Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She loves him Yet, he kept her sedated for nothing The reason Simply because, hes nonexistent at all Well he exist---but only in her mind and in 1804 And his name is--- Thomas Clemente Cordova,

A grim and ancient raven is wandering in the blue sky. Tila naghahanap ito ng pagkain para sa kaniyang hapunan. Malapad at malawak ang sakop ng pakpak nito. Matalas ang paningin na tila palaging nagbabadya ng pag-atake sa kung sino man ang mahuhuli nito.


Sa ilalim malawak nitong pakpak ay naroroon ang Pueblo Maharlika. Isang lugar kung saan ay may marka pa rin ng sinaunang sibilasyon. Mula sa mga lumang bahay sa villages. Mula sa matatayog na gates ng mga manyson. At pati na rin sa mga brick walls na nakapalibot sa buong Pueblo.


Humuhuni ang mga ibon. Pumapagaspas ang mga dahon. Palakad-lakad ang mga taong namamasyal. Palingon-lingon ang mg security guards sa bawat kanto.


Sa sentro ng Pueblo kung saan naroroon ng isang lumang Munisipyo na nasa tapat lang ng Plaza ay labas masok ang mga ina kasama ang kanilang anak na may dalaang lobo o ice cream na natutunaw na dahil sa init ng panahon.


At sa eksaktong petsa ng araw ngayon na January 06, 2001 ay ipinasyal ang batang si Catherine dito sa Pueblo Maharlika ng kaniyang inang si Angela.


"Mommy? Ano ba talaga ang pangalan ni Papa?" tanong ng six year's old na si Catherine sa kaniyang inang si Angela. Nakaupo ang mag-ina ngayon sa may labasan ng isang lumang munisipyo na ngayon ay naging musuem na. Kakarating pa lang nila rito ngayon para mamasyal. Apat na oras din ang kanilang binyahe makapunta lang dito kaya pareho silang napagod.


"Gusto mo ng ice cream?" tanong ng ina ni Catherine sa kaniya habang malapad ang mga ngiti.


"Mommy ayaw ko po ng ice cream. Gusto ko pong malaman kung ano ba talaga ang totoong pangalan ni Papa..." Catherine pouts. Ilang beses na ba niyang naitanong ang tanong na ito sa kaniyang Mommy Angela? Isang beses? Dalawa? Tatlo?


"Takahashi Uduno nga nak. Hindi ka ba naniniwala? Pupuntahan nga natin siya rito oh?" Tinuro ng Mommy Angela ni Catherine ang looban ng munisplyo kaya't mabilis niyang sinundan ang tingin ang tinuro nito.


Hindi mapigilan ng batang si Catherine na malungkot. Usap-sapan sa buong klase niya sa Grade 1: Section Augustin na baliw daw ang Mommy Angela niya. Noong una, ayaw niyang maniwala pero kada buwan na pumumunta sila sa munisipyong ito ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi maniwala sa mga sinasabi ng kaklase niya.


Her Mommy Angela always told her na ang tatay niya raw ay si Takahashi Uduno. 24 na taong gulang. Sundalo. Hapon. Pero may parating mali sa sinasabi ng kaniyang ina.


"Ngayon ang birthday ng Papa mo nak..." ani ng Mommy Angela niya habang hinahaplos-haplos ang salamin kung saan sa loob ay makikiita ang isang nakatuping uniporme ng isang sundalong hapon dito sa second floor ng munisipyo.


Ilang beses nang nakita ni Catherine ang uniporme na ito ngunit kahit ganoon ay pauli-ulit niya pa ring tinititigan ang petsang nakadikit sa salamin: APRIL 14, 1890.


Malungkot na tinignan ni Catherine ang ina niyang umiiyak habang nakangiti at kinakausap ang uniporme ng sundalo.


Pagkatapos noon ay umuwi na sila ng kaniyang Mommy Angela at kinabuksan...


"Anak ng hapon! Anak ng hapon!" sigaw ng mga kaklase ni Catherine sa kaniya matapos niyang i-introduce sa harap ng klase kung sino ang tatay niya...


"Takahasi Uduno. Sundalo. Ipinanganak noong..."


"Yes Cath?" tanong teacher.


"Noong January 6, 1866..."


"Hahahahaha!"


Rinding-rindi na si Cath sa mga panunukso sa kaniya. Na tipong kahit anong awat ng teacher niya sa mga kaklase niya ay tinutukso at pinagtatawanan pa rin siya ng mga ito.


Nang magsimula siyang mag-kinder hanggang mag-grade 1 ay ganoon palagi ang nararanasan niya. Palagi siyang sinasabihan ng teacher niya na imoosible raw na 1866 ipinanganak ang ama niya pero may tiwala pa rin si Catherine sa Mama niya, palagi niyang pinaglalaban na 1866 ang birth year ng papa niya kahit na alam niyang hindi na man iyon totoo dahil imposible. Masyadong imposible. Kahit six years old pa lang siya'y alam na niyang lagpas mahigit isang daan ang edad ng tatay niya kung ipinanganak ito sa tanong iyon kaya...imposibleng-imposible. Pero kahit ganoon ay pinaglalaban niya pa rin ang paniniwalang iyon kasi iyon ang sinasabi ng Mommy Angela niya.


April 06, 2001. Pasado alas kuwatro ng biyernes ng hapon sinundo si Catherine ng Lola Leoncia niya. Masaya-masaya siya kasi pagkalabas sa eskwelahan ay binilhan siya ng Lola Leoncia niya ng malaking manyika.


Habang nasa loob ng jeep, iniipon ni Catherine sa kaniyang isipan ang mga sasabihin niya sa Mommy Angela niya patungkol sa manyikang binili ng Lola Leoncia niya. Nasa isip na niya ang mga tanong na...


"Mommy, ano ang ipapangalan natin sa kanya? Chelsea or Ari?"


"Mommy, maganda ba si Chelsea?"


"Mommy, anong bagay na isuot ni Chelsea?"


"Diyos ko! Bakit nagpakamatay iyong babae!" Nawala ang ngiti ni Catherine nang marinig niya iyon nang makarating sila ng Lola niya sa tapat ng bahay nila.


Sandamakmak na tao ang nasa tapat ng bahay nila na pahirapang sumilip sa bintana.


"Alis! Alis!" sigaw ng Lola Leoncia ni Catherine sa mga taong nasa tapat ng bahay nila habang hila-hila siya. At noong nakarating na nga sila sa loob ng bahay ay nakita ng dalawang inosenteng mata niya ang Mommy Angela niyang nakalambitin sa kisame, nakatirik ang mga mata, hinto ang paghinga, nakatali ang leeg at putlang-putla ang katawan.


"Mommy!" Nagsimula lang na umiyak si Catherine nang umiyak din ang Lola Leoncia niya na humihingi ng tulong na maibaba ang Mommy Angela niya.


Nagbigay ng troma kay Catherine ang araw na iyon. Kada may makikita siyang mga taong nagtitipon-tipon sa iisang lugar at nagkakagulo ay nanginginig ang katawan niya.


"Cath? Okay ka lang?" ani ng 16 years old na Josh nang makita si Catherine na nanginginig sa tapat ng mga raleyistang nagra-rally sa tapat ng university nila. Mabilis na niyakap ni Josh si Catherine at simula noon ay nakagaanan niya ito ng loob.


Josh is a good looking teenage boy. Maputi, magangkad at medyo chubby. At his age 16, he looks like a toddler na biglaang naging teenager dahil sa parang eight years old old nitong mukha. His lips always shine at ang mga ngiti niya'y hindi natatanggal lalo na kapag nakikita si Catherine sa mga minor subjects nila.


Dahil sa kwela nitong ugali ay mabilis itong nakagaanan ng loob ni Catherine.


It was her first crush na pinaka-una ring nanligaw sa kanya. Pero hindi tinanggap ni Catherine ang panliligaw ng crush niya dahil una: masyado pa silang bata at pangalawa ay walang ibang nararamdan si Catherine sa kaniya kundi isang mababaw na paghanga lang.


Nakita ni Catherine kung paanong iniyakan ni Josh ang pag-decline niya rito.


Alam ni Catherine na seryoso si Josh sa kaniya pero iyon nga, masyado pa silang bata at hindi gaya ni Josh ay hindi kasing lalim ang nararamdaman niya para rito.


Josh and Catherine remained friends. At alam ni Catherine sa mga panahong iyon na may katiting pa rin siyang paghanga kay Josh simply because Josh makes her forget everything, her problems and the suicide of her Mommy Angela 13 year's ago.


While Josh make her laugh, may iba namang lalaking nagpapatibok ng puso ni Catherine: A well chiselled man always wearing a dirty white sleeve paired with khaki pantaloon and leather boots and probably older than her. This is far different from Josh. Josh is cute while this well chiselled man is undeniably good looking. Josh is chubby while this man is a well chiselled man, hunky and beefy. Josh is tall, the well chiselled man is taller. Josh has happy eyes while this well chiselled man has piercing eyes. Josh is 16 while this well chiselled man is estimatedly 23 years old.


Josh is real while this well chiselled man only appears on her blurred dreams.


Akala ni Catherine na baka dala lang iyon ng panunuod niya ng mga Korean Novela pero nang paulit-ulit niya nang mapanag-inipan ang lalaking iyon gabi-gabi ay alam niyang may hindi na tama.


Nyerbosang teenager is Catherine pero hindi siya nagpa-apekto sa takot. Alam niyang may dahilan kung bakit niya napapanag-inipan ang lahat ng ito.


Isinusulat niya sa mga papel ang napapanaginipan niya at pagkalipas ng isang buwang pag-aanalisa sa mga panag-inip niya ay nagkaroon siya ng konklusyon na may pito siyang napapanaginipan at nauulit at naulit lang iyon sa bawat gabing nanaginip siya.


Unang pang-inip: Nakasakay siya sa kalesang papasok sa isang Pueblo at madalas siyang sumisilip sa kurtina kapag dadaan na ang sinasakyan niyang kalesa sa isang headquarters ng mga sundalo na may matayog na gate. At sa gate na iyon ay madalas niyang makitang nakabantay ang pangunahing tauhan sa panag-inip niya. Ang sundalong may piercing eyes at well chiselled na pangangatawan.


Pangalawang Panag-inip: Nasa loob siya ng dining hall at parang nasa isang pagdiriwang siya. Sumasayaw ang lahat ng tao maliban sa sundalong may piercing eyes na nakabantay lang sa entrance ng dining hall.


Pangatlo: Kinita niya ang sundalong may piercing eyes sa isang plaza, umiyak siya sa harapan nito.


Pang-apat: Tumatakbo siya kasama ng sundalong iyon sa talahiban, para silang tumatakas.


Pang-lima: Naghalikan sila ng sundalo sa lilim ng mga puno.


Pang-anim: Hinihipan niyang isang kandilang hindi mamatay-matay habang ang sundalo ay nakatingin lang sa may bintana at tila may binabantayan.


Panghuli: Nasa harap niya ang sundalo at nakatutok sa kanya ang hawak-hawak nitong riffle. Umiiyak ang sundalo habang binigkas ang mga salitang "Memento Mori" at maya-maya pa ay nakarinig siya ng pinaghalong sigaw at pagputok ng baril.


She tallied it all at palaging ganoong ang mga napapanaginipan niya. Pulit-ulit. Wala namang problema ang mga naunang panaginip pero ang huling panag-inip ay kadalasang parang totoo sapagkat nararamdaman niya talaga na may balang tumagos sa puso niya.


Josh was still there pero hindi niya kayang ibahagi rito ang mga napapanaginipan niya. Ayaw niyang matulad sa Mommy Angela niya. Si Josh na lang ang natatanging malapit sa kaniya ngayon at ayaw niyang iwasan siya nito dahil sa mga kakaibang napapaniginipan niya. Minsanan nang nakita ni Catherine kung paanong umiwas ang mga tao sa Mama niya. Ayaw niyang mangyari iyon sa kaniya.


Ngunit kahit ganoon, dumating pa rin ang araw na nalaman ni Josh ang patungkol sa panag-inip niya nang mabasa nito ang notebook kung saan nakasulat ang mga sekreto niya patungkol sa panag-inip niya.


Akala niya'y lalayuan siya na nito pero pinaniwalaan siya nito.


Nang lumipat naman ng university si Josh dahil maglilipat na ito ng bahay ay iniyakan iyon ni Catherine. Josh did the same.


Dumating sa buhay ni Catherine si Flora after Josh' riddance. A girl who became her bestfriend na katulad ni Josh ay tinanggap pa rin siya ng buong-buo. At kasama ni Flora na mahilig sa History ay pareho nilang inalam kung sino ang lalaking sundalo ang nasa panag-inip niya.


Through a thorough research and compilation of the information Catherine gathered in her dreams, she and her bestfriend Flora found out that the name of this handsome soldier with piercing eyes is...


THOMAS CLEMENTE CORDOVA, sundalong kastila sa panahong 1804.

* * *


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019