Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Little Hope

Image Description LittleDreamer1111   |   09 April 2018


Tuwing makakakita kayo ng puting rosas, ano ang nasa isip nyo? Ako kasi pag nakakakita nito sa halip na “purity o kalinisan” ang una kong naiisip dito ay “hope o pag-asa”

Pag may nangyayaring hindi umaayon sa kagustuhan natin, nagkakaroon tayo ng pag-asa o hope na sana sa muling paggising natin maayos na ang lahat, nasa tama na ang sitwasyon.

Tutal marami ngayon ang may pinagdadaanan dahil sa “pag-ibig”. Kagaya ko. Haha. Kaya sana hayaan nyo akong ilahad ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsulat ko na ito. At sana sabay sabay tayong tanggapin na walang “perfect relationship”.

Puting rosas. Hayy! Pag nakakakita ako ng puting rosas, ang nasa isip ko lang ay pag-asa. Lahat tayo may kanya kanyang istorya. Iba iba. Pero sana wag tayong mawalan ng pag-asa na sa muling pagsikat ng araw matatagpuan mo na ang kapayaan ng puso at isip mo. Hindi man ngayon, pero malapit na.

Sa araw na ito, sa milyon milyong magkakarelasyon alam ko sa araw na ito may mga pusong nawasak. At may mga puso ding umaasa. May mga puso ding walang mapagsidlan ng kasiyahan. “Lets break up” “sinasagot na kita” “i dont love you anymore” “i love you” “this day is the best of my life because of you” “this is the worst day of my life”. Sa milyon milyong tao sa mundo, mayroon tiyak na magsasambit ng katagang yan. Masakit at masasayang salita. Ngunit sa bawat salita na yan, mayroon kaunting pag-asa na bukas magiging maayos at masaya ang araw.

Sa buhay ko ngayon, may isa akong natutunan. Sinasabi nila, wag mong gawing mundo ang dapat tao lang. Pero mali sila, haha. Kasi kahit ano ang gawin natin, kahit pigilan man natin ang mga sarili natin. Hindi natin maiiwasang gawing mundo ang tao lang. Siguro nature na yon ng mga taong tunay na nagmamahal.

Itinago at itinanggi ako at the same time, di ba ang sakit. Mahal ka daw pero bakit ka tinatago at tinatanggi? Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag. Ayy, alam ko pala. Kasi mahal na mahal ko sya. Ganyan naman pag mahal mo ang isang tao, kahit ano pang mali sa sitwasyon tatanggapin at tatanggapin mo pa rin kahit masakit. Kahit mahirap. Basta kasama mo ang taong yun. Magbubulag bulagan ka nalang. Iiyak sa gabi. Kasi alam mo na hindi mo naman deserve yon pero wala eh pinili mo ang sitwasyon na yon and little by little you lost your self on the process for loving that person.

So balik tayo sa pinaka purpose ko kung bakit ko sinulat ito, little hope. 

Pag-asa. Pag-asa. Lahat tayo kumakapit sa salitang yan. Umaasa tayo sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Walang masama sa pag-asa. Actually, it makes us alive. Kasi minsan, sa pag-asa na yan nagkakatotoo ang minimithi natin. Pero alam nyo, dapat nating matandaan na ang bagay na nilaan ng panginoon para sa atin kahit hadlangan man ng libo libong pagsubok ay mapapasaatin kahit gaano man ito katagal.

Pag ba niloko ka ng boyfriend o girlfriend o asawa mo, ano ang una mong naiisip? Syempre natural lang ang maiisip mong makipaghiwalay. Pero paglipas ng mga araw, aasa ka nalang na sana suyuin ka nya. Na sana magbago na sya. Gets mo? Andon pa din yung pag-asa. Pero sana kahit umaasa tayo, isipin din natin na kung hindi man sila para sa atin, kahit gustuhin man natin, hindi sila mapapasa atin kasi may taong nakalaan para sakanila at para sa iyo din.

“Kung ano man ang para satin, kahit matagal man ang abutin bago mo ito makuha, ay mapapasa atin pa rin. At kung ano ang hindi talaga nilaan para satin kahit ano pa man ang gawin natin ay hindi mapapasa atin.”

Kaya nga minsan, ang hirap magmahal eh. Kasi hindi ka sigurado kung sya na ba talaga ang para sa iyo o hindi. Ngunit, paano natin makikita ang “finish line” ng buhay natin kung hindi tayo susugal? Ganoon naman talaga pag nagmamahal, kahit hindi sigurado go pa rin ng go. Kasi umaasa tayo sa, “malay mo sya na talaga ang para sakin”.


To sum it up, ang gusto ko lang talagang sabihin sa pagsulat ko na ito. Kahit ano man ang pinagdadaanan natin ngayon, maliit man o malaki. Madali man o mahirap. Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Kahit little hope lang. Dahil hindi tayo ang may hawak ng bukas. Oo, nasasaktan ka ngayon o kaya nahihirapan ka ngayon pero paano bukas? Kung hindi man para sa iyo ang isang bagay o tao. Wag tayong mawawalan ng pag-asa dahil may bukas pa. Lagi tayong tumingin sa kalangitan. And we will find what we are looking for.

“Hope and faith can makes us alive. It Can makes us to look forward for tomorrow.” It is indeed a beautiful life. So make it worth it. Nevertheless, live your life to the fullest.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Homeless Maymay

They say Love comes in an Unexpected way Unexpected person Things get twisted until you find the right person whom you will share you dreams with. Lets find out how Mamay and Edward beat destiny

Image Description
MaywardMW
29 June 2018