Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Unat Huling Pag-ibig (I Love You Since 1892: The Present) Fanfiction

Image Description Miss Luvee   |   03 June 2020


Iginuhit muli ng tadhana ang dalawang taong nagmamahalan na sina Juanito Alfonso at Carmela Isabella At sa pagkakataon na ito sila ay nagkapalit ng kapalaran

Chapter 1 ...



Sobrang sakit sa akin na nakikita ko syang umiiyak ngayon habang nakatingin sa akin, marahan syang naglakad papalapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"M-mahal kita... Carmela."

"M-mahal kita... Carmela."

"M-mahal kita... Carmela."


Bigla akong napaupo, hindi ako makahinga.. narealize ko na umiiyak na naman ako.

Hindi ko alam pero bigla akong umiyak, hindi ko alam! hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. 

S-Sino ba sya?!! bakit palagi syang lumalabas sa panaginip ko?!

Bumukas ang pinto, si Daddy.

Napapunas naman agad ako ng mukha.

"Carmela are you okay? anong nangyari? bakit ka umiiyak?"

Tumingin ako kay dad tapos bigla na naman akong naiyak.. i dont know why kung bakit iba yung pakiramdam ko ngayon, basta gusto ko lang umiyak.

Niyakap naman ako ni Daddy.

"Shhh, taha na.. kung ano man ang nangyari kung bakit ka umiiyak ngayon, dont worry nandito lang ako at ng mga kapatid mo.. hindi ka namin iiwan."

After that sinabi na ni Daddy na bumaba na ako at kakain na kami.

Nagshower muna ko tapos nag ayos ng sarili, napatingin ako sa harap ng salamin .. ilang araw na ang dumating simula nang maaksidente ako sa school' simula noon palagi nalang ako nananaginip ng mga weird na bagay. E-Ewan, hindi ko maintindihan.

After that bumaba narin ako.

"Goodmorning ate, we heard from Dad na are you crying again?"- bungad sa akin ni Jenny

Hindii ko naman sya pinansin at umupo nalang.

"Where's Dad?"- i ask

"Nagmamadali si Daddy kaya nauna na syang umalis, and he said na ikaw daw muna ang maghatid sa amin sa school."- Jenny

Huminga nalang ako ng malalim, tinignan ko naman si Emily.. mapapa watdahel ka nalang talaga kung makikita mong hanggang sa harap ng almusal nagbabasa parin sya ng libro.

"Emily, eat first before read the book muna baka malipasan ka ng gutom nyan at ako na naman ang mapapagalitan ni Daddy."- i said

"Wait ate kailangan kasi namin to sa aassignment mamaya."

Duh??

Kinuha ko naman ang libro nya, nagulat sya dun.

"Ate?!"- angal nya.

"EAT FIRST, bata kapa Emily so stop the mature thingy."

Napanguso nalang sya at kumain nalang, natatawa naman si Jenny kaya tinignan ko sya.

"Ate matanong lang kita, bakit kaba palaging umiiyak? nananaginip kaba ng horror scene? or baka naman kakapanuod mo yan ng titanic at hindi ka parin makaget-over?"

Ano daw?

Ano bang pinagsasabi nito? kailan pa ako ulit nanuod ng titanic? matagal na yun no! tss.

Napaisip naman ako, bakit ba kasi palagi ko nalang napapanaginipan ang lalaking yun? hindi ko naman makita ang mukha nya sa panaginip ko. hays! t-tapos kilala nya ako, tinatawag nya ang pangalan ko sa panaginip.

Napailing ako, hays Carmela don't thinking so much, baka mabaliw ka! panaginip lang yun. Oo panaginip lang yun.

Pagkahatid ko kila Emily at Jenny sa mga schools nila, pumasok naman na ako sa school ko.

At dahil i dont care naman sa paligid, diretso lang akong naglalakad.

Nang bigla namang humarang sa harap ko si Shae. Tss

"Why?"- i ask

"Bakit hindi ako sinipot ni James? siguro siniraan mo na naman ako sa kanya no? ganyan kaba kalandi ha Carmela?!"

Nag-salubong ang dalawang kilay ko sa sinabi nya.

"What are you talking about Shae?"- i ask

"Huwag ka ngang mag-kunwaring walang alam Carmela, i know naman na hanggang ngayon hindi ka parin maka-move on kay James!"

Lumapit ako sa kanya, tinitigan ko sya ng mabuti.

"Wala akong sa sinasabi mo Shae, and hindi maka-move on? Excuse me? matagal na akong nakapag-move on sa lalaking wala namang kwenta."- i said

Bigla nya akong tinulak, nagulat ako dun.

"Tss, hanggang kailan kapa ba hindi titigil na lapitan ako ha?"

"Kahit kailan hindi ako titigil!"- pagkasabi nya nun binangga nya ako sa braso at agad nang umalis. Tss

Napapailing nalang ako ng wala sa oras, bakit ba parang ang panget ng araw ko ngayon?! hays.

After that nandito kami ngayon sa classroom, nagle-lecture ang teacher namin about sa math of investment at naloloka nako! why? yung tipong naka-focus ka naman sa lecture ng prof mo pero wala parin pumapasok sa utak mo? gossshhh!!! huhu

"Carms, nabalitaan ko sa mga chismosa dyan na nagka-face to face na naman daw kayo ni Shae."- si Pat

"Hayaan mo na, wala na akong pake dun.. maasar nya pa ako eh! baka gusto nyang makatikim ng sapak from me? tssh"- pagmamayabang ko pa, syempre charought lang.

"Ms.Isabella?!"

Bigla akong nagulat kaya napatayo ako bigla.

Ohmygggggossshhh , dont tell me Sir ipapa-recite mo ako? gosh i'm not readddyy!!!

"P-Po??"- kinakabahan ako, oh my god!

"Nothing, sit down."- sabi nya, luh? 

"Ang sabi ko maupo kana Ms.Isabella or.. gusto mo atang sagutin itong lahat."- sabay turo nya dun sa board na punong puno ng problem solving. Omg! umupo naman ako agad, ayoko kayang sagutin yun tss

BREAKTIME!!!

"Carmela saan tayo kakain?"- Pat

"Hmm, kahit saan.. ikaw saan mo ba gustong kumain?"

"Well, tutal malapit lang dito ang ministop dun nalang tayo girl."

May nakita naman ako sa gilid na may nagtitinda ng mangga.

"Ayaw mo ba kumain dun? masarap dun ha."- turo ko dun sa bilihan ng mangga.

Nilayuan ako ng konti ni Pat.

"Eeww dont tell me Carms kumakain kana ng mga ganyang foods? i mean ok ang mango but yung bagoong just iiiwww."- diring diri sya, napaka over! 

"Mas masarap ang mangga kapag may kasamang bago-----"- di ko natuloy yung sasabibin ko.

Wait? Huh? kumakain ba ako bagoong? napapaisip ako.. kahit kailan never pa ako tumikim ng bagoong.. eww i dont like that!

"I-Im just joking, let's go na."- hinila ko na si Pat.



*BEEP.BEEP.BEEP.BEEP*

Halos atakihin ako sa puso nang muntik na kaming mabangga ng isang kotse.

"What the?!"- tumingin ako dun sa kotse na muntikan na kaming mabangga.

"Carmela relax."- Pat

Hindi ko sya pinakinggan, lumapit ako agad dun sa kotse at hinampas ko yung harapan ng sobrang lakas.

"How dare you! Lumabas ka dyan! muntikan na kaming mabangga nang dahil sayo!"- sigaw ko

Lumabas naman sya.


I don't know but ..


Parang nag slow ang paligid, ewan.. hindi ko alam kung bakit.

Napatigil din sya nang mapatingin sya sa akin.

DUG DUG DUG DUG DUG

Napalunok ako, ang weird! b-bakit ganito?


"O-Ok listen, i'm sorry.. hindi ko sinasadya and actually kayo naman ang basta-basta tumatawid sa kalsada."

Nag-salubong na naman ang dalawang kilay ko.

"Ang kapal naman ng face mo para sabihin na ako pa ang may kasalanan kung bakit ako mamamatay?!"

"NO!!!"- napasigaw sya bigla.

Napalunok ulit ako .. bakit ba nakatitig sya sa akin???

Maya-maya bigla syang nag-smirk ..

"Wait.. you're familiar."- he said

Ano daw??

Biglang nanlaki ang mga mata nya.

"I know you, ikaw yung babaeng muntikan ng ma-rape at buti nandun ako at nailigtas kita."

Tumingin ako sa mga palagid namin, buti wala gaanong tao dito.

"Tumahimik ka nga! sino kaba-------" - nanlaki rin ang mga mata ko

"I-Ikaw yung John?! as in yung JOHN NA NAG-LIGTAS SA AKIN?!!"- unti unting nagloading sa utak ko.

Napalunok ako, gosh paano to? kung baga may utang na loob pala ako sa lalaking to?! pashneya!

Ngumiti sya bigla .. yung ngiti na.

Aaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!


"Akala ko nakalimutan mo na ako."- he said

Umiwas ako ng tingin, kabwiset! bakit ba iba ang pakiramdam ko sa lalaking to?!

"L-Lets go!"- hinila ko na agad si Pat at agad umalis sa harap nung John na yun.


MINISTOP


"Gosh girl, bakit hindi mo agad naalala na sya pala ang nag-save sa life mo? nakakahiya tuloy kanina, inaway mo pa sya."

"Malay ko bang siya yun."

"What? so ibig sabihin ngayon mo lang sya na-meet?"

"Oo ngayon lang, bakit?"

Tumango-tango naman si Pat.

"Sa bagay, naaksidente ka pala nung birthday mo kaya hindi mo natuloy na dapat kausapin at pasalamatan sya."- Pat

Napahinga nalang ako ng malalim.

____________________

SA BAHAY



"Good at nakauwi ka ng maaga, sakto at may bisita tayo i mean may bisita ka."- Dad said

Ha?

"And who's that?"- i ask

"Hi Carmela."

Nanlaki ang mga mata ko, a-anong ginagawa ng lalaking yan dito?!

"W-what are you doing here?!"- i ask

Tumingin sya kay Dad, si Daddy naman umalis muna sa harap namin. Edi wow?

"Wow ha, anong pinakain mo sa Daddy ko?"

He smiled at me ..

Tsk! Hes crazyyyyy!!!!

"Hmm, alam kong nagulat ka dahil nandidito ako.. pero gusto ko lang mag-sorry, sorry sa nang-yari kanina."- he said

Nawala naman agad ang kunot ng noo ko sa sinabi nya, tinititigan ko sya.

Ok Carmela, he's cute.. but don't rupok okay?

"So.. tinatanggap mo na ba ang sorry ko?"

Natauhan naman ako, bakit ba palagi nalang ako napapatitig sa kanya? tss.

Ngumiti ako, kahit papaano naman kasi may utang na loob parin ako sa kanya.. at kailangan ko pang magpa-salamat.

"Okay na, sorry din sa inasal ko kanina.. h-hindi naman kasi kita kilala nung muntik mo na kaming mabangga kanina, kaya humihingi din ako ng pasensya."- i said

Yung ngiti nyang maikli kanina biglang lumapad.

"Salamat Carmela."

Feeling ko lumakas ang hangin nang banggitin nya ang pangalan ko. Hays!

Bakit ba ang weird ng pakiramdam ko?

"C-Carmela are you okay?"- he ask

Tumingin ako sa kanya ..

Nag-katinginan naman kami sa isat-isa ..


"Ate----"

Natauhan naman kami pareho ni John, si Emily biglang dumating.

Lumapit sa amin si Emily.

"Ayan ha, anong ginagawa nyo?"

Tinitigan ko si Emily, parang sira tong kapatid ko nang aasar pa talaga.

"Tawag kayo ni Daddy sa loob, kuya John kumain ka daw muna sabi po ni Daddy bago ka po umalis."

"Oo John dito kana kumain bago ka umalis, gusto pa kitang makausap at pasalamatan."- biglang singit ni Dad

"Nakakahiya po pero sige po hindi ko po kayo tatanggihan."- sabi ni John habang nakangiti .. tapos nauna na sila , sumunod naman ako.

Habang kumakain kami pansin ko sa dalawa kong kapatid panay ang nguso na parang may tinuturo. Tinignan ko naman kung sino yung nginungusuan nila.

LUH? nakatingin pala sa akin si John pero umiwas sya bigla.

I think he likes me. CHOSS

"John masarap ba ang kalderata? ako ang nagluto nyan."- Dad

"Talaga ho? yes tito sobrang sarap."- tapos tumingin sya sa akin, luh? parang tumayo mga balahibo ko dun kung makasarap naman kasi tapos sabay titingin sakin. Mukang manyakis lang diba? hahahahha charought.

"Thank you very much John, kung hindi dahil sa'yo baka nawala na sa amin yang si Carmela."- napayuko naman ako sa sinabi ni Dad.

"Okay lang po yun tito wala pong problema sa akin yun."- sabi ni John, tumingin ako sa kanya.. grabe! napapangiti ako kasi ang gwapo nya talaga pag ngumingiti. 

OMG!!! DELETE CARMELA!!! WAG KANG MARUPOK!!!

"Ahm kailangan ko na pong mag-paalam tito, marami pong salamat sa inihanda nyo para sa akin."- sabi ni John kay Dad

"Walang anuman basta ikaw, ikaw na nagligtas sa anak ko."- Dad smiled

Tumango at ngumiti lang dun si John.

"Carmela ihatid mo si John sa labas and don't forget to thanks to him."- nanlalaki pa mata ni Dad habang sinasabi nya yan. Whatever.

Tumango nalang ako at tumingin kay John. 

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa lalaking to, weird pero naaasar na ako.. bakit?

IKAW BA NAMAN LAGI BIGYAN NG NAKAKAMATAY NA NGITI NG ISANG GWAPONG LALAKING ITO?!!! JUSKOOOOOOO.

Okay hinga Carmela, pigilan mo ang sarili mo sa karupukan.

Hindi ko nalang sya pinansin at naglakad nalang papalabas ng bahay, sumusunod naman sya.

Pagdating namin sa gate ..

"Thanks."- he said

"W-Wala yun, salamat din."- i said nalang

"So.. friends?"- inilahad nya ang kamay nya sa akin with matching killer smile para makipag-shake hands, gosh!

Wala narin naman na akong nagawa kundi hawakan ang kamay nya.

Napahinto naman ako saglit, kukunin ko na sana pabalik ang kamay ko pero parang ayaw nyang bitawan.

Tinitigan ko sya , nakatingin lang sya sa mga kamay namin.. hindi ko alam kung bakit pero napatingin din ako sa mga kamay namin na magka-hawak.. tinignan ko sya ulit, yung itsura nya ngayon parang may iniisip syang malalim.. 

Napaluhod ako bigla at sinadya kong galawin ang kamay ko para matauhan sya.

"A-Ahm.. i-im sorry, by the way i have to go."- pagkasabi nya nun tumalikod na sya agad, edi wow! wala manlang goodnight kiss? CHAROUGHT!!!

Bigla ulit syang humarap sa akin, nagulat naman ako dun kaya napa-straight ako bigla ng tayo.

"G-Good night.."- he smiled at me

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG

CARMELA ANG PUSO MOOOOOOOO!!!!!

"G-Good night din, ingat ka.."- i said

________________


  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019