Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




War Online

Image Description TianaVianne   |   04 September 2019


Two famous online writers were always posting contradicting quotes and stories Readerssocial media users keep checking their social media accounts to witness their WAR ONLINE

CHAPTER 4 -DM

EON'S POV

Wala akong ibang ginawa kundi ang magpunas ng luha habang naglalakad sa isle ang kaibigan kong si Jia.

Nandito kami ngayon sa Crosswind Tagaytay, at dito ginaganap ngayon ang kasal ni Jia sa malawak na event's garden.

Nadadala ako ng napapanood ko ngayon dahil si Jia mismo ay lumuluha habang naglalakad papunta sa groom niya. Totoo pala talaga 'yung tears of joy. 'Yung sa sobrang saya mo, wala ka nang mapaglagyan nito kaya naiiyak ka nalang sa sobrang pagiging thankful mo.

Nagsimula na ang wedding ceremony at napapangiti talaga ako sa bawat salitang binibitawan ni Jia at ng groom niya.

"Bagay talaga sila." rinig kong sabi ni Bryant sa tabi ko.

Bahagya tuloy akong natawa. Alam niyo bang ang daming pinagdaanan ni Jia at ng groom niya?

They were in a relationship for three years pero nagbreak sila. And after two years of not seeing each other, nung nagkita ulit sila, nagkabalikan ulit sila. And they're now getting married.

Kinuha ko sa bulsa ng dress ko ang phone ko, and nagtwitter ako.

Inunblock ko muna si Lax, para mabasa niya ang nakaka good vibes na tweet ko. Malay natin mahawa siya ng positivity ko in life, diba?

@EonVindeco: Kahit paghiwalayin kayo ng tadhana, kung talagang kayo ang para sa isa't isa, God will make a way.

Marami agad nagretweet and naglike ng tweet ko. Marami rin agad ang nagreply.

Pero ang nakakuha nanaman ng atensyon ko ay ang comment ng Lax Erezalde na 'to! Ugh.

@LaxErezalde: Maganda ka sana, kaso tanga ka. Naniniwala ka sa bagay na alam mong malabong mangyari sa'yo.

Kumunot ang noo ko. Pinuri niya ako pero nilait niya rin at the same time. Hindi ko talaga siya ma-gets!

Nanlaki ang mata ko nang magtweet ulit siya ng panibago, at picture ko ang nasa tweet niya! As in picture ko na nagpophone habang nasa kasal nila Jia.

Agad akong tumingin sa paligid, and there I saw a pair of eyes, looking at me.

He smirked.

Before I could even react, ay nag-direct message siya sakin sa twitter.

Lax: Ganda mo pala sa personal.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE