Papaano kaya mapapatunayan ni Alex sa kanyang lost girlfriend at pamilya na sya si Kenzo Kimura? Si Kenzo Kimura ang binansagang Heart of Tokyo ng Japan dahil sa sobrang kasikatan nito.

TEASER

Nagkikislapan ang mga ilaw at mga flash mula sa mga camera ng mga tao at sinisigaw ang pangalang  "Kenzo Kimura"
"Kenzo Kimura aishiteruyo!" {Kenzo Kimura Mahal kita‼}  Sigaw ng mga fans.
Nang biglang nauntol ang mga diwa ni Alex ng biglang may kumatok sa pinto ng kanyang silid.
Lumingon si Alex habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, nananalamin siya ng nagbalik sa kanyang alala ang nakaraan...hinagod-hagod pa niya ang kanyang mga buhok at nagpapogi sa harap ng salamin, pakiramdam niya na maraming tao ang nakatingin sa kanya.                  
Lumingon si Alex sa pinto.
Tok Tok... patuloy ang katok sa pinto.
Lumapit si Alex sa pinto at ito'y kanyang binuksan.
“Alex? bakit naka lock ang pintuan?”
Nagtatakang tanong ni Gisele.
“Pasensiya na nai lock ko pala!”
Pagpasok ni Gisele ay may nakita siyang magazine na nasa ibabaw ng tukador.

“Ano yang magazine na yan?”
Kinuha ni Gisele ang magazine at tiningnan.
“Magazine sa Japan ito ah, at luma na pala, saan mo naman nakuha ito? Ngayon ko lang nakita ito?”
“Ah, dala ko yan nung umuwi ako, naitago pala ni Mama yan e,”
Tiningnan ni Gisele ang cover.
“Kenzo Kimura? Ito yung pangalan ng brand na isa sa mga binebenta kong pabango dati, ito pa nga yung lalaking nasa malaking poster na naka frame sa shop namin sa mall!”
“Oo nakita ko yon,”
“Diba patay na siya? Pero, mabenta pa din ang mga pabango, kaya hindi tinatanggal yung frame niya dun sa shop namin, gaano ba kasikat ang Kenzo Kimura na to sa Japan?”
Naupo si Gisele sa kama at tiningnan niya ang laman ng magazine.
“Sayang puro hapon ang nakasulat at parang kontrobersiyal ang mga nakasulat dito, pero luma na itong balita na to,”
Tumabi si Alex kay Gisele sa kama,
“Alam mo si Kenzo Kimura, sobrang sikat siya sa Japan, siya ang bukang bibig ng mga tao, mga pelikula niya, teledrama, concert talagang nag click, madami siyang commercial sa tv maraming babaeng na iinlove sa kanya!”
Habang nag kukukwento si Alex ay tinitingnan ni Gisele ang magazine.
“Ah talaga? Siguro itong babae na ito ang girlfriend nya, ay hindi dalawa pala sila dito sino kaya sa kanila?"
Tinuro ni Gisele ang picture ni Rie Natsuki at Takako Shimada.
“Naging kasintahan ba nya yang mga yan? E sino ang mga ito sikat din ba sa Japan ito?
“Pareho niyang naging kasintahan ang nasa picture dyan, yan si Rie Natsuki,” Tinuro ni Alex ang larawan ni Rie Natsuki sa magazine.
“Siya ang madalas na leading lady ni Kenzo Kimura, sikat na sikat na artista yan!”
“ Eto naman isa? Ang bata pa at ang ganda,”
"Ah, siya naman si Takako, talagang napakaganda ng mukha niya, kaya lang nagpakamatay.
Malungkot si Alex habang sinasabi nya ito.
“Ha? Sayang naman ang batang ito, bakit naman niya nagawa yon?”
“Kase mahal na mahal niya si Kenzo Kimura, akala niya wala ng oras para sa kanya, akala niya mas pinili ni Kenzo Kimura yung isang babae,”
“Sinong babae? Ah alam ko na ito yung isang babae na ito no, Rie Natsuki?
“Hindi siya, may iba pa hindi artista,”
“Talaga may iba pa? Ang swerte naman nun hindi artista pero naging boyfriend niya to?” “Long lost love niya ‘yun,”
“Ah ok pero hindi ako interesado dahil wala naman siyang picture dito, itong Takako na to artista ba ito?”
“Hindi artista si Takako, kaya lang siya nasa magazine kasi nalaman na siya ang girlfriend ni Kenzo Kimura.Si Takako anak ng isang sikat na soccer player sa Japan noon,”
“Kawawa naman pala siya masama din pala yang Kenzo Kimura na yan kase nanloko siya, tatlo ang girlfriend niya hmp!”
“Hindi siya nanloko, mapagmahal lang si Kenzo Kimura, dala ng kasikatan at panahon kaya nangyari na naging tatlo ang naging babae niya, ngunit isa lang talaga ang nakakahigit na hanggang huli ay mahal pa din niya,”
“Eh sino yung pinaka higit?"
“Yung long lost love niya,”
“Ah ganon pala, nakakainlove naman ang Kenzo Kimura na ito, kayalang wala na siya sayang! teka? pati yata ikaw na obsessed sa kanya eh, mas daig mo pa si Rica kung mag kwento haha! Mas marami kang alam eh,”
“Sinong Rica?”
“Yung kaibigan ko na nag-asawa ng hapon, nandito siya ngayon, at birthday pala niya bukas, pupunta tayo!”
“Ah ok sige!”
“Hay naku, nakakaloka naman ang mga kuwento tumgkol kay Kenzo Kimura, sayang sa kalagitnaan ng kasikatan niya namatay pa siya, sayang!” Sabi ni Gisele.
Maya maya ay bumuwelo si Alex at tumingin kay Gisele.
“Wala ka ba napapansin?”
“”Anong napapansin?
“Pagmasdan mo mabuti mukha ni Kenzo Kimura sa magazine,”
“O bakit, guwapo syempre artista diba?”
“Tingnan mo mabuti yung mukha.  Kamukha ko diba?”
Pinagmasdan mabuti ni Gisele ang magazine, napansin niyang may pagkakahawig nga kay Alex.
“Nakakatawa ka Alex, oo nga pero konti lang!”
“Inayusan lang yan kaya ganyan ang mukha, hindi naman totoo ang nunal nyan e!”
“Ay naku pwede ba Alex, sige na nga kamukha mo na, matulog na nga tayo,”
Niyakap ni Gisele si Alex.
“Mahal kita,” sabi ni Gisele at hinalikan niya si Alex sa labi,
Maya-maya ay sinabi ni Alex na.
“Ano naman ang sasabihin mo?” sabi ni Gisele habang naghahalikan sila ni Alex.
“Tell me,” sabi ni Gisele habang naghahalikan sila.
Nagbugtong hininga si Alex at nilakasan nya ang kanyang loob at kanyang sinabing.
“Ako si Kenzo Kimura!”
At biglang napabitaw si Gisele kay Alex.
“Ano nasisiraan ka na ba ng ulo?”

Totoo nga kaya ang sinasabi ni Alex? Papano kaya niya ito mapapatunayan?


CHAPTER  ONE

"Irashaimase! Irashaimase!
Ang salitang madalas sambitin tuwing may pumapasok na mga customer sa Paradise International Club.

Gabi sa Paradise International club..

Pinipilahan ito ng mga customers gawa ng mga magagandang babaing galing pa ng iba't bansa na nag ta trabaho dito gaya ng Americans, Russians,Costa Ricans, Romanians at meron ding mga pinay, nag perperform sila sa stage, may singers at dancers meron silang anim na buwan na contract para makapag trabaho doon, tumi-table din sila sa mga customer upang makakuha ng maraming tip at malalaking back, gaya ng drink at food.  
Punong puno ng mga customers ang bawat sulok nito.
Abalang-abala si Alex habang naglalagay ng mga order na pagkain sa mga table,may nagsasayawan sa dance floor habang kumakanta ng duet ang isang customer na hapon at isang babaeng Russian sa karaoke stage, buhay na buhay ang gabi sa Paradise Club.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE