Papaano kaya mapapatunayan ni Alex sa kanyang lost girlfriend at pamilya na sya si Kenzo Kimura? Si Kenzo Kimura ang binansagang Heart of Tokyo ng Japan dahil sa sobrang kasikatan nito.

Sa Tokyo
Katatapos lang ng trabaho nila Leo at Mel sa club, naglalakad sila sa labas, pauwi ng apartment.
“Ilang buwan ng wala si Alex, kamusta na kaya siya?” Sabi ni Mel.
“Mula ng nawala si Alex humina na ang club natin, magaling manghatak ng customer si Alex, ngayon wala na masiyadong pumapasok, laging mainit ang ulo ni Tencho!”
“Tsaka lagi na lang may bawas ang sweldo natin,”
“Kaya nga eh, ok lang sana kung maliit lang ang binabawas nila kaso ang laki,
pandagdag ko na sana padala sa nanay ko yon.
“Dati hindi naman binabawasan diba? Mula ng naging sila ng Karen na yan!”
Biglang naudlot ang kanilang usapan ng may naalala si Leo.
“Naku! may nakalimutan ako sa club, yung bag ko, babalikan ko lang!”
Bumalik sila sa club at si Leo lamang ang pumasok sa loob.
“Ok dito lang ako, bilisan mo pre!”
Nagsindi ng sigarilyo si Mel habang hinihintay nyang lumabas si Leo, maya maya ay biglang dumating si Gino na galit na galit.
“Walanghiya ka layuan mo si Karen!”  Sinuntok siya nito
Ginantihan din siya ng suntok ni Mel at nagsuntukan sila.
Samantala nasa isang tabi si Karen at tumawag ng pulis.
Ilang sandali lamang ay dumating ang mga pulis at hinuli ang dalawa.
Tamang pababa si Leo mula sa club, nakita nya si Mel at Gino na isinakay sa
sasakyan ng mga pulis at umandar na ito.
Natakot si Leo para kay Mel, alalang alala siya ngunit wala siyang” magawa.
“Mel?!
Nakita niya si Karen sa isang tabi na ngumingisi mag isa.
“Anong ginagawa mo dyan?siguradong ikaw na naman ang may kagagawan nito, napaka walanghiya mo!”
KAREN: Huwag mo ko pagbibintangan ng ganyan at baka ikaw ang sumunod, mahirap talaga maging TNT hahaha nakakaawa naman kayo .
Maya maya ay dumating ang sasakyan ng Tencho at sumakay si Karen.
LEO: Papano na kaya ako nag iisa na lang ako?
Malungkot na sabi ni Leo sa kanyang sarili.
...
Nagpahinga magdamag sa kwarto si Alex, humiga siya sa may bandang paanan ng kama upang makita niya ang frame ,habang naka higa ay pinagmamasdan niya ito,  may nakatutok na spotlight dito, sariwa pa ang ala-ala niya sa lugar na yon, mga ingay at mga taong naglalakad sa paligid, di masasabing masaya pero may kakaibang pakiramdam na di malilimutan.Naalala niya si Nicole , at naalala rin ang kanyang mga kaibigan.
“Kamusta na kaya si Leo at Mel? Nakaka miss ang mga tawa ng dalawang yon, makikita ko pa kaya sila?”
Nagdasal si Alex, parati niyang pinapanalangin na sana ay makita nyang muli si Nicole  at mga kaibigan at magbago ang kanyang kapalaran, Sa pagod ay nakatulog  si Alex.
Sumunod na mga araw ay madaling naging mag-kakaibigan nila aling Linda, Glen at Mini.
Kinabukasan, maaga siyang gumising at nag-ayos ng sarili.
Nagpaalam siya sa mga ksama na siya ay mag-uumpisa ng maghanap ng agency.
“Aalis na po muna ako,”
“Mag-iingat ka ha, maraming loki sa Maynila!”
Nagpasalamat si Alex at siya ay umalis, at panay naman ang tingin sa kaniya ni Glen at Mini.
“Hay grabe naman sobrang guwapo nya, may girlfriend na kaya siya?” sabi ni Glen.
“Kung may girlfriend man o wala, sa tingin mo ba may pag asa pa tayong dalawa haha?”
“Napaka swerte naman ng girlfriend nya kung meron man hay!”
“Oo nga, sana wala pa, kasi parang nakaka selos naman yun,”
“Oi kayong dalawa talaga, mag luluto pa tayo!”
“Opo mamu!”
...
Hindi sanay si Alex sa Maynila sumakay siya ng jeep at nag punta siya sa syudad at naghanap ng promotion hanggang may nakita siya nakasulat na HG Promotion.
"HG promotion? Baka meron dito?”
Pumasok sa loob si Alex at nag inquire, may isang medyo matabang babae ang nasa counter desk.
“Good morning po Ma’am, nag papa alis po ba kayo papuntang Japan?”
“Japan? Ay wala pa mga promoter na hapon mula Japan,  bihira na lang, medyo mahirap na kasi makabalik doon, di gaya ng dati, at di pa kumukuha ng mga band at hosto, sa ngayon wala talaga , baka gusto mo sa Korea o sa Dubai?”
“Ah ganon po ba? Di bale na lang po, maraming salamat,”
“Pasensya ka na,sayang at napaka guwapo mo pa naman!”
Nalungkot si Alex, meron pa siya nakita na agency pero ganon din ang sinabi,
bumili siya ng dyaryo na buy and sell. Nagbabakasakali na may makita, tinawagan niya yung mga kanyang nakita pero iisa ang sinasabi nila.
Halos araw-araw lumalabas si Alex upang maghanap ng Agency, ngunit iisa ang sinasabi ng mga ito.
Pauwi si Alex sa karinderia at medyo ginabi ito sa sobrang traffic.
“Mamu magandang gabi po.!”
“Ma traffic siguro ano? (habang nagsasalin sa pinggan ng kanin na order ng customer)
“Oo nga po grabe ang traffic!”
“Kamusta na lakad mo iho?”
“Wala pa din po mamu,”
“Alam mo iho huwag mo masiyadong isipin ang pag punta ng Japan, kung para sayo talaga darating yan ng kusa kaya mag relax relax ka na muna, masiyado mo pinapagod sarili mo, tsaka huwag ka mawawalan ng pag asa, kumain ka na muna,”
“Salamat mamu.”
Tumulong si Alex magsara ng karinderia at pagkatapos nito ay umakyat na siya sa kanyang silid.
Pinagmasdan ni Alex ang frame.Naaala niyang muli si Nicole ...
Lumipas ang mga araw at buwan naging maganda ang samahan nila nina aling Linda.
Maraming tao sa karinderia karamihan ay mga kababaihan at may mga lalaki din, dalaga, matanda may asawa, masaya sila kapag nakikita nila si Alex, palakaibigan si Alex at madali kagaanan ng loob.
“Nakakatuwang isipin puno na naman tayo dito, haha, dati sobra ang table ngayon kinulang kaya nagdagdag pa si mamu ng lima pang lamesa, bongga!”
“Oo nga, ang bait talaga ni Alex no, ang daming humahanga sa kaguwapuhan nya at napakabait pa, kaya swerte tayong dalawa, parati natin siya kasama araw at gabi haha!”
...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE