Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




When There Was Me And You

Image Description mj.cajilig   |   08 October 2019


She's smart. She's beautiful But she's never been inlove. He's cute He's gentleman But never had a serious relationship. But i know is Me + You = Nothing

"Raia, pakihatid naman kay Ms. Barney este kay Ms. Santos ito."  


Bahagya na lamang akong napangiti sa sinabi ng aking manager. Kahit na alam kong pabiro yun hindi ko naman maiwasang hindi matawa. At least kahit papaano nakaka adjust na ako sa mga tao sa paligid ko. Nakakapanibago lang kasi dahil eto yung first time ko na makapasok sa ganitong klase ng kumpanya.  

Graduating student ako sa isang prestiyosong eskwelahan. Yes i admit na mamahalin ang school na ito pero dahil na rin sa tulong ng aking mga naging guro noon ay nakapasok ako sa ganitong klase ng eskwelhan. Ika nga nila, sayang naman kung hindi ko magagamit ang talento ko.  Mahilig akong gumuhit ng bagay tulad na lamang ng damit. Natutuwa kasi ako pag nakikita ko sila na nagbabago na ang anyo nito at bago sa paningin ng tao. Minsan nahihiya pa nga ako dahil pinupuri nila ang gawa ko, at madalas hindi naman ako naniniwala dahil pakiramdam ko niloloko lang naman ako.  

Pero hindi dahil na nakakapag aral ako sa magandang eskwelahan eh mapera na ko. Sadyang diskarte na lang sa buhay kung paano ko mapapa aaral ang sarili ko. Wala na akong nanay at tanging ang aking ama at apat kong kapatid na lamang ang nasa bahay. Mahirap man pero unti unti naman kaming bumabangon.  At ayun nga, madalas kumakanta ako sa mga bistro na pag aari ng isang chinita kong kaibigan. At nagmomodelo naman ako sa kaibigan kong beki na may ari ng sarili nyang clothing line. Minsan sumasali ako ng mga cosplay contest kasama ang mga barkada ko pero swertehan na lamang kung ikaw ang champion. 


 "Ms. Santos eto na po yung pinapaabot ni Ms. Rachel sa inyo." at sabay lapag ko nung pinapaabot ng aking trainor.  


Hindi na lamang ako pinansin ni Ms. Santos at halos nag piplay sa utak ko yung sinabi ng aking manager.  Hindi ko naman maiwasang hindi matawa dahil sa naisip ko. Don't get me wrong pero kung ikaw nasa sitwasyon ko marahil matatawa ka.  First day ko ngayon sa on-the-job training ko sa company ng mga pantalon. Nakakachallange ang ganito kasi hindi ako magaling pagdating sa pag didisenyo ng pantalon. Pero in time matutunan ko rin yun.  

Nakabalik na ako sa pwesto ko at nakita ko naman si Raine na busy na sa kanyang ginagawa. Mabuti pa sya at may nagagawa na, samantalang ako uutusan lang pagtatayo.  Tumingin naman ako sa paligid ko at busy sila sa kanilang ginagawa. Minsan nakakahiya namang makisali sa tawanan nila dahil di naman ako belong dun. Kaya eto hindi ako kikibo kung hindi ako kakausapin. Tatayo lang pag uutusan o may ipapagawa.  


"Ok ka na dyan Raia? Hihiramin ka daw muna ng Sales dun, punatahan mo si Ate mo Wena."


 Tumango naman ako at tumayo na sa aking pwesto. Hindi naman mahirap hagilapin yung department na yun dahil katabi lang nila.  


"Uhm... Sino po si Ate Wena dito?" nahihiyang tanong ko. 


 Mas lalo naman akong nahiya ng magtinginan silang lahat sakin. Naiilang na ngumiti naman ako sa kanila.  


"OJT ka rito?" tanong sakin nung lalaking nasa gilid ko lamang. 

 "Opo."  

"Saang school ka?"  

"Sa may Fashion Academy po."  


Ngumiti naman sakin yung lalaki at ngumiti na rin ako. Ewan ko ba, at di ko alam yung feeling kung anong nangyayari sa paligid ko. 

 "Ayun si Wena punatahan mo."  


Aniya'y at saka agad naman akong lumapit sa taong itinuro nya. Nang makalapit na ako ay tumayo na yung Wena na tinutukoy nila.  

"Patulong naman ako be, medyo marami kasi to eh. Kailangan na kasing maidispose na dahil maglilipatan na naman."  


Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin pero nakikinig lang ako sa kanya.  

"Ihiwalay mo lang ito at ilagay mo sa isang gilid. Ipapakuha ko na lang yung matatapos mo dun sa mga naglilinis."  


Tumango naman ulit ako at saka umupo sa kinauupuan ko.


 "Anong pangalan mo be? Para tatawagin na lang kita sa pangalan mo."

"Raia po."

 "O sige Raia iwanan na muna kita dyan, puntahan mo lang ako kung may tanong ka."

 

Bumalik naman si Ate Wena dun sa pwesto nya at nagpapasalamat naman ako dahil may pagsasayangan na ako ng oras. 


 "OJT yun?"

 "Oo sa merch."

 "Saang school?"

 "FasAc galing yan, mayaman!"

 "Bakit mo tinanong?"

 "Bakit masama na ba magtanong?"  

"Oi! Wag munang magflirt dyan Archer tapusin mo muna yang ginagawa mo."

 

Hindi ko na lang pinansin yung mga pinag uusapan nila kahit na alam ko naman na pinag uusapan ako. Napakibit balikat na lamang ako at saka tinuloy ang ginagawa ko.  

Maya maya kinalabit ako ni Ate Wena at sumenyas na break time na. Tumayo naman ako at saka pinagpag ang sarili dahil sa mga sinulid na kumapit sa damit ko. Bahagya ko namang naitulak yung upuan para makadaan ako ngunit.. 


 "Aray!"

 "Ay sorry po! Di ko sinasadya!" sabi ko na tila kinalabahan 


 Nako Rai yari ka first day na first day mo mukhang mapapatalsik ka wala sa oras.  Kinalma ko namam yung sarili kahit nilalamon na ako ng kaba. Huhuhuhu di ko naman kasi napansin na may paa pala dun eh.  


"Hindi ok lang, ako dapat magsorry kasi di ko napansin yung upuan."


Napatingin naman ako sa kanya at nakangiti lang ito sakin. Nawala naman yung kaba sa dibdib ko sa sinabi nya. Akala ko mapapagalitan ako dahil sa nangyari.


 "S-Sorry po talaga kuya di ko talaga sinasadya."  

At saka tinalikuran ko na sya at agad na lumabas na para kumain. Nakita ko naman si Raine na nakatayo at mukhang kanina pa maghihintay sakin. 


 "Tagal mo naman be, nasaan ka ba? Di kita nakita sa pwesto mo akala ko lumabas ka na." reklamo nya.  

"Nandun lang naman ako sa kabilang department dahil hiniram ako ng kabila."

 "Kaya pala hindi kita makita, so mamaya ah sa bistro alam mo na."  

"Oo di mo na kailangang sabihin sakin yan."  


Ewan ko ba pero matatawa na lang talaga ako kay Raine dahil masyado syang head over heels dito kay Carl. Eh mas babae pa nga sa kanya yung baklang yun. Ultimong madikitan lang ng laway yun nag aalcohol na agad yun. Tapos eto si Raine kilig na kilig pag nakitang maglalakad si Carl eh ibang klase ang pilantik ng balakang dun sa pag lakad. Tinalo pa si Catriona Gray sa paglava walk. 


 "Alam mo Raia nararamdaman ko eh na malapit ng mafafall sakin si Carl. Pakipot lang kasi yung baklang yun eh."

 "Ewan ko sayo Raine sa dami ng lalaki dyan si Carl pa talaga?"

 "Mas ok na ngang bakla ang matipuhan ko at least pag naging kami magkakasundo kami sa lahat ng bagay. Matutulungan nya pa ko sa style ko. And besides straight guy has gone now Raia."  


Napailing na lamang ako sa sinabi ni Raine sakin. Pagkarating naman sa may fastfood agad naman kaming pumila ni Raine sa counter. Medyo mahaba pa nga yung pila dahil breaktime na. 


 "Ang cute nung bagong OJT ngayon."  

"Uy maawa ka naman minor pa yun."

 "Oo nga grabe ka talaga kuya Arch!"  


Napalingon naman ako dun sa nag uusap at nakita ko yung grupo nila Ate Wena dun sa kabilang counter. Napansin naman ako ni Ate Wena at kinawayan naman ako. 


 "Hi Raia!" tawag nya sakin at mukhang sinadya talaga ni Ate Wena na gawin yun kaya napalingon sila.  


Ngumiti naman ako sa kanila at saka kumaway pabalik. 

 "Ang babait nila no Rai. Buti na lang dito tayo ng OJT." sabi ni Raine sakin.  


Mabilis naman kaming naka abot sa counter at agad naman na umorder. Ngunit nahirapan naman kaming humanap ng pwesto dahil masyado ng maraming tao. 


"Rai pwede kaya tayo dun sa tabi nila?"  


Napatingin naman ako sa tinuro ni Raine sakin at nakita ko yung pwesto nila Ate Wena na may dalawang bakante. Aapela pa sana ako kaso inunahan na ako ni Raine at tinawag na nya ako para makaupo.  


"Tabi tayo ah?" paalam ko sa katabi ko.  


Di ko namalayan kung sino yung katabi ko kung hindi pa ako siniko ni Raine sa tabi ko.  


"Ano ba Raine kumakain tayo makasiko ka naman!" inis na bulong ko sa kanya.  


Ngumuso naman si Raine sakin laking gulat ko ng basa ang laylayan ng kanyang damit ng juice.  


"Nasiko mo yung juice ni kuya kaya natapon."  


Patay.




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE