Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




When There Was Me And You

Image Description mj.cajilig   |   28 June 2019


She's smart. She's beautiful But she's never been inlove. He's cute He's gentleman But never had a serious relationship. But i know is Me + You = Nothing

Agad ko namang kinuha yung panyo sa kamay ko at saka pinunas ko sa damit nya. Ay nako nako ka talaga Raia yung paging clumsy mo gumagana na naman. 

 "Dahan dahan ka lang Raia baka iba mahawakan mo dyan." pabirong sabi nito. 

 Nahiya naman ako at saka huminto sa ginagawa ko sa kanya. 

 "S-Sorry po talaga hindi ko sinasadya." nahihiyang sabi ko. 

Halos hindi ko na malunok yung kinakain ko dahil sa kahihiyan na inabot ko. Quota na ko for today para gusto kong di na pumasok bukas. 


 Mabilis ko namang natapos yung pagkain ko at saka agad naman akong pumunta sa store para bumili ng damit. Hiyang hiya na talaga ako dahil ka kaclumsyhan ko nadumihan pa yung damit nya. Paglabas ko ng store nakita ko ang salubong na kilay ni Raine sakin.

 "Ayos ka talaga Raia eat and run ang trip mo ah. Good luck sa appendicitis mo."

 Agad naman akong lumapit sa kanya at hinila sya pabalik sa opisina. 

 "Teka nga madaling madali ka at saka ano yang bitbit mo?"


 Huminto naman ako at saka hinarap ko si Raine.

 "Bumili ako ng damit para kay kuya nahihiya ako kasi feeling ko branded yung suot nya kaya ipapasuot ko muna to saka iuuwi ko muna para labhan yung damit na mantsahan."


 Nakakalokong ngumisi naman si Raine sakin na sya naman ipinagtataka ko.

 "Hindi ko ba alam kung sinadya mo syang tapunan o clumsy ka lang talaga."

 "Huh?"

 "Wala sabi ko ang ganda mo Raia! Tara na nga maooverbreak tayo nito eh."


Sumunod na lang ako kay Raine papasok ng elevator. Nang makarating na kami sa tamang palapag ay agad naman akong tumungo kung nasaan yung pwesto nya. Napatingin naman silang lahat sakin ng mapansin na nilapitan ko sya na tila ba may kakaibang eksena silang nakikita.

 "Yes Raia?" aniya.

 "Uhm.. Isuot mo muna to tsaka kukunin ko muna yang damit para malabhan ko."

 Pansin ko naman na ngumisi si Ate Wena sa kanya kaya napakunot naman ako ng noo. Bakit pakiramdam ko pa weird na ng pa weird ang mga tao dito? 

 "Sige." sabi nito at saka tumayo ito. Sinundan ko naman sya palabas at ng mapansin nyang nakasunod ako sa kanya.

 "Sasamahan mo kong magbihis?"

 "A-Ah hindi po, sorry kuya."

 Yung hiya ko na halos magpalamon sa lupa ay umabot sa kasuluksukan ng earth. My goodness Raia kailangan ka pa naging mamboboso at susundan mo pa talaga sya sa loob? 

 "Reese"

 "Huh?"

 "Reese itawag mo sakin."


 At saka pumasok na ito sa loob ng banyo. Maya maya pa ay nakalabas na sya ng banyo at suot yung itim na shirt na binili ko. 

 "Eto yung damit, di ko naman talaga ipapalaba sayo yan kaso baka naguguilty ka kaya sige."

 Inabot naman nya sakin yung damit at saka nahihiyang tumingin sa kanya. 

 "Pasenya na kuya Reese di ko talaga sinasadya."

 "Reese na lang Raia ayoko ng tinatawag na kuya."

 "Bakit naman? Eh baka mas matanda ka lang sakin?"

 "24 lang ako, ikaw?"

 "22"

 "One year lang pagitan natin tsaka wag kang masyadong pormal, katulad mo lang kami dito. Employee nga lang."

 Tinapik naman nya ang balikat ko at saka tinalikuran nya ako. Pagkabalik ko sa loob nakita ko naman yung ngisi ni Raine sakin. Wala naman nakakatawa pero etong kaibigan ko nababaliw na yata. Narinig ko namang kinakantyawan na si Reese sa pwesto nya at nang mapansin na papalapit na ko ay mas lalo pang lumakas ang kantyawan nila. Weird lang, anong meron sa damit na yun at kinakantyawan nila. 

 "Raia hi!" bati sakin nung head nila.

 Ngumiti naman ako at bumalik sa pwesto ko para ipagpatuloy yung gagawin ko. Naririnig ko pa rin na kinakantyawan si Reese at hindi ko na lang pinansin yun. Hindi naman ko tanga para di mapansin yun. 


Madalas nung highschool ako nakakantyawan din ako noon sa mga kaklase kong lalaki pero nginingitian ko lang sila. May iba umaamin pero sinasabi ko na hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Sa ngayon magfofocus muna ako sa mga priority ko bago ang ganyang bagay.

 "Raia merienda tayo?"

 Nagulat naman ako ng makita ko sa tabi ko Raine at nakangisi ito. 

 "Pwede ba Raine wag ka ngang nangugulat!"

 "Kakape mo yan kasi tara na nga!"

Hinila na nya ako palabas ng opisina habang ako napatingin na lang kay Reese nakikipagkwentuhan dun sa mga kasama nya. Nakakatuwa lang kasi halos magkakasundo lahat ng tao dito. Mukhang mag eenjoy yata ako sa buong training period ko. 

 "Nakikinig ka ba Raia Carmela Agnes?"

 Lumingon naman ako Raine at salubong ang kilay nito.

 "May sinasabi ka ba dyan Raine Crisha Fuente?"

"Talk back Raia and your dead, kanina pa ko nagsasalita dito akala ko nakikinig ka? Kinuha na ba ni Kuya Archer yung utak mo ay nagkakaganyan ka?"

 "Anong kinalaman ni Reese dito?"

 "Aba may name basis na ah, bilis ah."

 "Diretsuhin mo nga Raine, sige ka ilalaglag kita kay Carl."

 "Hay nako maganda ka nga shonga ka naman."

 Huminto naman si Raine at saka namaywang sa harapan ko. Napa make face naman ako sa kanya. 

 "Di mo ba napapansin Raia! He's hitting on you!"

 "Ay nako tigil tigilan mo nga ko dyan Raine. Training pinasok natin dito hindi kaharutan."

 Tinalikuran ko naman sya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Di mo ba alam pinaguusapan ka nila Raia? Hay nako maliliit na bagay hindi mo napapansin eh."

 "Hindi ko ugaling mag assume Raine kaya pwede ba itigil mo nga yan."

"Bahala ka basta sinasabi ko sayo ingat ka dyan."

 At inunahan nya ko sa paglalakad. Napakibit balikat na lamang ako sa sinabi nya at sinundan ko ito. Aware naman ako sa mga ganung klaseng eksena. I mean alam ko kung ano ang nangyayari at sadyang wala lang akong pakialam sa paligid ko at mas pinagtutuunan ko ng pansin ang ginagawa ko. 

 Hindi naman sapat na magkaroon ako ng karelasyon noon para masabi na alam ko ang nangyayari. Kahit naman na nagkaroon man ako ng naging boyfriend noon eh hindi ko naman naranasan na ligawan, suyuin, o kahit date man lang sa labas. Kasi lahat ng nakakarelasyon ko eh online ko lang nakakausap. Madalas di ko magawang magselos noon kasi hindi ko naman nakita kung ano ang nangyari. Sasabihin lang sakin na nag ooverthink lng daw ako o nababaliw lang. Pero ang ending? Ayun naka inrelationship na sa iba. Saya diba?

 "O? Anong iniisip mo Raia? Kunin mo na to kanina pa nangangalay yung kamay ko. "

 Kinuha ko naman yung ice cream sa kamay ni Raine at nang aakmang ibibigay ko sa kanya yng bayad ay hindi nya tinanggap ito.

 "Wag Raia."

 "Kunin mo na nakakahiya naman kanina mo pa ko nililibre."

"Ok lang yan, at isa pa malakas ang kita ng bistro dahil sayo." at sabay kindat nito. 

 Wala naman akong nagawa kundi ibalik sa bulsa ko yung pera ko. Pagkatapos ng break ay bumalik na kami sa building para ituloy ang naiwang task samin. Buti na lang kasama ko si Raine sa lugar na ito kundi inaamag na ako sa isang gilid at parang tuod na naghihintay ng may iuutos. 

"Raia ok ka lang ba dyan? Hindi ka ba naboboring? Pwede ka naman mag music para di ka naboboring dyan."

 Nakangiting sabi sakin ni Ate Wena ng mapadaan ito sa pwesto ko. Kinuha ko naman yung cellphone at earphone sa bulsa ko para makapagmusic. Natapos ko ang isang bulto ng pantalon na nasa gilid ko at sunod naman ay tiniklop ko ito. Medyo maalikabok nga lang at mukhang matagal ng hindi nagagalaw ito. S

abagay hindi ko naman sila masisi dahil sa dami ng ginagawa nila baka hindi na nila napagtuunan ng pansin ito. Napaupo naman ako ng pagpagin ko yung isang pantalon kaya nabitwan ko ito sa isang gilid. Dyosko ilang taon bang hindi naayos dito at grabe naman ang alikabok nito! 

 "Raia!"

 Lumingon naman ako sa tumawag sakin at nakita ko si Reese na nakatayo sa isang gilid. 

 "Kuy- i mean R-Reese may uutos ka?" tanong ko sa kanya. 

 Umiling naman sya at saka lumapit sakin.

 "Kamusta ka dito?"

 "Ok lang naman."

 "Ang bilis mo namang kumilos, kami ngang empleyado dito hindi matapos yan ng isang araw lang."

 "Eto lang naman kasi ang ginawa ko buong araw. Hindi naman tulad nyo na sa isang araw ay iba iba ang ginagawa."

 Bigla namang may napadaang anghelsa pagitan namin at halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Teka bakit ang awkward yata? Iba yung atmoshphere? 

 "Uhm.." 

 Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko ang pagkamot nya sa batok nya. Nakita ko naman si Ate Wena na paparating kaya umayos ako ng tindig ko. Shit! Bakit parang nahihiya ako? 

 "Ala sais na Raia pwede mo ng itigil yan. Bukas na lang ulit! Salamat Raia!" masayang sambit nya sakin. 

"Oy ikaw Archer sabi sayo ni Kuya Harriet tawagin mo si Raia hindi makipagkwentuhan ka. Ikaw talaga!"

 Mas lalo naman akong nahiya dahil iba ang tingin ni Ate Wena sakin pagkatapos nyang sabihin ang huling salita.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE