Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




War Online

Image Description TianaVianne   |   11 July 2019


Two famous online writers were always posting contradicting quotes and stories Readerssocial media users keep checking their social media accounts to witness their WAR ONLINE

 C H A P T E R 1 - Ruined night

EON's POV

"Sis, isukat mo na kasi 'to!" pangungulit sakin ni Jia. Sumimangot ako at tinignan ko siya ng masama. "Bakit bibili pa ko ng bagong blouse eh magreresign naman na ko don!" singhal ko.

"Ano ba naman sis, bakit magreresign ka? May balanse ka pa nga sa apartment mo ng tatlong buwan. Ano ipapambayad mo kapag nagresign ka, sige nga?"

Napabuntong hininga ako ng ipaalala niya sa akin ang utang ko. Ilang buwan na rin ako sinisingil ng land lady namin, nararamdaman ko na malapit na ko mapalayas. Kainis!

"Eh kasi naman, grabe na ugali ng boss ko. Ako na nga taga-ayos ng appointments niya, ako na nga taga-ayos ng mga papeles niya, ako na nga taga-alalay niya, ako na nga taga timpla ng kape niya, tapos--"

"Luh. Maka-reklamo 'to, ano bang posisyon mo sige nga?"

"S-Secretary niya. H-Hehe."

"Oh tignan mo! Secretary ka naman pala! Talagang ikaw mag-aayos ng mga appointments niya, ba't pa siya naghire ng secretary kung siya mismo mag-aayos ng mga papeles at appointments niya."

"Tss! Eh kahit na! Secretary ako, hindi muchacha!"

"Nako ewan ko sa'yo, di ka lang talaga sanay sa trabaho mo."

"Isang araw lang naman kasi hinihingi kong pahinga, aba ayaw niya! Sige tagalan ko pahinga ko bwisit siya, magreresign nalang talaga ako!" reklamo ko nanaman.

Naiirita kasi talaga ako sa boss ko. Ayaw niya ko payagan magfile ng leave. Grabe, sobrang dependent niya sakin.

Pagkauwi ko sa apartment ko, kinuha ko agad 'yung ice cream ko sa freezer at agad akong humilata sa soffa para magnetflix.

Tapos ko na panoorin 'tong Lucifer pero dahil adik ako, uulitin ko siyang panoorin mula Season 1. Gwapo kaya ni Lucifer! Sobrang funny pa.

Bigla namang nag-ring ang phone ko at nakita ko agad na si mama ang tumatawag.

"Ma?" sagot ko.

"Kumain ka na ba? Baka ice cream nanaman ang kinakain mo. Kumain ka ng kanin at ulam. Ice cream papatay sa'yo."

Napanguso ako habang nakatingin sa solo pack ice cream na hawak ko. "Yung totoo ma? Naglagay ka ba ng cctv dito sa apartment ko? Or anything? Bakit alam na alam mo mga ginagawa ko?"

Narinig ko siyang tumawa.

"Kailan ka ba uuwi dito? Tsk! Wala akong mautusan dito eh."

"Baka next month pa ako makauwi d'yan ma. Alam mo naman boss ko, nasakin utak."

"Napakatamad ng boss mo na 'yan, humanda talaga sakin 'yan pag nakita ko 'yan."

Natawa ako bigla. Isa pa 'tong si mama eh, grabe mambash.

"Yaan mo na ma. Ganon talaga siguro pag matandang dalaga. Dapat kase mag asawa na siya para naman hindi lang ako 'yung umaalalay sakanya."

"Kaya nga. Oh siya, aalis kami ng lola mo. Pupunta kami sa lamay eh."

"Bakit ma, sinong namatay?"

"Yung tropa netong lola mo. Tanda-tanda na, tumotropa pa. Hahahahaha!"

"Hahahahahahaha! Langya. Sige na ma, ingat kayo d'yan."

"Ikaw rin d'yan, Eon. Ay teka. Magboyfriend ka na kasi para may nag-aalaga sa'yo d'yan!"

Napaface palm nalang ako bigla. Kahit kailan talaga 'tong si mama, tuwing nag uusap kami ay 'yan ang palagi niyang sinasabi.

"Saka na ma, pag patay na boss ko. Charot! Omg, joke lang po." sabi ko pa sabay sign of the cross.

Matapos namin mag-usap ni mama, tumingin ako sa wall clock ko at nanlaki ang mata ko ng makita kong 7:30pm na.

Dali-dali kong kinuha ang laptop ko at nag-online sa Zeview. Nako, nag-promise kasi ako sa mga readers ko na mag-uupdate ako tonight at exactly 9:00pm. Napakatagal ko pa naman mag-isip ng isusulat. Jusko, I only have 1 hour and 30 minutes left.

Bago ako magsimula magtype, nagtimpla muna ako ng kape at nilapag ko ito sa katabi kong mesa.

I am currently writing Chapter 23 ng story kong 'Worth the wait'. Syempre, puno ng kilig 'yung buong chapter. Gusto ko kasi happy lang. Ayaw ko ng sadness. And mas lalong ayaw ko ng negative vibes.

Lumipas ang oras at naipost ko na rin ang Chapter 23. Marami agad ang nagcomment at binasa ko ito isa-isa.

'Ang haba ng hair ni Maddy! Sana lahat may Jacob!'

'Waaahhh!!! Ang sweet ni Maddy kay Jacob! Feeling ko kinikilig talaga si Jacob!'

'Hala nalaglag panty ko bes! Bakit naman ang gwapo ni Jacob!'

'Waaaaahhhhhh ate Eon! Post mo na po agad next chapter! Excited ako!'

'Grabe si Maddy! Parang lalaki eh mas sweet pa kay Jacob!'

'Update po pls!'

Natatawa ako habang binabasa ko ang mga comments nila, pero agad na nagsalubong ang mga kilay ko at kumunot ang noo ko ng may mabasa akong nag-iisang comment na sumira ng gabi ko.

LaxErezalde: Wala ng ganyang babae ngayon mga ulol. Hahaha! Kunwari sweet, kunwari nag eeffort, pero lolokohin ka rin naman pala.

Inis kong nireplyan ang comment niya.

EonVindeco: Excuse me? Bakit ginegeneralize mo? Not all girls are cheaters!

Ah grabe, umiinit ulo ko dito sa lalaking 'to.

LaxErezalde: Ops, defensive masyado.

Napapikit ako sa sobrang irita.

EonVindeco: You know what? You better stop reading my story kung ganyan ang pananaw mo!

LaxErezalde: Ay napikon si Miss Author. Hahahaha!

Nanlaki ang mata ko dahil biglang nagreply sa comment niya ang mga readers ko.

Pati mga hindi ko readers ay biglang nagcocomment rin what the hell?

'Bugbugan na 'yan!'

'Wait kain lang ako popcorn!'

'Ayos 'to mga sis, may nag aaway!'

'Grabe 'wag niyo ibash si ate Eon!'

'Luh! Shut up bitch! Agree ako sa sinabi ni kuya Lax!'

Napakagat ako sa labi ko. Grabe, mga pinoy talaga hilig makisawsaw.

Sino ba 'tong Lax Erezalde na 'to? Bakit may mga nagtatanggol sakanya? Tss!

Out of curiosity, cinlick ko ang Zeview profile niya at nanlaki ang mata ko ng makita kong 1 million followers na siya. What the hell? Ako nga 800,501 palang 'yung followers. Tapos siya isang milyon?

Tinignan ko 'yung bio niya sa Zeview at lalo akong nairita sa bio niya.

-Kung naniniwala kang may magmamahal sa'yo ng totoo, don't read my works. Bawal dito marupok at tanga.-

Hanep. Bio ba 'yan ng writer? Sikat siya pero napaka walang manners niya. Maglalagay nalang ng bio, magdadamot at manlalait pa!

Iniscroll ko pababa at tinignan ko ang mga stories niya.

Mas lalo akong napaface palm ng makita ko ang mga title ng gawa niya.

'Wag kang tanga'

'Mahal ka o masarap ka lang talaga?'

'Matamis pero gago'

'Love until you die'

'10 signs that your partner is cheating on you'

'Cross my heart, hope you die.'

'Gaano ka katanga'

'Matalino ka sa klase, pero bobo ka sa babae.'

Halos mapamura ako dahil sa mga title ng gawa niya. Jusko! Bakit one million ang followers ng taong 'to?

Bawat gawa niya ay umaabot ng 12 million reads. Napailing-iling nalang ako. Grabe 'tong taong 'to.

Akala ko mga babae lang ang bitter. Lalaki rin pala?



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE