Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




War Online

Image Description TianaVianne   |   04 September 2019


Two famous online writers were always posting contradicting quotes and stories Readerssocial media users keep checking their social media accounts to witness their WAR ONLINE

Genre: Humor, Romance, Fiction

Language: Filipino, English (Taglish)

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

2019. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author. Plagiarism is a crime so never plagiarize my works.

Story started: July 10, 2019
Story ended:

©️TianaVianne Stories 2019

P R  O L O G U E

"Sabi na nga ba lolokohin ka ng jowa mo eh! Wala talaga akong tiwala doon nung pinakilala mo siya samin!" sigaw ng kaibigan ko.

"Oh ano, kailangan pang lokohin ka muna bago ka matauhan eh." dagdag pa ng isa ko pang kaibigan. 

Napasimangot ako. Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Umiiyak na nga ako, pinapamukha pa nila sakin kung gaano ako katanga.

"Ay eto na! Lemon, tignan mo! May bagong tweet si ate Eon!"

Pagkasabing-pagkasabi non ng kaibigan ko, agad kong kinuha ang phone ko at nag-online sa twitter. Favorite writer ko si ate Eon, palagi kong sinusubaybayan mga stories niya sa Zeview. Nakaka-relate kasi talaga ako sa mga stories and tweets niya dahil puro about positivity in life and love.

Pagkabukas ko ng twitter ko, agad kong tinignan ang latest tweet ni ate Eon.

@EonVindeco : Piliin mo paring magmahal, kahit ilang beses ka na nasaktan.

Napangiti ako. She never fails to inspire me. Kaya idol ko talaga siya.

"Hala, Lemon!!!" tawag sakin ng kaibigan ko.

"Oo nabasa ko na." sagot ko. "Lemon, makinig ka kasi!" pag-uulit niya. Napakunot ang noo ko. "Ano nanaman ba?"

"Si kuya Lax, may bagong tweet rin!" sigaw niya at nanlaki ang mata ko.

Dali-dali kong tinignan ang latest tweet ni kuya Lax, at natawa ako dahil sa nabasa ko.

@LaxErezalde : 'Wag kana magmahal, murahin mo nalang. Gagaguhin ka rin lang naman.

He's kuya Lax, famous writer rin. Sobrang bitter niya, at palaging kontra sa pag-ibig 'yung mga stories niya sa Zeview. Ganon rin mga tweets niya, akala mo naligo siya sa ampalaya. 

Dinagsa nanaman ng likes, retweets and replies 'yung tweet nilang dalawa. Muli akong natawa. Nababasa kaya ni kuya Lax mga tweets ni ate Eon? And nababasa kaya ni ate Eon tweets ni kuya Lax? 

Aware kaya sila na contradicting lahat ng sinasabi nila?

____

Author's note: Zeview is a site for online writers. (Di po talaga nag eexist. Based on fiction lang po.)


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE