Ayaw Ko Sayo

Image Description TianaVianne   |   20 August 2019


Yung paulit ulit niyang pinapamukha sayo na hindi ka niya gusto

Naranasan niyo na ba? Na ipamukha sayo ng taong mahal mo na ayaw niya talaga sa'yo?

'Yung paulit ulit niyang pinaparamdam sa'yo na hindi ka niya gusto.

'Yung sinasampal niya sa'yo 'yung katotohanang kahit kailan, hindi magiging kayo.

Habol ka ng habol sakanya, pero iba naman ang hinahabol niya.

Para kang tanga na laging nakasunod sa likuran niya, umaasa kang kahit isang beses lilingon siya sayo at bibigyan ka ng pag-asa.

Mahal mo pero hindi ka mahal. At ang masaklap pa don, kahit kailan hindi ka niya magagawang mahalin.

Bakit nga ba tayo nahuhulog sa taong hindi naman natin makukuha?

Para kang tumalon mula sa isang mataas na building at umaasang may sasalo sa'yo, pero nung nahulog kana, nasaktan ka lang kase wala naman pala talagang sasalo sa'yo.

Ayaw niya sayo, tanggapin mo nalang. Wag mo ng ipilit, siya na mismo nagsabi "Ayaw ko sa'yo."



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE