Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Alyana

BINILISAN ko ang paglalakad. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may sumusunod sa’kin. Medyo madilim na ang dinadaanan ko. Iilan lang din ang mga lamp post at matatayog na na mga damo at puno ang makikita sa paligid.

Kinabahan ako.

Ginabi na ako nang uwi dahil sinamahan ko pa si Aling Meding sa ospital sa bayan. Matanda na siya at wala ng ibang kamag-anak. Naawa lang ako sa kalagayan ng matanda dahil ilang linggo na siyang inuubo at hindi makakain nang maayos.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid. May naririnig akong mga mahihinang yabag ng mga paa at kaluskos. Ayaw kong takutin ang sarili ko pero hindi ko naman pwedeng isa walang bahala ang mga napapansin ko.

Nanginginig ang mga kamay na pasimple kong kinuha ang cell phone sa maliit na sling bag ko. Habang nagti-text sa nanay ko ay umaasal ako ng dasal. Dios ko! Gabayan N'yo sana ako.

Napasinghap ako nang biglang may humawak sa isang balikat ko. Napatingin ako sa kamay na humawak sa akin bago ko naiangat ang tingin. Tila huminto sa pagtibok ang puso ko nang makita ang mukha ng may edad ng lalaki.

Hindi ko siya kilala. Mukhang hindi siya taga San Antonio. Nakakatakot ang mukha niya. Mukhang high pa sa druga base sa kakaibang ngiti niya sa’kin. Kinalibutan ako nang basain niya ang labi gamit ng dila niya. Manyakis na manyakis ang tingin ko sa kanya.

"Ganda mo naman miss." Pati tono boses niya ay nakakatakot. Pinilit kong pakalmahin ang sarili. "At mag-isa ka pa."

"Pauwi na ho ako kuya. Mauna na po ako."

Pasimple kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. Mabilis na tinalikuran ko siya at tumakbo. Narinig ko pang tumawa nang malakas ang lalaki sa likod ko. Mas lalo kong binilisan ang takbo. Naiiyak ako sa takot. Dios ko! Huwag N'yo po sana akong pabayaan.

"Hindi ka makakatakas sa’kin!"

"Tulong!" sigaw ko. "Tulungan n'yo ko! Dios ko! Tulong!"

"Gustong-gusto ko talaga ang mga babaeng palaban. Mas lalo akong ginaganahan sa’yo!"

"Oh –" napangiwi ako sa sakit nang madapa ako sa daan.

Naiyak ako nang makitang dumudugo ang kaliwa kong tuhod. Pinilit kong tumayo nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod at pilit akong hinila sa isang tabi.

"Libog na libog na ako sa’yo. Huwag ka nang magpakipot pa kung ayaw mong tuluyan kita."

"Kuya huwag po!" iyak ko habang nanlalaban. Pilit akong kumakawala sa hawak at yakap niya. "Tulong! Please, tulungan n'yo ako!"

Psalm please tulungan mo ako. Iyak na ako nang iyak. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni Psalm sa isip ko.

"Walang makakarinig sa’yo rito miss. Tayo lang nandit –”

Bigla-bigla ay may napansin akong maliwanag na ilaw na papalapit sa amin. Bumilis ang takbo ng liwanag at sa isang iglap ay nasa harapan na namin 'yon. Inihit ako ng ubo at hindi ko maimulat nang maayos ang mga mata dahil sa liwanag at alikabok.

Tila doon lang nag-adjust ang mga mata ko sa liwanag dahil napansin ko na ang kulay asul na lumang pickup truck na humarang sa daan. Lumabas doon ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Lumuwag ang pagkakahawak ng matanda sa akin.

"Bitiwan mo siya." Kalmadong utos ng isang pamilyar na boses ng lalaki.  

"Tang ina naman!" mura pa niya.

Unti-unting naging malinaw sa’kin ang mukha ng lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Makisig 'yon!

"Bitiwan mo ang babaeng 'yan kung ayaw mong masaktan."

"Bwesit!" tulungan na nga akong pinakawalan ng lalaki. "Maswerte ka ngayon babae." Bigla siyang kumaripas nang takbo. Sa ginawa niyang 'yon ay biglang nawala lahat ng lakas ko at napasalampak ako ng upo sa lupa.

Natulala ako.

"Alyana,"

Ligtas ako. Walang nangyaring masama sa akin. Dios ko! Ligtas ako. Naiyak ako.

"Come, I'll take you out of here." Naramdaman ko ang paghawak ni Makisig sa magkabila kong balikat mula sa likod para maitayo ako."Damn, bakit ka ba naglalakad mag-isa sa mga ganitong oras? Nag-iisip ka ba, ha?" iritado pa niyang sermon sa akin. "Paano kung hindi ako napadaan dito?!"

Bigla akong naiinis. Ako na nga 'tong muntik nang mapahamak. Mag gana pa siyang pagalitan ako. Marahas na inalis ko ang mga kamay niya.

"Kung laking abala naman pala sa’yo na tulungan ako. Hindi ka na sana nag-abalang magpakabayani. Hinayaan mo na sana akong mamatay!" Pero sa huli ay hindi ko pa rin napigilan ang mga luhang kuwala sa mga mata ko. Nakakainis!

"Fine, I'm sorry." Hinging paumanhin niya sa’kin. Lumamlam ang kaninang iritadong ekspresyon na mukha ni Makisig. "Iuuwi na lang kita sa inyo." Akmang lalapitan niya ulit ako nang pigilan ko siya.

"Hindi mo ako pwedeng ihatid sa amin."

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Galit sila nanay at tatay sa inyo." Naalala ko naman ang sakit na ginawa nila Psalm at Halea sa akin. Naikuyom ko ang mga kamay. Naingat ko ang tingin kay Makisig. "Galit din ako sa inyo."

Tatlong buwan na ang lumipas pero tila kahapon lang nangyari ang lahat nang 'yon. Ang pagsisinungaling ni Psalm sa’kin. Ang pagtraydor sa’kin ni Halea at ang pamilya niya. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng ginawa nila sa tuwing naalala ko 'yon. Mas masakit pa rin 'yon kaysa sa nararamdaman kong hapdi sa sugat sa tuhod ko.

Araw-araw akong umiiyak. Araw-araw kong tinatanong sa Dios kung bakit hinayaan Niyang mangyari 'yon? May nagawa ba akong mali? May pagkukulang ba ako bilang kaibigan at girlfriend?

O talagang tanga ka lang talaga Alyana?

"Bukas ka na magalit sa’kin." Naingat ko ang mukha kay Makisig nang bigla niya akong hawakan sa siko at hinila palapit sa pickup. Napasinghap ako hindi dahil sa gulat dahil sa hapdi ng sugat ko sa tuhod. "Hindi ako basta-basta tumutulong sa ibang tao." Dagdag pa niya nang hindi ako nililingon. "At bawat pagtulong ko ay may kapalit."

Sisigawan ko sana siya dahil sa walang habas niyang panghihila sa’kin pero bigla niya akong binitiwan.

"So you have to pay." Binuksan niya ang pinto ng front seat para sa’kin.

"H-huh?" sila na nga may kasalanan sa akin. Ako pa may utang?! Wow, ha? "Huwag na lang no.”

"I saved you. As a payment, I'll bring you home so that by tomorrow we can both pretend that this never happened." Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang dapat iri-react ko sa kanya. Bumuga siya ng hangin. "I don't need your yes." Lumipat siya ng tayo sa likod ko at pinilit akong pinapasok sa sasakyan niya. "Get in."

Napangiwi ulit ako. Akmang isasarado na niya ang pinto nang pigilan ko siya. "Teka lang, ha?! Hila ka nang hila sa’kin na para bang isang sakong bigas ang hawak mo." I glared at him. "Nakakainis ka! Ang sakit-sakit na nga 'tong sugat ko dinadagdagan mo pa." Naiiyak ako. Kainis! "Ihatid mo na ako." Marahas na isinarado ko ang pinto ng sasakyan. "Huwag ka lang magpapakita kina nanay."

"Fine, may sako naman ako riyan. Isusuot ko na lang 'yan sa mukha mamaya."

Marahas na napatingin ako kay Makisig. "Nababaliw ka ba?"

Nandoon pa rin ang kalmadong ekspres’yon ng mukha niya na para bang wala lang sa kanya kahit pagsuotin ko pa siya ng sako o paghubarin sa harap ng mga magulang ko.

"I'm sane enough to suggest that option, young lady."

Natutop ko na lamang ang noo.

"Ewan ko sa’yo!"


Halea

BISPIRAS ng pista ng Our Lady of Consolacion.

Niyaya ko si Psalm na sumama sa prosisyon kaso busy raw siya. May tatapusing trabaho. Napasimangot ako. Minsan talaga hindi ko ma gets ang ugali niya. Minsan mabait siya. Madalas poker face. 'Yon siguro ang definition niya ng slow things - being super complicated. I sighed as I stare at myself in the full length mirror.

Simple lang ang suot ko.

Black sleeveless shirt underneath my white long sleeved cardigan. Matched with black skinny jeans and doll shoes. Itiniklop ko ang manggas ng cardigan hanggang siko. Muli akong napabuntong-hininga.

Hindi naman ako pwedeng mag-demand. Pinipilit ko na nga ang sarili ko sa kanya pati ba naman ang buhay niya aalisin ko pa para lang mapagbigyan ang gusto ko.  Nanlumo ako bigla. Naalala ko naman 'yong nakita ko sa cell phone ni Psalm noong isang araw. Si Alyana pa rin ang nasa wallpaper niya.

Oo, nagseselos ako. Oo, nasaktan ako sa nakita ko. Nang makita ko 'yon parang tinusok ng maraming perdible ang puso ko. Kahit na hindi na gaano kaming nag-aaway ni Psalm ay hindi ko naman maiaalis kaagad sa buhay niya si Alyana. Syempre, mahal na mahal niya 'yon.

Pagdating namin ni Manang Belma sa simbahan madami ng mga tao sa labas. Pati ang mga karo ng mga Santo ay nakahanda na rin. Madaming mga bata na nagtatakbohan papunta sa mga nagtitinda ng mga laruan, lobo at cotton candy. Sa 'di kalayuan naman makikita ang isang perya.

Napangiti ako nang makita ang Ferris Wheel. Isa 'yon sa mga paborito kong sakyan kapag may perya sa San Antonio.

Yumakap ako sa braso ni Manang Belma. "Manang, sakay tayo doon." Turo ko sa ferris wheel.

"Dios kong bata ka!" natutop ng matanda ang noo. "Papatayin mo pa yata ako nang maaga."

"'To naman si manang. Hindi naman 'yan nakakamatay e."

"Mahihilo ako riyan. Itong batang 'to. Halika na, pumasok na tayo sa simbahan at magsisimula na ang misa."

"Sige na nga, mag-isa na lang akong sasakay. Sanay naman na akong mag-isa. Masaya 'yon. Nakakatuwa. Ang sarap sa pakiramdam."

"Asus, humugot ka pa." Natawa lang ako. "Mamaya papasamahan kita kay Noreena. Mag-perya kayo buong gabi."

"Buong gabi talaga manang? 'Di kaya isako ako ni Psalmuel?"

"Hayaan mo ang batang 'yon. Dapat nga ay siya ang kasama mo.” Naglakad na kami papasok sa simbahan. "Ewan ko ba doon at kahit bisperas ng pista ay nagta-trabaho."


KASABAY na naming lumabas ng simbahan sila Noreena at Rona pagkatapos ng misa.

Talagang nagulat ako nang makita si Psalm na nakangiting kausap ang isang matandang lalaki na may katabing babae na ka edad ko lang din yata. Napasimangot ako. Kakatapos ko pa nga lang magsimba puno na naman ng inis ang puso ko. Akala ko ba busy ka? Ba't nandito ka? Ang lagkit-lagkit pa ng tingin nung babae sa asawa ko.

Kakasimba ko pa nga lang. Nagkakasala na naman ako.

“Bibili lang ho ako ng kandila,” paalam na baling ko kay Manang.

"Hindi mo ba lalapitan ang asawa mo?"

"Manang, kung mahal ka babalikan ka."

"Hindi ka naman hiniwalayan ng asawa mo."

"'Di kung mahal ka lalapitan ka."

"Kayong dalawa, ewan ko na talaga sa inyo. Minsan okay kayo. Minsan naman hindi. Mas magulo pa kayo sa pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas."

"Kaya nga sila umabot nang 333 years manang kasi ang gulo nila." Pinaikot lang ni Manang Belma ang mga mata. Natawa lang ako. "Oh, diba? Na stress ka rin. Dito lang po kayo, babalik agad ako." Ngumiti at tumango lang ang matanda sa akin.

Lumapit ako sa mga batang nagtitinda ng mga kandila.

"Ate Ganda! Ate Ganda!" Isa-isa namang nagsilapitan ang mga batang nagtitinda sa’kin. “Sa akin ka na po bumili.”

“Teka lang, isa-isa lang.”

"Sa akin ka na Ate Ganda."

“Ligawan mo muna ako.” Biro ko pang sagot na siyang kinatawa nila. Namula naman ang pisngi ng batang lalaking nagsabi sa akin nun. Ngumiti ako sa kanila. "Hindi ko naman pwedeng pakyawin ang lahat ng kandila. Ganito na lang, kukuha ako ng tig-iisang kandila sa bawat isa sa inyo. Okay ba?" sabay na tumango ang lahat. Pero naisip ko, aanhin ko ang pitong kandila? Hindi naman siguro aabot ng seven hours ang prosisyon?

Hindi na yata ako makakalakad nun bukas. Dios ko!

Pero, sige na nga. "Oh hayan, bigyan n'yo ko isa-isa."

Isa-isa nila akong binigyan ng tinda nilang kandila. Pagkabayad ko sa kanila ay sabay-sabay pa nila akong niyakap. Lalo lang lumapad ang ngiti ko sa kanila. Ang cute ng mga bata. Sweet!Biyayaan n'yo nga ng ganyan ka-sweet-an ang asawa ko. Ang bitter kasi nun minsan.

Pabalik na ako sa kung saan ko iniwan si Manang Belma nang umagapay si Psalm sa akin. Nagkunwari akong hindi siya napansin. Bahala nga siya sa buhay niya.

"Aanhin mo naman ang maraming kandila?"

"Akala ko ba busy ka?" mataray kong balik tanong sa kanya.

"You're mad."

"Hindi ako putik."

Nahuli kong nakagat niya ang ibabang labi habang nagpipigil ng tawa. Excuse me, hindi kaya ako nag-jo-joke. Akmang lalagpasan ko na sana siya nang mahawakan niya ang siko ko. Naibaling ko ang tingin kay Psalm.

"Naipagpaalam na kita kay Manang Belma. Sasabay na lang daw siya kay Noreen at Rona para mabantayan niya ang mga pamangkin niya."

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ni Psalm. Nanlumo ako. Hindi pa rin niya suot ang sing-sing niya. Matagal ko nang napapansin 'yon. Nakakainis lang. Pero ano bang magagawa ko? Gayahin ko na lang kaya si Rizal? Gumawa rin kaya ako ng nobela para maipaglaban ang karapatan ko bilang asawa niya?

Sige sa susunod na buhay. Ang saklap, pati ba sa next life. One sided pa rin ako?!

Nagsimula na ang prosisyon.

Sumabay kami sa karo ng Our Lady of Consolacion. Tahimik lang kami habang naglalakad. At sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko tuloy namalayan na napabilis ang lakad ko at sa paglingon ko ay wala nang Psalmuel sa tabi ko. Napahinto ako dahilan para masagi ako ng ibang tao.

Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Na saan na 'yon? 'Di pa naman ako marunong umuwi. I can't help but worry. Napasinghap naman ako bigla nang may humawak sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko. A familiar hand laced his fingers on mine. Pag-angat ko nang tingin ay bumati sa’kin ang mukha ni Psalm.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot at kaba kung hindi dahil sa saya na idunulot ng paghawak niya sa kamay ko.

"I'll hold your hand." Basag niya. Saktong nagtama ang mga mata namin. "At baka mawala ka na naman." I saw him smile bago ulit itinuon sa harap ang tingin. Nagsimula ulit kaming maglakad. "Para kang bata... nawawala."

Sa huli ay napangiti na lang ako.

Ganito pala ang pakiramdam na maka-holding hands ang mahal mo? 'Yong 'di mo alam eksakto ang nararamdaman mo... masaya na... parang ayaw mo nang bitiwan ka niya. 'Yong kahit simpleng hawak lang okay ka na. Sapat na.

Pagkatapos ng prosisyon ay iniwan ko muna saglit si Psalm para lapitan sila Manang Belma. Kasama ni Manang sila Noreena at Rona. Kasalukuyang may kausap si Manang na ginang na sa tingin ko ay isa sa may kayang pamilya sa Consolacion dahil sa suot niya. May kasama siyang lalaki na halos kasing tangkad lang ni Psalm. Hindi maalis nila Noreena at Rona ang tingin doon sa lalaki. Mukhang crush yata ng dalawa.

"Salamat Belma," nakangiting sabi ng ginang kay manang.

"Wala hong ano man Mayora." Nakangiti ring balik ni manang doon sa ginang.

Mayora pala siya. "Manang," singit ko. "Alis muna kami ni Psalm. Sasamahan niya ako sa perya."

Tumango si Manang Belma. "Sige, mauuna na lang kami."

"Tiyang, sama kami!" Sabay na hinawakan ng dalawa ang braso ni manang. "Hindi naman kami magpapagabi."

"Gabi na, paanong hindi kayo magpapagabi."

"Tiyang naman e!"

"Hay naku! Hindi pwede. Walang magbabantay sa inyo –"

"Sasabay naman kami ng uwi kina Ate Halea, Tiyang e." Pagpipilit pa ni Rona. They both glance at me and give me the best puppy face they could master. "Diba, Ate Halea?"

Natawa lang ako. 'Tong mga batang 'to. "Hayaan n'yo na manang. Isasabay na namin sila ni Psalm sa pag-uwi. Huwag na kayong mag-alala. Huwag na masyadong ma-stress sa buhay."

"Yehey!" naghawak kamay sila Noreena at Rona sa saya. Patalon-talon pa ang dalawa. "Salamat Ate Halea. The best ka talaga!"

"Manang Belma," basag bigla ng ginang na tinawag ni Manang Belma na mayora.

Napatingin ako sa ginang at sa kasama niyang lalaki. Mukhang anak ng mayora ang lalaki dahil sa laki ng pagkakahawig ng huli sa ginang. Mistisong-mistiso ang lalaki. Kaya pala kilig na kilig ang dalawa dahil gwapo nga siya. Matangos ang ilong, medyo chinito at maganda ang tindig at pangangatawan.

Gwapo nga siya.

Pero mas gwapo ang Psalm ko.

Ngiting-ngiti sa’kin ang ginang. "Maari ko bang makilala 'tong magandang dalagang kausap mo, Belma?"

"Noreena po!"

"Rona po!"

Sabay pang sagot ng dalawa. Pa simpleng natawa ang lalaki sa tabi ng ginang.

"Naku, pagpasensiyahan n'yo na 'tong mga pamangkin ko Mayora." Pasimpleng pinandilatan ni Manang ang dalawa bago ulit ibinalik ang tingin kay Mayora. "May pag-assumera lang talaga ang dalawang 'to. Si Halea nga po pala." Pagpapakilala niya sa’kin. "Asa –" hindi natapos ni manang ang sasabihin dahil nagsalita ulit ang ginang.

"Taga saan ka, hija?"

"Taga San Antonio po."

Binalingan ng ginang ang lalaki sa tabi niya. "Kung nakilala natin siya nang mas maaga pwede sana siyang sumali sa Binibining Consolacion, diba Kurt?"

Tumango ang lalaki pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa akin. "I'm Kurt Uy." Lumapit siya sa’kin at nakipagkamay. "Nice meeting you Halea."

"Nice meeting you too."

"Maganda ka, hija. Matangkad at mukhang matalino." Naku! Mukha lang po akong matalino."Sayang lamang at hindi agad kami nasabihan ni Belma na may kamag-anak pa lang siyang pwedeng isali sa Binibining Consolacion."

"Naku Mayora, amo ko ho si Ma'am Halea." Tila nagulat ang dalawa sa sinabi ni Manang. "Sa katunayan ay –"

"She's my wife." Bahagya akong nagulat nang biglang may umakbay sa akin. Si Psalm. Pagtingin ko sa isang balikat ko ay napansin ko ang kaparehong sing-sing na suot ko sa kamay niya. "Good Evening, Tita Debbie, Kurt."

"Psalmuel," ngiting bati ng ginang. "Hindi ko alam na nauwi ka na pala sa bayan natin. Masyado kasi akong naging abala sa paghahanda ng kapistahan ng Birhen."

"It's okay, Tita Debbie. Nasa bahay lang naman kasi kami ng asawa ko."

"Hindi ko naman alam na nag-asawa ka na pala." Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng ginang. "Hindi mo man lang kami inimbitahan." May pagtatampo sa boses niya.

"Simpleng kasal lang naman ho 'yon tita."

"Congratulations Psalm."

"Thanks Kurt."

"Anyway, mauuna na kami at marami pa kaming aasikasuhin para bukas. Sana ay makapunta kayo sa mansion, hijo."

"We'll try tita, may handaan din kasi bukas sa hacienda."

"Well, if you changed your mind. Let us know."

"Sige po."



MAUUBOS ko na yata ang dalawang supot ng cotton candy pero hindi pa rin ako iniimik ni Psalm. Ano na naman bang ginawa ko? Bakit bad mood na naman 'yang si Psalm sa’kin, Cotton Candy? 'Yan tuloy, tapyas na 'yang katawan mo sa bibig ko. Sarap mo kasi. Buti ka pa matamis. 'Tong asawa ko, ang pait-pait.

"Alam mo Psalm kung labas naman sa ilong ang pagsama mo sa’kin." Basag ko. "Pwede mo naman akong iwan dito. Sasabay na lang ako kina Noreena at Rona mamaya. Doon ka na lang sa laptop mo. Mag-date kayo."

Kunot-noong ibinaba ni Psalm ang tingin sa’kin. "He likes you."

This time, ako naman ang napakunot-noo. "Sino?"

"Ang lagkit ng tingin niya sa’yo kanina. If I didn't tell him you're my wife I bet he would make his moves."

"Sino? Si Kurt?"

"Manhid ka ba?"

"Mas manhid ka sa’kin huwag mo akong baliktarin."

"I'm not jealous."

"Wala akong sinasabing nagseselos ka."

"Sinasabi ko na sa’yo, in case the word pops up in your mind."

"Ba't defensive ka masyado?"

"I was just... saying."

"Ewan ko sa’yo." Hinila ko na siya sa direksyon ng ferris wheel. “Sumakay na lang tayo nun oh.” Turo ko sa ferris wheel.

"Hindi ako sumasakay diyan."

"Kill joy mo naman!" Hinarap ko si Psalm. "Alam mo, kung habang buhay mong katatakutan ang pagsakay ng ferris wheel. You will missed half of your life. Always live life as if today is your last day on earth."

"I'm still not gonna ride that thing –" Akmang tatalikuran na niya ako nang buong lakas kong yakapin ang isang braso niya. "Halea!" sita niya sa’kin.

"No!" parang batang pigil ko sa kanya. "Sasakay tayo riyan. Sasamahan mo ako." Hinila ko na siya sa ticket booth dahil maikli na lang ang pila. "Ate, dalawa po," sabi ko nang makalapit na kami.

"Halea huwag makulit."

"Huwag kang mag-alala, may rosaryo akong dala. Ligtas tayo." I chuckled. Kinuha ko agad ang dalawang ticket at hinila ko na naman ulit si Psalm sa entrance ng ferris wheel. Huminto ang isang cab at pinagbuksan kami ng gate ni kuyang taga bantay pagkabigay ko sa ticket. Pero si Psalm, nagpapabigat. "Psalmuel!"

"Hindi tayo kasya riyan. Ikaw na lang."

"Sir, kasya po kayo diyan." Psalm glared at the poor guy. Napaatras bigla si kuya sa takot. Parang mababato siya ni Psalm sa kung saan.

'Yong ferris wheel kasi sa peryahan 'di siya 'yong bonggang typical na nakikita natin sa Enchanted Kingdom o sa Disney Land. May ten cabs lang ang ferris wheel na sasakyan namin. Napaka-colorful pa ng disenyo ng mga cabs. Okay naman e, mukha nga lang 'di safe dahil maalog talaga. Open kasi, para siyang two seater chair. Lakas maka Santa's sleigh kumbaga.

Pero so far, safe naman ang mga ganyan. 'Di pa naman ako nadidisgrasya. Sa awa ng Dios!Dahil 'di ko pa naman yata oras kaya malakas ang loob ko.

"Psalmuel, sumakay ka na."

"Safe ba 'to?" seryosong tanong ni Psalm sa taga bantay.

"S-Safe po 'yan sir?"

"Parang 'di ka naman yata sigurado."

"Psalm ano ka ba. Tinatakot mo naman si kuya." Lumipat ako sa likod niya at tinulak na siya palapit sa cab. "This is fun."

"I don't think so."

"Masaya 'to, okay?" Itinaas ni kuyang tagabantay ang metal railing para makapasok kami at maka upo. Pinauna ko si Psalm na maupo bago ako tumabi sa kanya. Ibinaba ulit ni kuya ang metal railing hanggang sa tiyan namin. "Woah! Nai-excite akong makita ang buong Consolacion."

Pagtingin ko ay sobrang kapit na kapit si Psalm sa katawan ng cab. Hindi ko tuloy maiwasang matawa. Walang ka ngiti-ngiti ang mukha niya pero halatang-halata ko pa rin ang takot niya. Kalalaking tao, matatakutin. Naalala ko tuloy 'yong takot na nakita ko sa mukha niya nang akalain niyang multo ako doon sa kusina. Ang cute!

"Sana pala 'di na lang ako pumayag na samahan ka dito. Damn, you'll be the death of me."

"OA mo naman. 'Di ka mamatay dahil sa’kin." Napahawak ako sa railing nang magsimula na kaming umangat. "Woah! Aakyat na tayo." Ang laki-laki ng ngiti ko nang ibaling ko ang tingin kay Psalm. Natawa lang ako dahil nakapikit na siya. "Hoy, huwag kang pumikit diyan."

"Huwag kang maglikot Halea at baka mahulog tayo. Fuck!" Sinadya kong gumalaw para maramdaman niya ang pag-alog. "Halea!" naimulat niya ang mata. Bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. "Kung kailangan kitang yakapin sa buong ride gagawin ko para lang 'di ka maglilikot."

Niyakap ko rin siya. "Alam mo gusto ko 'tong mga yakapan na ganito." Sabi ko sabay tawa.

"You're taking advantage of the moment Halea."

Ibinaling ko ang mukha kay Psalm. "Alam mo, hindi lahat nakakayakap sa’kin. Mas swerte ka dahil nayakap mo na ako –"

"We did more than hugging –" tinakpan ko ang bibig niya gamit ng isang kamay ko. "Hindi kasali 'yon. Hindi nangyari 'yon. Wala akong naalala." Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Woah!" sigaw ko. "I'm the queen of the world!" binalingan ko si Psalm. "And you're my king!"

I winked at him.

"Hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Kinuha ko mula sa maliit na sling bag ko ang cell phone para kunan ng picture ang magandang view ng buong Consolacion. Sinamahan ko na rin ng selfie. Sayang naman, pang instagram at fb din 'to.

"Psalm selfie tayo." Itinaas ko ang phone ko. "Smile ka naman diyan." Kaso tinakpan niya lang 'yong mukha niya. Pero sige lang, kuha lang ako nang kuha. Pa mysterious pa 'tong 'sang 'to. Kung si Alyana, malaki pa ngiti sa picture. "Ganda ng kuha ko rito. Mukha akong mag-isa."

Bigla-bigla ay malakas na umalog ang cab at sandali pa ay huminto ang lahat ng cab nang mamatay ang makina. Sakto namang nasa taas kami ni Psalm.

"What the hell is happening?!" horrified, Psalm look at me.

"Kalma lang po." Sigaw ni kuyang tagabantay kanina gamit ng mega phone mula sa ibaba. "Huwag pong mag-panic. May aayusin lang po kami. Hihingi lamang po ako ng ilang minuto. Salamat."

"Oh God," naisandal ni Psalm ang likod.

"Kumalma ka nga. Ang ganda kaya ng view." Sumandal din ako sa back rest ng cab. We were silent for a moment. "Alam mo ba,” basag ko. “Sa tuwing natatakot ako, kumakanta lang ako. Kakanta ako hanggang sa makalimutan ko ang takot ko.”

“Are you a good singer?”

May ngiting umiling ako. “Hindi, pero ‘di ko naman kailangang maging good singer para makakanta.” Tinitigan ko ang mukha ni Psalm. “Are you still scared?”

“Kakalma lang ako kapag nakababa na tayo.”

Natawa ako. “Kakantahan na lang kita.” I cleared my throat. “Oy, ‘di ako good singer, ha?” babala ko pa. Ginawa kong mic ang isang kamay. “A dangerous plan, just this time." I started singing. Natatawa pa ako habang nakatitig sa kunot-noong mukha ni Psalm. "A stranger's hand clutched in mine.” I reached for his other hand and give it a little squeeze. Suddenly his face softened and it made me smile more. “I'll take this chance, so call me blind. I've been waiting all my life.” He was just straring at me. Weird, but I didn’t mind. “Please don't scar this young heart. Just take my hand."

“I was made for loving you,” with feelings talaga ang pagkanta ko. “Even though we may be hopeless hearts just passing through. Every bone screaming… I don’t know what we should do. All I know is, darling, I was made for loving you.”

"Halea,"

"Hmm?"

Damang-dama ko ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko na humahalo sa pabango ni Psalm na gustong-gusto ko.

"You have a beautiful voice."

Natawa ako. “Talaga ba?”

It’s rare for Psalm to smile, but that night, I saw a genuine a smile on his face. Kakaibang saya ang unang lumukob sa puso ko sa ngiting ibinigay niya sa akin. I was literally crying inside with pure happiness.

“It’s the truth,”

“Salamat,” humilig ako sa balikat niya at inangat ang mukha sa madilim na kalangitan na napupuno ng mga nagkikislapang mga bituin. “Ang ganda-ganda ng mundo…” para iwan. “Kung dumating man ang araw na mawala ako sa mundo. Gusto kong maging isa sa mga bituin sa kalangitan.”

“Why?”

“Para sa ganoon, nakikita pa rin kita kahit sa malayo.”

“You really like me that much, huh?”

Nakangiting tumango ako. “Slight lang naman.” Natawa lang si Psalm sa naging sagot ko. “Huwag mo masyadong dibdibin at baka hanaphanapin muna.”

“Let’s see,”

"Psalm,"

"Hmm?"

"Psalm,"

"Bakit?"

Ngumiti ako. "Wala lang, gusto ko lang tawagin ka sa pangalan mo."

"Ang weird mo," nahimigan ko ang ngiti niya nang sabihin 'yon. I chuckled. "Halea."

"Hmm?"

"Halea,"

Saktong pagbaling ko sa kanya ay nakatingin din siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

"Huwag mong sabihing trip mo lang din na tawagin ako?"

"Mahal," he trailed off. Kumabog naman nang malakas ang dibdib ko. "Leah. Mahaleah." Napanguso ako. Umasa ako, doon, ha?! "Ang unique talaga ng pangalan mo."

"Nagsalita si Psalmuel."

He was not looking anymore at me but he was smiling. Tila ba may naalala siyang masayang memorya sa nakaraan.

"My Mom named me after the book of Psalms." Mayamaya ay kwento niya. "Noong bata ako, lahat ng lampin at bimpo ko may naka stitched na Psalm 4:7. It means, you have filled my heart with greater joy."

Nakinig lang ako sa kwento niya.

"She named me Psalm, so that whenever someone calls me. They will be reminded that God is still with them.”

“Hindi ko nakilala ang mama mo pero alam kong sobrang bait at mapagmahal niyang ina." Gamit ng isang kamay ko ay pinisil ko ang tungki ng ilong niya. "Kaya anong nangyari sa’yo?"

"Wow!” napamaang siya sa akin.

Tinawanan ko lang siya.

"Baka sabihin mong easy to get ako, ha?" na totoo nang slight.

Pero sa’yo lang naman.

"Bakit?"

"You really are Psalm 4:7 to me." He was taken aback. Natuon ang atensyon niya sa mukha ko. Ngumiti lang ako. "You have filled my heart with greater joy. You're my Psalm chapter four verse seven."

Bigla namang umandar ang cab. Iniwas ko ang tingin ko kay Psalm sako ko ginala ang tingin sa buong paligid. Nakita ko 'yong octupos ride. Itinuro ko 'yon. "Sakay tayo nun!"

"Oh nooo!”

“Oh yeees!”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE