Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Panggulo

Image Description @maryangelie478   |   13 April 2018


DarLona spoken poetry

Ikaw, siya, ako

Tatlong tao sa iisang magulong mundo

Mundo na bibubuo ng kayo,

at ako bilang isang panggulo.


Lagi kong hinihiling sa langit at sa mga bituin, 

Na sana pagdating ng araw pwede ka na maging akin.

Pero mahal, ang aking mga hiling ay tinangay lang ng hangin,

Kasabay rin ng iyong pagtingin na sa kahit sandali ay hindi naging akin. 


Mahal, bakit ba ganito ang mundo? 

Tila nilalayo sa akin ang taong gusto ko.  

Ikaw na gusto kong makasama sa bawat pagkanta at pagsayaw ko,

Ikaw na siyang inaalayan ng musika ko.


Mahal, bakit ka ba ganito?

Bakit di mo kaya maibigay ang pagmamahal na pinapangarap ko?

Dahil ba noon pa lang siya na ang mahal mo?

O dahil kahit kailan kaibigan lang talaga ang turing mo sa isang katulad ko?


Siguro hanggang dito na lang talaga ako.

Haggang dito bilang isang panggulo.

Panggulo sa kwento niyo,

Panggulo sa mundo na binubuo ng kayo.







  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Homeless Maymay

They say Love comes in an Unexpected way Unexpected person Things get twisted until you find the right person whom you will share you dreams with. Lets find out how Mamay and Edward beat destiny

Image Description
MaywardMW
29 June 2018