Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




5 Bagay Na Mga Taong Bahain Lang Makaka-relate

Image Description @jamescaraan   |   22 June 2018


"Ako? Laging binabaha?! Sino nagsabi nyan?! Wala yang katoto--- *glog--glog---glog---glog* ---hanan!"

Tag-ulan na naman at kung nakatira ka sa bahaing lugar siguradong chicken na chicken na to para sayo. Expected mo na yan na babahain kayo. Mas pagdududahan mo pa ang paligid mo kapag hindi kayo binaha. Baka tawagan mo pa ang gobyerno at mag-reklamo ka, “Hoy MMDA! Wag kayong corrupt! Ibalik mo yung baha namin!” Pero kapag dumating na ang baha, paniguradong kayang-kaya mo tong harapin dahil buong buhay mo ay napagdaanan mo na to. Sasabihin mo pang, “Sige lang baha! Dumating ka lang! Kaya kitang hara --- *glog glog glog* --- pin!” Alam mong lagi kang binabaha kapag…


…Yung poste nyo ginawang ruler para sa baha

Hindi ko talaga alam kung anong matutulong nito para ma-solusyunan ang baha sa lugar natin. Gusto lang yata ng mga barangay natin na magpayabangan kung gaano katas yung baha sa kanila. Kaya pag bumaha, ang magiging speech nung kapitan, “Wala kayo sa baha namin, 5 meters! Hayaan nyo, sa susunod na taon ay gagawin natin yang 10 meters!” Hindi din naman yan makakatulong sa mga nalulunod sa baha. Wala pa namang nalulunod sa baha na nagsabing, “Hmmmm. Bakit kaya ako nalulunod? *tingin sa ruler* Ah! 10 meters pala kasi yung baha. TULOOOOONG!” At kapag sanay ka na sa bahay, para sayo…


…Plastik is Life!

Mas malupit ka pa sa estudyanteng excited pumasok sa school dahil lahat ng gamit nyo sa bahay nilagyan mo ng plastic cover! Pati mga santo nyo sa bahay hindi nakaligtas, pero nilagyan mo naman ng butas yung bibig nila para makahinga sila. Kulang na lang pati mga nakatira sa bahay nyo i-plastik mo na din. Pero wag kang mag-alala kung nabaha man sila at lumutang sila, at least alam mo na kung sino ang plastik sa bahay nyo. Pero pano naman yung kotse mo? Wag ka mag-alala dahil…


…Parang may car show sa basketball court nyo.

Kung ang mga nanay, busy sa pag-aakyat ng mga gamit papuntang 2nd floor, si tatay naman busy sa paghahanap ng lugar kung saan ililipat yung kotse. Ang ending, lahat ng kapitbahay nyong may kotse, paunahan na sa paglipat papuntang basketball court. Ang hindi nila alam, ang unang binabaha pala ay yung basketball court. At least hindi nyo na pinahirapan yung baha. Ang motto nyo tuloy, kesa bahain isa-isa, bahain na lang kami ng sama-sama. Oh well, benta na lang ulit sa OLX. At dahil sanay ka nang bahain, hindi din uso sayo ang...



…Cuddle Weather = Paddle Weather

Wala sa bokabolaryo ng mga taong bahain ang CUDDLE WEATHER dahil kapag umangat na ang tubig, magsisimula na sayo ang PADDLE WEATHER. Bwisit na bwisit ka sa mga taong nag-popost pa sa FB na tuwang-tuwa pa na umuulan ng malakas, parang gusto mo silang hampasin isa-isa ng paddle! At kapag malakas pa ang agos ng tubig, imbes na syota mo ang kayakap mo, yung poste ng bahay mo ang kayakap mo. At habang kayakap mo ang poste, isinusumpa mo ngayon yung mga nasa bahay nila at merong kalampungan. Pero ang masaklap pa nyan, nagkakagulo na nga kayo sa bahay, kailangan mo pang…


…Mag-swimming papasok ng office

Ang alam mong nilagay mo sa resume mo dati nung nag-aapply ka, “hard-working and willing to learn” pero parang wala ka namang maalala na may nilagay kang “water-proof.” Hindi mo tuloy alam kung bakit pinapapasok ka ng boss mo sa office. At pagdating mo naman sa office, ikaw lang ang tao. Hanep! Minsan naman, pagkatapos mong lusubin ang baha para lang makapasok sa office, pagdating mo biglang sasabihin sa inyo ng boss mo, “Guys, pinatawag ko kayong lahat dito sa opisina para sabihin sa inyong, pwede na kayong umuwi.”


Sa kabila ng lahat, yung mga taong bahain pa yung makikita mong nakangiti kahit may sakuna. Wala naman silang magagawa e, sanay na sila. Sa kanila mo talaga makikita yung sinasabi nilang “The Filipino Spirit is waterproof.” 




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018