Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




FUBU

Image Description Theredmadison   |   10 October 2019


Ano kaya ang magiging papel ni Ralph Molina sa buhay ni Gab

KAKAINDORSE niya lang ng pasyente sa kapalitan niyang nurse. Nagpasa na rin siya ng leave letter. She needs space. Kailangan niya munang magpahinga at i-refresh ang sarili sa mga nangyari. Dahil kung hindi ay baka makakapatay siya ng 'di oras. Hindi niya kayang magtrabaho nang nakikita ang dalawa na naglalampungan sa harap niya. 

"Hindi ba't yan 'yong jowa ni Doc John?"

"Oo, kawawa naman. Inahas ng kasama niya."

"Tingnan mo oh ang haggard niya. Sa kakaiyak siguro."

"Ngayon niya lang nalaman na niloloko na siya?"

Isa sa mga naririnig niyang salita sa tuwing dumadaan siya sa mga Department ng hospital. Nagkalat ang balitang nahuli niya ang kababuyan ng dalawa.

Hindi ba pwedeng haggard lang siya dahil sa kanyang labing-anim na oras ang duty sa hospital na ito? Pero aminin man niya sa hindi. She's broken now. Para ba siyang crystal na basta na lamang itinabig dahilan para siya'y mahulog at mabasag.

Ang kataksilan na ginawa ng kanyang kasintahan ay matagal na palang alam ng lahat. Nalaman niya lang nang maabutang na nag bo-blow job ang babaeng iyon sa sandata ng kanyang kasintahan. Punyemas para ba siyang pinagpi-piyestahan ng lahat habang siya ay panatag ang loob na hindi magloloko ang Doctor John na iyon.

Ang masaklap pa roon ay siya pa ang sinisisi nito kung bakit ito nagloko. 

"Putcha, Gab. Lalake ako. May pangangailangan din ako. At iyon ang hindi mo maibigay saakin!" 

Parang sirang plakang paulit-ulit na sumasagi sa kanyang utak ang sinabi ni John sa kanya pagkatapos niyang masaksihan ang kababuyan ng mga ito.

•~•~•

"Gab, ano ba? Hindi ka ba pa babangon? Tanghali na oh." 

Naalipungatan siya nang magtama ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Hinawi lang naman ng kanyang kapatid ang kurtina ng kanyang kwarto habang nagdadadakdak.

"Ano ba kuya," anas niya rito.

"Gan'yan ka nalang? Ha? Hindi ka na papasok sa trabaho mo? Anong klaseng nurse ka?" saway nito sa kanya.

Umupo siya sa kanyang kinahihigaan. Magulo ang kanyang buhok tulad ng kanyang kwarto. 

"Ayoko nga! Matutulog nalang ako buong araw."

"Hoy Gabriella, hindi porke binigyan kita ng Condominium eh ibig sabihin hindi kana kakayod," sermon nito sa kanya, "o kaya naman ayaw mo lang magtrabaho dahil doon sa EX mong doctor?"

"Hindi ah! Kuya nagleave ako okay?" 

Umupo ito sa kanyang higaan at hinarap siya.
"Kung gano'n, bakit ka nagleave? Kung kailan sumakto naman sa break up niyo?" He smirked.

"Argh!" Napasabunot siya sa kanyang buhok. Okay, Oo na. Nagleave talaga siya dahil doon. Ayaw niya makita ang hayop na iyon pati na rin ang kasamahan niyang nurse na in-ahas ang kanilang relasyon. 

Tumawa ito. Para ba itong demonyo kung makahalakhak sa kanyang kwarto. Tumayo ito pagkatapos ay tinapunan siya ng damit na napulot lang nito sa sahig. "Bumangon ka na. Maglinis ka naman. Ka-babae mong tao, damak."

"Kung maka-damak 'to akala mo 'di pinapahid ang kulangot sa pader," sambit niya rito.

"Gusto mo ipahid ko sa'yo?" lumapit ito sa kanya at umaaktong may ipinapahid sa kanyang braso. Siya naman ay panay iwas. 

"Ew, ano ba kuya!"

"Sinilip lang kita baka nagpakamatay kana dahil lang sa John na iyon. Kumain kana. May Krispy Kreme doon sa kusina." Tumigil ito sa pangungulit at agad na umalis.

"Salamat Kuya!" Sigaw niya rito na nagmamadaling umalis.

Walang gana siyang bumangon sa kanyang higaan. Hindi niya manlang inayos kama at dinaan-daanan lang ang mga damit na nagkalat sa sahig. Nagtungo siya sa kusina at natanaw niya nga ang Krispy Kreme na dala ng kanyang kapatid. Kumuha siya ng isa at malaking kagat ang ginawa niya rito. 

Tirik na tirik ang araw subalit para sa kanya ay kasing itim ng budhi ng babaeng iyon ang kanyang araw. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa isang tabi.
Uminom ng alak buong magdamag, umiyak at magmaktol. Para ba siyang walang kwentang nilalang na basta na lamang tinapon sa isang sulok. She's a messed. 

Halos tatlong taon na sila ni John. Nagkakilala silang dalawa noong nagti-take siya ng bar exam at ito naman ay kakapasok lang bilang isang resident doctor. Aminado siyang iba ang estado ng kanilang pamilya. Pero nagwork ang kanilang relasyon hanggang sa nakapasok siya sa hospital na pinagtatrabahuan nito. Mas lalo pang naging masaya ang kanilang relasyon kahit na pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho. Palagi naman silang nagkikita dahil pareho sila in-assign sa Pediatric Intensive Care Unit (PICU), isa sa department ng hospital. Kahit papaano rin naman ay nagagawa pa nilang magkaroon ng oras kahit na sandali lang.

Pero isa sa lagi nilang pinag-aawayan ay ang tungkol sa sex. She's not ready for that thing.

She wants to enjoy her life first, maliban lang sa sex. Akala niya ay okay na ang lahat. Akala niya naintindihan na siya ni John. Pero hindi. Halos isang taon na pala siya nitong niloloko at ang kaisa-isahan niyang kaibigan sa kanilang department. 

Napahilamos nalang siya ng mukha sa isang sulok ng kanyang silid habang inaalala lahat ng kataksilan na ginawa sa kanya. Alam na ng mga tao na nasa paligid nila na karelasyon ng kanyang boyfriend ang kaibigan niya. Habang siya? Parang hangal na humihingi ng oras sa kanyang nobyo. Na dapat ang kakarampot na oras para sa kanya ay nandodoon na sa ahas niyang kaibigan. Her boyfriend and her friend's betrayal struck her even harder. Para ba siyang inapak-apakan ng harapan.  

~

Nagday-off siya para sopresahin si John. Kaarawan nito ngayon at nakaduty parin. Nagbake na lamang siya ng cake na isosopresa para rito. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi habang nilalagyan ng disenyo ang mocha cake na paborito ng nobyo. Panigurado ay matutuwa iyon sa kanya.

Nagpasya siyang puntahan ito sa hospital. Malapit na rin ang off nito at sasama siya sa bahay nito para lutuan sana ng mga paborito nitong pagkain.

Inapuyan niya ang kandila ng cake nung makarating na siya sa pintuan ng office nito. Huminga muna siya ng malalim bago kinalabit ang door knob. Dahan-dahan niya itong binuksan. Ang masayang ngiti na kanyang ibinalandra ay napawi.

Bigla siyang nanghina sa nakita dahilan para mahulog ang cake na dala-dala niya. Imbes na siya ang mangsosopresa rito, siya pa tuloy ang nasopresa. Hindi niya aakalain ito. Kumawala ang mga luha sa kanyang mata. Para ba siyang sinaksak ng biglaan. 

*

"LOOK at this girl. Nagshashabu ka na?" Pang-aasar ni Kelly sa kanya.

Nakita niya ang pagsiko ni Ara rito dahilan para mangaray ito. 

"Bebegirl. Itigil mo na ang kakaiyak dyan. Ano ka ba? Hindi siya kawalan," anito. "Why not mag ariba ka sa Dating app? Marami akong mga workmates na nakahanap ng the one dahil lang sa dating site." Sambit naman ni Ara na kagagaling lang sa trabaho. Isa itong office staff sa isang kompanya.

She rolled her eyes. 

Siya? Maghahanap sa Dating site? NEVER.

"Tingin mo gagawin ko 'yon? Ang cheap lang." Aniya.

Tinutok niya nalang ang atensyon sa kinakain niyang french fries. Wala rin naman siyang mapapala sa mga pinagsasabi ng mga ito. Nag-alok ang kanyang childhood bestfriends na lumabas kumain. Alam ng mga ito na heart broken siya. Siguro ay dahil nabalitaan ng mga ito ang tungkol sa kanila ni John.

"So ano? Magpapaka-loser ka nalang dyan sa gilid? Maygad, Gab. Hindi bagay sa'yo." Anito Ara.

"Gusto mo bang ipatumba na natin si John tsaka iyong ahas na Joanne na 'yon?" 

"Ano ba Kelly! Itigil mo na nga iyan. Hindi nakakatulong. Ang usapan nga di'ba? Hahanap tayo ng ibang way para maiba ang atensyon ni Gab?" Saway ni Ara na tinapunan pa ito ng french fries sa mukha. "So, Gabrielle. Anong plano mo? Hahayaan mo nalang ba na maging talunan ka sa paningin nila?"

She sighed. Kahit papaano ay may point itong si Ara. Napakamot nalang siya ng ulo. Kahit hindi siya sang-ayon sa gusto nitong ideya ay satingin niya ay mapapakinabangan niya ito. 

Sa tanong nito ay nakaisip siya ng ideya at isasagot. May kung anong ngisi ang sumibol sa kanyang labi. Halata rin ang pagtataka sa mukha ng kanyang dalawang kaibigan. Napataas ang mga kilay nito dahil sa kanyang killer smile.

"Gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako talunan. I. WANT. A. REVENGE."

Natawa nalang siya sa naging reaksyon ng dalawa niyang kaibigan.

"So, what's your plan?" Kelly asked her.

"What's with that dating site?" Tanong niya.

Napatingin ang dalawa sa isa't-isa at nagsitaasan ng kilay. Dati pa siya ng mga ito kinumbinsi na sumubok sa ganoong app. At ngayon lang siya ng mga ito napapayag.

Ang weird niya na ba sa lagay na iyon? Ganoon na ba siya ka-desperada?

Ang ideyang naisip niya lang naman ay ang maghanap ng lalake sa dating site na pwede niyang palabasin na bago niyang boyfriend.

Hindi siya makapapayag na maging talunan nalang sa mata ng lahat. Sisiguraduhin niyang magsisisi si John sa kanya. Sisiguraduhin niyang babalik si John sa kanya.

Trivia:

A Pediatric Intensive Care Unit or PICU is an area within a hospital specializing in the care of critically ill infants, children, and teenagers. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE