Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She knew he’s Mr. Wrong… But she fell for him anyway… And it feels just right.

DONATO

“Body shot! Body shot! Body shot!” everybody chanted as his friend, Daniel, who’s also this party’s host, walked towards a table with a hot and sexy chic in his arm.

Nilagok niya ang natitirang beer sa kanyang bote habang nangingising pinagmamasdan ang nagaganap sa kanyang harapan. Sa kabila ng malakas na musikang pumapailanlang sa buong living room ay hindi no’n nagawang lamunin ang hiyawan at kantiyawaan ng mga nagkakasiyahan.

Tumunog ang kanyang cellphone sa ibabaw ng counter ng mini bar na nasa living room nina Daniel. Isang mabilis na tingin lang ang binigay niya doon at nang makita ang pangalan ni Kim na tumatawag ay hindi niya na iyon muli pang pinansin.

“You’re girlfriend is calling,” said Diego who’s beside him. Nahihimigan niya ng panunuya ang tono nito at alam niya kung bakit.

“The hell she is,” aniya saka muling tinikman ang alak.

“Who wants to try?!” nilagay ni Daniel ang mga palad nito sa magkabilang gilid ng bibig upang kahit paano’y marinig ng mga naroon.

Some of these people are familiar to him. Kung hindi galing sa parehas nilang unibersidad, ay minsan na nilang nakilala ng mga kabarkada niya sa pagba-bar hopping nila. But most were strangers. Binitbit lang ng ilan o ‘di kaya ay inimbita ang sarili para sa party na ito. Well, this party is welcome to everyone.

And…the more the merrier.

“Donny!” Tinapunan niya ng tingin si Diego na biglang itinuro siya.

Everyone looked at him expectantly. Sa huli ay nagbuga siya ng hangin at nagkibit-balikat.

He’d been to a lot of parties and this kind of game isn’t new to him. Nga lang ay hindi pa talaga niya ito nasusubukan. Hindi dahil sa hindi niya gusto. Hey, who wouldn’t want to do body shot with a random hot chic? Definitely, not him. Wala lang talagang pagkakataon.

And now that there’s an opportunity to try it, might as well grab it.

Mas lalong lumakas ang hiyawan nang lumapit siya. Pumalakpak ng malakas si Daniel at sinusubukan siyang i-cheer. He flipped his middle finger at him but Daniel only laughed. Sanay na silang magkaka-barkada sa isa’t-isa na ang mga bagay na ganyan ay hindi na nakaka-offend pa.

Nagsimula muling mag-chant ang mga lasing na bisita ng party na ito. Mabuti na lang at wala ang mga magulang ni Daniel ngayon at nasa business trip. Mabuti na lang din at sa ekslusibong village na ito ay hindi dikit-dikit ang mga bahay kaya kahit halos madaling-araw na ay wala silang pakundangan sa ingay dahil sila-sila lang naman ang makakarinig.

“Do the honors my friend,” ani Daniel at pabiro pang tumango sa kanya.

Umakyat siya sa pinagtabing mga mesa para lang maging sapat ang lapad para sa babae. The woman’s wearing a very skimpy dress that shows a generous amount of skin on her thighs, stomach and chest.

He could tell by the almondy shape of her eyes and fair porcelain skin that she’s half Chinese or Korean. Or Japanese? He couldn’t tell the difference. Pero bakit ba iniisip niya pa iyon? Basta nakapalda at maganda, walang kaso iyon sa kanya.

Nilagay niya ang magkabilang tuhod niya sa gilid ng bewang nito. He licked a spot on her neck and put a small amount of salt there. Wala pa man ay narinig niya na ang mahina nitong daing. Ang lime ay nilagay niya din sa pagitan ng manipis at kulay rosas nitong mga labi. The way she looked at him just shows how badly she wants this to happen.

He also put salt on her cleavage before finally taking the bottle of tequila from Daniel. Binuksan niya iyon at ibinuhos sa puson ng babae.

“Donny! Donny! Donny!” iyon ang pumalit sa isinisigaw ng lahat.

The loud music, the shouting, the smell of booze and smoke are all so familiar to him. His life’s been like this for a long time. Hindi niya na matandaan kung kailan siya eksaktong nagsimula sa ganitong pamumuhay. Laman siya ng mga parties at club. Maaga siyang natutong uminom. Sa mga mata niya ay laruan ang mga babae na puwedeng palitan kapag pinagsawaan.

Ganito na umikot ang kanyang buhay. At dito lang din naubos ang isang buwan ng kanyang summer vacation. He should be thinking about his studies. Graduating na siya sa papasok na school year sa kursong Political Science at dapat ang thesis na ang kanyang inaatupag but here he is.

Bakit pa siya magsisipag? Mayaman ang parehong angkan na pinagmulan ng kanyang mga magulang. Nabibili niya ang lahat ng gusto niya at ang perang nakukuha niya mula sa mga ito ay sobra pa sa kanyang pangangailangan. He doesn’t need to work. He doesn’t need to experience all the hardships in life. This life is meant to be enjoyed. Lalo na para sa kanyang hindi na kailangan pang magbanat ng buto para lang makakain ng tatlong beses isang araw.

Tumapat siya sa puson ng babae at binaba niya ang kanyang mga labi para sipsipin ang alak na naroon. He even licked the excess that rolled down from her navel to the skin of her waist. Pagkatapos ay medyo umangat siya upang dilaan naman ang asin na naghihintay para sa kanya sa pagitan ng mga dibdib nito at sa leeg. Gumalaw ang babae at mukhang alam niya kung bakit.

Then, he tried to end the body shot by taking the piece of lime from her mouth using her teeth. Ngunit hinayaan iyong mahulog ng babae sa loob ng bibig nito habang ang isang kamay ay nagtungo sa likod ng kanyang ulo. They were now tongue-kissing in front of everybody.

Screams erupted from their audience. Ang maingay nang party ay mas lalo lang naging maingay. He willingly played the woman’s game. This is not new to him. Women practically throw themselves to him and who is he to say no? Palay na ang lumalapit sa manok.

“DONATO ANTONIO PANGILINAN!” dumagundong ang pamilyar na tinig na iyon sa ibabaw ng malakas na sigawan.

Mabilis siyang humiwalay sa kanyang kahalikan upang lingunin ang direksiyon na pinanggalingan ng sigaw. He saw a very furious Kimberly. Sa tindig nito ay para bang handang-handa na ito’ng pumatay.

He bit his lower lip before jumping out of the table. Ang babaeng nasa mesa ay clueless na nagpapalit-palit ng tingin sa kanya at sa babaeng kadarating lang. Hindi niya na napigilan si Kimberly nang sa malalaking hakbang ay lapitan nito ang mesa upang hilahin ang buhok ng babaeng nasa ibabaw no’n pababa sa mesa.

“Whoa!” hampas ni Daniel sa kanyang balikat na tila tuwang-tuwa pa sa nangyayari. “I never thought your sweet Kimberly could be like this.”

“She’s not my Kimberly. Shut up,” aniya sa kaibigan.

He doesn’t do girlfriends and the word love is not in his vocabulary. Mababa ang pagtingin niya sa salitang pagmamahal at commitment kaya kahit kailan ay hinding-hindi siya magpapatali. Bakit niya pa siya mananatili sa isa kung puwede namang lahat hindi ba?

And Kimberly is aware of that. She knows that. Ang lahat ng babaeng dumaan sa mga palad niya ay alam na ang isang Donato Antonio Pangilinan ay hindi ginawa upang magmahal at manatili sa iisang babae. He’s a goddamned player. And the only reason why girls still want him is because they could get something from too.

Sikat siya, mayaman, guwapo at ma-impluwensiya. Who wouldn’t want money and fame? Who wouldn’t fall for his looks and charms? Kaya hindi siya nako-konsensiya. Dahil alam niyang ang mga babaeng ginagamit niya para sa sariling kaligayahan ay may nakukuha din naman sa kanya.

“Get your hands off me, bitch!” sigaw no’ng babae kay Kim habang sinusubukang alisin ang kamay nito na matindi na ang kapit sa buhok.

“Walanghiya ka! Mga walanghiya kayo!” hiyaw ni Kimberly sabay lingon sa kanya. “FUCK YOU, ASSHOLE! You’re going to pay for this!”

And as if on cue, ang maingay na alarm ng mga sasakyan at nababasag na kung ano ang narinig sa buong paligid. His jaw dropped. What the fuck?

Mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay nina Daniel. Sumunod ang kanyang mga kaibigan at ilang bisita na tingin niya’y nais lang maki-usyoso. Ine-expect niya na ang makikita. But then when he saw his beloved sports car with broken windows, lights and dented body, swear he saw nothing but red.

“Putang ina,” malutong niyang mura.

Isang grupo ng kalalakihan ang kanyang nakita sa tabi ng kanyang sasakyan. Ang lalaki sa pinaka-gitna ay may hawak na baseball bat na inihahampas-hampas pa nito ang dulo sa palad. There’s that mocking grin on his face and he knew he’s the one who destroyed his Lamborghini.

Hindi na siya nag-isip pa. Tumakbo siya pasulong sa mga ito upang manugod. Labis ang galit niya at tingin niya makakapatay siya ngayong gabi. Mabilis na tumulong sina Daniel sa kanya at ilang minuto lang ay nagkaroon ng isang malaking gulo sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.

The fun and wild party turned into a chaotic mob. Ang mga babaeng bisita ay patakbo nang umalis doon habang nagtititili dahil sa labis na takot. Ang mga lalaki naman ay mukhang natutuwa pa sa pakikipag-suntukan. Hindi alintana na armado ang mga kalaban samantalang sila ay kamao lang.

“Hayop kang tarantado ka! Bakit mo niloko ang kapatid ko!” sigaw sa kanya ng lalaki. So, he’s Kim’s brother huh? That explains his anger. But that and anything couldn’t explain why he destroyed his car!

“Wala ako’ng pakealam sa kapatid mo! Bakit mo sinira ang kotse ko?! Babasagin ko ‘yang mukha mo!” sigaw niya rito sabay patama ng kamao.

Kim’s brother is bigger and bulkier. Pero nagbo-boxing siya at mixed martial arts dahilan upang maging madali para sa kanya ang salagin ito at tugunan ng mga sapak at sipa. Ang bat na hawak nito kanina ay lumipad na kung saan. He deflected it first.

Ang mga kaibigan niya ay may sari-sarili na ring katapat. Si Diego, Daniel, Kristoff at Joshua ay kasalukuyan ding nakikipag-suntukan tulad niya.

Isang sapak ang dumaplis sa kanyang labi. Ngunit kapalit no’n ay diretsong sapak sa ilong nito. Nahilo ang kanyang kalaban at kinuha niyang pagkakataon iyon para sipain ito sa tiyan. Humandusay ito sa sahig ngunit hindi niya ito tinigilan. Dinaganan niya ito at kinuwelyuhan. Magkakasunod ang suntok na ginawa niya sa pagmumukha nito.

He can’t help but see his father’s face on that man. Iyon ang dahilan kung bakit mas pinag-igihan niya ang pagsuntok dito. Every time he gets into a fight he always think that it was his father’s face he’s punching. He’s been dying to do this to him. He’s been dying to punch him until he spit nothing but blood.

He’s the reason why he’s like this. He’s the reason why he’s trying to ruin his life. He’s the reason why he sees women as toy and nothing else. They say that parents are their child’s role model that’s why he became like him. He became as rotten and as fucking asshole like him.

Ang tunog ng sirena ng police car ang bahagyang nagpahinto ng kaguluhan na nagaganap. Padaskol niyang binitawan ang kuwelyo ng kapatid ni Kimberly saka tumayo. Ang patrol ng subdivision ang kanilang nakita kasunod ng ilang sirenang nagmumula sa dalawang police car.

“Somebody must’ve called them,” bulong ni Daniel kahit na alam na niya.

“Bullshit?” ani Diego at napalingon din sa mga sasakyan.

Isa-isang bumaba ang mga security guards at pulis sa kanya-kanyang mga sasakyan. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi nang hindi inaalis ang tingin sa mga ito. Tumutok ang ilang baril sa kanila. Sabay-sabay silang nagtaas ng kamay tanda ng pagsuko.


NAGLAKAD SIYA papasok sa engrandeng sala ng mansiyon ng kanyang lolo’t lola. The maids bowed their heads to him to welcome his arrival. Padarag siyang naupo sa sofa at sinandal ang ulo sa backrest nito.

He stayed overnight inside the jail with his friends. Inilabas sila ng ama ni Joshua na isang abogado pero dahil halos madaling-araw na silang nakulong ay hindi kaagad nakapag-piyansa.

“When will you really stop getting yourself into trouble, Donato? Talaga bang gusto mo na kaming patayin ng iyong lolo sa sakit sa puso! Hindi na ito biro! You were jailed!” sermon ng nakasunod niyang Lola sa kanya.

Mas lalong pumitik ang kanyang sentido sa sigaw nito. His Lolo is quiet beside her. He always is. But he could tell that he’s mad because of what happened. Kung sana kasi ay hindi na tinawagan pa ng ama ni Joshua ang mga ito. Ngayon ay nakalaya nga siya, ang sermon naman ng kanyang Lola ang kinakailangan niyang harapin.

“I don’t know what to do with you anymore! Pinagkatiwala ka sa’kin ng iyong ina at hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayon dahil sa poder pa kita nagkakaganyan!” sinapo nito ang noo.

Doon lumapit ang kanyang lolo para kalmahin ito.

He’s only ten when he lived with his grandparents. Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang noong walong taon siya at nag-alsa balutan ang kanyang ina paalis ng San Bernardo kung saan ang kanyang ama nakatira.

Orihinal na taga-Maynila ang kanyang ina. Nagkakilala ang dalawa sa isang pagtitipon. Naging magkaibigan. Nagkapalagayan ng loob. Hanggang sa ikasal ang dalawa at magkaroon ng malaking problema dahilan upang piliin ng kanyang ina na iwan ito. Ng pansamantala.

Bumalik sila at tumira dito sa Maynila ngunit makalipas ng dalawang taon ay nagkabalikan din ang mga ito kaya pinasya ng kanyang ina na doon na muli sa probinsiya ng kanyang ama manirahan kung saan ito ang kasalukuyang Mayor ngayon. Pero hindi siya sumama. Hindi niya na ginusto pang sumama pa pauwi.

Mahirap dahil ayaw niyang magkalayo sila ng kanyang ina at ng bunso niyang kapatid na si Pam na pinagbubuntis pa lang ng ina niya noon, pero pinangako niya sa sariling hinding-hindi na siya babalik sa lugar na iyon kahit na ano’ng mangyari. Pinangako niyang hinding-hindi niya papatawarin ang kanyang ama sa kasalanang nagawa nito sa kanila.

Para sa kanya ay matagal nang sira ang kanilang pamilya. At kahit ilang patawad ang hingin sa kanya ng ama ay hindi siya babalik sa San Bernardo at titira kasama ng mga ito na para bang isa silang masaya at buong pamilya.

He just can’t stand being with him. He’s sick of him trying to pretend like he’s a good husband, a good father and a good person when the truth is he’s rotten to the core.

“Hindi ka na masaway! Napaka-tigas ng ulo mo! Hindi ka nakikinig sa’min ng iyong Lolo!” patuloy nito.

Nagbuga siya ng hangin. His head hurts a lot and his eyes were heavy. Hindi siya nakatulog ng maayos sa kulungan dahil siksikan at mainit. Silang lahat na naabutang nagra-rambulan sa tapat ng pamamahay nina Daniel at lumikha ng gulo na sumira sa payapang gabi ng village na iyon ay hinuli at kinulong.

“Donato, are you listening?!” ang boses iyon ng kanyang Lolo. At ngayong nagsalita na ito, pakiramdam niya’y mas lalo lamang mali ang lahat.

He tried to act like he is. “What?”

“Uuwi ka sa San Bernardo, bukas na bukas!” anito.

“Fuck, hell no!” sagot niya.

“Ano’ng sinabi mo?” lumapit ito sa kanya na naka-amba na ang kamao ngunit pinigilan ng kanyang Lola ang kanyang Lolo.

Nagtiim-bagang siya.

Humugot ng malalim na hininga ang kanyang abuelo, “We’re cancelling your cards and freezing all your accounts. Ibigay mo rin sa’kin ang susi ng iyong sasakyan because I won’t let you use it again. You’ve been spoiled too much. We gave you everything you damn please and this is the result! Hindi ko na ito mapapayagan.”

Pinigilan niyang sumigaw sa sobrang frustration. He’d been into a lot of trouble ngunit hanggang sermon lang ang natamo niyang parusa sa mga ito! At ang galit na nakikita niya sa mga mata ng kanyang Lolo at Lola ay nagpapakita lang kung gaano ka-seryoso ang mga ito.

Ngunit kahit ganoon ay nangisi pa siya bago tumayo, “You’re kidding.”

“If you want them back, pumayag kang umuwi ng San Bernardo ngayong bakasyon,” tugon ng kanyang Lolo.

Fucking shit, seriously? Tinitigan niya ito at binalik nito ang tingin sa kanya ng naghahamon. “Bakit kailangan ko pang umuwi doon? Can’t you just give me other punishment?” Damn it, not a piece of hell!

“No! Habang nandito ka at malapit sa mga kabarkada mo at sa luhong nakasanayan mo ay magiging paulit-ulit lang ito!” ang kanyang Lola naman ngayon ang nagsalita. “Isa pa, matanda na kami, Donato! Isa pang ganito ay paniguradong matutuluyan na kaming dalawa ng iyong Lolo! Give us peace of mind for the mean time! Umuwi ka sa San Bernardo at doon ka muna sa mga magulang mo!”

“You’re kicking me out?” mas lalo siyang hindi makapaniwala. His grandparents adore him so much. Nag-iisang anak ng mga ito ang kanyang Mama at siya pa ang panganay na apo.

“We’re trying to help you,” his Lolo said, frustrated. “We hope that a month of being away from the city will help change you! Doon ay walang clubs, walang parties at mas lalong wala ang masasamang impluwensiya mong kaibigan!”

No, his grandfather is wrong. Nothing will ever change him. No one can change him. He’s like this for a long time and a month of stay in that God forsaken place will never change him!

“Kung ayaw mo, sige, manatili ka dito! Pero hindi ka maaaring lumabas ng mansiyon hangga’t hindi pa nagsisimula ang pasukan!”

He’s sure his grandparents have thought this through! Ayaw niyang manatili sa loob ng mansiyon at mabulok sa loob ng kanyang kuwarto! Pero alam niya ding hindi nagsisinungaling ang kanyang lolo sa mga banta nito! He’ll surely find a way! Kilala niya ito!

Nagtagis ang kanyang panga. Nagsinungaling siya nang sabihin niyang kahit na ano’ng mangyari ay hinding-hindi na siya uuwi ng San Bernardo. He’d rather be there now than in a worse kind of hell! Nakakagulat lang na may mas i-impyerno pa pala sa lugar na iyon!

“Mag-desisyon ka na, Donato. Dahil alam mo’ng hindi ako nagsisinungaling!” dagdag ng kanyang lolo. “If I have to hire men just to keep you here, then I would! Don’t try me!”

Marahas ang hanging ibinuga niya. He weighted the circumstances and knew that the much better choice is for him to go to San Bernardo.Maybe he’ll just try to make his short visit in there a little fun and exciting. Kaysa ang maburyong siya dito sa loob ng mansiyon ng kanyang lolo at lola sa nalalabing panahon ng kanyang bakasyon.

Ngayon ang kanyang ama naman ang kanyang bubulabugin. Ipapakita niya kay Mayor Gregory Pangilinan ang kinalabasan ng kasalanan nito ilang taon na ang nakakaraan. He smiled inwardly at the thought. Mataas ang trust ratings ng kanyang ama sa probinsiyang iyon dahil sa husay nitong magpanggap at magsinungaling.

Kung makikita ng mga ito kung gaano kapalpak bilang ama ang pinakamamahal na Mayor, he’ll probably get his sweetest revenge.

“Fine!” aniya saka nagmartsa paakyat sa kanyang kuwarto.

The hell with it!


  • (4 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018