Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"HOY! Magpapakamatay ka ba?!"

Napasinghap ako bigla na parang kinapos ako ng hangin. Mabilis na tumaas-baba ang dibdib ko habang hinahabol ang hininga. Naliliyo ako sa mga naglalarong ilaw sa buong paligid ko. Kumikirot ang sentindo ko sa sunod-sunod na bosena ng mga sasakyan.

"Tumabi ka riyan!"

"Umalis ka riyan sa gitna!"

Na saan ako? Bakit ako nandito?Naramdaman ko ang pagkawala ng lakas ng mga binti ko. Muntik pa akong mabuwal sa daan kung ‘di lang ako naging maagap. Nanginginig pa ang mga binti ko, tila ba, ‘yon ang unang pagkakataon na naglakad ulit ako.

Sa kabila ng pagkalito na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon ay nagawa kong maglakad papunta sa kabilang kalsada. Ramdam na ramdam ko pa ang malamig na sementadong daan kong nilalakaran dahil wala akong suot ni sapin sa mga paa. Naka puting bestida lamang ako na hanggang sa sakong ng paa ko ang haba.

Nayakap ko ang sarili nang biglang umihip ang malakas na hangin kahit na may suot akong cardigan. Anong nangyari kanina? Bakit ako napadpad sa lugar na 'yon? Ang huling naalala ko ay bigla akong nagising sa kalagitnaan ng gabi. Wala si Mama dahil pinauwi ko siya para naman makapagpahinga siya nang mabuti.

Si Kristina! Naalala ko. Nakita ko siya sa ospital. Naipikit ko ang mga mata habang sinusubukang alalahanin ang lahat. Nakita ko ang repleksyon ng mukha niya sa salamin sa banyo. 'Yon ang huling naalala ko. Dios ko!

Bumaba ang kamay ko sa aking umbok na tiyan. Ang anak ko. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa amin. Salamat sa Dios. Nakahinga ako nang maluwag. Salamat kay Tita Regina. Alam ko na ginagabayan niya ako. Bigla ay naalala ko ang panaginip ko bago ako nagising kanina.

Halea, hanapin mo ang kwentas na ibinigay ko sa'yo. Huwag mong hayaang mawala 'yon sa 'yo. Balikan mo kung saan mo 'yon naiwan. Suotin mo 'yon lagi. Huwag na huwag mo 'yong ihiwalay sa'yo.

'Yon ang mga paalalang sinabi sa akin ni Tita Regina. Tumaas ang isang kamay ko sa aking leeg. Matagal ko na 'yong hindi nasusuot. Sigurado akong hindi ko 'yon nadala nang umalis ako sa bahay sa Consolacion. Sigurado rin akong isa 'yon sa mga gamit ko na naiwan kay Psalm.

Natigilan ako.

Si Psalm. Biglang bumigat ang kalooban ko. Nakadama ako nang matinding lungkot sa aking puso. Hinintay ko na binggitin ni Mama at Papa si Psalm pero parehong naging tahimik ang dalawa. Hindi na rin ako umasa. Siguro nga ay, masaya na siya.

Hindi naman siguro mamasain ni Psalm kung magpakita ako sa kanya at kunin ang mga gamit ko? Pero paano ko naman maipapaliwanag ang tungkol sa magiging anak namin? Napa-iling ako. Hindi, tatawagan ko na lang si Manang Belma. Ipapakuha ko sa kanya ang mga gamit ko at magkita na lang kami. Tama, 'yon dapat ang tamang gawin ko.



Alyana

"ALYANA," tawag sa akin ni nanay. Napalingon ako sa kanya. "Anak, nagmamadali ka yata?"

"Nay, luluwas ho kami ng Maynila ni Mak. Nawawala po si Halea." Malungkot na sagot ko. Kinakabahan ako para sa kaibigan ko. Dasal ko ay sana walang nangyaring masama kay Halea. "Hindi ko ho sigurado kung makaka-uwi agad ako." Akmang tatalikuran ko na si nanay nang magsalita ulit siya.

"Anak," seryoso ang mukha niya nang balingan ko ulit. Ngayon ko lang nakita na ganoon ka seryoso si nanay. Para bang may nagtatalo sa isip niya na hindi niya magawang awatin. "Matagal ko na sana 'tong sinabi sa'yo."

"Ang ano po, Nay?”

"Naalala mo ang Lola Conching mo?"

Tumango ako. Si Lola Conching ang lola ko sa kalingkingan. Kilala si Lola Conching bilang mambabarang at faith healer sa bayan ng San Antonio sa kapanahonan niya. Sa larawan ko lang nakita ang lola ko. Matandang-matanda na siya nang mamatay siya at halos hindi na makakita. Matagal na 'yong nabanggit sa akin ni nanay. Bata pa ako noon nang makita ko ang lumang larawan ni Lola Conching na nagawang itago ni nanay.

"Bakit po?”

"May ibinilin ang Lola Conching mo sa Lola Maring at Lola Belenda mo." Tukoy ni Nanay kay Lola Maring na nanay ni Lola Belenda. Si Lola Bel na ina naman ni nanay. "Isang bilin na pilit kong itinago dahil kailanman ay hindi ako naniwala sa mga kwento nila. Pero ngayon, lahat ng mga sinabi nila ay unti-unti nang nangyayari."

Bigla akong kinabahan. "Ano pong bilin ni Lola Conching, Nay?"

"Pupunta ba rito si Makisig?" tumango ako. “Gusto kong makausap si Makisig na kaming dalawa lamang. May ikokompirma lamang ako sa kanya.”


Halea

HAPON na nang makarating ako ng Consolacion. Madaling araw nang lumuwas ako. Isang papel lamang ang iniwan ko. Sinabi kong babalik din ako. Hindi ko alam pero gusto ko muna na mapag-isa at mag-isip-isip. Kailangan ko lamang huminga at balikan ang lugar kung saan ako sobrang naging masaya. Kung saan marami kaming alaala ni Psalm.

'Yong plano ko kanina na tawagan si Manang Belma ay 'di ko nagawa. Sa huli ay paikot-ikot lamang ako sa buong Consolacion. Napuntahan ko na yata ang mga lugar kung saan kami nagpunta ni Psalm.

Ang totoo ay, gusto ko siyang makita ulit. Mahawakan ang mukha niya. Makita ang seryosong mukha niya na minsan lang pangitiin. Gusto ko ulit marinig ang baritonong boses niya at maramdamang muli ang init ng mga yakap niya. Pero alam ko na kalabisan na lamang ang lahat ng 'yon. Pinirmahan ko na ang annulment paper naming dalawa at sigurado akong masaya na rin si Psalm kasama ni Alyana.

Napangiti ako nang mapait. Masakit mang isipin pero dapat ihanda ko na rin ang sariling puso kung sakaling magkita ulit kami. Hinaplos-haplos ko ang tiyan. Gusto mo rin bang makita ang papa mo, anak?

Marahas na napabuntong-hininga ako.

"Anak, hindi na muna kayo magkikita ng papa mo, ha?" kausap ko sa anak. "Huwag na nating gambalain pa ang papa mo. Binalik ko na siya sa taong mahal niya. Saka ko na iku-kwento sa'yo ang lahat kapag malaki ka na. Maiintindihan mo rin ito sa tamang panahon."

"Saan nga kasi 'yon?!" bigla ay napalingon ako sa likod ko. May apat na mga babaeng sa tingin ko ay dayo lamang sa Consolacion base na rin sa mga malalaking bag nitong mga dala. "Gustong-gusto ko nang makita ang mga sunflowers."

"Wow, ha? Ang atat mo, ha? Malapit na nga tayo. Ilang lakad na lang."

"Sure ba talaga kayo?"

"Nasa fb nga e, saka nag-viral pa. Tama naman 'yong address na nakuha ko, no?"

"Baka nawawala na tayo. Ang layo pa naman nang byinahe natin."

"Sunflower farm?" kunot-noong bulong na tanong ko sa sarili. "Meron ba nun dito?" sa pagkakaalala ko ay wala namang flower farm sa Consolacion. Baka nga nawawala na ang magbabarkada na kasabay ko.

"Magtanong na lang kasi tayo." Dagdag pa ng isa. Mayamaya pa ay may lumapit na sa akin ang isa at umagapay sa’kin ng lakad. "Ate, taga rito ka po ba?" nakaagapay rin ang magbabarkada sa akin. Kaya huminto na lamang ako para sagutin siya.

Tumango ako. "Pasensiya na," dagdag ko pa. "Narinig ko kasing naghahanap kayo ng sunflower farm dito." Maaring posible naman na meron, diba? Ilang buwan din akong nawala.

Tumango ang apat. "Opo, ate. Nag-viral po kasi 'yon sa fb kaya pinuntahan namin."

"Flores Felices de Mahaleah po ang pangalan ng farm.” Dagdag pa ng isang kasama niya. “Pamilyar po ba kayo doon?”

"Flores Felices de Mahaleah?" balik tanong ko. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Flores Felices de Mahaleah? Happy Flowers of Mahaleah? Kung hindi ako nagkakamali 'yon ang buong translated words ng Spanish name ng sunflower farm. Hindi kaya? "May pictures ba kayo ng farm? Pwedeng patingin?"

"Ah, opo, meron. Ito po oh."

Ipinakita niya sa akin ang ilang photos ng nasabing sunflower farm at ganoon na lamang ang gulat ko nang mapansing pamilyar sa akin ang lokasyon nun. Pati ang lumang wine cellar at life size statue ng isang asong kamukhang-kamukha ni Nemo. Nanlamig bigla ang mga kamay ko habang tinitignan ang mga larawan sa screen. Ipinakita rin doon ang loob ng wine cellar na kamukhang-kamuka ng wine cellar namin sa bahay. Naka display sa loob ang mga paintings ko.

Hindi ko napigilan ang pamamasa ng sulok ng mga mata ko. Natutop ko ang bibig sa pagpipigil ng iyak. Psalm? Psalm, ikaw ba ang gumawa nito? Wala akong ibang maisip kung ‘di siya lang. Si Psalm lang ang may alam ng lugar na ‘yon. Pero bakit?

"Ate okay lang po ba kayo?”

Ibinaba ko ang kamay at may ngiting inangat ko ang mukha sa kanila at tumango sa kabila ng pamamasa ng sulok ng mga mata ko.

"Alam ko na kung na saan 'yan.”

Isang malaking Flores Felices de Mahaleah ang sumulubong sa amin sa gate pa lamang ng naturang sunflower farm. Nanikip bigla ang dibdib ko. Hindi dahil sa kaba pero dahil sa hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Talaga bang ginawa 'yon para sa akin? Alam ni Psalm ang plano ko sa lumang lote na 'yon. At kung gaano ko kagustong magkaroon ng sunflower farm. Mangha na mangha akong pumasok sa loob. Hindi ko na pinansin ang tumawag sa akin at tuloy-tuloy ako sa tila maze na sunflower.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang tinitignan ang mga bulaklak. Para akong nasa isang panaginip. Hindi pa ako nakakakita nang ganoon kadaming mga sunflowers sa tanang buhay ko. Napuno ng saya ang puso ko. Hinanap ko ang lumang wine cellar at hindi naman ako nahirapang mahanap 'yon. Naiyak ako nang makita ang life size statue ni Nemo sa gilid ng pintuan. May kagat-kagat siyang isang stem ng sunflower at animo'y nagbabantay sa wine cellar.

"Nemo," iyak ko. Hinaplos ko ang malamig at matigas na statue ni Nemo. "Miss na miss na kita. Nandito ka lang pala." Humugot ako nang malalim na hininga bago ako pumasok sa loob ng wine cellar. Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Lahat ng mga paintings ko ay naka display roon.

Natutop ko ang bibig nang makita ang ilang sketches at paintings ng mukha ni Psalm. Nandoon din ang malaking portrait ng mukha ni Nemo.

Bakit?

Bakit Psalm?

Why did you make this?

Bakit mayroong Flores Felices de Mahaleah?

Akala ko ba…


Psalm

MABILIS na pinaharurot ko ang sasakyan para lang makarating agad sa Consolacion. Nasa San Antonio ako nang tawagan ako ni Manang Belma na parang nakita niya raw si Halea sa sunflower farm pero hindi siya sigurado dahil marami raw tao ngayon sa farm.

I couldn't think straight that moment. Sinabihan ako ni Makisig na puntahan sila sa bahay nila Alyana pero biglang kinalimutan ko ang lahat ng 'yon nang matanggap ang tawag ni Manang. Dumiretso na agad ako sa Consolacion. Damn, I'm sure Mak will understand.

Kulang na lang ay liparin ko ang distansiya ng San Antonio at Consolacion makarating lang agad doon. Lord, please. Let it be Halea. Let it be her. Gustong-gusto ko nang makita ang asawa ko. I already paid all the consequences of my wrong decisions and I've regretted all the bad things I've done to her and although it may seem not enough but please, just this time. Kahit ngayon lang pagbigyan N’yo na po ako.

Alas singko na nang makarating ako sa farm. Naghahalo na ang kulay kahel na langit sa dati'y asul na kalangitan. Kasabay nun ang unti-unting pagbaba ng araw. Sana ay maabutan ko pa siya. Mabilis na lumabas ako ng sasakyan pagkatapos kong ma i-park ang sasakyan sa labas ng farm.

Mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang gate. I'm nervous as hell! My hands are as cold as ice. No joke! Sa kabila ng kaba ay hindi ko mapigilan ang excitement na makita ulit si Halea kahit na hindi pa ako sigurado kung tama nga ang nakita ni Manang Belma. My gut feeling is telling me that Halea is here and I couldn't just ignore it.

I made this for her. I want her to see this garden because this is her home. This is her happy flowers - Mahaleah's happy flowers. My wife's beautiful garden.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya o kung paano ako magsisimula. It should be on top of my list but damn, who cares! This is crazy! Nababaliw na ako. I need to see her now. I need to hear her voice now. I need to touch her face now... tell her how much I missed her.

God, please. Let it be her. Let it be my Halea. I beg you.

Inikot ko ang buong maze. Lakad-takbo ang ginawa ko. Palinga-linga ako sa paligid. Galing na rin ako sa wine cellar pero hindi ko siya nakita roon. Tinitignan ko ang bawat lugar kung saan pwedeng makita ko si Halea. Hinihiling na sa paglingon ko ay makita ko siya. Na sana pag-angat ko ng mukha ay makasalubong ko siya.

Bigla ay natigilan ako nang mag-ring ang cell phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Panay pa rin ang tingin ko sa buong paligid nang sagutin ko ang tawag.

"Na saan ka na ba?!" sigaw ni Makisig sa kabilang linya. "Kanina pa kita hinihintay. May mahalaga akong sasabihin."

"Mak -" natigilan ako nang pagbaling ko ng tingin sa likod ay nakita ko si Halea. Bigla-bigla ay bumuhos lahat ng naipong emosyon sa puso ko. Hindi ko namalayan ang unti-unting paglandas ng mga luha ko mula sa aking mga mata. Sobra akong napangiti. Oh God! "I found her."

"Huh?"

"I finally found my wife, Makisig."

I ended the call. Hindi ko maiwasang titigan sa malayo si Halea. Yakap-yakap niya ang sarili at panay ang ngiti sa mga sunflowers. Tila aliw na aliw siya sa buong lugar. Dinala ko ang isang kamay malapit sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alintana ang sunod-sunod na pagdaloy ng aking mga luha.

Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa tinakbo ko na ang ilang distansiya sa pagitan naming dalawa. Mabilis at maingat na niyakap ko siya. Narinig ko ang pagsinghap niya sa gulat pero niyakap ko siya nang sobrang higpit.

"Halea," I sobbed while saying her name. "Halea."

"Psalm?"

"Mahal ko." Lalo pa akong naiyak nang gumanti siya ng yakap. "Halea, I'm sorry. Please don't leave me again. H-Hindi ko kaya. H-Hindi ko pala kaya mahal ko."

"Psalm..."

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya. Hinuli ko ang tingin niya at pinakatitigan siyang mabuti. Tumaas ang isang kamay ko sa isang pisngi niya para siguraduhing totoo siya. Na hindi lang 'yon produkto ng aking isip. I gently caressed her cheek. It was so warm. She's real. I'm not dreaming. She's my Halea.

"You're real," it barely came out as a whisper.

It was so hard to speak. My throat aches while my chest throbs like I've been holding my breath for a long time already. But she's real! God, she's real.

"I am," may ngiting tumango siya.

"Please let me stay with you."

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya. Tinawid ko ang distansiya ng mga labi namin at siniil siya ng halik sa mga labi. I kissed hard in the lips. Savor every taste of her sweet lips. God, I missed her soft lips on mine. Tila uhaw-uhaw ako at tanging mga halik lamang ni Halea ang makakapawi ng uhaw na 'yon. Sinapo ko ang batok niya at hinawakan ang panga niya. Ipiniling ko nang bahagya ang mukha niya para mas pailaliman ang halik.

We both moaned in pleasure pero pareho naming hindi inilantana ang kakaposan ng hangin. Nailapat ni Halea ang mga kamay sa dibdib ko at napahawak sa harapan ng suot kong polo para kumuha ng lakas. It seemed like the time stops at that very moment. The time that has slipped from us was repaid by that precious kiss and it was enough to fill the emptiness we had kept all these months while being away from each other.

It was like waiting for the rain to come during drought and now it started pouring hard. Finally, my rain finally came.

"P-Psalm," hinihingal na anas ni Halea nang kumalas kami sa isa't isa.

Idinikit ko ang noo sa noo niya. Pareho naming habol ang hininga.

"Naalala mo," simula niya. "Sa huling sulat na ibinigay ko sa'yo bago ako umalis."

Malungkot na tumango.

"Sinabi kong, you will always be my Psalm chapter four verse seven. Kahit na hindi mo maibigay nang buong-buo ang pagmamahal mo sa akin ay napuno mo pa rin ng saya ang puso ko. Hindi ko kailangan ng sobrang pagmamahal o isang perpektong relasyon dahil wala namang ganoon dito sa mundo. Magagalit tayo sa isa't isa. Magtatampuhan. Tapos magkakabati. Sa totoo lang, makasama ka lang ay masaya na ako. Kahit noon, mag-hi ka lang o mapatingin ka sa akin ay masaya at kontento na ako. Bonus na sa akin kung mahalin mo nga ako."

"Halea,"

"For me, love is not something you can measure or compare with. I believe love is an unconditional feeling of pure contentment without asking too much in return. It's selfless and does not forcefully ask for your own need." Mapait na ngumiti siya. "But I became selfish, I ended up ruining you and Alyana."

"You only did that to save yourself and it's not selfishness. You've been selfless whole your life. Hindi kalabisan na hilingin ang maging masaya o ang mabuhay. I believe everything happens for a reason. Don't blame yourself. I couldn't imagine myself without you in my life now. You don't know what kind of hell I've went through just to get myself in this right moment. I almost killed myself when I thought you're already gone."

"Psalm," bumakas ang pag-aalala sa mukha niya.

“But I didn’t,” may ngiting hinaplos ko ang pisngi niya. “Because you taught me to be brave even if things are no longer making me happy… even if the world is no longer as beautiful as before… even if everyone had already turned their backs at me.”

Sumilay ang isang napakagandang ngiti sa kanyang mukha.

"So stay Halea. Stay with me forever. I will do everything just to save you. Hindi ko hahayaang mawala ka pa ulit sa buhay ko. I will make sure you and our child will live." Bumaba ang isang kamay ko sa umbok niyang tiyan. May pag-iingat at pagmamahal na hinaplos ko ang kanyang tiyan. "I will protect you and our child.” Masuyo kong hinalikan ang noo ni Halea. “That’s a promise.”


San Antonio, 1979

"MAKINIG ka sa akin Belen," simula ng ina ni Belen na si Belenda. "Ingatan mo itong kuwaderno ng iyong Lola Conching gaya ng pag-iingat ko riyan at ng Lola Maring mo ng ilang taon anak." Walang maintindihan ang labing anim na taong gulang na dalaga sa sinasabi sa kanya ng ina niya. "Hindi pa ngayon ang tamang oras para ibigay mo 'yan sa pamilya nila."

"Ano hong ibig n'yong sabihin Nay? At saka sino hong pamilya?"

"Sabi ng iyong abuela, isang babae mula sa ating pamilya ang mapapalapit sa dalawang isinumpang pamilya at sa huli ay iibig sa anak na lalaking pinanganak sa pamilyang punong-puno ng galit at paghihiganti."

"Sino ho Nay?"

"Hindi natin sigurado kung ilang taon ang hihintayin natin. Kapag dumating ang panahon na 'yon ibigay mo ito sa anak na lalaki ng Salvatierre." Inabot ng ina ni Belen ang itim na talaarawan sa anak. May taling naka palibot sa lumang kwaderno.

Kilala ni Belen ang mga Salvatierre. Isa 'yon sa mga mayayamang pamilya sa San Antonio. Pero ang tanong niya, anong kinalaman ng lola niya sa pamilyang 'yon? Ni hindi nga sila nakakalapit sa mansion ng mga Salvatierre. Masyadong mailap ang pamilyang 'yon sa ibang tao. Ang kwento-kwento ay nababalot daw ng misteryo ang pamilya na 'yon.

"Ito lamang ang makakatulong para maputol ang sumpa."

"Anong sumpa, Nay?"

"Ang sumpa na ipinataw ng 'yong Lola Conching sa pamilya ng mga Salvatierre. Pero hindi na 'yon kasing lakas gaya noon dahil tuluyan na iyong nagapi nang matinding galit, puot, at paghihiganti mula sa anak na babaeng Salvatierre na walang pusong pinatay at kinalimutan ng lahat. Paulit-ulit siyang magbabalik at paulit-ulit na ipapaalala sa lahat ang kamiserablihang ibinigay ng mga taong minahal niya sa kanya. Ngunit ang sabi ng 'yong Lola Conching, may solusyon kung paano mapapatahimik ang kaluluwa niya.”


Psalm

"KUNG ganoon, konektado pala ang mga pamilya natin."

Hindi ako makapaniwala. Marahas na naisuklay ko ang mga daliri sa buhok. Nasa sala kami nila Alyana at Makisig. Natutulog na sa itaas si Halea. Hindi ko na inabala na gisingin at mukhang pagod na pagod siya. Kagigising lang niya at masyado niyang pinagod ang sarili. Hindi pa niya naitatanong sa kanya kung bakit napadpad siya sa Consolacion.

Saka na lang niya 'yon tatanungin kapag nakabawi na siya ng lakas. Ang importante ay ligtas ang mag-ina ko.

"Nagulat din ako. Hindi ko inasahan na ang Lola Conching ko pala ang tumulong sa Lola Maria mo Psalm. Kaya pala dati pa, napapansin ko si nanay na iba ang tingin at pakikitungo sa’yo Psalm, kay Halea, at kay Mak na rin. Hinayaan ko lang noon dahil natural naman na tahimik si nanay at hindi niya ugali ang mangialam. 'Yon pala ay may dahilan kung bakit siya ganoon."

"Dahil ang Lola Conching ni Alyana ang tumulong sa Lola Maria mo Psalm. Pinagbabayaran ni Alyana ang nagawang kasalanan ng lola niya."

"Hindi ko rin masisi si Nay Belen." Dagdag ko pa. "Marahil ay natakot din siya para kay Alyana kaya itinago niya sa atin ang katotohanan na 'yon."

"At sa tingin ko, matagal nang nakita ni lola na mangyayari ang mga ito kaya lamang hindi niya sigurado kung kailan at sino sa pamilya namin ang magmamahal sa isang Salvatierre."

"May dahilan kung bakit pinagtagpo tayong apat."

"We have to prove that Juan Miguel did love Kristina."

"Pero paano natin 'yon mapapatunayan? Ni walang nakakaalam kung saan inilibing ang katawan ni Juan Miguel. At kung makita man natin, wala pa ring assurance na may makikita pa tayong sulat mula sa kanya."

"Wala na tayong panahon para mag-isip pa nang ganyan Alyana. The curse itself is a trick. Maraming nangyari sa nakaraan na hindi kailanman naisiwalat dahil patuloy 'yong natatabunan ng maraming kasinungalingan." Sagot ko sa kanya.

"Tama si Psalm," segunda naman ni Makisig. "Kung tama ang kutob ko. Maaring isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na naipasa-pasa ang maling kwento dahil sa personal na rason. Mga rason na nabuo para ikubli ang isang pagkakamali at naging malakas na dahilan 'yon para madaling mapasok ni Kristina ang isip ng ibang tao."

"We created are own demons at minsan nagiging dahilan 'yon para maging susceptible tayo. Sometimes, the unfortunate things we experience are cause by our own evil mind and greed."

"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Alyana.

“We have to find my great-great-great-grandfather’s body.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE