Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




When There Was Me And You

Image Description mj.cajilig   |   19 July 2019


She's smart. She's beautiful But she's never been inlove. He's cute He's gentleman But never had a serious relationship. But i know is Me + You = Nothing

"Ay wapak ang legs ni Ate mo Raia!"


 "Mas maganda ang legs ko dyan babe!"

 Sabay pakita naman ni Raine ng hita nya kay Carl. Pero binigyan lang sya ng nakakadiring tingin nito.  

"Sabi ko sayo Rai dear wag mong isama yang amazona na yan dito! Nakakadiri!"

 "Amazona! Sus baka sabihin mo asawa mo na."

 "Dyosko masamang dimunyo lumayo ka sa katawan ng babaeng to!"

 "Babe wag kang ganyan!"


Hinampas naman sya ni Carl ng hawak nyang sunflower. Minsan talaga hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko nakikitang nag aasaran ang dalawang to. Si Raine na panay ang harot kay Carl. At si Carl na halos maligo na ng alcohol sa pandidiri kay Raine. 

 Maganda, matalino at masipag naman si Raine. Kaso ang brutal nga lang ng bunganga ng babaeng yan. Parang hindi man lang nya pinagiisipan yung mga salitang binibitiwan nya. At eto nga hindi pa nararanasan na mainlove ng isang to. Hindi ko talaga magets dahil sa dami ng lalaki sa mundo at si baklang Carl pa ang naktipuhan nya. Ay oo nga pala naalala ko yung sinabi nya sakin na wala ng tunay na lalaki sa mundo.


"Kung ganyan lang ang figure ko kay Raia malamang marami ng lalaki ang nagkakadarapa sakin."

 "Babe bakit ba si Raia na lang napapansin mo? Nandito naman ako o! Konti na lang magseselos na ko kay Raia."

 

Binato ko naman si Raine ng hawak kong panyo at binato naman nya pabalik sakin. Inabutan naman ako ni Carl ng ashtray at sinasabi ibato ko daw sa kanya yung inabot nya. 


 "Ewan ko sa inyong dalawa. Di ba merong kasabihan na the more you hate the more you love?"

 "Kaloka ka Raia naniniwala ka pa rin dyan?"

 "Sus paanong hindi magsasalita yan eh may na puslit na naman yang babaitang yan."

 

 Sinamaan ko naman ng tingin si Raine sa sinabi nya. Ipaalala nyo nga sakin na busalan tong babaeng to sa sobrang daldal.


 "Da who ang otoko ng jutay na ito aber? Daks ba?"

 

 Binatukan naman ni Raine si Carl sa sinabi nito.


"Puro kahalayan na naman sa isip nitong baklang to. Baka pag ikaw hinalay ko ewan ko na lang."

 

Nandidiring inilayo ni Carl ang sarili nya kay Raine. 


"Ano ka ba unang araw sa training ang dami ng nangyari! Ganda ng ate mo diba?"

 

Lumapit naman sakin si Carl at tinignan ako mula ulo hanggang paa. 


"Ilang paligo ba ginagawa mo araw araw Raia at sobrang ganda mo? At sino naman yang otoko na yan? Baka naman kasali sa federasyon yan ah?"

 "Di naman yata katulad mo si Reese, Carl." nahihiyang sabi ko. 

 "Kita mo na! Kita ko na! Iba ang tawag nya kay Sir Archer! Reese talaga huh? Iba talaga!"

 

 Carl gave me a meaningful look. Ayoko talaga na pinaguusapan to kaso nga lang ang dakilang chismosa talaga ni Raine. 


"Baka naman sugar daddy mo yan Raia ah? Alam ko ang hirap nyo pero dyosko nandito kami para tulungan ka-"


 Ako naman ang bumatok sa kanya. Anong sugar daddy pinagsasabi nito?


"Isang taon lang naman ang pagitan namin Carl pinagkaiba nga lang ay ako ojt, sya naman employee sa company."

 "At sa sobrang ganda ni Raia pinaguusapan sya sa buong department." "Hmm, mastalk nga yang otoko na yan baka naman paminta din yan."

 

 Mukhang marami pa akong ieexplain kay Carl nito. At bukas na bukas lalagyan ko ng duct type ang bunganga ng babaeng to. Dapat talaga hindi na ako pumayag sa pabor na hinihingi ni Raine sakin eh. Di marunong talaga tumupad sa usapan tong babaeng to. Hays. 

 Kinabukasan hiniram ulit ako ni Ate Wena. Mas pabor pa ko sa ganun kaysa naman maubos ang oras ko sa kakatunganga. Baka mailagay ko sa narrativeme report ko na buong semester lang akong nakatunganga. 


 "Saan ka pa umuuwi Raia?"

 

 Tanong sakin ni ate Wena na kasama na ngayon. Wala naman daw kasi syang gagawin kaya tutulungan na nya ako.


 "Dyan po sa may Mandaluyong."

 "Ang layo mo pa, tapos bumabiyahe ka pa rito? Ilang sakay ka sa isang araw?"

 "Minsan tatlo pero madalas dalawa lang."

 

 Patuloy lang kami sa pag uusapan ni Ate Wena ng bigla naman syang tawagin sya ni Sir Harriet. Nagpaalam na muna ito at saka umalis muna. Tinuloy ko muna ang ginagawa ko at saka kinuha ang aking earbuds para makinig ng music. 


 "Fan ka rin pala ng My Chemical Romance."

 

 Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Reese na nakangiti sakin. 


 "Ah eh hindi naman sa fan, gusto ko lang yung kanta nila." sagot ko. 

 "Hmm.. Hindi halata sa itsura mo na mahilig ka sa ganyang klase ng music. Akala ko yung type mo sa music like Fifth Harmony, Ariana Grande or Kpop girl group like Blackpink. You know like typical girl."

 "Ang daldal mo pala Kuya Reese " sabi ko sa kanya na halos ikinagulat nya. 

 "Bakit may kuya na?"

"Ha? Wala. Nahihiya kasi akong tawagin ka sa pangalan mo lang."

 

 Nagulat naman ako ng kurutin ako ni Reese sa pisngi ko kaya sinamaan ko naman sya ng tingin.


 "Kung hindi ka lang trainee dito baka pinormahan na kita.

"

 W-Wait a minute? What did he say? Oh no please Archer Reese! Are you hitting on me?


 "Eh..Hahahahaha nice joke huh?" sarcasm na sabi ko. 

 "Bakit ayaw mo ba? Di naman masama siguro na ligawan ka? May magagalit ba? May boyfriend ka ba?"

"Easy ka nga sa pagtatanong mo. Tsaka naririnig mo ba sarili mo? Baka naman pinagkakatuwaan mo lang ako ah."


 "Syempre hindi naman ako ganun. Sabihin natin na mabilis lang ako pero ayoko namang maunahan ako."

 

 Ok. Wala na kong ma say sa lalaking to. Masyadong syang straight forward sa mga sinasabi nya. Paano ba ko magrereact dito? Magsasalita pa sana ako ng tumambad si Sir Harriet sa harapan namin at nakangisi ito. 


 "Kaya naman pala di mo naririnig yung pagtawag ni Kyle sayo at busy ka dyan sa baby mo. Mamaya nyo na ituloy yan may breaktime pa." nakakalokong sabi ni Sir Harriet. 

 "I-It's not what you think Sir! A-Ano may inuutos lang sya sakin." pagdadahilan ko. 


 Kahit naman magdahilan ako di naman maniniwala si Sir Harriet. Masyado naman yata syang bulgar sa feelings nya at alam na alam ng ibang tao. 

 "Laters baby." bulong nya at saka umalis sa harapan ko. 


 Baby?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE