Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She loves him Yet, he kept her sedated for nothing The reason Simply because, hes nonexistent at all Well he exist---but only in her mind and in 1804 And his name is--- Thomas Clemente Cordova,

"YOU'RE friend is okay. Sa palagay ko ay nahimatay lang siya dahil sa sobrang pagod. You said na bumyahe siya ng apat na oras right?"


"Ah, opo. Mas nauna po kasi ako rito, kahapon pa. At si Cath, kanina lang siya dumating at mukhang wala pang tulog. Editor po kasi siya at pakiramdam ko ay nag-overtime na naman ang babaeng ito. Nag-ipon kasi talaga siya para makapunta rito." Tinignan ni Flora ang kaibigan si Catherine na nakahiga sa kama at pagod na pagod na natutulog. Flora was very worried with Catherine lalo na't umiyak na lang ito bigla habang papasok sila sa headquarters tapos bigla na lang itong nahimatay.


Dati pang alam ni Flora na may napapanaginipan si Catherine na mga kakaiba. Since roomate sila noong college pa, alam na ni Flora ang sikretong iyon ni Cath. Minsan nga, naririnig niyang sumisigaw si Catherine habang natutulog.


Nalungkot siya bigla siya sa kaibigan niya. Flora is a very emphatic person, kahit iyong namatay niyang gold fish iniyakan niya. Ito pa kayang very close friend niyang nagsa-suffer dahil sa mga napapanaginipan nito? Kaya kahit medyo takot si Flora at baka mga hindi totoong tao ang nakikita ni Catherin ay nag-agree pa rin siyang tulungan ito.


If giving her the information about what her close friend will see in it's dreams, sino siya para tumangging tulungan ito? She majored History kaya alam niyang may maitutulong siya kay Cath kahit papano.


"Keep her hydrated and make sure she'll have a good rest."


"Thank you po." Yumuko si Flora sa harapan ng Doktora bago ito umalis. Mabuti na lang talaga at may naka-duty na doktora ngayon sa old hotel na ito kaya mabilis na natulungan si Catherine. The name of the hotel was Casa de Hotel.


Maya-maya pa ay nagising na si Cath. "Aray ko po!" Hinilot niya ang ulo niya nang sumakit ito.


"Oh! Gising ka na! Huwag ka munang malikot Cath." Mabilis na nilapitan si Cath ni Flora. Her long black hair were so messy na tipong para siyang nahanginan ng malakas.


"Anong nangyari sa buhok ko?" naiiyak na tanong ni Cath sa sarili. Napanganga si Flora. Mas concern pa si Cath sa nangyari sa buhok niya kaysa pagkahimatay nito.


Maya-maya pa ay kumibot ang mga labi ni Flora at parang batang naiyak sa harap ng matalik na kaibigan. "Pinag-alala mo ako Cath. Akala ko mamatay ka na. Bigla ka na lang naiyak tapos nahimatay ka na." Ngumawa pa ito sa harap niya.


"Sorry Flor, pinagalala kita." Catherine tapped Flora's back. Alam niyang madali lang talagang maiyak si Flora. Kahit nga noong may napatay itong ipis ay isang gabi itong umiyak---thinking na ang sama sama na nitong tao dahil nakapatay siya ng buhay na ipis.


"'Pag naulit 'yon, hindi na talata kita tutulungan!' umiyak pa rin si Flora.


"Oo na po. Sorry na..." Pampalubag loob ni Catherine kay Flora. Habang pinapanuod itong ngumawa ana parang bata, biglang naisip ni Catherine ang nangyari kanina noong naglakad sila ni Flora sa pathway ng headquarters.


Kinabahan siya. It was very surreal. Ang naranasan niya kanina ay totoong-toto, everything was vivid and clear. Hindi katulad sa panaginip niyang malabo at putol-putol ang mga eksena. Kanina, everything was spontaneous, dire-diretso.


Was she dragged back in time or the time was dragged back on her? What triggers it? For sure, may ginawa siya kanina para mabalik siya sa panahong iyon. Or was it that, kusa lang iyong nangyayari without her permission?


Though scared, she was glad na hindi siya nagkamaling itong municipality nga na ito nangyayari ang lahat ng mga napaginipan.


Pero anong taon iyon kanina? Was it a hundred years ago? Bakit siya naiyak? Bakit siya nilagpasan ng sundalo? Hindi ba siya nito nakita kanina?


"Kain tayo, tara!" Hinila niya ang umiiyak pa ring si Flora palabas ng kuwarto.

*  *  *

"Itong mga old hotels na ito, it was actually built by the Maharlikas bago pa in-invade ng mga Kastila ang lugar na ito. This hotel serves as their home and guest house for their visitors na mga maharlika rin sa ibang munisipyo or pueblo." Flora mumbled habang kumakain ng espesyal na Adobo rito sa dining hall ng Casa de Hotel na nasa ikalawang palapag.


"Bago in-invade ng mga Kastila? Ibig sabihin, hindi sabay-sabay na na-colonized ng mga Kastila ang mga lugar dito sa Pilipinas?" tanong ni Catherine habang pinapapak ang hawak niyang tinapay.


"Oo kasi nga, pulo-pulo ang Pilipinas at hindi rin naman ganoon ka rami ang Kastila na nagpunta rito. Mas marami pa rin ang mga taong naninirahan sa Pilipinas kaya may namatay ding mga Kastila. Iyon nga lang, mas kawawa ang mga Pilipino dahil kung hindi itak ay bato lang ang panlaban nila. Habang mga Kastila, mayroon na silang baril. Kaya itong munisipyo na ito, it was very lucky kasi mukhang matagal itong napuntahan ng mga Kastila kaya ang mga maharlikang nakatira rito ay nagawa pang magtayo ng mga hotel at mga plaza na para lang sa kanilang mga maharlika."


Tumango-tango si Cathrine. Kahit papaano ay may nalaman na naman siyang bago. Thanks to Flora who knows a lot about history.


"Kanina, habang naglalakad tayo sa may pathway papasok ng headquarters, bigla akong nabalik sa nakaraan," pag-amin ni Catherine at naging dahilan upang mabulunan si Flora, mabilis itong uminum ng tubig.


"Siugrado ka ba? Anong nakita mo?"


"Oo. Iyong mga gusali sa headquarters, naging newly painted. Nagkaroon ng mga ilaw tapos..." huminto si Catherine saglit. "Tapos may nakita akong goldfish."


Biglang bumagsak ang panga ni Flora.


"Joke lang. 'Di naman ito mabiro. So 'yun nga, nagkaroon ng ilaw iyong mga gusali roon tapos biglang nagbukas iyong pinto ng front building at may nagsilabasang mga sundalo. At isa sa mga sundalong iyon ay ang mismong sundalong kinukuwento ko sa'yo na napapanaginipan ko. Si Thomas Clemente Cordova." May bakas ng ngiti ni Catherine ang huling salitang binigkas niya.


"My gosh! Iyong guwapong sundalo Cath? Tell me? Guwapo ba talaga siya? Anong itsura?" curious na curious tanong ni Flora, tila kinikig din.


Ngumiti si Catherine at inayos ang buhok sa gilid ng kaniyang kanang tainga, "Oo eh. Mestizo," kininikilig nitong sabi.


"My gosh!" Napatili si Flora.


"Kaso nga lang, may napansin ako sa kanya."


"Ano? Tell me!"


"Iyong mga kasama niya halatang Kastila talaga pero siya. Well, may dating siyang pagka-espansyol pero may kasingkitan ang mga mata niya pero hindi naman medyo singkit. Para siyang mestizong oppa."


"Oppa?" Napatili si Flora. Ang tinuyukoy nilang "Oppa" ay mga Korean Heartthrobs na bumibida sa mga K-Drama at mahilig magpakilig sa mga babae. Mahilig kasi si Catherine at si Flora na manuod ng K-Drama's.


"Baliw. As if naman buhay 'yong tao," pambabasag-trip ni Catherine sa nararamdamang kilig ni Flora.


Huminga ng malalim si Flora. "Ang suwerte mo, nakikita mo siya sa mga panag-inip mo. Eh ako? Kahit matulog pa ako ng ilang oras, mga unggoy at kambing lang ang napapanaginipan ko."


"Baka ungggoy ka dati sa pastlife mo na na-inlove sa kambing." Natawa si Cathrine sa sariling sinabi na naging dahilan ng pagnguso ni Flora.


"Pero teka? Eh 'di ba sabi mo parang Asian 'yong features mukha niya? Sa pagkakaalam ko kasi, masyadong istrikto ang mga Kastila dati sa pag-aasawa ng ibang lahi. Nasa rule palagi nila na dapat pure blood kang Kastila. Pero sa bagay, uso na rin naman ang kalakalan dati kung saan nagpupunta ang mga tao sa ng isang bansa sa isa pang bansa para mangalakal, kaya maaring nahaluan na si Mestizong Oppa ng ibang lahi."


"Ganun ba." Lumipad ang tingin ni Catherine sa may entrance ng dining area. May pumasok na apat na Amerikanong turista. Dalawang lalaki, dalawang babae.


"Anong plano natin ngayong gabi? Gusto mo maglibot-libot tayo Cath? Malay mo, mabalik ka ulit sa past mo."


"Sige. Tapos balik na lang tayo pagdating ng dinner."


"Okay, sey yes to misson finding mestizong oppa!" Aliw na aliw na sambit ni Flora na nagpayuko kay Catherine dahil nakuha nito ang atensiyon ng mga kumakain sa dining are.


*  *  *


PAGKATAPOS nilang mag-lunch, lumabas si Catherine at Flora sa hotel para makapaglibot-libot. With Catherine's money, they have book seven days and 6 nights for their stay here in Pueblo Maharlika. Pinagipunang maigi ni Catherine ang pagpunta niya rito. Makailang beses siyang nag-over time at kumuha ng mga part time jobs para makapag-ipon.


Simula noong nawala ang mama niya, paulit-ulit na lang siyang binabagabag ng mga panaginip na iyon. Sometimes she'll end up crying and shouting at night kapag nanaginip siya. And in all of those dream, a dominant scene is always the soldier who's pointing a riffle on her head and saying these words, "Memento Mori" And then through it's rifle, babagsak siyang duguan.


But more than that scene, may mga ganap ding binibigyan siya ng rosas ng sandalong iyon. Sometimes they are kissing, sometimes they are walking down the street while he's holding her hands, at may mga ganap ding wala silang saplot ay may ginagawa silang mali---yet, passionate.


Now that she had finally grown up, and had all the resources, she is slowly finding answers for her puzzled dreams.


Lumaki si Catherine sa Lolo at Lola niya, her mom who's name is Angela who passed away years ago by killing it's own self had also the same encounter like her. Sabi ng lola niya, ang nanay niya raw ay may kinikitang sundalo na hindi naman nila makita-kita. Takahasi Udono raw ang pangalan pero wala naman dawng ganoong pangalan sa lugar nila.


Until one day, her mom got pregnant with her. Palagi raw tinatanong ng Lola at Lolo ang mama niya kung sino ang bumuntis rito pero wala raw itong sinasagot.


At hanggang noong namatay nga ang Mom niya, it was still a mystery on them kung sino si Takahasi Uduno. Pero ang sabi ng Mama niya, iyon daw ang tatay niya.


At through the use of internet, nalaman ni Catherine na ang Takahasi Uduno pala na iyon ay isang Japanese Soldier na minsan nadestino sa lugar nila kalahating dekada na ang nakakalipas bago pa ipanganak ang Mama niya.


Isang manghuhula ang nagsabi kay Catherine dati na kaya raw siya palaging nanang-inip ng mga nangyari sa nakaraan dahil ang kaluluwang taglay niya ang mismong may-ari ng mga panaginip na napapanaginipan niya.


His Dad, Takahashi Uduno is a ghost nang mabuntis nito ang Mama niyang isang tao. At dahil nga kaluluwa na lang ang Tatay nito, her mom produce a child without a soul at all. Kaya ang nangyari, maaring may isang kaluluwang nakitang bakante ang katawan ni Catherine kaya sinaniban siya nito.


At ang resulta nga ay ang isang Catherine Cruz na nabubuhay sa kasalukuyang panahon na may mga bakas ng alala-ala sa nakaraan.


She was deprived of having a mother and father while growing up at ayaw niyang i-deprive niya pa ang sarili niyang malaman kung bakit niya pa napapanaginipan ang mga pangyayaring iyon.


She wants to move on. Gusto na niyang mabuhay sa kasalukuyan ng hindi na naalala ang mapait na mga alala-alang iyon sa panag-inip niya.


"Pagod na ako," hingal na hingal na sabi ni Flora matapos nilang malinbot ang buong Plaza Royal na nasa tapat lang ng headquarters. Sa lawak ng sentro ng Puenlo na mahigit 4 hectares ay inabot sila ng isa't-kalahating oras para lakarin ang kabuuan ng Plaza.


The Plaza Royal was actually a circular oval na mayroong magagandang bermuda at mga punong kahoy. Its like a forest inside a park. Mayroon din itong abandonang Carousel sa gitna ng plaza.


The old design of the whole Carousel was actually fading. Iyong mga paints sa mga kabayo nito ay halos hindi na makita. But some parts are still intact, at kung naalagaan lang iyon ay maari pa iyong magamit ng mga turista rito.


"Puwede bang balikan natin 'yong Carousel saglit? Kahit saglit lang Flor, please?" Pagmamakaawa ni Catherine sa kaibigan niyang putlang-putla na dahil sa sobrang pagod.


"Ha? Nahihibang ka na ba Cath? Eh nasa gitna 'yun ng Plaza tapos babalikan pa natin? Hala sige, mag-isa kang pumunta roon pabalik," hinihingal na ani ni Flor.


Ngumuso lang si Catherine tsaka silang naglakad muli ni Flor pabalik sa hotel na medyo malayo-malayo pa.


"Kumain ka kasi ng marami para hindi madaling mapagod. Kung kumain ka para kang ibon eh."


"Ano ba 'yan Cath! Kanina unggoy, ngayon ibon naman. Anong susunod? Goldfish?"


Natawa na lang si Cath sa sinabi ng pagod na pagod ng si Flora. Nilakad lang nila ng nilakad ang aspalt road ng Pueblo Maharlika. Brick walls are still on the side of the street at mga malalaking lampara ring nakasabit sa bawat poste.


Catherine feels euphoric. Para talaga siyang bumalik sa nakaraan.


Nang makarating sila sa hotel, agad silang nag-dinner sa dining hall kasama ng iba pang mga naka-book ng kuwarto sa lumang hotel.


"Wait lang, CR muna ako." Namimilipit na sabi ni Flora nang umalis siya sa table nila.


"Ang baboy talaga nun," ani Catherine patungkol kay Flora na pinagmamasdang kainin ng pintuan papuntang comfort room.


Habang hinihiwa ang steak sa puting plato, biglang nag-black out sa buong dining area. Rinig ni Catherine ang pagpitik ng pagwala ng mga ilaw at maging ang pag-yihaw ng mga kumakain sa dining area noong nawala ang ilaw.


The staffs who were assigned in the dining area announced that the blackout will last an hour kaya  pagsisindihan na lang ng kandila ang mga kumakain sa table.


Maya-maya pa ay may lalaking waiter naglagay kandila sa table ni Catherine. Nang sindihan na sana ito ng waiter gamit ang posporo ay bigla niya itong in-isturbo.


"Ahh, kuya puwede po bang ako na lang ang magsindi?"


"Oh sure." Nginitian siya nang waiter nang iniabot sa kanya ang posporo.


Kumuha si Catherine ng isang palito, ikinaskas sa gilid ng kaha ng posporo at nang nagningas ang dulo ng palito ay mabilis niyang idinikit ang apoy sa dulo ng kandila.


At nang magkailaw na nga ang kandila ay bigla niyang narinig ang pagbukas ng mga ilaw sa paligid niya.


Tumingin siya sa paligid. Biglang namilog ang kaniyang mga mata.


She was dragged back in early 90's pagkatapos niyang sindihan ang kandila.

*  *  *


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019