Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE RISK-TAKING WRITER: THELADYINBLACK09

Image Description NoInk   |   21 September 2018


WRITER FOR THE MONTH OF SEPTEMBER


H’wag mong hayaan na mag-focus ka sa iisang genre ng istorya. Ako kasi, ang pagbabasa ang isa sa kauna-unahang kong naging workshop. Sa pagbabasa ko natutunan ang iba’t ibang klase o istilo ng pagsusulat. Sa pagbabasa ko rin natutunan ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang manunulat. Malaki ang maitutulong sa iyo kung magbabasa ka ng iba’t ibang klase ng libro. Remember, hindi ka kaagad magiging isang mahusay na manunulat kung hindi mo mamahalin ang pagbabasa.


 

 Isa ito sa pinakaimportante tip para sa manunulat. Sa istorya kasi na isusulat mo, ito ang kauna-unahang mababasa. Mawawalang saysay ang kabuuan ng istorya mo kung sa umpisa pa lang ay mawawalan na ng gana ang reader mo na basahin ang istorya mo nang dahil sa title na ginawa mo. Mag-isip at gumamit ka ng title na kukuha ng atensyon ng isang reader upang simulang basahin ang istorya mo hanggang sa katapusan.



Kung non-fiction ang sinusulat mo, kailangan ay mas mabusisi ang pagsasaliksik mo. ‘Yong tipo na hindi mahahanapan ng butas o mali ang istorya. Hangga’t maaari ay hindi lang mukhang makatotohanan ang istorya kung hindi sadyang totoo talaga. Para mas makarelate ang reader sa istorya mo. Kung fiction naman ang sinusulat mo, hindi ibig sabihin na hindi ka na magsasaliksik. Kahit pa gumagawa ka ng sarili mong mundo sa istorya mo kailangan mo pa ring magsaliksik upang mas maging makatotohanan ang sinusulat mo. Mga tao, bagay o lugar. Kailangan maiparamdam mo sa reader mo na hindi lang siya isang mambabasa na nagbabasa kung hindi isang reader na bahagi mismo ng mundo na binuo at isinulat mo.


 

Writing is magic. Imagine, ‘yong story na isinulat mo ngayon ay pwedeng pa ring mabasa ng mga tao sa hinaharap kahit ilang daan o libong taon pa ang lumipas. At para mabigyan ng hustisya ang sinusulat mo, kailangan ay mahalin mo ito. At sa oras na nararamdaman mong nag-eenjoy ka na sa pagsusulat, mas magiging natural na ang paglabas ng mga salita sa istorya mo. Hindi pilit o ipinilit. Mas masarap gawin ang isang bagay na alam mong gusto mo at masaya ka. Hanggang sa hahanap-hanapin at uulit-ulitin mo na gawin. Dahil doonka gumagaan ang pakiramdam mo. Sa pagsusulat. Remember, kapag in-enjoy mo ang pagsusulat, mas mag-eenjoy ang mga reader sa kalalabasan ng istorya na isinusulat mo.



 

Sa lahat-lahat ng writing tips, ito ang isa sa pinaka-hindi pwedeng mawala. Sa pagsusulat kasi marami kang problema na pwedeng makaharap. Marami kang judgement na mae-experience. At karamihan do’n sobrang nakaka-down. Lalo na kapag inatake ka ng insecurity na sasabayan ng mga basher at unprofessional critic. Pwede mong maramdaman na sana hindi mo na lang minahal ang pagsusulat para hindi ka nadya-judge ng mga tao sa paligid mo at nasasaktan. Pero sa kabilang banda, pwede mo ring gamitin iyon at idagdag na pampalakas ng loob mo. Bakit ka ba nila dyina-judge? Dahil alam nilang may potential ka sa pagsusulat. Bakita ka nila bina-bash? Dahil alam nila na mas magaling ka sa kanila. Bakit ka nila kini-critique? Dahil ayaw nilang magpatalo sa iyo kahit hindi ka naman nakikipagkompetensya sa kanila. Ang ibig sabihin lang no’n, mas angat ka sa kanila. Alam nila na mas magaling ka. Kaya kailangan, alam mo rin 'yon sa sarili mo. Na may potential ka sa pagsusulat, na magaling ka at higit sa lahat, kaya mo silang angatan. Hindi mo naman kailangan makipag-komptensya sa kanila. Ang kailangan mo lang, maniwala sa sarili mo. Maniwala na kaya mo. Kaya mong magsulat. Tandaan mo, hindi ka nagsusulat para sa mga basher o unprofessional critic sa paligid mo. Nagsusulat ka para sa mga totoong reader mo at para sa sarili mo.


  • (8 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018