Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Island of Dreams

Image Description Jaymeei   |   06 December 2019


Napadpad sa isang Isla ang maganda at mayamang si Kayleen at ang mangangalakal na si Gabriel

KAYLEEN  

Today is my 20th birthday, ginaganap ngayon sa malaking ballroom ng five star hotel, abala sa mga bisita ko, most of them are my friends and relatives at ang iba ay mga business colleagues ni Papa at mga amiga ng Mama.I'm wearing a crystal

blue long gown and I look sophisticated.

It's my birthday and everything are almost perfect, but.......... I feel empty.

Naupo ako sa table ng mga friends ko.Nakita ko silang masayang nag-iinuman ng wine.

"Nag eenjoy ba kayo?" Masayang sabi ko kay Jenica at Elisha.

They are my friends, but I can't call them true friends. I can feel they are not real, but then nakikipag sosyalan na lang ako sa kanila kasi wala na akong ibang kaibigan maliban sa kanila. "Oh yeah of course!” sabi ni Elisha.

"Wala pa ba si Paulo?" tanong ni Jenica, patungkol sa boyfriend ko.

"He is not here yet." Nakangiting sabi ko naman sa kanila.

"Ano ba naman yang si Paulo birthday na birthday mo wala siya?”

"Its ok, he is busy."

"Ok lang yun Kayleen, nandito naman kami ni Jenica kahit wala si Paulo eh."

Nginitian ko na lamang sila. Then after one hour dumating na si Paulo.

"Happy Birthday my Kayleen!” Masayang greet ni Paulo.

"You're so late!" medyo nagtatampong sabi ko kay Paulo, but the truth is,

kahit di siya dumating ay di ako magtatampo, kasi di ko siya mahal. Ang mga parents ko lamang ang may gustong maging kami. Ang totoo, kahit minsan ay di ko pa naranasang ma-inlove.At ni minsan di ko pa nasubukang magka-crush.Mas na iinlove pa ako sa mga fiction character sa mga nababasa kong libro kesa sa totoong lalaki. Ewan ko ba kung bakit ako ganito?

"So sorry ang tagal kasi matapos ng meeting,” aniya.

"That's ok," matipid na sabi ko na lang at naghawakan kami ng kamay at aming nilapitan ang aking mga guest.

...

Matapos ang celebration ng aking birthday ay pauwi na kami ng pamilya ko sa bahay namin sa isang kilalang Village. Hinatid ako ni Paulo.

"Kayleen, goodnight and happy birthday again my dear!”nakangiting sabi ni Paulo sa akin at hinalikan niya ako sa aking labi. While we were kissing, I didn't feel any passion. Bakit ganon? bakit wala akong nararamdaman na sarap or tamis? may itsura naman si Paulo, maporma, mayaman, maraming babae ang nangangarap na sana sila na lang ako. Pero bakit wala akong nararamdaman sa kanya? I always keep telling myself, what is wrong with me?.

Ni minsan di ko pa nasubukan kiligin sa isang lalaki.

"Thank you Paulo see you!” Nakangiting sabi ko na lang sa kanya.

Wala na akong ibang maisip na sasabihin sa kanya kundi 'thank you'.

.....

Pagpasok ko sa aking silid ay binuksan ko ang aking mga

regalo. Inuna ko buksan yung kay Paulo at may nakalakip na card..

Nang aking binuksan ay isa itong mamahaling watch, well nagustuhan ko naman kaya lang meron na ako nito, kaya hindi na ito iba sa akin.

Matapos ay binalik ko sa box, tumingin naman ako ng iba pa at pinakahuli kong binuksan ay ang gift ni Elisha.

Ang kanyang gift ay isang fantasy book na may pamagat na "The Man of my Dreams." Isa itong illustrated book. Ewan ko ba, hindi naman alam ni Elisha na mahilig ako sa mga ganitong uri ng libro, kasi sekreto ko lang naman yun. At ayokong malaman nila na para akong bata pagdating sa ganitong bagay. Pero pinaka nagustuhan ko ang binigay niya sa akin.

Binuksan ko ang unang page at naging excited ako itong basahin dahil may magandang mga illustrations.Binasa ko na muna ang tungkol sa author.

"Penelope Levoux? Hmmn may nabasa na akong libro niya before." Nakita ko sa picture na maganda siya, bata pa, at may inosenteng mukha. Binasa ko ang unang chapter at naantig agad ako sa story. Inilipat ko sa sumunod na page at may nakita akong naka ‘illustrate’ na isang napakakisig na lalaki.Ang lalaking character na tinutukoy ng storya sa libro. Heto na naman ako, in love na naman sa fiction character, ewan ko ba? But this time mas may naramdaman akong kakaiba nang nakita ko yung drawing na ‘yun. Kayalang, isang fiction lang ito at walang totoong ganoong itsura ng isang lalaki. Ako ang babaeng hindi naniniwala na totoong may pag-ibig sa mundo. Kaya hanggang libro na lang, kahit sa libro man lang ay maranasan ko ang umibig. This is sounds ridiculous but this is really me.

Pinagpatuloy kong basahin ito.

"Gabriel?" ang pangalan ng bidang lalaki, at di na ma alis-alis ang mga mata ko sa drawing na ‘yon.Pansamantalang sinara ko na muna ang libro at nilagay sa aking tabi at ako ay naghanda ng matulog.Bakit hanggang sa aking pagtulog ay naaalala ko pa rin ang character na si Gabriel?.


KAYLEEN’S POV ENDS



Makalipas ang ilang araw. Masayang gumising si Kayleen at excited na kinuha ang libro sa ilalim ng kaniyang unan. Nag-iisang anak lamang si Kayleen at may kaya ang kaniyang ama na isang negosyante.Nakatira sila sa isang sikat na Village.At dahil nag iisang anak lamang siya ay laging binibigay sa kaniya ng mga magulang ang kaniyang mga gusto.

Nagbasa muli si Kayleen ng libro, at maya-maya ay nag ring ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kaibigan na si Elisha.  

-Hello Kayleen?"  

"Hi Elisha, thank you sa gift mo, I really like it!”

-Talaga? I can't believe na magugustuhan mo, alam mo ba? sa Denmark ko pa nabili ‘yan.Dalawa na lang sa book store, binili ko na pareho at sayo ko binigay ang isa, ewan ko ba kung bakit ‘yan ang naisip kong iregalo sayo haha! and what a surprised that you like it!" Masayang sabi ni Elisha.

-Alam mo, so unique ang book na ito, kakaiba, exactly on my age, na iinlove na nga ako sa character na si Gabriel eh,” nadulas na dila na sabi ni Kayleen.

-What?”

“Oh, nothing, I mean, nakakainlove ang story!”

-Ok good, well enjoy reading, by the way! alam mo na ba kung saan ang venue ng kasal ni Jenica?”

"Hindi pa nga eh,”

-I'm sure bibiglain niya tayo!”

"Oo nga, sige magkita na lang tayo sa wedding niya, I'm sure malapit na ‘yun,”

-Yeah, see you bye!"

After lunch, naghanda ng pumunta sa mall si Kayleen, mayroon itong sariling perfume shop na nakapwesto sa mall. Hindi pa tapos mag-aral si Kayleen, palagi syang nag shi-shift ng course kaya natatagalan sa pag-aaral. Ang kanyang perfume shop ang lagi niyang pinag kakaabalahan.

Sumakay ng sariling sasakyan si Kayleen at sya ang nag drive.At nang nakarating sa perfume shop ay nagbigay galang ang mga sales rep sa kaniya.

"Magandang umaga po Ma’m Kayleen!” magalang na sabi ng tatlo.

Pumasok sya sa kaniyang maliit na opisina at naupo sa kanyang desk at kaniyang pinagpatuloy binasa ang libro, napapangiti sya mag isa habang kanya itong binabasa.Habang nagbabasa siya ay nag-ring ang kanyang cellphone..

Tumatawag ang isa pa niyang bestfriend na si Jenica na malapit ng ikasal.

"Hello?"

"Hello, naka set na ang lahat at sa Boracay gaganapin ang kasal namin ni Nick,” excited na sabi ni Jenica sa kabilang linya.  

"Oh nice, kailan ba ito?"

"Well next week!”

"Next week?"

"Yeah, kailangan kasi makabalik ni Nick ng US kaya minadali na namin, at syempre dito sa Boracay ang dream wedding ko. At heto nga nandito na kami 5 days ago pa, pinadala ko na yung invitation sa’yo, paki wait na lang ha, ikaw ang maid of honor ko kaya sana 2 days before ay makarating ka na dito para sa wedding rehearsal,”

"Ok then, magpapabook na ako ng flight mamayang pag-uwi ko,”

"Well ingat ka ha,”

"Thank you and congrats again Jenica, see you then bye!"

......

Pagkauwi ni Kayleen ay tinawagan niya ang kanyang suking agency.

"Naku Ma’m Kayleen, fully booked po hanggang next week ang Bora, remember summer ngayon kaya peak season?”

"Kahit anong airlines?"

"Yes Ma’m,”

"Naku papano ba yan, a-attend ako ng kasal at ako ang maid of honor, kailangan ko makarating doon next week by Thursday,”

"Pasensya na po talaga Ma’m wala po talaga, kung gusto po ninyo ilagay ko na lang kayo sa chance passenger,”

"Ayoko umasa sa chance passenger, what if maghintay ako sa wala?"

"Kung gusto po ninyo mag ferry po kayo, may available slots pa po."

"Pero ayokong sumakay sa ferry,"

Nang ibinaba ni Kayleen ang telepono ay namroblema ito.

"Bakit kasi ngayon lang sinabi ni Jenica na sa Bora na pala ang location, papano ko makakarating doon hmmn?"

Tumawag siya ng ibang Travel agency ngunit ganon din ang sinabi ng mga ito.

"Kung hindi naman ako pupunta nakakahiya naman kay Jenica ako pa naman ang maid of honor niya,” bulong sa loob niya. Tinawagan niya si Elisha.

“Sabi ko na sayo, bibiglain tayo ni Jenica haha, buti na lang at saktong pupunta kami ng boyfriend ko sa Bora, kaya matagal na ako nakapag reserved,”

“Naku buti ka pa, samantalang ako di ko alam kung papano ako makakarating doon, bakit naman kasi fully booked!”

“Oo nga eh, ngayon lang nangyari yan sa mga domestic flights.Anyway, mag helicopter ka na lang or yacht haha,”

“Pero masyadong mahal yun, sasama ko pa naman yung dalawang maid namin, di kasi makakasama si Paulo eh,”

“E di sya na lang ang magbayad, tutal mayaman naman yun eh,”

“Well bahala na, basta I assure you, makakarating ako, bahala na kung ano ang sasakyan ko,”

Matapos makipag usap kay Elisha ay naisipan niyang tawagan si Paulo.

Ngunit biglang nagbago ang isip niya.Balak niya sanang humingi ng tulong, ngunit naisip niyang, huwag na itong gambalain pa dahil lagi itong abala sa trabaho nito. Nag isip-isip si Kayleen, hindi niya afford sumakay ng helicopter dahil masyadong mahal ito, at isasama niya ang dalawang katiwala nila.

Walang nagawa si Kayleen kundi mag ferry na lang. At kaniyang tinawagan ang agency at nag pa reserved.










  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019