Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She loves him Yet, he kept her sedated for nothing The reason Simply because, hes nonexistent at all Well he exist---but only in her mind and in 1804 And his name is--- Thomas Clemente Cordova,

“NAGPAHANGIN lang po ako, ang init na po kasi sa bulwagan.” Nakangiting nagpaliwanag si Senyorita Maria T’ Guiblin o Catherine Cruz sa kasalukuyan panahon.


“Pinagalala mo ako Hija, maraming hukbong pakalat-kalat sa labas na maaring dumakip sa iyo,” sambit ng kaniyang inang alalang-alala sa kanya. Nang makarating siya rito’y nadatnan niyang nagkakagulo ang mga bisita sa pagdiriwang dahil sa pagkawala niya. Halatang nadismaya rin Don Tiago sa ginawa ng anak at nakakunot lang ang noo nito habang niyayakap ng asawa ang kaniyang anak.


Rinig na rinig ang mga bulungan ng prayle, mga maharlika at mga kastila rito sa kinatatayuan nila. Si Esmael at si Samuel ay nakayuko lang sa harap ng pamilya. Habang ang kanilang ina na si Manang Isme na alipin din ng pamilya ng mga T’ Guibilin ay kasakuluyang humahagulhol dahil sa pagpapahiya ni Don Tiago nito sa kaniya bago pa makarating si Senyorita Maria rito sa Casa de Hotel. Nakaigting naman ang panga ng asawa ni Manang Isme na may ari ng Qalesang sinakyan ng Senyorita, bakas sa pagyuko nito at panlilisik ng mga mata sa lupa ang galit nito kay Don Tiago lalo pa’t mababakas sa kanang pisngi ni Mamang Isme ang paghataw ng kamay ni Don Tiago.


“Masaya kaming walang masamang nangyari sa anak mo Don Tiago pero kami ay nalulungkot dahil kaniyang nasira ang kasiyahang ipinagdiriwang kanina sa bulwagan.” Ani Berlinda nang lumapit ito sa puwesto ng mga T’ Guibilin, siya ang maybahay ng kanang kamay ni Don Tiago na si Pablo, mga Cervantes, ang bagong kasal.


“Ako’y labis na humihingi ng despensa para aking anak Berlinda. Hayaan mo’t papatawan ko ng karampatang leksiyon ang mga alipin naming naging pabaya sa anak ko.”


Ngumisi si Berlinda sa sinabi ng Donyo habang nakatingin sa mga alipin ng pamilya T’guibilin na si Esmael, Samuel, Manang Isme at ang asawa nito. Mayamaya pa ay nagsialisan na ang mga bisita. Ang iba’y naglakad lang at ang iba’y sumakay naman sa mga pagmamay-ari nilang kalesa.


Pagmamay-ari ng pamilya T’ Guibilin ang Casa de Hotel kaya’t sila ang naiwan rito. May apat na matitibay na gusaling gawa sa espesyal na kahoy ang Casa de Hotel. At isa sa mga ito ay tinutuluyan ng pamilya T’ Guibilin.


Hindi na umimik ang Donyo at naglakad na ito papunta sa likurang bahagi ng harapang gusali. Sumunod naman si Esmael, Samuel, Manang Isme at pati na ang asawa nito.


“Teka, saan sila pupunta?” Ang tinutukoy ni Catherine sa tanong niyang ibinato sa ere ay ang mga alipin ng Mama at Papa niya.


“Dahil hindi ka nila nabantayang maayos, rarapatan sila ng akmang parusa,” malungkot na tinitigan ni Donya Cecilia ang parte ng Casa De Hotel kung saan nagtungo ang asawa niya at ang mga alipin.


Namilog naman ang mga mata ni Catherine sa narinig sa kanyang ina. “Teka lang, bakit sila paparusahan eh ako naman ang umalis? Tsaka hindi ba anak niyo ako, obligasyon niyong bantayan ako at hindi ng ibang tao---”


Lumagapak ang kamay ni Donya Cecilia sa pisngi ni Catherine. Nang-iigting ang mga paa nito at nanlilisik ang mga mata nang sampalin siya.


“Maria, hindi ka dapat nagsasalita ng ganiyan sa harap ng iyong ina,” ani Donya Cecilia kay Catherine na natulala sa ginawa nito sa kanya.


“Pasensiya na hija, hindi ko sinadayang sampalin ka. Ako’y labis lamang na nagulat sa iyong sinabi.” Hinagkan ni Donya Cecilia si Catherine na tulala pa rin at pilit pa ring nirerehistro sa isip niya ang sampal na iyon. Sa pananatili niya sa puder ng kaniyang Lolo at Lola sa reyalidad o sa kasalukuyang panahon, ni minsan ay hindi siya nakatanggap ng sampal. Ngayon lang.


Kinuyom ni Catherine ang kamao, kahit gusto niyang suntukin ang mukha nitong Donyang nasa harap niya ay pinigilan niya ang sarili niya. She needs to act like Senyorita Maria T’ Guibilin. Mahinhin, pino, at dalagang Pilipina.


“Pasensiya na rin po ina, ako’y labis ding nagulat sa sinabi niyong rarapatan ng parusa si Manang Isme, ang asawa niya at ang mga anak nila kung ako naman talaga ang dapat parusahan dahil pagtakas ko,” Catherine mouthed. What she said was spontaneous. Dire-diretso ang pagkakasabi niya niyon. She was not acting at all.


“Kahit kailan ay hindi paparusahan ang anak ng maharlikang katilulad mo Maria, isang prebilihiyong naging anak ka namin ng iyong ama.”


“Salamat po ina at naging anak ninyo ako. Pinapangako ko pong hindi na mauulit ang aking pagtakas. Ako lang naman po’y nagpahangin kanina.”


Napalunok si Catherine ng laway. She doesn’t mean wat she said. Kusang lumabas lang ang mga salitang iyon sa bibig niya. She gets it. This is the memory of Senyorita Maria T’ Guibilin. It’s not actually her! It was just like she’s viewing everything from Senyorita Maria’s perspective.


Kaya kusa niya na lang nasasabi ang mga salitang hindi niya gustong sabihin.


Kaya na lang niya nararamdaman ang mga pakiramdam na hindi niya dapat nararamdaman. Like crying infront of Thomas and wanting or longing to come back on him. This the memory of Maria T’ Guibilin, Catherine’s previous life.


A question was answered yet there were more questions left. If she borrowed Senyorita Maria’s soul for her body or Senyorita Maria borrowed her body for its soul, bakit pa nito nakikita ang mga bagay na ito? It’s really a torture for Catherine to see all these things.


“Pumasok ka na sa iyong kuwarto hija at matulog ka na ng mahimbing. Huwag mo munang kausapin ang iyong Papa’t pahupain mi muna ang galit nito sa iyo. Ang iyong papa’y labis na nadismaya at napahiya dahil sa iyong pagtakas kaya mabuting ipagpabukas mo na lang ang pahingi ng patawad.”


“Opo Mama.” Napilitan niyang sabi.


Nakita ni Catherine ang pagkakaiba niya kay Senyorita Maria. Catherine is vocal and provocative, while Senyoria Maria is very naïve. Ni hindi nito kayang sabihin ang totoo nitong nararamdaman. Or maybe because in this time, hindi pa ganoon ka laya ang mga babae magsalita?


What a shame. Natawa si Catherine sa loob niya. Some people in her time are too expressive na tipong hindi na nagiisip na nakakasakit na ba ng damdamin ang mga salitang binibitiwan. Habang sa panahon ito, kaonting kibot lang ng pagkakamali ay malutong na sampal ang aabutin mo. Dugong maharlika pa siya sa panahong ito ha? Pa’no na lang kaya kung naging alipin siya.


Speaking of alipin, masakit sa hinuha ni Catherine na naparusahan sila Manang Isme. She can clearly remember how she asked the favor from Samuel, na isasayaw niya ang magkapatid kapalit ng pagtakas niya. She can remember how Samuel smiled that time dahil sinayaw niya silang magkakapatid. Naiyak siya bigla.


Naiwan siya sa gazebo. All she can see right now is the moon above shining bright, ang dalawang sundalong nasa gate at ang mga halaman at bermudang nasa paligid, pati na rin pala ang matayog na mga brick walls.


Nang tanawin niyang maigi ang matatayog na brick walls, she feels suffocated. Hindi siya makahinga. Pakiramdam niya’y isa siyang presong mas malaki lang ang kulungan.


Bago pa masita ng mga aliping kasambay, nagpunta si Catherine sa may likurang bahagi ng harap na gusali ng Casa de Hotel. She sneaks out on the wall and naitakip niya bigla kamay niya sa bibig niya nang makita niya ang asawa ni Manang Isme na umiiyak sa harap ng Papa niya.


“Ano? Hahambalusin mo ba ang iyong mag-ina o ako hahambalos sa kanila ng kayawan?” ani ng Papa niya.


Mayamaya pa ay umiiyak pinulot ng asawa ni Manang Isme ang matabang tangkay ng kawayan sa bermuda.


“Hindi!” Napasinghap si Catherine nang makita niyang umiiyak na hinambalos ng kutsero ng kalesa ang mag-ina nito sa likuran nito. The whole family was crying. Hindi lang isang hambalos ang nakamtan ng mag-ina kundi marami.


She couldn’t help herself but cry nang makita ang tagpong iyon. So ito ang naging kahinatnan ng simpleng pabor niya kay Samuel na anak ni Manang Isme? She can’t help but remembered that smile of Samuel at Esmael nang isayaw niya ito! Those young boys na gusto lang siyang makasayaw now faced the harsh consequence of her childish favor. At si Manang Isme na may katandaan na, still receives those harsh beats from her husband crying while doing that.


Something inside her want to stop the oder of her Papa, pero hindi niya maintidihan ang sarili niya’t bigla na lang siyang napatakbo pabalik sa pinanggalingan. She cried infront of the fountain on the gazebo.


“Senyorita, ang sabi ng inyong ina ay pumanhik ka na raw ho sa inyong kuwarto’t baka lamukin ka rito.”


“Oo, sige na. Makakaalis na ka na,” Catherine replied on the slave who approached her.


“Sabi po sa akin ng Senyora na siguraduhin ko raw hong nakapanhik ka na bago ako aalis.”


Kahit na umiiyak, hinarap ni Catherine ang babaeng alipin. It was younger than her. Gusto niya sanang itong pagbuntunan ng galit at suwayin kaso sumagi sa isipan niyang baka sapitin rito ang nangyari sa pamilya ni Manang Isme. This girl infront of her is still very young, hindi niya kayang makita itong hatawin ng kawayan dahil sa pagkamasarili niya.


“Tayo na,” naunang naglakad si Catherine papasok sa Casa, dalawang hagdanan ang nilagpasan nila bago siya makarating sa kuwarto.


“Aalis na po ako, magandang gabi senyorita.” Nang makaalis ang dalaga sa harapan niya ay marahan niyang sinara ang pinto.


Naglakad siya sa kuwarto hanggang sa makarating siya sa tapat ng isang malaking salamin na nasa gilid ng malaking bintanam.


“May gusto ka pa bang gawin sa panahong ito? May gusto ka pa bang malaman?” she asked her own-self, pertaining to Senyorita Maria. Nakaharap siya sa salamin nang itanong niya iyon yet her reflection is looking far away sa may bintana. It was like her reflection is longing someone, and it was obviously that soldier she met at the Plaza Royale. Si Thomas Clemente Cordova.


Her reflection, Senyorita Maria, didn’t answered. Humiga na siya sa kama and she was still looking at the human size mirror na nasa tapat lang nito.


Patagilid lang siyang nakahiga habang nakaharap sa salamin. She was doing nothing but her reflection is weeping in tears habang nakatingin sa panyong itim na ibibigay ng sundalong si Thomas.


“Ano bang nangyari sa iyo sa panahong ito’t bakit parang hindi mo nagawa ang gusto mo?” tanong ni Catherine sa repleksiyon niyang si Senyora Maria na umiiyak pa rin.


Makalipas ang isang oras ay naisipan niyang bumaba sa pangalawang palapag kung saan naroroon ang dining hall. Paniguradong hindi naubos ang buffet sa salo-salo kanina kaya’t marami pang pagkain na nakatago roon. Hindi dahil sa gutom siya pero gusto niyang dalhan ng pagkain ang pamilya ni Manang Isme. Nagsandok siya ng maraming kanin at apritada. Dala-dala ang mga mangkok na maraming laman na kanin at ulam ay bumaba siya sa unang palapag at nagpunta sa may likuran.


Batid niya kasing natapos na ang pagpaparusa ng Papa niya sa pamilya ni Manang Isme kaya nagpunta siya roon at nagdala ng pagkain. Masaya at malakas ang loob niyang nagtungo roon pero nawasak lang ang kaniyang puso nang makita niyang kumakain ang pamilya ni Manang Isme ng mga tira-tirang buto ng manok at baboy.


Natigilan naman ang pamilya sa pagkain sa basurahan nang makita siya.


“Magandang gabi senyorita,” yumuko pa mga ito sa harapan niya.


“B-bakit niyo kinakain ‘yang nasa basurahan?” garalgal ang boses ni Catherine nang itinanong niya iyo sa pamilya, boses na tila nagbabadya ng pagiyak.


“Pasensiya na po’t gutom na talaga kami,” paghingi naman ng paumanhin ni Manang Isme na sa kabila ng nagawa niya ay hindi pa rin ito galit sa kanya.


“Bakit? May mga maayos namang pagkain sa pangalawang palalag ah! Sa dami pa nga noon ay paniguradong ilang tao ang makakain! Bakit dito pa? Bakit dito pa sa basurahan?” At napaiyak na talaga siya. Hindi niya maatim sa isipan niya kung anong klaseng logic ang meron sa isipan ng mga tao sa panahong ito. At the same time ay galit siya sa sarili niya.


“Senyorita, para sa amin po ba ‘yan?” naitanong ni Samuel na kahit maraming pasa ang natamo ay nakangiti pa rin.


“Oo, kaya kainin niyo ‘to kasi kung hindi ako ‘yung kakainin ng mga nasa basurahan, ayaw niyong mangyari iyon ‘di ba?” Bumakas na sana ang ngiti sa kambal nang biglang nagsalita ang ama nila sa galit na tono, “Samuel, Esmael. Itigil niyo ‘yan! Hindi tayo puwedeng tumanggap ng kahit ano sa mula sa senyorita.”


“Bakit tay? Palagi namang ginagawa ni Senyorita ito kapag napaparusahan tayo ah!” ani Esmael. “Pedro, hayaan mo na ang mga bata. Gutom na sila,” kalmado at mahinahong ani ni Manang Isme sa asawa.


“Tsaka, Manang Isme at Manong Pedro, kumain na rin po kayo kasi kung hindi ay kakainin ko talaga iyong nasa basurahan.”


“Hindi ako kakain!” pagmamatigas ni Manong Pedro.


“Ay grabe siya,” ani Catherine sa isipan. Mukhang mapapasubo siyang kainin ang nasa basurahan dahil sa pagmamatigas na ipinakita ni Manong Pedro.


“Narinig mo na ang senyorita,” nakangiting ani Manang Isme na kahit marami ring pasa ay hindi pa rin nawawalan ng ngiti sa mukha.


Habang palakad-lakad sa Gazebo at hinihintay na matapos ng pamilya ni Mamang Isme ang dinalang pagkain ay nakatingin lang si Catherine sa maliwanag na buwan. Mayamaya pa ay nahinto siya nang biglang gumalaw ang brick wall sa gilid niya.


Tulala niya itong pinagmasdan hanggang sa tuluyan ito mapihit sa gitna. Maya maha pa ay may dumungaw na kay guwapong lalaki sa hati. Si Thomas!


“Tara!” anito at kahit hindi pa nahimasmasan sa pagkagulat ay lumusot silang pareho sa hati ng brick wall. Kalsadang tahimik ang natagpuan niya kung saan ay may kalesang nakahintay sa unahan. Tumawid sila roon at nang makarating ay mabilis na natanaw ni Catherine ang pagtitig Thomas sa kaniya.


“Sumakay ka na,” anito habang nakahawak ang parehong maugat na kamay sa magkabilaang balikat niya. Mabilis na kumalat sa pinsgi ni Catherine ang mainit at pulang tinta.


“Teka? Anong ginagawa mo rito at bakit mo ako papasakayin sa kalesa?” natatarantang tanong ni Catherine.


Mukhang nainis ng bahagya ang sundalong nasa harapan niya dahil sa sinabi niya. Nakita niya itong humugot ng malalim na hininga, “Ikaw ang nagsabi sa Plaza Royale na magtatanan tayo ngayong gabi!”


Naubo si Catherine. ‘


[email protected] rin itong si Senyorita Maria eh, hanep bes’ aniya sa isipan.


“Oh, siya tara! Sampu kasya!” maligalig na ani Catherine nang pumasok siya sa pintuan ng kalesa. Marami siyang hinahangaang Korean Actor sa reyalidad pero parang iba ang naramdaman niyang paghanga kay Thomas. Iba ang dating nito sa kanya. Ani nga niya kay Flora, si Thomas para sa kanya ay isang ‘Mestizong Oppa’.


“Oppa! Sakay ka na!” sigaw niya sa may bintana habang kinikilig.


“Sandali lang at may paparating na sundalo. Takpan mo ang iyong mga bintana,” istrikto nitong sabi.


Kinikilig namang sinunod ni Catherine ang utos ni Oppa Thomas. Narinig niyang itong may kinausap na sundalo sa labas pero mayamaya pa ay laking gulat niya nang iba na ang narinig niya.


“Miss! Nandito na tayo! Bumaba ka ba at magbayad! May pasahero pa ako!” Gulantang na binuksan ni Catherine ang bintana. Suddenly it was day. She was dragged back to the present time.

*  *  *


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019