Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




When There Was Me And You

Image Description mj.cajilig   |   08 October 2019


She's smart. She's beautiful But she's never been inlove. He's cute He's gentleman But never had a serious relationship. But i know is Me + You = Nothing

"Raia!"


 Tawag ni Carl sakin at nakita ko naman na nakaupo sya sa may launch. Inilibot ko namanang tingin ko sa paligid ko at nakita ko naman na panay ang tingin ng mga babae sa kanya. Lumapit naman ako kay Carl at saka hinalikan sya sa pisngi. 

 "Infairness sayo Carl ah ang gwapo mo sa suit. Di ko iisipin na lalaki ka sa lagay na yan."

 "Ano? Magiging amazona the second ka na rin ba Raia Carmela? Hahalayin nyo ko ni Raine? Huh! Over my oh so delicious body- Aray!"

 Natawa naman ako sa reaksyon nya ng batukan ko sya. Kung nandito si Raine malamang inalaska na naman sya nung babaeng yun. 

 "Bago mangyari yun Carl pwede ba si Raine muna?" natatawang sabi ko. 

 "Mega yuck Raia! Pwede ba?!" Ngunit tinawanan ko lang sya sa reaksyon nya. Bigla naman syang kumapit sa braso ko at saka tila isang manila na pinaupo sa upuan bato. 

 "Sino ba dito yung salmon na nakuha mo?" Napakunot naman ako ng noo sa sinabi nya.

 "Salmon?"

 "Ugh! Salmon? Yung gumagapang sa lupa. "

 "Isda yun diba?"

 "O alam mo naman palang isda eh, di ko ba nagets yung sinabi ko. Sino ba yung nabingwit mong otoko na binabanggit ni amazonang Raine."

 Binigyan ko naman sya ng masamang tingin sa sinabi nya. Kaya pala nagtxt at sinabing dadaan sya dito dahil lang doon? Bakit di ko naisip yun? 

 "Wala." 

 Bigla naman syang nagtantrums na parang bata. 

 "Ehhhh? Raia dear ipakilala mo naman sakin yung Reese mo dali na!"

 "Ssshh!! Hinaan mo nga ang boses mo mamaya may makarinig satin dito ang ingay mo!" saway ko at tinakpan ko ang bibig nya. 

 "Raia."

 Sabay naman kaming napalingon dun sa tumawag. Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa nakita ko. 

 "Hi pre."

 Bati naman ni Carl na naging lalaki ang boses. Umayos namam ako ng pagkakatayo at hinarap si Reese. 

 "Yes k-ku-... Reese?" sabay kagat sa ibabang labi ko. 

 "Tapos na yung break, mamaya mo na atupagin yan."


 Nagulat naman ako sa tono ng boses nya habang pinapanood ko sya palayo. 

 "Ay. May attitude ang lolo mo. Sya ba yung Reese na tinutukoy mo?"


 Hindi ko alam pero pakiramdam ko guilty ako sa nangyari. Shit bakit ganito nararamdaman ko?

 "Uhm Carl akyat na ko ah baka mapagalitan pa ko eh."

 "Hmph! Sungit huh? Ok sige ingat ka dear, mukhang turn off na ko sa kanya."

 I waved him goodbye bago ako pumasok sa loob ng elevator. Habang nasa elevator kagat kagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaba. Kaba dahil sa guilty na nararamdaman ko. Nang makarating na ako sa tamang palapag. Nanginginig akong hinahakbang ang paa ko. Paulit ulit ang lunok ko sa laway ko.


 Kalma Raia! Nakakasira ng ganda yan.

 Nakaupo na ako sa pwesto ko ng tinawag naman ako ng head manager namin. 

 "Raia tawag ka ni Sir Harriet lumapit ka muna dun. May iuutos yata."

 "Sige po."

 Kinakabahan naman akong tumayo sa pwesto ko. Hindi kaya nagsumbong si Reese dahil overbreak ako? May nalabag ba akong rules? Nang malapit na ako ay huminga naman ako ng malalim at saka lumapit sa pwesto ni Sir Harriet. 

 "Uhm Sir Harriet pinapatawag nyo daw ako?"

 Nakangiting lumingon naman sakin si Sir Harriet. At sa ngiti nyang yun mukhang may nalabag akong rules. Huhuhu mukhang mateterminate pa yata ako. 

 "Hindi ako yung nagpatawag sayo. Si Archer yung nagpatawag sayo sinabihan nya lang ako. May iuutos yata sayo, puntahan mo doon sa may conference room."

 Tumango naman ako at tumungo na papunta sa conference room. Pinihit ko naman ang doorknob at nakita ko sya kasama si Ate Kyle nag aayos ng mga samples. 

 "Uy Raia buti dumating ka. Patulong naman ako dito pa aarange na lang by size."

 Lumapit naman ako kay ate Kyle at ginawa na ang pinaguutos nya. 

 "Dyosko! Di ko alam kung anong uunahin ko! Hays! Archer may mga barcode na ba yan?"

 "Hindi ko pa nagagawan, ieencode ko na yun nandoon sa table ko."


 Pansin ko naman na napahawak na sa sintido si ate Kyle dahil sa taranta. 

 "Uhm Raia halika samahan mo at tuturuan ko kita mag barco-"

 "Ikaw na gumawa Kyle matatagalan pag sya ang gumawa."

 Napalingon naman ako kay Reese na cold ang ekspresyon nya. Halos lumabas na yung puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya? 

 "Owwww shigeee Archer sabi mo eh.."

 Tila pang aasar ni Kyle sa kanya bago isara ang pinto. Nang makaalis na si Ate Kyle ay halos mabingi naman ako sa sobrang tahimik ng paligid. Natapos ko ng gawin yung pinapagawa ni Ate Kyle kaya nagpagdesisyunan ko naman sya tulungan pero... 

 "Wag mo ng galawin yan."

 Ramdam ko yung lamig ng boses nya sa sinabi nyang yun. Pero hindi ko naman pinansin sya at binuhat ko ang isang set at inilagay na sa box. 

 "Sabi wag mo ng galawin yun diba?" Nagulat naman ako ng magtaas sya ng boses sakin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at saka tumingin sa kanya. 

 "Galit ka ba?" tanong ko. 


 Obvious ba Raia? Anong klaseng tanong yan?

 He lazily turn his head on me. Bakas sa mukha nya ang inis sa sinabi ko. Hays kahit naman sino maiinis sa tanong ko eh. Obvious na nga tinatanong pa.

"Lumabas ka na lang baka may masabi pa ko." sabi nya ay binalik nya ang sarili nya sa ginagawa nya. 


 Napatingala naman ako at pinipigilan ko na umiyak. Hindi ko alam pero bakit umiiyak ako dahil sa mababaw na dahilan. Tinalikuran ko naman sya at saka lumabas ng tuluyan ng lumabas. Agad naman akong dumiretso sa cubicle at doon na nagdrama. 

 Sa tanang buhay ko hindi pa ko umiiyak sa isang lalaki. Unless kung pinagsalitaan ako ng masasakit na salita ng tatay ko. Pero ngayon? Parang grabe naman yata? Nagiging weird na yata ako eh.

 Nang makarecover na ko ay inayos ko naman ang sarili ko at lumabas na ko. Nasalubong ko pa si Raine sa cubicle kaya nginitian ko ito. Pero lumapit naman sya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. 

 "Umiyak ka ba Raia?" tanong nya. 

 "Huh? Bakit ako iiyak? Namula lang yung mata ko dahil sa alikabok sa loob. Mukha ba akong umiyak?"

 "Sure ka ah, magsuot ka kaya ng salamin ng hindi na iirittate yung mata mo."

 Tinapik ko naman ang balikat nya at saka iniwan sya sa loob ng cubicle. Bumalik na ako sa pwesto ko at good thing may inutos sakin si Ms. Rachel kaya pinagtuunan ko ng pansin yun. Narinig ko pa na naguusap si Ms. Rachel at Sir Harriet sa tabi ko. At hihiramin yata ako pero bigo sila dahil mukhang kailangan ako ng department ko ngayon.

"Harriet amin muna si Raia, may kailangan kasi kaming ipasok at sa June na ang due date."

 "Kinukulit kasi ako ni Archer na pabalikin yang ojt nyo dun at may ipapatulong yata."

 "Sabihin mo kay Archer na next week nya na hiramin si Raia namin at kailangan na kailangan namin sya."


 Lumingon naman sakin si Ms. Rachel at ngumiti ito sakin. Bigo naman umalis si Sir Harriet at bumalik sa pwesto nya. 

"Dito ka muna darling at mapapagod ka dun. Medyo mabigat ang trabaho mo dun eh. Kaya eto mag eencode ka muna dyan."

 Naging busy nga ako at nakalimutan ko na yung mga nangyari kanina. Halos di ko na maalis yung mata ko sa dami ng ginagawa ko. At halos natatambakan na ko dahil sunod sunod ang pagtatambak nila ng papel. 

 Natapos ang araw ko na puro encoding lang ginawa ko. At pati tong si Raine hindi ko na makausap dahil pareho kaming pagod. Kinuha ko naman yung cellphone ko at nakita ko naman na may txt si Carl sakin. 


 SMS from Carl

 Dear! Di mo sinabi na photographer pala si Reese mo. Favor naman dear kung pwede syang mag shoot ng model ko para sa next collection ko.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE