Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




War Online

Image Description TianaVianne   |   16 August 2019


Two famous online writers were always posting contradicting quotes and stories Readerssocial media users keep checking their social media accounts to witness their WAR ONLINE

LAX'S POV

Kakagising ko lang ay rinig ko na agad ang ingay nila sa sala sa baba. Tch, nandito nanaman sila. Aga-aga, eh.

Tamad na tamad akong bumangon at bumaba ng sala.

"Nice brad, akala namin wala ka ng balak gumising!" bungad sakin ni Cedric habang nakahiga sa soffa. Napalingon naman ako sa kusina at napakunot ang noo ko ng makita ko si Allen na nag-iinit ng tinapay.

"Wala ba kayong mga bahay? Ba't ba lagi kayo nandito?" iritang sabi ko kaya nagtawanan silang dalawa.

"Lam mo kasi brad, ganon talaga."

"Gago. Umuwi na kayo. Maglilinis pa ko!"

"Mamaya na, dami pa natin ieedit eh. Dito na kami mag-edit. Dinala na namin laptop namin eh. Diba Ced?!"

"Oo brad!" sagot naman ni Cedric na nakahiga parin sa sala habang nilalaro ang pusa ko. Tch.

"Pwede naman kayo sa bahay niyo nalang mag edit ah! Ba't dito pa sa bahay ko?" reklamo ko.

"Syempre mas masarap magtrabaho pag kasama ka!"

"Nababading ka nanaman eh, Allen! Hahahahahaha!" sabi ko sabay upo sa soffa. Binuksan ko ang laptop ko at nagphotoshop.

"May shoot ba tayo next week?" tanong ko sakanila. Nagbabalak kasi ako pumunta ng Manila next week, pinapauwi ako nila mama.

"Oo brad meron. Kasal ng pinsan ko, dito rin mismo sa Crosswind gaganapin. Eh alam niyang taga dito tayo kaya tayo na kinuha niyang photographer saka videographer." sabi ni Cedric habang kumakain.

Sayang, akala ko pahinga namin next week. By the way, professional events photographer and videographer kaming tatlo. Pare-pareho kaming graduate ng Fine Arts.

Simula nung magkatrabaho ako, dito na ko sa Tagaytay kumuha ng bahay. Sa Crosswinds Swiss Luxury Resort and Studio Suites.

Bakit napili ko dito sa Tagaytay? Madami kasing events na ginaganap dito palagi, kaya madaming cliente. Mga kakilala ko rin kasi karamihan dito kaya ako agad ang nirerefer nila sa client pag may event.

Actually, kumuha rin ng bahay dito sa Crosswind si Allen at Cedric pero ang alam ko, balak na nila ibenta 'yun kasi gusto nila dito sa bahay ko nalang tumira. Sakin nalang daw sila magbabayad. Tch.

"Inom ba tayo mamaya?" tanong ni Allen.

"Kung wala tayong lakad bukas, sige G tayo mamaya." agad na sagot ko.

"Yown! Isasama ko 'yung chix ko ah!"

"Wag na. Ba't magsasama ka pa ng babae. Tayong tatlo nalang." pagkontra ko agad kay Allen.

"Ay! Hina mo naman brad! Chix ko naman dadalhin ko, di ko naman sa'yo irereto!"

"Kahit na. Ayoko parin."

Di na siya pumalag. Nag-online muna ako sa twitter at agad na bumungad sakin ang tweet ni @EonVindeco. Tch, di ko naman siya finofollow pero palaging siya 'yung laman ng feed ko.

@EonVindeco: Tamang taga-ayie lang sa mga lovelife ng mga kaibigan ko. Ako kaya kailan magkakaboyfriend?

"Haha! Wala palang boyfriend 'tong writer na 'to tapos kung makapagsulat ng stories at kung makapagtweet akala mo may boyfriend." komento ko. Napatingin pa sakin sila Cedric at Allen dahil tawa ako ng tawa habang nakatingin sa phone ko.

"Sino ba 'yan?" curious na tanong ni Cedric.

"Sino pa ba, edi 'yung babaeng writer na kinokontra niya lagi 'yung mga sinasabi! Hahaha! Tangna, Cedric tignan mo title ng mga story ni Lax sa Zeview, parang gago eh! HAHAHAHA!"

"Ba't anong mga title?" natatawang tanong ni Allen.

"Wag kang tanga 'yung book 1, tapos book 2 Gano ka katanga. HAHAHAHAHAHAHA! Tang*na brad. Writer ka ba talaga? Haha! Tawang tawa parin talaga ako pag naaalala ko 'yon!"

Parepareho kaming nagtawanan. Gago talaga 'tong dalawang 'to ako nanaman napagtripan.

"Kakatamad kasi mag-isip, kaya 'yun mga ginawa kong title! Hahahahaha!"

"Oh eh anong title nung mga story nung babaeng writer na sinasabi niyo?"

"Kadiri mga title nung kanya. Pang-tanga ganon." umiiling iling na sabi ko kaya panay tawa namaman nilang dalawa.

"Ano nga title nung kanya brad?"

"Worth the wait brad, tapos I love you forever. Hahahaha! Tapos nalaman ko ngayon lang na wala pala siyang boyfriend brad. Pero ganon mga sinusulat niya. Kawawa boi, sa storya nalang siya nagkakalovelife eh."

"Hahahahahahahahahaha! P*ta, sobrang kabaliktaran mo ata 'yan ah."

"Ewan ko ba. Haha!"

Teka, pagtripan ko kaya 'yon? HAHAHA!

Panay tawa ko habang nagtatype ng itiweet ko.

@LaxErezalde: Sino dito mga readers ni @EonVindeco ? Unfollow niyo na 'yan. Iniiscam lang kayo niyan. Pinapaniwala kayo sa true love eh siya mismo single. HAHAHAHAHAHA!

"Tang*na Lax! Baka magtrending ka niyan ah! Siraulo ka talaga!" tumatawang sabi ni Cedric pagkabasa niya nung tweet ko.

"Ayan na Lax may reply na agad sa'yo!"

Dali-dali kong binasa ang reply niya at halos maningkit ang mga mata ko kakatawa.

@EonVindeco: Epal mo! Sinong nagsabing wala akong bf?!

@LaxErezalde: Kakatweet mo lang kanina ah. Gano ka ba katanda? Ba't ambilis mo makalimot. HAHAHAHA!

Dami agad naglike sa tweets ko. May mga nakikireply na readers niya, nagagalit sila sakin. 'Yung iba naman tawang tawa, tapos chinicheer pa ko. Hahaha!

@EonVindeco: Yuck. Stalker!

Nanlaki ang mata ko sa reply niya. Kingina, ako? Stalker?

@LaxErezalde: I'm not stalking you, Miss. Lagi lang talaga lumalabas sa feed ko 'yung mga nakakadiri mong tweets.

@EonVindeco: Duh! Edi i-mute mo ko para di mo nakikita mga tweets ko! Epal mo. And excuse me, hindi kadiri mga tweets ko!

@LaxErezalde: Ayoko, kakatamad.

@EonVindeco: Pero pag kokontrahin mo mga tweets ko, at pag magcocomment ka sa mga stories ko, ang sipag sipag mo!

@LaxErezalde: Concern lang ako sa mga readers mo. Di sila aware na scammer ka.

"HAHAHAHAHAHAHA! Pulang pula na siguro siya sa sobrang inis sakin." tuwang tuwa na sabi ko atsaka ko nilapag sa lap ko ang alaga kong pusa.

"Baka sugurin ka n'yan Lax ah!"

"Di ako susugurin n'yan. Duwag 'yan eh, kunwari lang na matapang. Pero siya rin mismo 'tong takot sa mga bagay-bagay. Haha!"

@EonVindeco: Shut up, you idiot!

Napangiti ako dahil sa reply niya. Luh ba't ako napangiti? Ah ewan!

@LaxErezalde: Di mo ko ma-block 'no? Kasi pogi ako.

"Ay gago." gulat na sabi ko. "Ba't brad?" sabay na tanong ni Allen at Cedric sakin.

"Binlock ako."



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE