Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




FUBU

Image Description Theredmadison   |   02 October 2019


Ano kaya ang magiging papel ni Ralph Molina sa buhay ni Gab

                              DISCLAIMER

This STORY is for ADULT AUDIENCES ONLY. It contains substantial sexually explicit scenes with multiple partners and graphic language which may be considered offensive by some readers. All sexual activity in this work is consensual and all sexually active characters are 18 years of age or older.


This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, businesses, companies, events, or locales is entirely coincidental.


READ AT YOUR OWN RISK!





        •~•~•~•~•~•~•~•PROLOGUE•~•~•~•~•~•~•~•


Note: Gusto ko lang na malaman ninyo na ang pangalang "Ralph Molina" ay aking pinaghiraman sa isang matalik na kaibigan. Nasa itaas ang proof na nagpaalam ako at ang kanyang pagpayag. Happy reading!
Comment and vote!❤

MULA sa kanyang kinakatayuan ay nahagip niya ang estrangherang babae na nagpakilala bilang sekretarya ng kanyang nakausap sa dating app. Tinuro niya ang lalakeng naka formal attire. Ito na raw si RPM123. At agad din naman itong umalis.

Singkit ito at may kaputian din. Napataas na lamang siya ng kilay dahil sa suot nitong salamin. So he's nerdy? Pero okay na rin at panalo na sa pangangatawan nito. Hindi niya pa man niya nakita ang kabuuhan ay pinapantasya niya na ang abs ng lalakeng ito. 

Nagising siya sa saliring ulirat nang magtaas ito ng kamay. Ibig sabihin ay namukhaan na siya nito. Naglakad siya papunta sa kinauupuan nito. Umupo siya sa kabilang upuan na itinuro ng lalakeng ito.

"So, 143? Introduce yourself." Seryoso ito.

Halos mapakagat siya nang makita ang pag galaw ng labi ng binata. Para bang inaakit siya ng labi nito at parang gusto naman niyang tugunan ang imbitasyon nito.

"O my gosh, take it easy self!" Anas niya sa sarili

"I am Gabriella Tolentino, Gab for short." Pakilala niya rito kasabay ang paglahad niya ng kamay para makipagkamay. Umaasang tatanggapin ang kanyang alok. She's nervous. Pinipilit niyang maging masaya kahit na ang totoo ay natatakot siya. Ngayon niya palang nasubukan ang ganitong meet up sa taong hindi niya naman kakilala. Paano kung serial killer ito tulad ng kanyang napapanood? Paano kung itatapon nalang siya nito sa bakanteng lote? Chop-chop pagkatapos ay isinako? Maygad cassie!

Halata sa mukha nito ang pagtataka. Siguro ay dahil sa kanyang galaw. Hindi kaya na turn off na ito sa kanya? Pero sa kabila no'n ay hindi naman siya nito binigo.Tinanggap nito ang kanyang kamay. Mainit ang palad nito at malaki. Napalunok na lamang siya at muli ay pinapantasya na naman niya ito.

Napasinghap nalang siya at agad na tinanggal ang kanyang kamay. Hindi pa nga sigurado pero ang dami nang naiisip ng kanyang galawgaw na utak. Hindi naman siya ganito makipagpantasya.

Nag-iwas siya ng tingin. Kita niya sa kanyang peripheral sight ang pagkunot ng binata. Agad din naman itong nawala at naglabas ng brown envelope. May kinuha itong papel sa loob nito at nilagay ito sa kanyang tapat.

Napalingon siya rito. 

"Ano ito?"

"Contract."

Napakunot siya rito, "Anong contract?" natawa na lamang siya nang unti-unting niyang mapatanto ang salitang 'Contract', "Bakit may contract pa?"

"Hindi mo ba tatanungin ang kailangan ko?" Seryoso itong napatitig sa kanya.

Hindi niya alam pero bigla na lamang siya kinabahan. Huminga siya ng malalim bago nagsalita, "So ano nga ang kailangan mo?"

Matagal silang nagkatitigan. He's familiar. Hindi niya lang alam kung saan niya nakita. "I want a fubu."

Napakunot ang kanyang noo. Sinusubukan niyang intindihin ang sinabi nito pero wala sa bukabolaryo niya ang ganoong word. "A-anong fubu?"

Napayuko ito at palihim na tumawa. Hindi niya alam pero para ba siyang naasar sa inasta ng binata sa kanya. Lumingon ulit ito sa kanya. 

"Fubu means fuck buddy." Saad nito.

Nanlaki ang kanyang mata at nalaglag ang kanyang panga sa narinig. Tama ba ang kanyang pandinig?  o hindi kaya kung anu-ano lang ang kahibangan na kanyang naririnig.

"W-what?" Tanging lumabas lang sa kanyang labi.

"I know you heard what I said." He smirked at her.

"At ang sagot sa katanungan mo about this contract. I am lawyer. What we talked is something risky that it can ruin my profession. I love my profession. I hope you understand.  By the way I'm Attorney Ralph Molina." Dugtong nito.

"Ah attorney ka pala." Napatango-tango pa siya rito. His name is familiar. Para bang narinig niya na ito sa kung saan. 

She's really curious. Hanggang sa napatanto niya nga kung sino ang taong kanyang kausap. Ang taong nasa kanyang harapan. 

"Wait! You mean Attorney Molina? Iyong sikat na magkapatid na lawyer?!"

"Yes, I am." Kalmado nitong sagot sa kanya, "So what's your decision, Miss Tolentino?"


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE