ako ng hagdan nang matigilan ako at maalala ang nangyari kagabi. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko. Kinikilig pa rin ako sa pa slow things ni Psalm kagabi. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.

Hoy Halea! Bawal kiligin. Nakamamatay 'yan ng puso.

Arf! Arf! Arf!

“Nak ng aso!” gulat na sigaw ko. "Ano ba Nemo –" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ang isang bouquet of sunflowers na ibinaba ni Nemo sa sahig. Napangiti ako. "Saan galing 'yan?"

Akmang kukunin ko sana ang mga bulaklak nang ilabas ni Nemo ang mga pangil niya. "Ay ano ba, magbibigay ka na nga lang ng bulaklak nanakot ka pa." Patingkayad na naupo ako sa harap ni Nemo. Syempre umakyat muna ako ng ilang baitang pataas at baka sakmalin ako ng asong 'to. "Ibibigay mo ba sa’kin 'yan o hindi?"

Tumahol ulit si Nemo bago ako nilayasan. Iniwan niya ang mga bulaklak. Natawa lang ako. Ang asong 'yon. 'Di mo alam kung galit sa’kin o hindi. Tumayo ako at yinuko ang mga bulaklak bago tumayo ulit.

Lalo lang akong napangiti nang makita ang mga sunflowers nang malapitan. Napansin ko ang isang card sa loob kaya kinuha ko 'yon at binasa.

Sorry it came too late. My message is Psalm 139:14, check it later. Mahaba masyado. Happy Birthday Halea. –Psalmuel

Mabilis pa sa alas quarto na umakyat ako sa taas at hinanap ang bible ni Psalm. Hinanap ko agad sa Book of Psalms ang verse na ibinigay niya.

You are fearfully and wonderfully made. -Psalm 139:14

Lalo akong napangiti.

Hindi ko alam kung bakit naiyak ako pero grabe. "Ay ang oa, Halea, ha?" mabilis na pinunasan ko ang mga luhang umalpas sa mga mata ko. Ganito pa lang ang feeling kapag binigyan ka ng regalo ng mahal mo. ‘Yong feeling na parang hinaplos ng Holy Spirit ang puso mo. Chos!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE