I Do (DaraGon FanFic)

Image Description Alora Sasam   |   26 July 2018


Ang tangi ko lang nagawa ay tingnan ang guwapong mukha ni Jiyong habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang pisngi ko. Then, I felt it... The gentle touch of his lips on mine.

Finding The Queen of Clowns


[FLASHBACK]


Kumakain kami sa isang restaurant kasama ang 2NE1 at iba pang YG staff.Hindi namin kasama si YG kaya hindi gaanong uncomfortable ang pagpe-pretend namin.

“Where is my apple?” Dara asked.

Napalunok ako dahil nakalimutan ko ang pesteng apple. Buti na lang walang knife sa harap ni Dara, kundi patay na ako ngayon. “I'll buy you on our way home.”

Dara sighed.

I was surprised.

“B? You should eat more,” sabi ni Dara at saka nilagyan uli ng pagkain ang plato ko kahit halos masuka na ako sa sobrang kabusugan. 

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Dara. “I'm full, B.” Sana lang ma-gets niyang seryoso ako. 

Hindi ako pinakinggan ni Dara. Kinuha niya ang kutsara at sumandok ng salad. Inilapit niya ang kutsara sa bibig ko. 

Wala akong nagawa kundi ibuka ang bibig ko at kainin ang salad. Takot ako, eh. 

Nakita ni Dara na hindi kumakain si CL.

DARA: “CL-roo, you okay? Bakit ‘di ka kumakain? ‘Wag mong sabihin na gusto mong maging kasimpayat ng toothpick at giraffe na ‘to,” sabi ni Dara at naglalambing na tumingin sa ‘kin. 

Alam kong may hidden meaning ang sinabi niya. Inaasar na naman niya ako.

“Well... I don't think papayat pa lalo si Chaerin-ah. Pwedeng-pwede na nga siyang maging model ng Playboy magazine kung gugustuhin niya, eh,” sabi ko.

Dara smiled at me sweetly, again

“You're right,” sagot ni Dara at 5 times akong sinubuan ng sushi. 

Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa gulat. Muntik pa akong mabulunan pero tinawanan lang ako ng mga kasama namin. Gusto ko sanang manghingi sa kanila ng tulong pero hindi naman pwede dahil manganganib ang buhay nila sa vampire na ‘to. 

“Hey oppa, where will I put the bottle of whiskey you were drinking earlier? It’s still half filled,” tanong ni Mina, isa sa YG staff.

Patay! Nakalimutan kong sabihan si Mina tungkol sa drinking condition. Tiningnan ko si Dara, walang emosyong mababasa sa mukha niya. 

Kinuha ni Dara ang bag niya at may inilabas doon. “Ohh... B, I want you to read a short story line. I want to post it on the net tonight. Please read it and tell me if you like it.”

Natigilan ako sa reaction ni Dara. No violent reaction. Sana forever na siyang ganyan. Nakahinga ako nang maluwag at saka iniabot ang papel na inilabas ni Dara sa bag niya. 

“Pwede mong basahin ng malakas para maka-relate ang lahat,” nakangiting sabi niya.

Binasa ko ang nakasulat sa papel, kahit may laman pa ang bibig ko.

GD: “Annyeong! My name is Sandara Park. I am a fiancée of Kwon Ji Yong, the great G-Dragon.” Tiningnan ko si Dara. Na-touch ako kasi ‘yon ang unang beses na pinuri niya ako. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.

“I am here to tell you a deep, deep...” Huminto ako para lunukin muna ang sushi. 

…deep secret. He only used me for his own good. He proposed to me because he wants to get back at EUN, the great actress. Yes! You read it right, binasa ko lang ‘yon sa isip ko. Muntik na akong mabulunan. Halos ‘di ako makahinga nang maayos.

Gusto niyang pagselosin si EUN kasi may feelings siya rito. You read it right again! The great GD has only eyes, ears, body, soul and heart for EUN! Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ‘yon.

“Yah oppa! Are you okay? Why did you stop?” tanong ni Minzy.

“Oppa, you’re turning red! Oooh...nakakakilig ba ‘yang binabasa mo?” tanong ni CL.

“Mukhang cheesy nga... Yah! Uminom ka muna ng tubig!” sabi ni Bom

Inabutan ako ng baso ng tubig ni Dara at hinaplos ang likod ko. “Sa tingin mo, babasahin kaya ‘yan ng mga tao sa Korea? Magugustuhan kaya nila ‘yan, B?” malambing na tanong ni Dara na binigyan pa ng emphasis ang “B”.

Paano ko siya sasagutin? The Nitwit Scary Queen of the Vampires strikes again! 

(Scoreboard: DARA- a million sticks GD- 1.5 stick)

Umubo ako at tumikhim para alisin ang bara sa lalamunan ko.

Humagikgik si Dara.


[END OF FLASHBACK]

Mabilis akong nag-park sa vacant space at tumakbo papasok sa train station. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao roon. Nagtiliian pa ang ilang school girls nang dumaan ako sa harap nila. Pero nanatili ang attention at concentration ko sa nag-iisa kong goal—find that Nitwit and clumsy Queen of Clowns and scold her to death!


Scold her for being so clumsy…

...for not taking care of herself...

...and for making me worry!


Ang bilis ko lang nakarating sa train station dahil parang may invincible wings ang kotse ko. Halos lumipad kasi ‘yon sa bilis ng pagpapatakbo ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa lahat ng sulok ng train station pero hindi ko siya makita. Isisigaw ko na sana ang pangalan niya nang mahagip ng mga mata ko ang buhok niya.

Yeah...tandang-tanda ko ang buhok niya dahil palagi ko ‘yong sinusuklay ng kamay ko tuwing yayakapin ko siya.

Hugging her is one of my favorite past time... I mean hugging her is one of my ways of pretending that we are lovers.

Malalaki ang hakbang na nilapitan ko siya habang hinahanda ang speech ko. Nakaupo si Dara sa isang bench.

Maghintay ka lang dyan…you krungy!

"Yah!" malakas na sabi ko. Nakatalikod siya sa direksyon ko. 

She frozed. But she didnt turned to face me. 

Umikot ako para makaharap ko siya. Sisigawan ko na sana siya nang makita ang itsura niya. Basang-basa ng mga luha ang kanyang mukha. Basa rin ang blouse niya. 


How come nobody knew who she was? No one is taking pictures of her. Well... maybe because she hasn’t debuted yet. But her pictures were all over the net for three months after my epic proposal.

Inilibot ko uli ang tingin ko, halos lahat ng tao roon napatingin sa ‘min at ang ilan, papalapit na sa bench.

Hinawala ko ang kamay niya at hinila siya palayo sa lugar na ‘yon pero napalibutan na pala kami ng mga commuters. 

"G-Dragon!" sigaw ng isang fanboy na boses babae.

Woah! Is he a gay or what? Kung ordinaryong tao lang sana kami, tatawanan ko ang sitwasyong ‘to pero mas nag-aalala ako para sa kaligtasan namin. Wala kasing security team na pipigil sa mga fans kaya maaari kaming masaktan kapag dinumog kami. I am saying this base on experience! I still have a wound mark on my left shoulder!

Pinagtitinginan na kami. Nakuha na rin namin ang atensyon ng mga passenger na nasa loob na ng tren. Mukhang balak pa ng mga itong bumaba pero umandar na ang tren. 

He need to find a way out but it’s too late. Tuluyan na kaming napalibutan ng mga tao na kumukuha ng pictures at videos. May ibang tumatapik pa sa likod ko, may nagpapa-autograph, nanghihingi ng kiss at may ilan pang hinawakan ang butt ko.

Pero mas natakot ako para kay Dara. Nakita kong may humila sa kanya palayo sa ‘kin. Napaupo pa siya sa sahig nang may humila ng buhok niya. Sinubukan ko siyang lapitan para tulungan pero inilayo ako ng mga fans kay Dara.

"Dara!" I shouted! But my voice was just a whisper compared to the roaring fans.

"G-Dragon! G-Dragon! G-Dragon!"

I hate my name for the first time!

"Marry me!"

I'm already taken! Pinilit kong hawiin ang mga taong naghihiwalay sa ‘min ni Dara. I am so sorry but you are not my priority right now.

Luck is on my side. Narinig ko ang pagpito ng mga security guards.

Tumigil ang lahat kaya kinuha ko ang pagkakataong ‘yon para makalapit kay Dara. Nakita kong nakaupo pa rin si Dara. Agad ko siyang nilapitan at pinasan sa likod ko. Hindi ko gustong umiiyak siya pero mas okay na ‘yon kaysa sa nawalan siya ng malay dahil sa pananakit ng mga fans. Hindi ko rin alam kung anong kaya kong gawin sa mga taong nanakit kay Dara kung sakaling malala ang nangyari sa kanya.

"Hold on tight." 

Niyakap niya ako nang mahigpit mula sa likod.

Halos hindi ako makahinga sa pagkakayakap sa `kin ni Dara pero mas okay na ‘yon dahil alam kong kasama ko na siya. Tumakbo ako papunta sa pinakamalamit na male comfort room. Nakita ko kasing crowded ang mga hagdan.

Nang makapasok ako sa comfort room, I immediately locked the door. Huminga nang malalim para bahulin ang hininga ko. Nakapasan pa rin sa likod ko si Dara. Maririnig pa rin sa labas ang pagpuri sa ‘kin ng mga fans at galit na critics para kay Dara. 

Ibinaba ko siya at saka humarap sa kanya. "Yah! What were you doing here? Gumawa na naman tao ng scene dito!" sigaw ko.

She was about to cry... again...but she bit her lower lip to suppress it.

Her lips...

Nate-tempt na naman akong halikan siya. Magso-sorry sana ako nang mapansin kong hawak niya ang kaliwang hita niya. Pilit kong inalis ang kamay niya pero ayaw niyang alisin ‘yon. Ginamit ko ang buong lakas ko para matanggal ang kamay niya roon. Sinampal niya ako.

"Yah! Stop! It hurts!"

Masakit din ang pagkakasampal niya sa ‘kin. Pero mas nauton ang atensyon ko sa pulang marka sa white skinny jeans niya.

"What the f*ck..." I kneeled in front of her.

Umatras siya palayo sa ‘kin. 

Tiningnan ko siya nang masama. Tiningnan ko ang pulang marka sa pants niya at nalamang sugat ‘yon may hiwa rin ang pants niya. Mukhang gawa ‘yon ng matalas na kutsilyo. 

"Who the hell..." Pumikit ako at ilang beses na huminga nang malalim para pagilan ang sarili ko na lumabas at hanapin ang taong gumawa no’n sa fiancée ko.

Fiancée?

You are not even fit to be his boyfriend dahil hindi mo siya kayang protektahan!

Kill yourself, Kwon Ji Yong! You don't deserve to live.

"Mianhe..." Umiyak na naman si Dara.

Dumilat ako at yumuko. I felt powerless and ashamed. Helpless dahil hindi ko kayang ibalik ang oras para hindi ‘yon mangyari. Ashamed dahil isa sa mga fans ko ang may gawa no’n kay Dara. 

Pinunit ko ang dulo ng damit ko, lumapit ako sa sink at binasa ‘yon. Nilapitan ko uli siya at akmang lilinisin ang sugat niya nang umatras uli siya. 

I looked at her with reassurance in my eyes. "I'll be gentle." Lumapit uli ako pero hindi na siya umatras. Hinawakan pa niya ang balikat ko para mabalanse ang sarili.

Pumipiksi si Dara tuwing dadampi ang tela sa sugat niya. Napatingin kami sa pinto nang kalabugin uli ‘yon ng mga fans.

Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng pants ko at sinabihan si Dara na tawagan si TOP. 


Next Chapter: Monster in Disguise


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE