I Do (DaraGon FanFic)

Image Description Alora Sasam   |   26 July 2018


Ang tangi ko lang nagawa ay tingnan ang guwapong mukha ni Jiyong habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang pisngi ko. Then, I felt it... The gentle touch of his lips on mine.

Apple


JI YONG:


"B! Where are you?" malambing kong tanong sa babaeng kausap ko sa cell phone."Today is your last practice for your debut tomorrow. You're already 4 hours late."

Kanina ko pa gustong sigawan si SANDARA PARK pero hindi pwede dahil nakikinig ang tatlo pang member ng all-girl group na 2NE1. `Yon ang name ng group na ibinigay ni YG.

Walang sagot…

Tiningnan ko ang tatlong babaeng nakatingin at nakikinig sa pagtawag ko sa cell phone ko at saka tumingin sa labas para tahimik na sabihin na lalabas lang ako sandali. May limit din kasi ang pagpapanggap ko. 

Nakakaunawang tumango ang tatlo kaya lumabas na ako at nagpunta sa lugar na walang makakarinig sa `kin.

"Krung! Everybody is waiting for you! You’re still a newbie so you need to practice more!” mariing sabi ko.

Still no answer...

"Yah! Answer me, Krung Krung!"

Then I heard something.

Was that? A sob?

Who cried?

"Are you crying?" nag-aalalang tanong ko. Medyo nabawasan na ang inis ko. 

Mas lumakas ang pag-iyak na narinig ko sa kabilang linya 

"Park, answer me!" Muntik ko ng masipa ang trash bin na nasa harap ko dahil naiinis na naman ako sa hindi niya pagsagot sa mga tanong ko. 

"I'm ... (sob) at the...(sob) train station. I was about to..."

That's all I need to hear. Tinapos ko ang tawag at nagmamadaling pumunta sa car park. Nang makita ang kotse ko at agad sumakay roon. Pinaandar ko ang kotse pero hindi ko alam kung kakanan o kakaliwa ako.

Yah! Kwon Ji Yong!

Concentrate!

Focus!

Breath in!

Breath out!

Okay turn left!

Worried. Isang salita na tanging si Dara lang nagparamdam sa `kin. Para bang bawat letter ng word na `yon, ipinagdiiinan niya sa ‘kin. That nitwit was an accident-prone. The first time I met her, she was so clumsy but I knew she’s not a burden...and never will be.

She's always bumping into things, dropping things, you name it. Ang malala pa, kasama niya lagi ako kapag mangyayari `yon. Madalas ko siyang pinagsasabihan at halos matanggal na ang lungs ko tuwing nasisigawan ko siya pero syempre hindi ko naman siya sinisigawan sa harap ng mga tao.

Kapag may mga taong nakapaligid sa `min, syempre kailangan kong maging sweet at maasikaso sa kanya. Kailangan ko pang i-kiss ang injured part ng katawan niya tuwing mababangga siya sa kung saan-saan. 

Yeah... I kiss her a lot. I must...because we are pretending. Wala dapat makahalata na may mali at hindi consistent sa relasyon namin. 

But I am also a man. There are times that I get carried away. Buti na lang may sarili akong apartment na nakahiwalay sa apartment ng Big Bang kundi malamang na tinukso na nila ako kapag nalaman nilang madalas na need kong mag-cold shower kahit malamig naman ang panahon at madalas `yong nangyayari tuwing magkikita kami ni Dara.

Dara. Ang babaeng madalas na manggulo at mangulit sa `kin—physically, emotionally and mentally. Kung anu-anong weird stuff kasi ang mga ginagawa niya na kahit ang pinakamatalinong tao hindi maiintindihan.

Tulad na lang nga mga rules and conditions na ibinigay niya noong napilitan akong makipagkasundo para hindi magkaroon ng gulo. (NOTE: Nag-insist siya na dapat palitan ang word na “should” ng MUST dahil no choice akong sundin ‘yon kundi maggagalit at magwawala si Dara, the Krungy-Scary Queen.) 

  1. I MUST not be close to      other 2NE1 members. (Pinanlalakihan niya ako ng mga mata tuwing      makikipagbiruan ako kay Minzy. Kunot na kunot ang noo niya tuwing      makikipagbiruan ako kay Bom at para siyang isang red na bull na umuusok pa      ang ilong tuwing makikipag-usap ako kay CL. 
  2. I MUST not compliment      other girls when she’s around. (Once, I complimented how long Bom's legs      were; Dara pinched me on my arms and it bruised for almost a week. When I      described how cute Minzy when she dances, Dara punched me in the stomach;      I stopped doing sit-ups for a month. When I praised CL's sexy body, I      thought I almost died. Dara pushed me down the stairs. Good thing I have good      reflexes, I was able hold on the side rails.)
  3. I MUST only drink      alcoholic beverages with Big Bang members and I MUST only drink of 5      bottles—max. (Nakipagtalo pa ako kay Dara para maging 5 bottles ‘yon.      Noong una kasi, 2 bottles lang ang gusto niya pero ipinaglaban ko ang      karapatan kong mag-enjoy at mag-relax paminsan-minsan hanggang sa      magkasundo kami na ang limit ay 5 bottles. Kinuntsaba pa ni Dara ang Big      Bang boys para siguruhin na 5 bottles lang talaga ang iinumin ko. Sa      sobrang galang ng Big Bang boys sa noona nila, nag-text pa si Seung Ri      para i-report na pang 6th bottle na ang binubuksan ko. Sa      sobrang inis ko kay Seung Ri, kinuha ko ang cell phone niya at itinapon sa      toilet para i-flush.)
  4. I MUST stop smoking. If I      really need to smoke, I should never let her see me or else... all the      volcanoes in the world will simultaneously erupt. (One time, nakita niya      akong nag-smoke, and the next thing I knew, tinawagan na niya ang isang      rehabilitation center para ipa-admit ako!)
  5. She said that I was too      skinny, so I MUST eat whatever food she puts in my mouth. (She kept on      calling me names, from giraffe, toothpick to lizard. Balewala lang ‘yon sa      ‘kin pero nang isama na niya sa usapan si Tae Yang, biglang uminit ang ulo      ko. Sabi niya dapat daw tumulad ako kay Tae Yang, macho at maganda ang      built ng katawan. Sinabi pa niyang, kaya raw hindi ako nagustuhan ni Eun      dahil ayaw nito sa isang lizard-looking-giraffe na tulad ko. Kung ‘di lang      siya babae, baka nasuntok ko na siya sa sobrang galit ko.)
  6. I MUST listen to her when      she’s talking and even if other people are calling my name. (Honestly,      wala naman akong issue sa condition na ‘to. Sa hindi malamang dahilan,      gusto ko laging naririnig ang boses niya. Kahit nga siguro nasa loob kami      ng isang malaking event place na may milyong-milyong tao, maririnig ko pa      rin ang boses niya. Hmm…mukhang need ko ng magpatingin sa ENT at manghingi      ng hearing aid. O baka naman marumi lang ang tenga ko?)
  7. I MUST laugh to all her      jokes. (Tumatawa naman ako sa mga jokes niya kahit ako lang mag-isa. In      all fairness, hindi ako nag-pretend na tumatawa lang dahil napipilitan ako      dahil natatawa talaga ako sa mga jokes niya.) 
  8. I MUST wear the same      perfume when we first met and use it every time we’re together. (I had to      order the same perfume I used during our first meeting. And take note I      bought it from Japan. Balak pa yatang payamanin ng babaeng `yon ang mga      nagsi-ship ng perfume na ‘yon!) 
  9. I MUST NOT kiss her again!      (My ego and self-esteem boosted up when she accidentally shouted that I      was her first kiss during one of our fights. It was one of my memorable      moments with her. Sa lahat ng conditions niya ito ang pinakamahirap gawin.      Madalas kasing nate-tempt ako tuwing maglalagay siya ng pink lipstick sa      lips niya. Her lips looked delicious. Para ‘yong lollipop that I want to      lick all year long! It’s like a honey... Yah! stop it! Kundi need mo na      namang mag-cold shower kung ide-describe mo how sexy, juicy... yah stop!)
  10. I MUSRT bring her an apple      not ASAP but ASASS or As Soon As She Says. (Favorite niyang kumain ng      apple tuwing midnight or 3 in the morning or during my favorite movie      session or my eating time. Hindi ko lang siya nadadalhan ng apple kapag      kasama ko si YG. Hmm…mukhang mas okay na kasama ko lagi si YG.)

And the her list goes on and on...

Hindi dapat ina-underestimate ang isang fragile girl dahil nagta-transfom siya bilang scary vampire! Hindi rin ako pwedeng humindi sa lahat ng gusto niya dahil lagi niya akong pinagbabantaan na gagawa siya ng blog tungkol sa epic proposal ko at sasabihin sa mga fans ang totoong kwento namin. Nakakatakot, ‘di ba? Parang sinabi na rin niyang magpaalam na ako sa milky way galaxy.


Next Chapter: Finding The Queen of Clowns


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE