Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Melania

Image Description Jaymeei   |   17 February 2020


Isang batang babae ang nangangarap maging isang kaganda ng Manekin At unti unti itong natutupad Ngunit papano na ang kaniyang pag-ibig

Sa isang tagong lugar, ay mayroong mundo ang mga Mannequin na hindi napupuntahan ng mga tao. Pinamumunuan ito ng isang Reyna na nangangalang Gricielda, ang Reyna ng mga Mannequin. Nakatira ito sa isang malaking palasyo, may matataas na mga haligi at nagtataasang mga tore at malawak na hardin, may magaganda at kakaibang uri ng mga puno, halaman at mga bulaklak, at sa paligid ay may mga nakatayong mga kakaibang uri ng gusali. Doon nakatira ang mga Mannequin. Ito ang mundo at kaharian ng mga mannequin.


May isang batang babae na napadpad sa kahariang iyon. Ang pangalan ay Melania, labing pitong taong gulang, siya ay chubby, kayumanggi, naka pony tail ang kanyang di kahabaang buhok, at nakasuot ng mahabang bestida na kulay asul.


Nakatayo si Melania sa tapat ng malaking pintuan ng palasyo at naghihintay na ito ay magbukas. At ilang sandali pa’y biglang nagbukas ito.

Pumasok sa loob ng palasyong ito si Melania.


Sa kaniyang pagpasok, laking mangha ni Melania sa kaniyang nakikita.Naglalakihang mga ‘chandelier’ na nakasabit sa mataas na kisame, may magagandang mga palamuti sa paligid nito na sa ‘fairy tale’ book lamang nakikita.

At habang siya ay naglalakad sa loob ng palasyo ay may isa pang malaking pinto ang nagbukas at siya ay pumasok dito, at lalong laking gulat ni Melania sa kaniyang nakita.

            Nakahelera ang mga Mannequin sa kaniyang dadaanan, nakahelera sa kaliwa ang mga

            lalaki at mga babae naman ang nasa kanan.


Iisa lamang ang itsura ng mga Mannequin na ito, ang mga babae ay may makakapal na kulay black na mahabang mga buhok na hanggang baywang at may mga bangs at sila ay nakasuot ng kulay puting mga gown, at ang mga lalaki naman ay nakasuot ng Tuxedo na kulay puti at maiitim din ang mga maikling buhok ng mga ito. Seryosong nakatingin ang lahat kay Melania habang siya ay naglalakad sa gitna patungo sa isang trono kung saan naghihintay ang isang Reyna.Si Reyna Gricielda ang Reyna ng mga Mannequin. Maganda ang kanyang mukha, matangos na ilong, malaking mga mata na kulay emerald green na may mahaba at makakapal na eyelashes na naka fly away, maliit na kulay pulang labi, magandang kilay, at may mahabang ma alun-alon na mga buhok na kulay black at perfect na hugis ng mukha.Nakasuot ito ng bolgang gown na sayad hanggang sahig na kulay pula at may mga nakadikit na mga precious na batong ruby, emerald at mga gintong bids at nagkikislapan ang mga ito.Nakaupo ang Reyna sa malaking gintong trono na may mga nakaukit na brilliante, ngunit wala itong suot na korona sa kanyang ulo,hinihintay niyang makalapit sa kaniya si Melania.


"Halika Melania lumapit ka!" Malamig na boses na sabi ng Reyna.


Patuloy sa paglapit si Melania sa Reyna ng mga Mannequin, nanlalamig ang pakiramdam ni Melania habang siya ay naglalakad.Nakakaramdam siya ng takot sa tuwing dinadaanan niya ang mga Mannequinna nakatingin sa kaniya, ngunit napapawi ang takot na iyon nang nakita niyang nakangiti ang Reyna na naghihintay sa kaniya.

           Papalapit ng papalapit si Melania sa Reyna.....At nang malapit na niyang maabot ang

            kinauupuan ng Reyna ay biglang……


Ginising siya ng pinsan niyang si Iris.

"Tabachingching gumising ka na papasok na tayo,” malambing na sabi ni Iris.

Nagising si Melania. "Ate Iris inaantok pa ako!" naghihikab na sabi ni Melania.

"Bumangon ka na baka ma late na tayo sa school.”


Pinatayo ni Iris si Melania na antok na antok pa, napuyat sila dahil nag movie marathon ang magpinsan nung gabi.

"Inaantok pa nga din ako, napuyat kasi tayo sa movie marathon kagabi eh" Ani Iris.

Maya-maya ay pumasok ang ina ni Iris na si Valeria.

           "Kaya naman pala hirap niyo gisingin, nag movie marathon kayo?"

"E kasi po nay ang tagal ninyo umuwi kagabi, hindi kami makatulog,” ani Iris.

"Kahit wala ako kailangan ninyong matulog sa tamang oras, ginabi ako ng uwi dahil namili ako ng mga tela, natagalan ako sa sobrang traffic at inabutan pa ako ng malakas na ulan hay, sige na mag ayos na kayo at maghahanda na ako ng almusal.”

"Opo Nay." sabi ni Iris.

"At ikaw naman Melania huwag ka ng magpupuyat!” pasermon na sabi ni Valeria.

"Opo Nanay Valeria." sabi ni Melania habang humihikab pa.


Ulila na si Melania, namatay ang kanyang ama at ina sa isang aksidente nung siya ay limang taong gulang pa lamang, at ang kapatid ng kaniyang ina na si Valeria ang kumupkop sa kanya. Isa itong balo at may isang anak na babae, si Iris, maganda ito at petite mas matanda lamang ito ng tatlong taon kay Melania. Mananahi si Valeria,at mayroon itong maliit na patahian sa harapan ng kanilang bahay na inuupahan.


Nagtungo ng banyo si Melania at naghilamos ng mukha at naglinis ng katawan.

At sa tuwing nakikita niya ang kanyang sarili sa salamin ay nadidismaya siya dahil mataba sya, kaya madalas syang ma bully sa school.

"Gusto ko ng pumayat, bakit ba ang taba ko?” malungkot na sabi ni Melania sa sarili.


Kinahapunan, sa patahian ni Valeria abala ito sa pag-aasikaso sa loob, kinakausap niya ang dalawa niyang mananahi, sila ay sina Flor at Rose.

"Kailangan matapos natin ang mga uniform na yan sa sabado, mag overtime kayo kung kinakailangan," sabi ni Valeria.

"Madam siguradong matatapos ang mga ito, huwag ka mag alala." sabi ni Rose habang nananahi.

"Eh ngayon po ba ididiliver ang inorder nating mannequin?" tanong ni Flor.

"Aba oo, kanina ko pa nga hinihintay,”

"Level up na tayo, natupad na madam ang pangarap mo mag karoon ng mannequin sa shop natin!” masiglang sabi ni Rose.

"Oo nga at blessing talaga para sa atin." ani Valeria.

Kinahapunan…

Habang abala sila Valeria sa patahian ay sabay na dumating na ang magpinsan galing

eskwelahan.

"Mano po nay." sabay na nagmano ang dalawa kay Valeria.

"Kaawaan kayo ng maykapal mga anak.”

Makalipas ang ilang sandali ay may pumaradang puting truck, at may nakasulat na Adeline Corp.


"Nandito na ang hinihintay natin!." Excited na sabi ni Rose.

"Nay ano po yung truck na yon Adeline Corp?" tanong ni Iris.

"Dyan ko binili yung mannequin."

"Kaya po pala nagpalagay kayo ng salamin na bintana sa harap ng shop natin?" Ani Iris. "Oo anak, matagal kong pinag-ipunan yan, para maka attract tayo ng mga customers." masayang sabi ni Valeria.


Nang narinig ni Melania na magkakaroon sila ng Mannequin sa patahian ay natuwa ito. “Wow!” masayang sabi ni Melania at lumabas siya ng patahian at inaabangan niyang ilabas ang Mannequin sa loob ng puting delivery truck.

Binubuhat ng dalawang lalaki ang isang babaeng human sized Mannequin.May mahaba at itim na buhok na may bangs at maganda ang mukha. Habang buhat-buhat ito ng dalawang lalaki papasok sa patahian ay masayang nakatingin si Melania.

"Saan po ba ilalagay ito?" sabi ng isang lalaking nagbubuhat.

"Dito sa may bintanang salamin." Ani Valeria.

"Ang ganda!” sabi ni Rose at Flor na huminto pansamantala sa pananahi.

At matapos mailagay ang Mannequin sa pwesto nito ay umalis na ang mga nag deliber.

"Nay tulungan ko na kayong bihisan ang Mannequin!” Excited na sabi ni Iris.

"O sige nga Iris tulungan mo ako,”

"Ano po bang damit ang ipapasuot natin?"

"Itong extrang uniform,” sabi ni Valeria.

"Uniform? bakit, diba dapat mga gown o di kaya yung magandang mga bestida?” Nagtatakang sabi ni Iris.


“Pero anak pansamantala lang muna kasi wala pa tayong extrang damit na maaaring ipasuot maliban sa uniform na ito, at isa pa, pasukan naman kaya tamang tama lang ang tema natin, kaya pansamantala ay ito na muna."

"Ah eh sige po Nay."

Habang binibihisan nila ang Mannequin ay nakatulala si Melania sa pagtingin dito.

At pinagmasdan niya mabuti ang mukha nito, nilapitan niya at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay, pagkahawak niya ay may naramdamang kakaiba si Melania. At napawi lamang ang kaniyang pagkamangha sa Mannequin nang narinig niya ang boses ni Valeria.

"Melania maupo ka na muna doon,” sabi ni Valeria.


Naupo sa isang tabi si Melania at di pa din mapatid ang pagtingin niya sa Mannequin na iyon.

"Nay ano po ang pangalan niya?" ani Melania.

"Walang pangalan to, hindi naman ito tao o alagang hayop para magkapangalan eh.” sabi naman ni Valeria.

"Pero parang tao din siya?”

"Ha? Ano ba sinasabi mo bata ka?"

"E di bigyan na lang natin ng pangalan, yun lang naman pala eh,." sabi naman ni Iris.

"Hay ano ba kayo?, hindi na kailangan." ani Valeria.

Nang maisuot na ang uniform.

"Wow ang ganda!" sabi ni Rose.

"Uniform pa lang yan ang ganda na diba? lalo na siguro kung gown na ang ididisplay natin dyan, wala pa kasi akong puhunan para sa gown." sabi ni Valeria.


Niyaya na ni Iris si Melania pumasok sa loob ng bahay at nagtuloy sa kanilang silid para magpalit ng damit. Habang nagpapalit ng damit ay biglang may sinabi si Melania na ikinagulat ni Iris.

"Alam mo ate Iris gusto kong maging isang Mannequin." nangangarap na sabi ni Melania at matapos magbihis ay nangalumbaba ito sa may bintana at tumingin sa kalangitan.

"Ano? alam mo ba ang mga sinasabi mo Melania?" kinilabutan na sabi ni Iris.

“Bakit naman?, masama ba yun?" sabi ni Melania at humarap sya kay Iris.

"O, nakakatakot ka naman, ang Mannequin ay walang buhay, kaya bakit mo gustong maging Mannequin?"

"Kasi maganda sila, matangkad, maganda ang balat at hubog ng katawan, perfect!"

"Haha! kaya naman pala, alam mo ba, kaya magaganda ang mga Mannequin ay dahil inukit lang ng tao yan syempre gagawin nilang perfect,”

“Alam ko, pero ate Iris alam mo ba, nakarating na ako sa mundo ng mga Mannequin,” Seryosong sabi ni Melania at nahiga sya sa kama at niyakap ang kaniyang unan. Napanganga naman si Iris sa kaniyang sinabi.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019