Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance



"Mikel! Sandali!"

Binagsakan niya ako ng pinto. Maghapon ko siyang inintay. Asan ang hustisya?!

Sabi ko lang naman kakausapin ko siya.

Kahapon lang.. Ang saya saya pa namin. Sinabi niyang mahal na mahal niya ako.

Pero ngayon..

Bakit ngayon hindi na?

Magbabago ba ang feelings overnight?

Mahal na mahal ko pa siya. Sobra.

"Bebi Ko.. Pagbuksan mo ako ng pinto! Biko! Biko!" Desperada kong kinatok ang pinto niya, keber kung may maabalang kapitbahay na unit owner. Kailangan ko siyang makausap. Hindi pa kami break! Hindi ako makakapayag!

"Gabby? What are you doing here?" Natigilan ako nang lumitaw ang babaeng parang Yema sa pagkacreamy. Parang diamante sa ganda. Ang babaeng pinagpala sa lahat..

"Scarlette.."

"Anong kailangan mo sa boyfriend ko?" Tumaas ang kanyang kilay at ang tunog ng kanyang takong ang tanging ingay sa aming pagitan habang naglalakad siya papalapit sa akin.

"B-boyfriend?"

Marahang tumango si Scarlette. "Yes.. For five years. Ano ka ba?! Umalis ka na dito bago pa tumawag ng guard si--"

Eksaktong bumukas ang elevator at unipormadong guwardiya ng condominium ni Mikel na beast mode. Papunta sila kay Scarlette..

Ay Mali! Sa akin pala. Hinubad ko ang sapatos ko at humakbang ako papalayo. Ilalayo nila ako kay Mikel. Hindi pupwede. Hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakakausap.

"Ma'am.. Kailangan niyo na pong bumaba.." Magalang na sabi nila sa akin sabay hawak sa braso ko. Nakuha ako agad.

"T-teka! Sandali! Mikel! Bebi ko! Biko!! Hinuhuli nila ako. My ghad! Bebi!"

Pero walang Mikel na lumabas. Binitbit ako ng mga guwardiya na parang papel. Maluha luha kong inigkas ang katawan ko nang magsara ang pinto ng elevator.

"Tandaan mo, Mikel! Bukas! Luluhod din ang mga buwan."

"Ma'am, 'Tala' po ata yun." Singit ng guwardiya kaya umatras ang luha ko.

"Paki mo ba! Gusto ko buwan para may originality!"

Huminga ako ng malalim at naghanda sa isang panibagong comeback.

"Mikel! Tandaan mo. Walang IMPOSIBLE!"

"Himala po, Ma'am.."

"Ano ba! Kulit mo ah! Wag ka nang sasagot!"

Nakakagigil ang mga gwardiyang basag trip. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at tiniyak kong malungkot na malungkot ang mukha ko. Inisip kong naroon si Mikel at kaharap ko lang.

"Mikel.. Hindi ko alam na kayo na pala ni Scarlette. Para ka talagang Jollibee, na bukas sa lahat ng gustong kumain!"

"Ma'am--"

"Oo! Karendirya! Alam ko Karendirya hindi Jollibee!"

"Ma'am.."

"Wag ka nang sumagot! Kontrabidang to!"

"Ma'am.. Hindi po yun.. Bukas po ang zipper niyo."

ARGHHHH!!! Bakit may sira ang mundo.

Si Mikel...

Break na kami? Kailan pa?!



Kabanata 1


  • (21 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE