Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She loves him Yet, he kept her sedated for nothing The reason Simply because, hes nonexistent at all Well he exist---but only in her mind and in 1804 And his name is--- Thomas Clemente Cordova,

"SENYORITA, sisindihan ko lang po ang inyong kandila." Kumurap ng tatlong beses si Catherine nang ang kaninang waiter na nasa harapan niya para sindihan ang kandilang nakapatong sa kaniyang mesa ay nasama rin sa pagbalik sa nakaraan. Pero ang kakaiba lang ay parang wala lang sa waiter na iyon na hindi na ito ang kasalukuyang panahon o baka naman hindi talaga nasama ang waiter kundi ang nasa harapan niya lang ngayon ay nakaraang bersiyon ng waiter na iyon?


Nilingon niya ang paligid. The overall ambiance of the whole place was not 90's. It was earlier than that sapagkat ang taon ngayon ay 1804, ikalabing walong araw ng Agosto.


Namimilog ang mga mata ni Catherine nang sindihan ng waiter ang kanyang kandila. Yumuko ito sa kaniyang harapan, nagpasalamat at tsaka umalis.


Kanya pa sanang tatawagin pabalik ng waiter kaso hindi nagawa sapagkat masyado siyang nalunod sa kasagsagang pagkatulala kaya't hindi niya ito agad natawag.


Naiwan siya sa kaniyang upuan nang may pagtataka. Ang kaninang dining area na may kulay puting mga ilaw at may mga turistang kumakain ay tila naging isang dining hall nang mararanyang tao sa panahon kung nasaan siya ngayon.


The lights are in incandescent form giving a bright yet yellowish light for the whole dining hall. Ang mga tao ay nakasuot ng mararangyang damit. Ang mga lalaki ay nakabarong at may mga suot na sapatos ay kumkintab sa sahig. Ang mga babae naman ay naka-baro't saya na ang pares ng suot na bakya pampaa ay nagbibigay ng kakaibang tunog sa sahig nh dining hall kapag ginagawang panlakad.


Kanina pa palakad-lakad ang mga taong nasa paligid niya. Some are holding wine glass habang nakikpag-usap at nakikipag-tawanan.


May isa rin siyang napansin, the windows are widely open at sa mga gilid ay nakatayo ang mga makikisig na sundalong Kastila, at ang isa sa mga iyon ay si Thomas Clemente Cordova; ang lalaking sundalong palaging nasa panag-inip niya na kaninang umaga lang ay nakita niyang nagmamartsa kasama ang pito pang sundalo sa tapat ng main building ng headquarters.


Kumurap si Catherine nang makita niya ang sundalong iyon na nasa gilid ng pintuan, nakatitig sa kawalan at tila ang angas tignan.


Akmang tatayo na sana siya para lapitan ang sundalong iyon nang biglang may lumapit sa kanyang babaeng nasa kuwarenta na ang edad, "Senyorita? Saan ka pupunta? Maya't-maya'y darating na ang bagong kasal. Batid ko'y huwag ka na sanang umalis sa iyong kinauupan sapagkat kapag nalaman ng inyong ama na ikaw ay nawawala ay tiyak na ako ang hahamakin niya."


Natulala si Catherine sa sinabi ng ginang, "S-sino ka?" Iyon ang una niyang naibigkas.


Tumawa ang ginang, "Palagi niyo na lang nakakalimutan ang pangalan ko. Ako si Manang Isme, alipin ng inyong pamilya." Yumuko ito sa harap niya matapos itong magpakilala.


"Alipin?" Takang-takang tanong niya. Maya-maya pa, ay nahinuha na niya ang lahat.


"Okay, get's ko na! Isa sa akong anak ng maharlika sa panahong ito!" aniya sa kaniyang isipan. Nginitian niya si Manang Isme, "Ahh este, alipin po ako ng tiyan ko. Sumakit kasi, kailangan kong pumunta sa kubeta."


"Ganun ba?" Buong pag-alalang tanong ni Aleng Isme sa kaniya. "Halika senyorita at ihahatid kita sa kubeta."


"Ay, Manang Isme, ako na lang. Ituro mo na lang sa akin." Nginitian ni Catherine ang ginang na alalang-alalng sa kaniya at dahil sa kaniyang pamimilit ay binigay na sa kaniya ng ginang ang direksyon ng kubeta.


Nasa may gawing kaliwa iyon ng dining hall kung saan may pintuan--- "Papasok ka roon at maglalakad pakanan," dagdag ni Manang isme.


Nang makarating siya roon ay mabilis niyang pinagkakatok ang dalawang kubeta.


"Flora! Flora! Nandiyan ka ba?" sigaw niya pero walang nagbukas ng pinto ni umimik sa loob.


"Ako lang ba? Ako ang lang ba ang nahihila papunta sa nakaraan? Si Flora? Wala siya sa C.R. Ibig sabihin... ako lang talaga?" namumutlang tanong niya sa sarili.


Pumasok siya sa isa sa mga kubeta. Sa loob ay humarap siya sa isang kuwadradong salamin at maiging pinagmasdan ang namumutlang sarili.


Ikinagulantang niya nang matagpuan niya ang sariling nakasuot na rin ng baro't saya. Everything around heris the same except for the time and the people.


Inayos niya ang kaniyang buhok. Gamit ang kamay ay inamoy niya ito't kamuntikan na siyang masuka nang nag-amoy itong mansanilya. Isang liquid lotion para sa bumbunan ng mga bagong anak na bata.


Hindi niya maiwasang magpaganda. Bunga kasi nang makita niya ang sundalong iyon na naka-guwardiya sa may pintuan ng dining hall ay hindi niya maiwasang hindi mapakali sa kung ano na ang itsura niya. Nakaka-concious kasi ang kaguwapuhani ni Thomad Oppa.


Nang lumabas na siya ay kaswal siyang naglakad. Iyong mga nakakasalubong niya ay panay ang pagyuko sa harapan niya't kaya niyuyukuan niya rin ang mga ito.


"Senyorita! Anong ginagawa niyo?" Nang makabalik siya sa upuan ay mabilis siyang nilapitan ni Manang Isme. "Bakit kayo yumuyuko kapag niyuyukuan ka ng mga taong nakakatagpo mo? Isa kang senyorita na anak ng maharlkka, hindi mo dapar ginagawa iyon."


Habang sinasabi iyon ni Manang Isme ay kasalukuyan namang lumulipad ang mga mata ni Catherine sa may gilid ng pintuan kung saan nakatayo ang makisig na sundalong iyon. Si Thomas Oppa.


Hinarap niya si Manang Isme at hinawakan ang mga kamay nito. "Manang Isme. Sobrang tagal ko na siyang gustong makita. Palagi siyang napapadpad sa panag-inip ko at ngayong halos abo't kamay ko na siya, sobrang saya ko," mangiyak na ani Catherine habang may mapait na ngiti sa kanyang mukha.


She means it. She really means it!


"Senyorita, andiyan na ang iyong ama. Umayos ka," mariing bulong ni Manang Isme sa mangiyak-ngiyak pa ring si Catherine habang pinagmamasdan pa rin ang sundalong iyon. Tumayo si Manang Isme sa gilid ni Catherine at yumuko.


Maya-maya pa ay dumating ang tatlong lakaking may magagarang suot na tila may hinahanap na tao.


"Don Tiago, narito po si Senyorita Maria." Biglang naputol ang tingin ni Catherine sa sundalong nasa gilid ng pintuan nang humarang sa kaniyang paningin ang tiyan ng isang lalaking nasa kaniyang harapan.


"Senyorita, baitiin mo ang iyong ama," bulong ni Manang Isme.


"Ha?" Iyon lang ang naitanong ni Catheriy kay Manang Isme at agad niyang ibinaling ang tingin sa kaniyang harapan kung saan naroon ang isang lalaking na nasa lagpas singkuwenta na ang edad at namumuti na rin ang buhok, kulubot ang noo, may maamong ngiti at may dala-dalang itim na baston. Sa likod naman nito ay ang dalawang binatang kambal na aminado si Catherine na may mukha rin at puwede na ring pang-"Oppa". Natawa siya nang maisip niya iyon pero agad naman siyang sumeryoso nang maramdaman niyang inip na ang tinutukoy ni Manang Isme na ama niya.


"Magandang gabi Papa," Hinalikan niya ang pisngi nito. Mabuti na lang at may nakita siyang mga kasing edad niya kanina na binabati ang mga ama't ina nila kasi kung hindi ay baka nagmukha lang siyang aning-aning sa harap ng kaniyang papa.


"Kumain ka na ba hija?" tanong ng kaniyang ama.


Suddenly, Catherine feels sad. Sa pinakaunang pagkakataon ay may isang "Ama" ang nagtanong sa kaniya ng tanong na iyon. Throughout her life, lolo at lola lang ang mayroon siya kaya ngayon, hindi niya mapigilang hindi maging emosyonal.


"Opo pa. Ikaw ba?" tanong ni Catherine. Noong kinakausap niya si Aleng Isme kanina ay parang hindi natural ang pagkakasabi niya ng mga salita, pero ngayon, everything is going spontaneous. Pakiramdam niya'y ama niya talaga ang nasa harapan niya.


"Tapos na. Ang iyong ina ay parating pa lang. Natagalan siya sa pag-aayos sa kaniyang buhok."


Umupo na ang kaniyang ama sa upuang nasa tabi niya at ang dalawang lalaking kambal naman na panay ang ngiti sa kaniya ay nagpunta sa likuran nila kasama si Manang Isme.


Everyone is still romaing around, palakad-lakad, nakikapag-usap at nakikipagtawanan. Maging ang kaniyang ama ay nilalapitan din ng iba't-ibang lalaki sa upuan nito.


While everyone is wandering around, muling lumipad ang mga tingin ni Catherine sa lalaking sundalo nasa may gilid ng pintuan.


It's disheveled hair, piercing eyes, thin lips, well angled jaw---and overall hunky bad boy "Oppa" look make her blush and smile. He was a very unique male specie. His face is chiselled giving him a bad boy look. His eyes really piercing. Those eyes were cold yet nakakainit ng salawal. Hindi tuloy mapigilan ni Catherine na matitigan ito ng malapitan. His skin is tan, tipong maputi naman talaga pero nababad lang asa araw. Iba rin ang tindig nito, making that soldier look very hot.


Siguradong-sigurado si Catherine na ang sundalong iyon ang palaging bumibista sa mga panaginip niya.


Sure everything and everyone around her is a mere phantom or an illusory, or let's just say that all of this people around her are real ghost, but she don't care. If through this, her questions in her life will be answered, then why be afraid?


"Tiago, Maria, pasensiya na't natagalan ako. Ang buhok ko kasi---"


"Walang problema Cecilia, maganda ka pa rin naman." Halik na matamis ang pagbating ibinigay ng ama ni Catherine sa kakarating lang na babaeng sa sobrang puti ay nagtinginan ang lahat sa gawi nila.


"Hija," hinalikan ng babae ang pisngi ni Catherine. Nabakas niya agad ang pagkahawig ng kaniyang mukha sa babaeng iyon. Ang kaniyang ina sa panahong iyon. Si Donya Cecilia.


"Maraming salamat sa inyong pagdalo sa aming pagsasama ng aking iniibig na si Berlinda. Mula sa mga prayle at sa mga opisyales ng hukbo ng sundalong mga Kastila. Sa ating tagapamuno ng Pueblo Maharlika, Don Tiago T' Gubilin. Maraming salamat." Tumawa ng mahinhin ang kaniyang ama nang tawagin ang pangalan nito ng lalaking naroon sa entablado at kasama ang isang dilag na may mga bulak-bulak na nakapatong sa ulo.


"At sa lahat ng mga datu at dugong maharlika na narito, maraming salamat. Bilang kanang kamay ni Don Tiago, nais naming sabihin ng kasama ng aking iniibig na opisyal ng magsisimula ang kasiyahan."


Palapakpakan. Hiyawan at malakas na pagbirada ng mga mga mangaawit na pumalit sa entablado ang umukupa sa buong dining hall.


In a glimpse of an eye, she found everyone dancing with the song.


Maya-maya pa ay niyaya siya ng dalawang kambal sa likuran niya na sumayaw. Noong una ay wala siyang mapili sa dalawa ngunit ang may maliit na nunal sa gilid ng labi ang kaniyang pinili at ang isa naman ay nakasayaw ni Manang Isme.


It was very weird, hindi pa lumagpas ng isang oras bago siya mapunta sa panahong ito yet she feels comfortable with the people around her.


"Gustong-gusto ka namin ng kambal kong si Esmael senyorita kaya't alam kong inis na inis iyon sa akin kaya humihingi ako ng pabor sa inyo."


"Ano iyon?"


"Samuel senyora."


"Ano iyon Samuel?" tanong ni Catherine habang pasimpleng nilipad ang kaniyang tingin sa lalaking sundalong nasa gilid pa rin ng pintuan.


Habang sumasayaw at hinihintay ang sagot ni Samuel ay nabasag ang puso ni Catherine nang biglang lumabas ang sundalo ng dining hall na pinalitan naman ng dalawa pang sundalo. Pinilipit niyang inilipad ang mga mata para masundan ng titig ang sundalong iyon ngunit pagkatapos nitong lumabas ay hindi na ito natagpuan ng pananaw niya.


Saan siya nagpunta? Malungkot na aniya sa isipan niya.


"Sana isayaw niyo rin po si Esmael. At tiyak na hindi lang siya ang matutuwa. Natitiyak kong matutuwa rin ang aming ina na si Isme."


Tinitigan ni Catherine si Samuel na alam niyang nahihiya sa kaniya dahil mukhang may gusto sa kanya. Kahit nakaka-guilty, she took that advanced.


"Sige. Walang problema pero pagkatapos kong kayong isayaw dalawa ni Esmael, hayaan niyo akong makalabas ng dining hall nang hindi nahahalata ni Papa at Mama."


Hindi maintindihan ni Catherine pero  felt guilty after saying that. Hindi niya maintindihan. Sa totoo nga lang, puwede siyang tumakbo ngayon na. Who are they eventually? Just mere people from the past! Pero kahit ganun, Catherine still feels that way--na takot siya sa Mama at Papa niya. Hindi niya maalis sa sistema niya ang mga pakiramdam na iyon.


"Senyorita, imposible ang inyong sinasabi. Kami ang mapapagalitan kapag ginawa namin iyon."


"Sige ka, minsan lang ako ganito. Sa susunod ay paniguradong hindi na mauulit itong sasabihin ko. Sige ka rin, magtatampo si Esmael sa'yo."


She felt worst nang sabihin niya iyon lalo pa't nakita niya ang malungkot na tingin ni Samuel na lumipad patungo sa kapatid nito na sinasayaw ang ina. Hindi siya ganitong tao sa totoong buhay pero kailangan niya lang talagang masundan ang sundalong iyon kasi iyon lang naman talaga ang sadya niya.


'"S-sige Senyorita, gagawin ko ang sagot mo sa pabor ko."


"Salamat Samuel! Hulog ka ng langit!" niyakap ni Catherine si Samuel na naging dahilan ng pamumula ng pisngi ng binata.


*  *  *



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019