Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




REVENGE OF THE REAL WIFE

Image Description ad_sesa   |   02 July 2018


Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!


"Suddenly everything vanished when destiny paltered our life.."
-Ashlene Zamora Emit


"Mahal na mahal kita, Ashlene. Masayang-masaya ako dahil asawa na kita," paglalambing ni Jonathan sa bagong asawa. Ginagap niya ang isang kamay ni Ashlene at mahigpit na pinisil saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Kanina lang sila kinasal ni Ashlene sa halos dalawang taon din nilang pagiging maglive-in. Bago kasi nila pinasyang magpakasal ay naisip muna nilang magsama kung sila ba ay compatible talaga o hindi. At ngayon ito na nga ang araw, tapos na! Papunta na sila ngayon sa reception ng kasal. Sakay sila ng kanilang bridal car.

Inihilig ni Ashlene ang ulo sa matiponong dibdib ni Jonathan. Kung masaya si Jonathan ay higit pang mas masaya ito. Mahal na mahal nito ang asawa, hindi mailarawan ang sobrang kasiyahan nito ngayon na nararamdaman. At pinapangako nito sa sarili na magiging mabuti itong asawa kay Jonathan. Ano man ang mangyari, sa hirap at ginhawa, hanggang sa huling hininga.

Ganundin ang laman ng isipan ni Jonathan, pinapangako rin niyang magiging mabuti siyang asawa kay Ashlene, at ito lang ang babaeng mamahalin niya habang buhay.

Tumigil ang bridal car dahil nag-kulay red ang traffic light. Tiningala ni Ashlene ang ulo sa kanyang asawa, nakangiti silang nagtitigan at pagkuwa'y masuyong hinalikan ni Ashlene ang labi ni Jonathan.

"Tatandaan mo palagi na mahal na mahal din kita," ani Ashlene kasabay nang pag-andar ng sasakyan dahil nagkulay green na ang traffic light. Ngunit kasabay din n'on ang nakakatakot na tunog ng dalawang malalaking lata na nagbanggaan! Na siyang magpapabago sa lahat ng pangarap at buhay ng bagong kasal na mag-asawa!

"Clear!!" sigaw ng doctor habang niri-rivive ang buhay ni Ashlene. Kasabay rin ng panggagamot sa sugatang si Jonatahan sa kabilang emergency room. Samantalang ang driver ay patay agad ito sa aksidenteng nangyari na banggaan.

Sumalpok ang isang bus na nawalan ng prino sa bridal car na sinasakyan nila. Sa may banda ni Ashlene at driver tumama ang bus kaya sila ang mas napuruhan.

"A-ashlene!!" Balikwas ng bangon si Jonathan nang magkamalay.

"Anak, buti at gumising ka na." Umiiyak siyang niyakap ni Aling Susan, ang nanay niya.

"Ma, n-nasa'n ang asawa ko?! Bakit wala siya rito?! Where is she! Is she okay?!" malakas ang boses niya na sunod-sunod na tanong sa ina.

Hagulhol ang sinagot ni Aling Susan sa kaniya.

"Ma, answer me!!" Tumahip ang matinding kaba sa dibdib niya. Umaasa siya, umaasa siyang sasagutin siya ng ina na okay lang ang kanyang asawa.

"N-nasa ICU pa siya, Anak. She was comatose," pero nakakalungkot na sagot sa kanya ni Aling Susan habang humihikbi.

Tigagal siya. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan, kusang tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata at napailing ng sunod-sunod! Hindi maaari! Hindiiiiiii!

"Pupuntahan ko siya!" saglit ay hestirikal na niyang sabi at walang ano mang pinagtatanggal niya ang mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan. Napangiwi siya dahil sa nga hapding nararamdaman! Pero hindi niya iyon inalintana!

Kailangan... kailangan niyang makita ang kanyang asawa! Baka hinahanap na siya ni Ashlene!

"Anak, 'yang mga sugat mo!" pigil ni Aling Susan sa kanya.

"Ma, dalhin mo ako kay Ashlene! I want to see her!" giit niya. Hindi siya nagpapigil. Bumaba siya sa kama. Ngunit nakaramdam siya ng hilo at kirot kaya napasapo siya sa kanyang ulo at napahawak sa dingding para !di siya matumba.

"Anak, baka ikaw naman ang mapano riyan! May nagbabantay naman kay Ashlene. Nandoon ang Nanay niya." Agad umalalay ang ina sa kaniya. Alalang-alala ang ginang.

"No, Ma! Mas kailangan ako ng asawa ko ngayon!" giit pa rin niya. Pinilit niyang humakbang. Pupuntahan niya si Ashlene! Pupuntahan niya ang kawawa niyang asawa! Kung bakit hindi na lang kasi siya ang napuruhan! Sana siya na lang at hindi si Ashlene!...........


  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018