Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She loves him Yet, he kept her sedated for nothing The reason Simply because, hes nonexistent at all Well he exist---but only in her mind and in 1804 And his name is--- Thomas Clemente Cordova,

“TELL me, ano na naman ang nangyari?” Flora asked her. Habang nakaupo sa kama at malungkot na nakatingin sa lumang cabinet na nasa gilid ng pintuan ay malamyang sinagot ni Catherine ang tanong ng kaibigan.


“Nagkita kami sa Plaza Royal pero saglit lang.” Muling kumibot ang labi niya. She don’t know why she feels emotional. Mababaliw na yata siya kakaisip ng dahilan kung bakit hanggang ngayon na nandito na siya sa reyaledad ay nakakaramdam pa rin siya ng matinding lungkot at pagsusumamo sa sundalong iyon.


“Pero bago nun, una ko siyang nakita sa dining hall. Isa siya sa mga guwardiyang nagbabantay sa mga taong nandun,” she mouthed and silently cried.


Flora tapped Catherine’s back. “Tapos anong nangyari?


“Isiniyaw ako nang kambal na anak ni Manang Isme, humingi ako sa kanila ng pabor na patakasin nila ako nang hindi namalayan ng Papa at Mama ko.”


“Sosyal! Mama at Papa ha?” ani Flora. Ngumiti si Catherine, breaking the sad atmosphere.


“Oo no! Senyorita kaya ako at anak ako ng Donya at Donyo!”


“Okay, sige ano pa! Nakatakas ka ba?” Umayos si Flora sa pagkakaupo sa kama.


“Oo,” Catherine continued. “Sa bintanang nasa gilid ng CR ako tumakas. Kaso habang parang tuko akong nakadikit sa pader ay natanggal iyong panty ko at nakitaan ako ng mga sundalong Kastila.”


Sa sinabing iyon ni Catherine ay hindi napigilan ni Flora ang sarili at napahagalpak na lang sa pagtawa.


“Ano? Pagtatawanan mo ba ako makikinig ka?”


“Oo na! Ito naman oh, natawa lang e. Promise! Hindi na po ako matatawa!” Flora promised while giggling.


“Tumalon ako mula sa second floor, hinabol ng mga sundalo, sumakay ng kalesa at pagkarating ko sa Plaza Royal, nakita ko si Thomas, nagkatagpo nga kami. Kaso saglit na saglit lang talaga iyong pagtatagpo namin. Hindi ko alam pero naiyak ako noong nasa harapan ko na siya, tapos itong panyong ito. . ..” ipinakita niya kay Flora ang itim na panyong may bordang “Memento Mori” “Ito ang pinampunas niya sa mga luha ko.”


“Cath? Huwag kang mabibigla ha pero. . ..” May kinuha si Flor sa bulsa ng kaniyang PJ’s, “Meron din ako niyan e.”


“Teka!” Nanlaki ang mga mata ni Catherine sa nakita. Gulat niyang tinitigan si Flora at hinintay niya itong magpaliwanag.


“Hindi sa napadpad ako sa past or something pero ito kasi ‘yong table napkin na binigay ng hotel sa atin bago tayo kumain. At hindi lang tayo ang binigyan kundi pati na rin ‘yong mga nag-dinner kanina sa dining hall.” Flora explained.


Biglang nagulo ang isipan ni Catherine. “Pero sigurado akong binigay sa akin ‘to ng sundalong iyon!”


“Oo na! Naniniwala ako sa ‘yo! Parang tungeks naman ‘to oh!” Flora exclaimed.


Muling itinuon ni Catherine ang paningin niya sa panyo. While digging things in her mind, Flora managed to sleep beside her. Gabi na rin kasi. It’s almost 12 in the midnight at maluwalhating instruction sa kanilang mga bumisita rito sa Pueblo Maharlika na dapat ay wala ng lalabas pagpatak ng hating gabi. Baka magamba raw kasi iyong mga kaluluwang gumagala sa oras na iyon at baka may masaniban pa.


The moon’s light passed on the old style glass window. Napatingin si Catherine roon at mayamaya pa ay nagtungo siya may bintana. Dumungaw siya at nakita niya ang bintanang tinakasan niya kanina sa ikawalang palapag.


Walang katao-tao sa ibaba, tanging ang matatag lang na brick walls at mga punong kahoy na dinuduyan-duyan ng malamig na simoy ng hangin ang naroroon.


There’s so many questions in her head right now na gustong-gusto niyang mabigyan ng sagot. Bakit may alipin ang pamilya niya noon? Bakit mga kastila lang at mga Pilipinong Maharlika at may matatas na posisyon ang nakadamit ng maayos sa pagdiriwang sa dining hall? Bakit noong nagkita sila ng sundalong si Thomas sa Plaza Royal ay parang patago ang kanilang pagkikita?


As she stares at the blue moon, she smiles sadly. While the bugs outside are caroling a peculiar sound, she took a deep sigh.


The wind was brushing hair. It was just day one pero marami na siyang nalaman sa nakaraan. She was a senyorita, anak ng maharlikang may mga alipin at may koneksyon sa mga kastila. And there’s a great chance na ang sundalong natagpuan niya sa Plaza Royal ay ang kaniyang lihim na iniirog. That was a good start though lalo pa’t hindi niya naman inasaahang mangyayari ang mga ganitong bagay sa kanya sa pagpunta niya rito sa Pueblo Maharlika. She just want to know what’s the history of this place, kung sinu-sino ang mga taong naninirahan rito roon at kung sino ba talaga ang taong nasa panaginip niya na minsan ng namalagi rito.


She smiled as she closed the window.


She needs to rest. She needs energy para harapin ang mga bagong yugto bukas sa ikalawang araw ng pamamalagi nila rito sa Pueblo Maharlika.


*  *  *

NANG magising sa umaga’y mabilis na iniwan ni Catherine si Flora sa unit nila. Mabilis siyang naghanap ng staff ng lumang hotel na ito na makakapagbigay sa kanya ng impormasyon patungkol sa itim na panyong pinamigay sa dining hall kagabi na kung saan sa panyong iyon ay nakatatak ang dalawang salitang. . . “Memento Mori”


“Naku, pasensya na po Ma’am pero wala po talaga kaming alam e. Kung hindi paglilinis ay pagbibigay lang po ng pagkain sa mga bisita namin ang trabaho namin kaya wala po kaming alam tungkol sa mga history ng gamit na nandito.”


“Gano’n ba?” Nanghina si Catherine sa narinig. Sa isip niya ay dapat si Flora na lang tinanong niya’t baka alam nito kung para saan at anong ibig sabihin ng panyong iyon. Pero tulog na tulog pa kasi si Flora, eh sa atat na atas na siyang malaman ang sagot. Pangalawang araw na nila rito ni Flora at hindi siya puwedeng mag-aksaya ng oras. Every second counts.


“Pero kung gusto niyo pong malaman, puwede niyo pong puntahan ang mga gumagawa ng table napkin na iyan”


Nabuhayan ng loob si Catherine sa sinabi ng babaeng staff. “Talaga? Alam mo ba iyong address?”


“Teka lang po, itatanong ko.” Umalis ang staff sa harap niyaab at habang hinihintay ang staff ay umupo si Catherine sa isa sa mga upuan sa dining hall. Tinanaw niya ang buong hall at hindi niya maiwasang balikan ang nangyari kagabi. Napatingin siya sa gilid ng pinto, she imagined that the soldier was still standing there---seriously and emotionlessly guarding the entrance. Kinilig siya bigla.


“Ma’am ito po ang address.” Nilingon ni Catherine ang staff at pinukulan ng tingin ang kulay dilaw na papel na ibinigay sa kanya.


“Salamat.” Ngiting matamis ang isinukli niya sa staff bago ito umalis. Dali-dali naman siyang tumayo pagkatapos mabasa ang papel tsaka bumaba sa unang palapag at lumabas sa hotel.


Nagliliyab na sinag ng araw ang bumungad sa kanya kaya’t ginawa niyang bubong ang kanang kamay para hindi masinagan ng araw ang kaniyang mga mata.


Nang inilibot niya ang kanyang paningin sa buong kalsada ay walang taxi, walang pedicab, walang kalesa ang kaniyang nadatnan. Tanging mga turistang naglalakad at kumukuha lang ng larawan ang natagpun niya.


No choice pero kailangan niyang lakarin ang kahabaan ng daan papunta sa labasan ng Pueblo Maharlika. Dinaanan niya ang mga lumang bahay, ang Plaza Royale, ang munisipyo at maging ang headquarters na labing limang minuto ang layo mula sa hotel. Her knees was already trembling nang makarating siya sa labasan ng Pueblo. Sumakay siya ng pedicab, ibinigay ang address sa driver at nang makarating sa panahian na nasa tapat lang ng Pampublikong Pamilihan ay hingal-hingal niyang binati ang matandang nagtatahi roon.


“Magandang umaga po!”


“Galit ka ba ineng?” Nakangiting tanong ng mananahing matanda at tinawanan lang siya. “Sorry po, ‘yong driver kasi ng pedicab na sinakyan ko aba’y doon lang ako sa kanto inihinto,” hingal niya pa ring sabi.


“Iyong mga driver talaga rito, hindi ginagawa ng maayos ang serbisyo nila. Pasensiya ka na ineng ha?”


“Ahh okay lang po. Walang problema. Nagpunta po ako rito kasi gusto ko pong malaman kung ano ang ibig sabihin ng nakaburda sa panyong ito,” inaabot ni Catherine sa matanda ang panyong kanina lang ay nasa bulsa niya, “Ang sabi ko kasi sa akin kayo raw po ang nagtatahi nito.” Tinitigan ng matanda ang panyong iniabot sa kanya ni Catherine. Mayamaya pa ay inanyayahan siya nitong pumasok sa loob ng patahian nito.


Isang tsaa ang ibinigay sa kanya ng matanda. Bagamat nahihiya ay tinanggap iyon ni Catherine. Sa loob ng patahian ay magulong kuwarto ang naroon kung saan may apat na babaeng seryosong nagtatahi gamit ang mga makalumang makina na de pedal. Napansin din niya ang ‘sangbundok na retasong tela ang nagkalat sa sahig.


“Pasensiya na’t magulo ang patahian ko, ineng.” Mayamaya pa’y umupo ang matanda sa upuang nasa harapan niya’t iniabot sa kanyang ang ensaimadang nasa platito.


“Naku, nag-abala pa po talaga kayo.” Tawang matamis ang ibinigay ni Catherine nang tanggapin niya ang pagkain.


“Walang anuman. Kabilin-bilinan kasi sa akin ng Lola sa tuhod ko dati na kapag may nagtanong tungkol sa ibig sabihin ng panyong ginagawa namin para sa Casa de Hotel ay aalukin ko dapat ng tinapay at maiinum na tsaa.” Suddenly, biglang bumigat ang pakiramdam ni Catherine.


She doesn’t know if it was the kindness of this tailor infront of her or bigla lang siyang may naalala sa nakaraan. Both feels extreme happiness and sadness though.


“Sino po ba ang Lola sa tuhod ninyo?” tanong ni Catherine at pahapyaw na uminum ng tsaa.


“Si Leoncia Tagulilong, opisyal na mananahi dati ng damit ng pamilya ng mga T’ Guibilin---pamilyang namumuno sa Pueblo---Si Don Tiago at Donya Cecilia. Sila ang nagbigay ng negosyong ito sa Lola sa tuhod ko na hanggang ngayon ay pinagkakakitaan pa rin naming mga apo niya.


‘Hindi rin naman pala ganoon kasama ang Mama at Papa ko sa nakaraan,’ ani Catherine sa isipan niya. Habang papunta kasi siya sa pag-idlip niya kagabi ay minsan pumasok sa isipan niya kung bakit puro nga kastila lang ang naroon sa pagdiriwang. Sa alam kasi ni Catherine, mga kastila ang kalaban ng mga Pilipino noon kaya labis ang pagtataka niya kung bakit parang may koneksiyon ang pamilya niya sa mga Kastilang iyon.


“Gano’n ho ba? Mabuti naman at hanggang ngayon ay okay pa ito patahian inyo,” ani Catherine habang patingin-tingin sa loob ng patahian.


“Itong panyo ineng, anong gusto mong itanong?” nakangiting sabi ng mananahing matanda nang inilipag ang panyo niya sa maliit na mesang nasa gitna nila.


“Ano pong ibig sabihin ng nakaburda?” diretsong tanong ni Catherine sa matanda.


“Memento Mori, salitang latin na sa ating wika ay katumbas ang katagang ‘Aalahanin mong mamamatay ka’.”


Bagamat nagulat ay taimtim lang na nakaninig si Catherine. “Ang sabi sa akin ni ina ko ay ginagamit daw ang mga katagang iyon ng mga Kastila upang iburda sa mga panyo. Nilalayon dawng ipaalala ng mga katagang nakaburda na walang sino man ang magtataksil sa kanila at kung hindi ay papatayin nila ang sino mang magtaksil. Parang sinasabi nila na kapag nagtaksil ka ay aalahanin mong mamatay ka, ganoon daw ang kabuoang kahulugan noon. Pero ginagamit din daw ang katagang iyon ng mga hukbong Pilipino na nilalabanan ang kasakiman ng mga kastila para ipaalala sa hukbo na para mabuhay ng totoo ay kailangan nilang aalalahin na mamatay sila. Na kung ano ang kaya nilang gawin habang buhay pa sila ay gagawin nila, na kung ano ang kaya nilang ipaglaban hangga’t humihinga sila ay ipaglalaban nila. Aalahanin mong mamatay ka kaya kailangan mong gawin ang lahat ng puwede mong gawin habang buhay ka.”


Lutang at mabigat ang pakiramdam ni Catherine nang lumabas siya sa patahian.


‘Gano’n pala iyon,’ aniya sa isipang naliwanagan na.


Ganoon pala na dalawa ang gustong ipahiwatig ng kataga. Una, na huwag magtaksil kung hindi ay mamatay ka. Pangalawa, ipaglaban mo ang kung ano ang kaya mong ipaglaban habang humiginga ka pa.


“Pero saan ang gusto niyang ipahiwatig doon?” tanong ni Catherine sa sarili. Pinapatungkulan ang sundalong nagbigay sa kaniya ng panyo.


‘Memento Mori’ rinig niya ang boses ni Thomas sa kanyang isipan. Napadaing siya nang sumakit ang ulo niya.


Naghintay si Catherine ng masasakyan sa tapat ng Pampublikong Pamilihan. Mayamaya pa ay may humintong kalesa sa kaniyang harapan.


“Pueblo Maharlika, sa Casa de Hotel po manong?”


Tumango ang kutsero sa sinambit ni Catherine. At nang pitikin naman nito ang taling nakakabit sa kabayo ay mabilis na tumakbo ang kabayo na hila-hila ang kalesa.


Inihiga ni Catherine ang kaniyang likod sa seatback ng kinauupuan niya. She stares sadly on the busy street. Still, her questions are still not answered. Umagang-umaga pa lang pero ang bigat na ng naramdaman niya simula nang malaman niya ang patungkol sa panyong iyon. Instead of a question answered, isang tanong na naman ang nadagdag sa listahan niya. The phrase Memento Mori has two meanings. Alin doon ang ipinipahiwatig ni Thomas?


She took a deep sigh. Nang ibinuga niya ang hanging inipon niya sa kanyang baga ay sabay namang tumahimik ang paligid niya. Ipinikit niya ang mga mata niya at binalewala lang ang pagkawala ng mga busina ng mga sasakayan sa paligid pati na ang vendors sa saan na isinisigaw ang mga paninda.


Sa isip niya ay baka nakapasok na sila sa Pueblo Maharlika kaya wala ng ibang ingay bukod sa lumalagapak na paa ng kabayo sa aspalto.


Ngunit nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay laking gulat niyang nang bigla ng dumilim ang paligid. Biglang naging gabi ang kaninang mainit na alas otso ng umaga.


She’s dragged again here in the past. Nataranta siya nang mapagtanto iyon.


Nasa loob pa rin siya ng tumatakbong kalesa. Iyon nga lang, nasa 1804 siya.


“Pasensiya na po’t kailangan kong suwayin ang utos ninyo Senyorita Maria. Iniisip ko lang po ang kalagayan ng aking mag-ina sapagkat sila po ang naatasang magbantay sa inyo at sila rin ang malalagot sa pagkawala mo. Hindi ko po sasabihin sa inyong ama’t ina na palilhim pa rin kayong nakikipagkita sa sundalong kastila na si Thomas Clemente Cordova. Basta’t bumalik lang po kayo sa Casa de Hotel ay wala po tayong magiging problema.” Tinanaw ni Catherine ang nagsalita at nakita niyang muli ang kutsero nang kalesang sinakyan niya kagabi papuntang Plaza Royal.


Isang gabi na ang lumipas sa kasalukuyang panahon pero ilang minuto lang ang ang lumipas dito sa nakaraan.


Natataranta at umiiyak na napalingon si Catherine sa pinanggalinan at nakita niya ang sundalong si Thomas na nakatayo sa harapan ng Plaza Royal na unti-unting lumiit sa panigin niya.


Kahit malayo na ang narating ng kalesa ay tanaw pa rin niya ang mga titig nitong nagsusumamo sa kaniyang pagbalik. She felt pain inside her habang tinatanaw pa rin si Thomas. She wants to go back pero parang may nag-uudyok sa kanyang hindi na dapat ito balikan.


Walang salitang lumabas sa kanyang bibig pero may luhang tumakas sa kanyang mga mata. Ginamit niya ang panyong ibinigay sa kaniya ni Thomas para mabura ang bakas ng mga luha bago pa siya makarating sa Casa de Hotel kung saan panigurado naghihintay na ang kaniyang ama’t ina.


Habang binanabaybay ang kahabaan ng aspaltong kalsada, she prayed na mas mahabaan pa ang oras niya rito sa nakaaran. She badly wants her questions to be answered. Because if thy will be done, she can finally move on. She can finally live her current life without having those dreams na minsan ay tinatawag niyang bangungot.


She pressed her fingers on the soft clothing of the handkerchief. Muli siyang napatingin sa kasladang dinaan pero hindi niya na makita si Thomas.


“Babalikan kita Thomas,” she promised as she mouthed it in the cold air.


*  *  *


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019