Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

“KUYA MAKI!”

Tili ko nang makita si kuya sa ibaba ng hagdanan kasama ni Psalm. Mabilis pa sa alas kwatrong bumaba ako ng hagdan. Patalon na niyakap ko si kuya patalikod. "Kuya!”

"H-Halea!" he choked out. Nasasakal siguro sa pagkakapit ko sa leeg niya. Tawa naman ako nang tawa habang pilit niyang inaalis ang mga kamay ko. "Mahaleah! Get off of me."

Hindi pa rin maalis ang ngiti ko nang bumaba ako mula sa likod ni Kuya Makisig. Kunot na kunot ang noo niya nang balingan niya ako.

"Gustong-gusto kitang pektusan pero nandiyan ang asawa mo." Pinaglapat ko ang mga labi ko at pa-cute na ngumiti sa kanya saka ko pinagdaop ang mga kamay sa ibaba ng baba ko. I bat my eyelashes at him. "Oh don't give me that look Mahalea Salvatierre..." he cleared his throat na para bang may idudugtong siya na ayaw niya. "Fildago."

I chuckled. Cute talaga nitong si kuya. Siya lang ang kuya na kahit tutol ay supportive pa rin. Kaya mahal na mahal ko ang katipunerong ‘to e. Mukha kasi siyang kasapi ng KKK kapag nasa hacienda. Lalo na kapag nakasuot ng salakot at may dalang bulo. Kala mo susuong sa labanan. Magtatanim lang pala.

"Bakit nandito ka kuya?" pag-iiba ko.

"Inihatid ko lang 'yong mga pagkain na pinadala sa’yo ni Papa." He crossed his arms over his chest and give me a disappointing look. "Pista pala ngayon 'di mo man lang naisip na imbetahan ang kuya mo."

"Kuya nakalimutan ko." Nakagat ko ang ibabang labi. “Actually, nawala talaga sa isip ko. Akala ko kasi busy ka. Kaya 'di na lang kita tinawagan." Mabilis pa naman magtampo 'tong si kuya. Kaya lumapit ulit ako sa kanya at niyakap ang isang braso niya. "Sorry talaga."

"Huwag mo akong binobola Halea at alam na alam ko 'yang mga paganyan mo." Kumunot lalo ang noo niya nang bumaba ang tingin niya sa suot ko. "Lalabas ka nang ganyan lang ang suot mo?" sa tono ng boses ni kuya akala mo naman naka two piece bikini ako.

Lumayo ako nang bahagya sa kanya. Hello, naka maong na shorts ako. White sleeveless shirt na pinatungan ko ng medyo maluwag sa akin na red and white long sleeve checkered polo na itinupi ko ang manggas hanggang siko. I paired it with a black boots.

"Anong masama sa suot ko?" tinignan ko silang dalawa ni Psalm at Kuya Makisig. Kunot-noo lang ang sagot sa’kin ni Psalm. 'Di ko tuloy alam kung okay lang ba sa kanya ang suot ko o hindi.

"Magpalit ka. Hindi ko gusto ang suot mo." Itinulak ako ni kuya paharap sa hagdan. "Magpantalon ka. May asawa ka na. Don't show me that legs. Para sa asawa mo lang 'yan."

"Kuya naman!"

"I said it. Magpalit ka."

"Kuy –"

"I don't like it either." Pareho kaming natigilan ni kuya nang magsalita si Psalm. Sabay kaming napatingin sa kanya. Psalm give us his usual blank face. "Magpalit ka na Halea. Naghihintay na sila Manang Belma sa atin. Sumama ka na rin sa’min Makisig." 'Yon lang at tinalikuran niya na kami at naunang lumabas ng bahay.

Hinarap ko si kuya. "Kailangan ko ba talagang magpalit?”

"Pepektusan na kita riyan." Itinulak niya ulit ako. "Magpalit ka na nga. Tsk, hindi ko talaga maintindihan kayong mga babae kung bakit ang hilig-hilig n'yong mag-shorts. Ta's nagagalit naman kung nababastos."

"E sa gusto naming mag-shorts, bakit ba? Napaka-conservative mo, ha?"

Dati na talagang conservative 'tong si Kuya Makisig pagdating sa mga isinusuot ko. Tinalo pa niya si papa sa pagiging protective niya sa’kin. 'To 'yong sweet thing about him na nakakabanas... nang bongga!

Umakyat na lang ulit ako sa itaas at nagpalit ng pantalon.

Sakay ng lumang jeep wrangler ni Psalm ay tinungo namin ang lugar kung saan ginaganap ang tradisyonal na pista sa nayon sa hacienda. Hindi naman gaanong malayo ang kinaruruanan ng mga bahay ng mga katiwala at trabahante nila Psalm.

Sa lawak ng hacienda, kalahati ng lupain ay pinagamit ng pamilya ni Psalm sa mga matagal nang katiwala at trabahante ng mga del Carlos at Fidalgo. del Carlos is the middle name of Psalm. Lupain kasi ito ng pamilya ng mama niya.

Pagdating namin ay busy na busy ang lahat. Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Maraming nakasabit na makukulay na bandiretas sa mga kubo at mga kawayan na ginawang poste ng mga taga roon. May grupo ng mga kalalakihan na abalang-abala sa pagluluto ng tatlong litsong baboy. May mga grupo ng mga babaeng naglalagay ng mga dahon ng saging sa mahabang lamesa na yari sa kahoy. Mukhang may boodle fight mamaya.

"Ate Halea!" lumapit sila Noreena at Rona sa amin.

Napansin ko naman ang mga titig ng dalawa kay kuya. Looks familiar e. Ganyan din kung makatingin 'tong dalawang 'to doon sa anak ni mayora. They're beaming at each other na para bang nagpapakiramdaman lang kung sino ang mauunang magpapakilala. Hay naku! Kahit kailan ang mga batang 'to. Lakas ng energy kapag may gwapo.

"Ate sino 'yang kasama mo?" tanong ni Noreena.

"Ah nga pala kuya," I glanced at my brother. "Sila Rona at Noreena pala. Pamangkin ni Manang Belma." Ibinaling ko naman ulit ang tingin sa dalawa. "Rona, Noreena, ang Kuya Makisig ko nga pala."

"Kuya nice to meet you po!" sabay pang nakipagkamay ang dalawa kay kuya. "Single pa po ba kayo? Ano pong type n'yo? Maganda po ba ako?" at in sync pa ang dalawa na para bang introduction talaga nila 'yon kapag nagpapakilala.

"Hoy!" sabay silang napalingon nang marinig ang boses ni Manang Belma. Hinubad ni manang ang isang tsinelas niya at akmang ibabato 'yon sa dalawa nang mabilis na kumaripas ng takbo ang dalawa.

"Kuya Maki balik kami. Huwag ka munang magpapaakit sa iba!"

"Si tiyang naman kasi e. Kainis!”

Natawa lang ako. Ito talagang si manang, brutal! Isinuot ulit ni manang ang tsinelas at lumapit na sa amin.

"Kahit kailan ang mga batang 'yon talaga sakit sa ulo. Pagpasensiyahan mo na hijo ang mga pamangkin ko."

"Wala ho 'yon sa’kin manang." Nakangiting sagot ni Kuya Makisig. "Sanay ho ako sa mga makukulit na mga bata." Pasimple naman niya akong tinignan. Wow naman!

"Ang gwapo-gwapo mo kasi, hijo. Naku, kung hindi pa nag-asawa 'tong si senyorito ay baka binubwesit na rin ng dalawang 'yon si Psalm. Bueno, saka na natin 'yan pag-usapan. Hali na kayo at magsisimula na ang mga palaro."

Sumasabay ang hiyawan ng mga tao sa non-stop background music mula sa sound system. May make shift stage sa 'di kalayuan at may maliit na lalaki na naka barong sa itaas ng stage. May hawak-hawak siyang microphone. Sa itsura ng lalaki ay mukhang komikiro at sanay na sanay na sa itaas ng entablado. Medyo mahaba ang buhok niya at may bigote. Medyo hawig doon sa artistang si Empoy.

"Ang cute ng tradition n'yo." Basag ko. "'Yong pista sa nayon sa school events ko lang 'yon nararanasan."

"Matagal nang tradisyon dito sa hacienda ang pista sa nayon." Sagot ni Psalm. "It's del Carlos token of appreciation to their workers for their loyalty and hard work. Isinasabay namin 'yon sa kapistahan ng Birhen ng Consolacion."

"Ang ganda nga nun. Aside from giving them a part of the land ay meron pa kayong pista sa nayon for their hard work. This is really sweet of del Carlos."

“This is a nice idea,” segunda ni kuya.

Pareho kami ng iniisip ni kuya. Na excite tuloy akong kausapin din si papa patungkol dito. Gusto ko ring gawin ang ganito para sa mga katiwala at trabahante ng lupain namin. I want a thanksgiving day for them, as a way of thanking them for their hard works. Isa-isa nang nagsimula ang mga palaro. Nagsikumpulan na ang mga tao malapit sa stage.

"Limbo-limbo rock with a tweyst." Anuns’yo ng host. “Who wants to bulonteyr?Eny one? Eny two? Ang sasali magkaka love life!”

Tawa lang nang tawa ang mga tao. 'Yong iba nagtutulukan kung sino 'yong isasali nila. Ang weird, anong meron sa larong 'to? Naiangat ko ang tingin kay Psalm na ngiting-ngiti lang sa tabi ko.

"Wala talagang sasali? Sayang din ang isang sakong bigas na premyo? Ano na? Pangkabuhayan showkes din 'to mga madlang pipol. Kung ayaw n'yo akin na ang bigas. Sa inyo na ang sako haha."

"Anong meron sa laro na 'yan?"

"Fun."

"Fun?" kumunot ang noo ko. "E bakit walang gustong sumali?"

Psalm just shrugged his shoulders and smirked. Napakamot ako sa noo. Ano kaya meron sa larong 'yon?

"Okay pine! Let's tsenge the participant’s identity. Oh sino 'yong bisita natin ngayon? Lima lang naman ang kailangan para makapagsimula tayo. Sige na!"

"Kuya sumali ka!"

Nanlaki ang mga mata ni Kuya Makisig.

"W-What?!"

"Sali ka na! Ibigay mo 'yong premyo kina Manang Belma.” Itinulak ko siya papunta sa harap. “Dali na!”

"Are you even serious?!" sa tingin pa lang niya sa’kin ano mang oras ay babalyahin na ako ng 'sang 'to e. Kaya bago pa makatakbo si kuya ay itinaas ko na ang kamay niya."Makisig Salvatierre!" sigaw ko sa pangalan niya. "Sasali po siya!"

"Wow! Wow! We hab a handsome bolunter. Palakpakan mga madlang pepol." Naghiyawan ang mga tao. Lalong lalo na ang mga kababaehan. Pero iba pa rin ang malakas na tili nila Noreena at Rona. Wagas! "Oh sinong gwapo riyan? Kalabanin n'yo ko - este ang ating pers player."

Pinandilatan ako ng mata ni kuya pero nginitian ko lang siya. 'Yong ekspresyon ng mukha niya para siyang manununtok ng tao.

"Goodluck kuya! Fighting!" I winked at him bago bumalik sa tabi ni Psalm.

"Close ba kayo ng kuya mo?" baling na tanong sa’kin ni Psalm.

"Sobra," nakangiti kong sagot. "Bakit mo na tanong?"

"I'm just making sure. Baka isako ka nun pagkatapos ng laro."

Kumunot na naman ang noo ko. "Ano ba kasi ang larong 'to?!"

"You'll see,"

"O, kompleto na. Instructions muna tayo guys. Listen bere care-puli okay? Lahat kayo ay pipiringan namin. There is blindfold, derpor  you will be blind. There are por pole positioned in parallel. Hay dios ko! Ayoko na mag-Ingles. Basta makarating kayo sa dulo nang hindi tumatama sa ribbon ay kayo na mananalo. Magsipaghanda!”

There were four pairs standing in parallel as poles. Hawak-hawak nila ang dulo ng ribbon in replacement of the typical limbo bar. Nakahanda na rin ang mga manlalaro. Isa na nga doon ang pinagkanulo kong kapatid. 'Di ko mapigilan ang ma excite para sa kuya ko kaya inilabas ko ang cell phone para makunan ng video ang laro.

"Okay, lower down." Utos ng host. "Lower down pa more bebe."

Ibinaba nila ang ribbon hanggang sa mga baywang nila. Mukhang mapapasabak pala sa matinding labanan 'tong si kuya. Kunot na kunot na ang noo niya. Mabuti na lamang at naka itim na t shirt lang si kuya at naka pantalon. Hinubad na rin niya ang suot na tsinelas. Oo, naka tsinelas lang na pumunta dito ang lolo n'yo.

Piniringan na ang mga manlalaro.

"Okay, in my count, okay. You will run, run, run, okay?" Humugot muna nang malalim na hininga ang host bago ulit nagsalita. "I will count na. Uno, dos, tres - lusubin ang kampo ng mga kalaban! Goooo!"

Halos sabay na dumapa ang lahat ng mga manlalaro sa lupa. Sa gulat ko ay binitiwan ng apat na pares ang hawak-hawak nilang ribbon. Tawang-tawa ako nang mag-swimming sa lupa sila kuya sa pag-aakalang may ribbon pa rin na dapat iwasan. May isa pang lumihis ng daan at lumabas sa game area. In all fairness kay kuya, may strategy. Straight na straight. 'Yong mga kasamahan niya nagkakabanggaan na sa paglangoy sa lupa.

"Makisig! Makisig!" Cheer ko pa. "Kuya langoy ka pa! Go! Itayo mo ang bandila ng mga Salvatierre!”

Now I know why no one wants to play the game. Mukha silang tanga! Tawa ako nang tawa. Napahawak na ako sa tiyan ko sa sobrang tawa. 'Di ako maka get over doon sa isang lumihis ng landas.

Kuya saan punta mo? Kaloka!

Sa Palo Sebo ay si Psalm ang ni request ng lahat para sumali. Naghubad ng t shirt ang asawa ko. Dami tuloy nagtilian. Nabubwesit ako sa kanila. Pero kinalma ko lang ang sarili ko. Okay lang 'yan, sa akin pa rin naman umuuwi si Psalm.

"Go baby! Aw –” cheer ko sana kaso binatukan ako ni kuya. I glared at him. "Ay nanakit siya oh?!"

"Kung maka baby ka riyan." Ang dumi-dumi ng ayos niya pero 'di pa rin nawala ang kakisigin niya. Mas bumagay pa nga ang putik sa kanya. Siguro putik 'tong si kuya sa nakaraang buhay. Anyong lupa? "Saya-saya mo kanina. Pinagmukha mo pa akong tanga."

"Nanalo ka naman e. Galing mo kaya!” nag-thumbs up ako sa kanya.

"Maglilinis muna ako. I-cheer mo muna ang baby mo." May panunuksong nginitian pa niya ako bago ako tinalikuran. "Diyan ka naman magaling."

"Ay grabe siya." Ibinalik ko na lang ang tingin kay Psalm. Kasalukuyang naghahanda na siya. Sakto namang naibaling niya ang tingin sa’kin. Sinenyasan niya akong lumapit. Tumalima naman agad ako.

"Bakit ang layo-layo mo?"

"Miss mo naman agad ako." Sa halip na sagutin ako ay ginulo niya lang ang buhok ko. Hindi naman nakatakas sa’kin ang pag-ngiti niya.

"Mahal –”

"Magsisimula na tayo."

"Practice muna tayo." Sa gulat ko ay niyakap niya ako bigla. Napakurap-kurap ako ng ilang segundo. "Ang taba mo namang kawayan." He chuckled.

"Ay grabe –” napamaang ako. Akmang itutulak ko siya palayo nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin. "Yayakap ka na nga lang may lait pang kasama." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at ipinatong sa ulo ko ang damit niya.

"Cheer for me Mahal -"

"Leah," dugtong ko.

Kinindatan niya lang ako at bumalik na siya sa harap kasama ng mga maglalaro. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. 'Yong kilig ko abot na hanggang San Antonio. Baka labasan na naman ako ng pangil ni Nemo kapag nakita ako nun.

"Go!"

Mabilis na nagsiakyatan ang mga manlalaro. Hindi agad ako nakapag-cheer dahil natuon ang atensyon ko kay Psalm. Bakit ang hot pa rin niya kahit umaakyat ng kawayan? Sarap titigan ng mga muscles niya. He has a very well-defined and visible muscle to die for.

"Go baby Psalm!" sigaw ng kung sinong babae.

Nagpanting ang tainga ko. Paglingon ko ay nakita ko 'yong babae kagabi na kasama nung matandang lalaking kausap ni Psalm sa labas ng simbahan. Ang kapal ng mukha niya para tawaging baby ang asawa ko, ha?!

Humugot ako nang malalim na hininga.

"Ano ba! Ayusin mo naman ang pag-akyat Psalmuel!” Ibang version naman ‘to ng cheer. “Wala tayong kakainin mamaya! Ang kupad-kupad, ha? Akyat pa!"

"Ang ingay mo Halea!" sigaw pabalik ni Psalm.

"Galingan mo kasi! Bilis!”

"Ikaw kaya ang pa akyatin ko rito!"

Natawa lang ako. "Akyat ka pa! Huwag mong gutumin ang mga anak natin. Kumayod ka riyan." Pasimple ko namang tinignan 'yong babae mula sa balikat ko. I give her a winning smile. Step back, I'm his wife.

Taray ni Halea.

Hindi nanalo si Psalm pero okay lang, napanaluhan niya naman ang puso ko. Naks!

Ayaw talaga ako tigilan nung babae na 'yon. Pati sa agawan ng biik ay gusto niya akong talunin. Syempre hindi naman ako magpapahuli. Apat kaming mga babaeng naglalaro. Lumusong ako sa putikan para lang mahuli ang biik. Pero takte ang bilis talaga kaya imbes na makuha ko ay namumudmod ako sa putikan. 'Yong Lisa naman na panay pa-cute sa asawa ko ay tayo lang naman nang tayo.

"Naiinis na ako, ha?!" sigaw ko. Sinadya kong tumakbo palapit sa kanya para masagi ko si Lisa at mapahiga siya sa putikan.

Napasinghap siya sa gulat. "Oh my god!”

"Sorry," sabi ko lang sabay takbo na naman ulit para sa biik. "Bek-Bek! Ano ba, huwag ka ngang pakipot. Aalagaan naman kita kapag nahuli kita." Pero tawa na ako nang tawa sa itsura ni Lisa. Mukhang maiiyak na siya sa inis.

"Go Halea!" malakas na sigaw nila Manang Belma at nila Kuya Makisig. "Hulihin mo si Bek-Bek!"

"Ano ba 'yan ang bagal!" nagpanting naman ang tainga ko sa narinig kong sigaw ni Psalmuel. Ano raw?"Dalian mo na riyan. Bagal-bagal e."

"Ikaw kaya pahulihin ko ng baboy, ha?!" inis na sagot ko.

Tinawanan lang ako ng hudyo. Tumigil ako at bahagyong yumuko. Itinukod ko ang dalawang kamay sa tuhod at pinag-aralan ang kilos ni Bek-Bek. Ang likot-likot ng biik na 'yon. Kailangan kong doblehin ang kilos para mahuli ko siya.

Napangiti ako nang mapansin kong medyo napapagod na si Bek-Bek. Mukhang, madali na para sa’kin na mahuli siya. Timing lang Halea. Right timing… hayan na… nagbilang ako ng sampu sa isip bago ko tinakbo ang distanya namin ng biik. Napasinghap ako nang madulas ako. Shaks! Hindi ako aabot. I exert more effort in extending my arms para mahawakan ang pwet ng biik habang dahan-dahan akong sumalubsob sa putikan.

Napasinghap ang lahat.

"Halea!"

"Mahaleah!"

"Nahuli na si Bek-Bek!"

Naghiyawan ang lahat. Yes!Worth it naman pala ang paghalik ko sa putikan. Umayos ako ng upo at niyakap ang biik. Kumaway ako sa kanila.

Ikaw na biik ka pinahirapan mo pa ako. Magpapahuli ka pa rin naman pala. Gigil mo si ako, ha?!



HUMIRAM muna ako ng pamalit na damit kay Manang Belma. Simpleng blouse na lamang at mahabang saya ang suot ko na hanggang sakong ko na. Hiyang-hiya naman si Maria Clara sa’kin. Tanghali na kaya nagpahinga muna ang lahat at nagsidulog sa mahabang mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain sa ibabaw ng mga dahon ng saging.

Inirapan ko ang kuya ko nang makita ko siyang nagpipigil ng tawa. Umayos siya ng tayo at bahagyang yumukod. "Magandang tanghali sa’yo binibini.”

Akmang sisikmuraan ko siya kaso pinigilan ko lang.

"Kumain na tayo." Lumapit si Psalm sa’min at hinawakan ako sa kamay. "Masaya kapag sabay-sabay tayong kumakakain."

Namangha ako sa dami ng mga pagkain. Lahat ay mga Filipino foods. Natakam ako. Hindi pa ako nakakasubok ng boodle fight. This would be my first and hopefully not my last. Malakas akong kumain kaya imaginen mo na lang lahat ng mga pagkain nasa harapan ko. Heaven!

"Laway mo tumutulo." Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Wala naman e. Naiangat ko ang tingin kay Psalm. "Naniwala ka naman agad."

I squinted my eyes at him. "Inaano ba kita, ha?"

Hinawakan niya ang ulo ko at pinihit 'yon paharap sa mga pagkain. "Kumain ka na."

"Kainan na!" sigaw ng lahat.

"Halea," susubo na sana ako nang tawagin ako ni Psalm. Nakanga-nga na ibinaling ko ang mukha sa kanya. Sakto namang isinubo niya sa akin ang pagkain. Tawang-tawa siya sa pagkakagulat ko na dinaan ko sa pagnguya. "Kulit."

Pinalo ko siya sa balikat. Nilunok ko muna lahat ng pagkain bago ako nagsalita. "Grabe ka, ha? Gusto mo lang pala magsubuan tayo. Ginugulat mo pa ako." Hinawakan ko ang mukha niya at pilit siyang pinanga-nga. "Kain ka na, mahal ko." Saka ko isinubo sa kanya nang buong-buo ang pagkain.

Nasamid pa siya pero mukhang 'di naman masyado dahil nalunok pa niya. Tawa lang ako nang tawa sa kunot-noong tingin niya sa akin. Pa hard to get ka pa. Aminin mo na kasi nahuhulog ka na sa’kin. Madali pa naman akong maniwala. May pagka-assumera rin naman kasi talaga ako minsan… like always naman yata, Halea. Marupok kang tunay.

Ang sumunod ay para na kaming naglalaro ng pagkain. Kakain kami tapos bigla-bigla naming susubuan ang isa't isa kapag nawawala sa focus. Tawa, samid, at kain lang ang ginawa namin. Napuno tuloy ng mismis ng kanin ang mukha namin. Kulit kasi e.


Makisig

"Want some?”

Inabot ko kay Psalm ang isang bote ng beer. Tinanggap niya 'yon at naupo kami sa upuang kawayan sa lilim ng isang puno.

"I hope everything is fine with you and my sister." Basag ko nang hindi tinitignan si Psalm.

"I guess, we're fine."

"I know you're perfectly aware of my sister's feelings for you. Sana ay huwag mong gamitin 'yon para saktan siya." Seryoso at kalmado kong ibinaling ang tingin sa kanya. "I love my sister so much, Psalm. She’s our precious Halea. I can see how happy she is when she’s with you. Hindi ko alam kung totoo nga ang pinapakita mong kabaitan sa kanya but I hope, it’s genuine.”

And I meant everything I said to Psalm. I wanted my sister to live but death is very inevitable to her and as much as I wanted to believe that she will survive, I still have worries in my heart. And regardless of how good or bad our fate ends, I want Halea to receive the happiness she deserve.

"Hahayaan kong husgahan mo ako pero sana huwag mong husgahan ang kapatid ko. You will never know a person not until you see the scar they hid inside. Everyone has their own struggles. Halea is not an exception to that 'everyone'."


Halea

GABI na at halos lahat ng mga taga roon ay nagku-kwentohan na lamang. 'Yong iba ay nag-iinoman ng lambanog. 'Yong iba ay nagkaka-karaoke. Aliw na aliw naman akong kausap sila Manang Belma at 'yong dalawang makulit na sila Noreena at Rona na ngayon ay pinapagitnaan si Kuya Makisig. Nakilala ko din ang anak ni Manang Belma na si Anne.

Hindi ko naman maiwasang isipin kung ano nga ba 'yong seryosong pinag-usapan nila Kuya Mak at Psalm kanina. Nakita ko silang magkasama kanina. 'Di ko na nga lang sila nilapitan at mukhang may seryoso silang pinag-uusapan.

Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Hindi ko naman makita si Psalm. Na saan na kaya 'yon? Mayamaya ay bigla na lang akong hinila nila Noreena at Rona. Naingat ko ang tingin sa kanila pero nagtaka lang ako dahil nakangiti lang sila saken.

"S-Saan tayo pupunta?"

"Basta ate," napatingin ako sa kuya ko na mukhang nagtataka rin. "Masaya 'to."

"Siguraduhin mo lang na masaya 'to at mapepektusan ko kayong dalawa."

Humagikhik lang ang dalawa. Dinala nila ako sa gitna kung saan may malaking bonfire. Iniwan nila ako roon na mag-isa. Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Wala akong makitang tao. Nawala lahat. Na saan na ang mga 'yon?

Mayamaya ay may narinig akong musika na sa tingin ko ay likha gamit ng isang gitara. Pamilyar sa akin ang kanta. Kumunot lang ang noo ko. Anong nangyayari?

Minamasdan kita nang hindi mo alam. Napalingon ako kung saan nanggagaling ang kumakantang 'yon. Pero wala akong nakita. Napa-iling ako. Hindi naman 'yon boses ni Psalm. Pinapangarap kong ikaw ay akin. Mapupulang labi at matingkad mong ngiti. Umaabot hanggang sa langit.

Bigla ay lumabas sa kung saan si Psalmuel. Sa itsura niya ay parang may tumulak rito sa kung saan. Mukhang may pakulo sila Manang Belma sa kanila. Pinigilan ko ang matawa. Kunot na kunot ang noo niya habang papalapit sa akin. Huwag ka lang titingin sa akin... At baka matunaw ang puso kong sabik.

"Hi," bati ko sabay kaway.

"I have no idea what they're up to but I guess they want us to dance?" bahagya siyang yumukod nang hindi inaalis ang tingin sa akin. He held his hand for me to hold. "Maari ba kitang maisayaw magandang binibini?" may matamis na ngiting tanong niya sa akin.

Natatawang tumango ako. Tinanggap ko ang kamay niya at inihawak ang isang kamay sa balikat niya. Pumulupot naman ang isang kamay niya sa baywang ko at inilapit ang mukha niya sa leeg ko. Tumayo ang mga balahibo ko sa likod nang maramdaman ang mainit na hininga niya sa ibaba ng tainga ko. Saka kami nagsimulang sumayaw sa saliw ng musika na tila likha sumabay sa mabining ihip ng hangin. The moment was just too precious and romantic for me.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil. Para lang sa’yo... Ang awit ng aking puso... Sana'y mapansin mo rin... Ang lihim kong pagtingin.

"Minamahal kita ng 'di mo alam." Sumabay ako sa kanta. "Huwag ka sanang magagalit. Tinamaan yata talaga ang aking puso. Na dati'y akala ko'y manhid." Sino ba nag-isip na ito ang gawing background music? Nang-aano kayo e. Naiiyak ako na ewan. "Hindi pa rin makalapit. Inuunahan ng kaba sa aking dibdib."

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil. Para lang sa’yo... Ang awit ng aking puso... Sana'y mapansin mo rin... Ang lihim kong pagtingin.

Inikot ako ni Psalm saka ako payakap na isinayaw. Inihilig ko ang ulo sa dibdib niya. Gusto ko na tuloy huwag matapos ang sayaw na 'yon. Dati ay pangarap ko lang 'to. 'Di ko inakala na mararanasan ko rin ang mga bagay na 'to. Minsan, naiisip ko na, kahit na sa huli ay mabigo ako ay okay na rin.

Una, dahil sinibukan kong mabuhay. Lumaban ako para sa pamilya ko. Pangalawa, nakasama ko si Psalm at naranasan ko ang maging-asawa niya. Hindi man 'yong typical na love story ang meron kami pero at least I was able to tell him how much he means to me… at kung gaano ko siya kamahal.

"Now we have our first dance as husband and wife." Basag ni Psalm.

Napangiti ako. "Muntik ko nang makalimutan 'yon ah." Naiangat ko ang mukha sa kanya. Sakto namang nakababa ang tingin niya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. "Bakit ba ang gwapo-gwapo mo?"

He can't help but smile.

"Masyadong ka namang halata riyan na patay na patay ka sa’kin."

Natawa ako. "Totoo naman kasi."

"Masaya ka ba?"

Tumango ako. "Masaya." At malaki ang ngiti. “Sobra!”

"Alam kong hindi naging maganda ang trato ko sa’yo simula nang ikasal tayo. Let's slow things Halea. Let's do things one step at a time. Huwag nating biglain ang sarili natin. I'll try my best to be a good husband to you."

Napangiti ako. Sapat na sa’kin na marinig ang mga salitang 'yon mula sa’yo Psalm. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa mga sinabi mo sa’kin. You really are my Psalm chapter four verse seven.

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko sa gilid ng mata ako.

I nodded between tears.

Ngumiti siya at bahagyang kumalas sa pagkakayakap sa’kin. He cupped my face and slowly lowered his face to mine. Saka ako siniil ng halik sa mga labi. Masuyo lang ang halik niya. Tila pinapabagal ng halik niya ang ikot ng oras. Walang pagmamadali sa bawat galaw ng labi niya sa labi ko.

Ikinuwit ko ang mga braso sa leeg niya and opened my mouth  for him to deepened the kiss. I felt his sincerity and care through that kiss. Mas lalo lang natunaw ang puso ko para kay Psalm. Starting tonight, I will not demand anything from you Psalm. Hahayaan kita hanggang sa matutunan mo rin akong mahalin.

Sana ay mapansin mo rin.

I will enjoy every moment with you as if today will be my last day.

Ang lihim kong pagtingin.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE