Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE RISK-TAKING WRITER: THELADYINBLACK09

Image Description NoInk   |   18 September 2018


WRITER FOR THE MONTH OF SEPTEMBER

Ma. Ana Theresa Cruzate is also known as TheLadyInBlack09. Isang moody, loner at risk-taker na writer. Ten years old lang siya nang isulat niya ang kanyang first story na Happy Lisa. Tungkol ito sa isang cute na batang babae at may masayang family. Isinulat niya ‘yon after maghiwalay ng parents niya at mag-start na ma-bully siya sa school. Sa story na ‘yon, iniisip ni Ana na siya si Lisa na masaya ang buhay.




TheLadyInBlack09 might be quiet and shy lalo na sa mga taong hindi pa niya nakaka-bonding. Pero once na masakyan na niya ang trip ng mga taong nakilala niya, nai-express na rin niya ang trip niya na isang baklang babae, maingay at jolly.




Kung hindi siya naging isang writer, isa na siyang teacher.First dream talaga niya dati na maging isang teacher.



“Nagsimula ako sa pagbabasa ng mga books and pocketbooks. Nasundan na nake-create na pala ako ng stories sa isip ko nang hindi ko kaagad napansin, hanggang sa isang buong story na pala ang na-imagine ko. Tapos sinulat ko na siya sa notebook. ‘Yong short story na ‘yon, nasundan ng isa pang short story. Nasundan nang nasundan hanggang sa nangarap na akong maging isang writer. Nang mausuhan na ako ng internet, nagsulat na rin ako sa Facebook Page tapos nagkaroon ng Wattpad, doon ko itinuloy kasi mas safe magsulat do’n. Feeling ko kasi may natutunan ako sa mga feedbacks ng mga nagbabasa ng stories ko, mapa-negative or positive.”


Her favorite local writer was Ricky Lee. According to her “Kasi lahat po halos ng mga akda niya may lesson. Hindi lang basta kwento o isang nobela. Sa bawat katapusan ng akda niya na nababasa ko, palagi akong may natututunan na aral.”


While her favorite international writer was Nicholas Sparks. She said “Realistic ang mga novels niya. Sa real life kasi, hindi palaging may happy ending.”


At ang favorite book niya ay Harry Potter series.





“The Notebook by Nicholas Sparks. Sobrang na-imagine ko ang mga scene sa book. Pakiramdam ko naririnig ko ang mga characters na nagsasalita habang nagbabasa ako. At pinaka-nagpaiyak sa akin sa book na ‘yon ay ang true love ng dalawang protagonist para sa isa’t isa.”




“My readers. Everytime na nararamdaman ko na may nagbabasa sa mga stories ko, feeling ko do’n ako nagkakaroon ng reason para magsulat.”



“Si Onyx Morticia ay ang doll na dumating sa buhay ko noong wasak ang puso ko. Brokenhearted ako nang may dumating na delivery sa bahay. Isang box na ang laman ay mahabang bag na itim, parang pinaliit na body bag ng isang tao. Then si Onyx ang laman, may card at may message pero walang information ng sender. Noong una, kinilabutan ako. Natakot kasi first, hindi ko alam kung kanino galing and second, medyo creepy ang dating ni Onyx. But then, there is something with her na nakakapagpagaan ng loob ko, lalo na kapag kasama o katabi ko siya. Feeling ko safe ako. Kaya madalas, sinasama ko siya sa mga lugar na importante sa akin.”



Horror-Suspense ang paborito niyang genre ng story. Ayon sa kanya, “Masarap paglaruan ang isip ng mga tao. Ang sarap nilang lituhin. Kung ano ang next na mangyayari, kung sino ang next na mamamatay o kung sino ba talaga ang pumapatay. Para sa akin kasi, mas madaling laruin ang mga eksena sa horror-suspense. Mas madaling laruin ang mga feelings mga characters pati na rin ng mga readers.”



“Lahat surprises, eh. From the story ko na naging book hanggang sa maging TV movie at TV series ang story ko na dati lang nasa notebook ko. Pero siguro, ‘yong nagkaroon ako ng mga totoong kaibigan sa industry na ito.”



“Yes. Sa kauna-unahan kong naging kaibigan at kapatid sa writing industry. Kay Arlo Icabandi, dahil marami kaming common interest na pwede naming magamit sa iko-collab naming na story if ever.”



“Ghost, kinda pero hindi pa ako nakakakita. Nakakaramdam lang. Blood? No. Dark? Yes! Hindi po ako natutulong ng nakapatay ang ilaw unless may katabi ako.”


Natatakot siya sa multo at dilim pero nagpatuloy siyang magsulat ng horror story dahil masarap iparamdam sa mga readers ‘yong takot na nararamdaman niya kapag mag-isa siya, kapag nagbabasa siya ng mga horror stories o kapag nagsusulat siya ng horror stories. May mga time na pagkatapos niyang isulat ang isang nobela, nahihirapan na siyang basahin ulit para i-edit dahil siya mismo, natatakot sa isinulat niyang kwento.


  • (8 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018