Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Miss Ordinary Meet The Popular Boy

Image Description queen-Meduza   |   16 August 2019


Naniniwala si Maxene na minsan sa buhay nating mga tao meron tayong makakakilala o makakatagpo na isang taong magiging dahilan ng pagbabago ng takbo ng ating buhay.

I dedicated this chapter to AlliannaYianna Hi Yianna! Thank you, for adding my story on your reading list. Love yeah ❤

Chapter 7

Maxene

Busy naman ako sa pag-observe sa mga taong nasa paligid ko ng naka ngiting dumating naman sina Andy at Dani. Nginitian ko naman silang dalawa.

"Hi Ate Max! Break time na po nina Ate Sasa. Hinahanap ka nya po pala." Bangit naman sakin ni Andy. Tiningnan ko naman yung pwesto nong mga writers kanina wala na nga sila sa don. Hindi ko man lang na pansin na umalis na pala sila busy kasi ako sa cellphone ko.

"Kakaalis lang ba nila sa pwesto nila?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kaming tatlo pa balik sa backstage. 

"Opo." Sagot ko naman ni Dani sa tanong ko sa kanila. Bago naman kami pumasok sa loob ng backstage tumingin mona ako sa pwesto nina Loius at Sandra. Nakita ko namang busy pa rin silang dalawa sa cellphone nila at sa pagkuha ng litrato nila. Mukhang okay lang naman sila don kaya pumasok nako sa loob kasama si Dani at Andy.

Busy pa rin silang dalawa sa pagkuha ng mga pictures sa sarili nila. Hindi talaga nagsasawa ang dalawang yon sa pagmumukha nila. Iwan ko talaga sa dalawang yon. Pero sa pangalawang banda okay na rin yong ginagawa nila para hindi na rin sila ma bored. 

Lalona't silang dalawa lang yung nandon. Kung pwede ko nga lang silang e sama dito sa backstage kaso hindi pwede e. Seguro baka mamaya pwede ko na silang dalhin dito kapag tapos na yung event.

"Max saan ka ng galing." Bungad naman sakin ni Sasa ng makapasok ako sa loob ng dressing room. "Doon sa labas nanunood kasi ako sa inyo habang nagbobook signing kayo." Sagot ko naman sa kanya ng maka upo ako sa tabi niya. 

Tumango-tango naman siya. "Kumain kana ba?" Usisa naman niya sakin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. "Sure ka?" Tanong pa niya sakin. 

"Kumain nako kasama sina Sandra kanina sa Gateway. Ikaw ba kumain kaba bago pumunta dito?" Usisa ko rin sa kanya.

"Hindi pa nga ako kumakain simula kagabi kaya ito gutom na gutom na nga ako." Naka ngiwing sagot niya sakin. "Hay! Pasaway ka talaga. Bakit naman hindi ka kumain. Sana kumain ka kahit kunti man lang kanina bago ka pumunta dito. Baka mamaya mahilo ka nyan mainit pa naman sa labas napaka dami pa ng mga taong nakapaligod sa inyo mahihilo ka talaga nyan." Sermon ko naman sa kanya habang tinutulongan siyang ayosin yung pagkain niya. 

"Hindi ko nga alam sa sarili ko pero hindi ko talaga kayang kumain kagabi." Paliwanag naman niya sakin habang kumakain. "Alam mo rin naman diba na first time ko to kaya siguro hindi ako makakain at mapakali kagabi." Sabi pa nya.

"Sabagay." Sang ayon ko naman sa kanya. May point naman siya siguro nga kung ako rin yung nasa kalagayan niya baka hindi rin ako alam kung ano yung gagawin ko sa subrang pag-iisip. "Pero sana kumain ka parin kahit papano." Sabi ko naman sa kanya.

Sumubo naman mona siya bago sumagot sa sinabi ko sa kanya. "Tinary ko naman kanina kaso aalis na kami kaya diko na kinain tinago ko nalang dyan sa bag ko yung burger." Sabi niya sabay kalkal ng bag niya. Kinuha niya don yung burger saka pinakita sakin.

"Gusto mo?" Alok naman niya sakin. Umiling naman ako. "Sayo na yan kainin mo na rin yan para mas mabusog ka dyan." Utos ko naman sa kanya.

"Siguro naman hindi kana nag aalala ngayon kasi kita mo naman diba ang daming nagmamahal sayo at sa story mo kaya kumain kana dyan ng madame wag mo na 'kong isipin." Sabi ko naman sa kanya. 

Tumango naman siya saka nilagay yung burger sa lamisa. Maya-maya naman na patingin kami sa isang writer na katabi ni Jacob ng tanongin niya si Sasa kung kapatid daw ba ako ni Sasa. "Ate Sasa kapatid mo?" Tanong naman nong isang writer na katabi ni Jacob. Sabay naman kaming umiling ni Sasa.

"Hindi! Magkaibigan lang kaming dalawa." Nakangiting sagot naman ni Sasa dito. 

Tumango naman ito saka tumingin sakin at ako naman yung tinanong niya. "Ano pong pangalan mo Ate Ganda?" Tanong naman sakin ng writer na katabi parin ni Jacob. Tinitingnan ko nga siyang mabuti kaso hindi ko talaga siya kilala.

Napangisi naman sakin si Sasa habang ngumunguya ng kina kain niya. "Pangalan mo daw Ate Ganda." Tukso pa sakin ni Sasa na may kasama pa talagang kindat. 

Nginiwian ko naman siya buang talaga yung isang to. "Gutom lang yan kumain kana nga." Sita ko naman kay Sasa. "Hi! I'm Maxene Cruz." Nakangiting pagpapakilala ko naman sa sarili ko sa lalaking katabi ni Jacob. 

Na patingin naman ako kay Jacob na busy sa pagkain niya. Wala man lang akong nakikitang kahit na anong reaction sa mukha niya naka poker face lang talaga siya habang naka harap sa pagkain niya. 

Para bang wala siyang kasamang ibang tao dito sa loob ng dressing room at siya lamang mag isa naka focus lang kasi yung buong atensyon niya sa pagkain niya ni hindi man lang siya tumitingin sa ibang o kaya kahit sa mga katabi niya. Hindi rin siya nakikipag-usap sa ibang mga kasama niyang writer. Basta busy lang talaga siya sa pagkain niya. 

Hindi nga mawari kung bakit ganon siya hindi naman siya mukhang gutom na gutom kasi normal lang naman siya kung kumain. Kaya iwan ko siguro ganon lang talaga siyang kumain tahimik lang. 

"Ang ganda ng pangalan mo bagay sayo. Ilang taon kana?" Tanong ulit sakin ng lalaking katabi ni Jacob. Tumingin namang ako sa kanya. Saka naka ngiting sumagot sa tanong niya sakin. 

"I'm 22 na." Sagot ko sa kanya. "Wow! Ang galing naman magka age lang pala tayo." Naka ngiting rin sambit niya sakin. 

"Ay nako wag ka Gray kasal na kaya tong si Max." Singit naman ni Sasa. "Talaga!" Gulat namang tanong nilang lahat maliban lang kay Jacob na tumingin lang sakin.

Na para bang sinusuri niya ako. Na para bang meron siyang hina hanap na patunay ko totoo ngang kasal nako. Naka kunot noo pa talaga siya ng tummigil ang kanyang paningin sa mga daliri ko sabay angat ng tingin sakin. Nang magtama yung paningin naming dalawa siya naman agad yung unang umiwas at pinag patuloy na ulit yung pagkain niya. 

"Ang serious niyo naman. Joke lang." Naka bungis-ngis namang sagot sa kanila ni Sasa. "Alam nyo kasi kung kilala nyo si Jin Young siya yung asawa nitong si Max." Sabi pa ni  Sasa sa kanila. Sabay tapik pa nito sa balikat ko. Natawa naman ako sa sinabi niya sabay batok sa kanya. Kung ano-ano kasi yung sina sabi niya. Natatawa namang tumango-tango yung mga kasamahan nilang mga writers ng magets ng ma to yung sinabi ni Sasa.

"Akala ko naman totoo." Sabi naman ni Nami. "Ako din." Sabi rin ni Kath. Naka ngiting naiiling nalang yung ibang writer kay Sasa. 

"Joke nga lang. Wag nga kayong masyadong seryoso masama sa puso yon." Sabi pa ni Sasa sa kanila. "Akala ko talaga totoo na. Ikaw talaga bully ka rin minsan Ate Sasa" Bintang naman ni Gray kay Sasa. Ngunit kinindatan at nginisihan lamang ito ni Sasa.

Gray pala ying pangalan nong lalaking katabi ni Aze buti na tandaan ko pa yung pagbangitin ni Sasa kanina sa pangalan nong lalaki.

"Pero Max wala ka naman talagang asawa diba?" Paniniguradong tanong naman sakin ni Gray. Nang saasagutin kona sana yung tanong niya sakin ang kaso sumingit naman si Kath saka tinanong si Gray. "Bakit mo naman na tanong Gray? Siguro balak mong ligawan tong  si Ate Max?" Tanong naman sa kanya ni Kath.

"Napaka nyo naman bakit masama bang magtanong? Malay nyo tong si Jacob ligawan si Max someday." Sabi naman niya samin. Habang tinatapik-tapik 'yong balikat ni Jacob. 

Na tahimik naman kaming lahat sa sinabi niya samin. Tumingin naman ako ng dahandahan sa pwesto ni Jacob. At tulad ko na patingin rin sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng dressing room. 

Tinitigan ko naman siya ng maigi gusto kung makita yung reaction niya sa sinabi ni Gray ngunit wala naman akong makitang kahit na anong reaction sa kanya. Tinapos lang niya ang kanyang pagkain saka tumingin sa lahat.

"Bakit?" Tanong naman niya saming lahat. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya ng tumingin siya sa pwesto ko. Sa wakas narinig ko na rin 'yong boses niya. 

Pero napaka seryoso naman niya magsalita. Parang siya yung klase ng taong hindi dapat binibiro kasi baka bigla kanalang niya sigawan o kaya kaladkarin palabas. Sa subrang pagiging seryoso niya nagmumukha tuloy siyang masungit  na tao. 

At dahil sa natahimik kaming lahat si Gray nalang yung sumagot kay Jacob. "Wala nagjojoke lang naman ako kaso mukhang waley." Natatawang sagot naman ni Gray. "Chill kalang Tol wag ka kasing masyadong seryoso." Sabi pa ni  Gray sa kanya.

"Ano bang sinabi mo?" Tanong naman ni Jacob sa kanya. "Bingi kaba Tol? Ang lapit kona sayo di mo pa ko narinig?" Reklamo naman ni Gray sa kanya.

"Eh sa hindi ko narinig e." Pabalang na sagot naman ni Jacob sa kanya. Naka tingin nalang ako sa kanilang dalawa na nag-uusap. Ang ganda pala ng boses ni Jacob ang sarap pakingan. "Wala! Ang sabi ko lang naman sayo kanina ay ang pogi talaga." Sabi naman ni Gray dito sabay suklay ng buhok nito habang nagpapacute oa siya saming lahat.

Natawa naman ako sa ginagawa niyang pagpapacute yung ibang writers at si Jacob naman naiiling nalang sa ginagawa niya.  

"Parang di naman yon 'yong narinig naming sinabi mo kanina." Nakabungis-ngis na sabat naman rito ni Sasa. "Oo nga." Sigonda pa ni Nami. 

"Wala talaga kayong kasupo-supportive sa katawan no. Ang sama nyo naman sakin." Konwaring na iiyak ba sambit ni Gray sa kanila. Natatawa pa rin talaga ako dito kay Gray ang cute niya kasi. Feeling ko ang sarap niyang kausap. Sana maging kaibigan ko rin siya.

Napatigil naman ako sa kakatawa sa mga jokes ni Gray na sablay. Nang maramdaman kung merong mga matang naka tingin sakin at sa bawat pag kilos ko. Nang ikot ko naman yung paningin ko nakita ko si Jacob naka titig sakin. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa pagtitig niya sakin.

Hindi ko alam kunh dapat ko ba siyang ngitian o ano. Nag-aalangam kasi ako baka mamaya kung anong isipin niya sakin. Ayokong makagawa ng wrong move.

Hinayaan ko na lamang siyang titigan ako bahala siyang magsawa sa pagmumukha ko. Ayoko na mona siyang tinginan na iilang kasi akl sa kanya. Feeling ko naman masaya din siyang kausap 'kong parati siyang magsasalita. Napaka tipid kasi niyang magsalita iwan ko baka ngayon lang yan dahil may ibang tao sa paligid niya at ako yon kaya siguro hindi siya nagsasalita. Napaka seryoso niyang tao. Pero tingin ko naman pagkina-usap nama  siya sa paraan na gusto niya o sa topic na parehas kayo ng gusto mag eenjoy ka naman sigurong  kausap siya. Mag eenjoy rin siguro ako

Ngunit hangang imagination ko lang siguro na makausap siya ng ganon dahil sabi nga nila. "So close yet so far." Nakakalungkot man ngunit kailangan 'kong tangapin na masyado siyang mataas para pangarapin 'kong abutin. 

___

Next...



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE