I Do (DaraGon FanFic)

Image Description Alora Sasam   |   15 August 2018


Ang tangi ko lang nagawa ay tingnan ang guwapong mukha ni Jiyong habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang pisngi ko. Then, I felt it... The gentle touch of his lips on mine.

Debut


DARA:

Sa loob lang ng isang linggo gumawa ng ingay ang 2NE1. Mabilis kaming nakilala hindi lang sa Korea kundi pati na rin sa buong mundo. Mabilis na nag-number one sa mga K-Pop charts ang mga kanta namin. Laman din kami ng iba’t ibang social media sites dahil sa mga magagandang feedback mula sa mga netizens pati na rin sa mga fashion stylist. At in less than a month nanalo kami kaagad ng awards.

Ang bilis-bilis ng mga pangyayari, dati pinapangarap ko lang ang mga ito pero ngayon unti-unti ko ng naabot dahil na rin sa pagsusumikap ko at higit sa lahat sa tulong ni Ji Yong. Ang sarap sa pakiramdam na nakikilala na rin ako bilang ‘Dara Park’ hindi bilang fiancée ni G-dragon. Sa dami ng nangyayari ngayon sa akin at sa sobrang busy ng schedule namin bigla kong na miss si Ji Yong…


FLASHBACK


Dance practice break…

Nasa mood ako para mangulit kay GD sa totoo lang nami-miss ko ‘yong dati kapag nag-aasaran kami. Kaya kaagad kong tinawagan siya, “B! Gusto ko ng apple!”

“Nagpa-practice pa ako,” malamig na sagot ni GD.

“Okay, sa mga fans mo na lang ako manghihingi ng apple!” pasigaw kong sagot.

Napabuntong-hininga na lang si GD.

“After ten minutes dapat nandito ka na bago mag-start ang practice namin.” Napangiti ako abot-langit.

“Ilan?”

“Isa lang, B!”

“Okay,” sagot ni GD.

Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Parang first time makakain ng apple? Hindi naman tungkol ito sa apple kung bakit ako kinikilig kundi dahil makikita ko na naman si GD.


After ten minutes…

Bakit wala pa si B?!Hindi tuloy ako makapag- concentrate sa dance lesson namin. Napapagalitan na ako ng dance choreographer namin dahil parang wala ako sa sarili. Hindi ko na nga magawa ng tama ang mga dance steps namin, naapakan ko pa ng hindi sinasadya ang mga kagrupo ko.

Nag-decide na lang na bukas na lang uli kami mag-practice dahil mukha na daw kaming pagod. Para makapagpahinga naman kami. Pero kailangan magawa na namin ng tama ang lahat ng routine at dance steps namin.

Nang makaalis na ang dance choreographer lumapit sa akin si Mina at may inabot.

“Dara… Apple para sa `yo.”

Nakangiting kinuha ko ang apple. “`Asan siya?”

“Nasa labas pero…”

Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Mina. Kaagad akong tumakbo palabas ng dance studio. Hinanap ko siya sa hallway, wala siya. Sa hagdan, wala din siya, nasaan na kaya siya? Malungkot akong bumalik sa loob ng dance studio. Gustong-gusto ko pa namang makita si GD. Nami-miss ko na siya. Ito ang first time na hindi siya nagpakita sa akin.

Pagkabalik ko sa loob ng dance studio kinausap ako ni Mina.

“Umalis kaagad siya pagkaabot ng apple sa akin.”

“May sinabi ba siya?”

“Ibigay ko daw sa `yo `tong apple, `yon lang. `Tapos umalis agad siya.”

Ano kayang reason ni Ji Yong bakit hindi siya nagpakita. Malungkot na tumingin ako sa pinto ng dance studio.


END OF FLASHBACK


Gustong-gusto ko ng makita si Ji Yong. Gusto kong i-share sa kanya lahat ng nararamdaman kong kaligayan dahil sa mga nangyayari sa akin at sa career ko. Pero hindi puwede. Kahit alam na ng buong Korea na engaged na kami ay hindi kami puwedeng gumawa ng any sweet gesture sa isa’t isa kapag nasa public kami.

Dahil sa nangyari sa train station, nagkaroon ng closed door meeting ang YG management at nag-decide silang lahat na ipagbawal na makita kaming sweet sa isa’t isa in public. Mahirap man gawin pero kailangan naming sundin ang YG hindi lang para sa aming mga career kundi pati na rin sa kabutihan naming dalawa.

Kailangan ko itong gawin dahil nagsisimula pa lang ang 2NE1. Makakatulong daw ito para sa image ko at hindi ako makagawa ng any bad publicity na makakasira sa 2NE1. Kung iisipin magbe-benefit ako talaga dito dahil makakaiwas ako sa mga batas ni GD na kailangan ko siyang i-kiss at i-hug kapag magkikita kami.

Sa isang awards night isa kami sa na-invite na magpe-perform. Habang nagpe-perform kami, nakita ni CL si GD audience at saka pinaakyat ito sa stage. Confident na umakyat sa stage si GD at ginaya ang pag-chest pump ni Minzy. Tuwang-tuwa ang mga fans ng sumama sa pag-perform si GD. Nakakapagtaka lang na hindi man lang ito tumitingin sa `kin. May problema ba si Ji Yong? Bakit parang hindi niya ako nakikita? Gusto kong sumigaw ng mga sandaling iyon at sabihin kay GD na nandito ako, hindi mo ba ako napapansin?

Pagkatapos ng performance namin, sumunod ako kina CL. Minzy at Bom sa gilid ng stage. Binati nila CL si GD at nagyakapan ang dalawa.

Hindi ko alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. Nagyakapan sila pero ako kahit sulyap, hindi man lang magawa ni GD! Bakit si CL ang niyakap niya at ako hindi? Gising Sandara! Hindi kayo ni GD! Hindi siya sa `yo! Alam ko namang nagpe-pretend lang kami!

Sinubukan kong tumingin sa ibang direksyon at ngumiti. It was mixed emotions.

Mayamaya, lumapit si Josie sa akin. “Congratulations! Ang ganda ng performance niyo,” sabay yakap sa akin.

Kamsahamnida!” sagot ko kay Josie at inakap ko rin siya.

Nakita kong teary eyed sina Minzy at Bom at nakita ko ring nagtatawanan sina CL. Teddy at Ji…

Nahuli kong nakatingin sa akin si Ji Yong nang mga sandaling iyon. Nakatingin sa akin si Ji Yong! Ang tagal kong hinintay na mangyari iyon. Sobrang saya ko. Gustong mag-tumbling ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, parang nagkakagulo ang internal organs ko sa sobrang saya dahil kay Ji Yong! Nananalangin ako na sana walang makarinig ng sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Pero kailangan kong kontrolin ang nararamdaman ko ngayon. Kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin nang mahigpit na mahigpit hindi puwede. Makontento na lang akong tingnan siya nang palihim.

Mayamaya, in-announce na ang nanalo. Sa dami ng tumatakbo sa isip ko hindi ko namalayan na may mga nagko-congratulate na sa akin. Nagtataka pa ako kung anong nangyayari. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Josie na kami ang nanalo, hindi ko pa malalaman dahil busy ako sa pag-iisip kay Ji Yong. Nang mag-sink in na sa akin na kami ang nanalo, iniiwas ko na ang tingin kay Ji Yong at nagsimula ng magpasalamat sa mga taong nag-congratulate sa amin.

Nang pabalik na kami sa stage para kunin ang award at makapag-speech, naramdaman kong may humawak sa right pinky ko. May kakaibang kuryenteng dumalay mula sa pinky ko papunta sa buong katawan ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko at ng mga sandaling iyon wala akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong kontrolin ang nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa ng makita ko ang left pinky ni Ji Yong ang nakahawak sa right pinky ko. Parang nawala ang lahat ng tao sa paligid ng mga sandaling iyon. Tanging si Ji Yong at ako lang ang naroon sa lugar na iyon.

Bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ito tama dahil sa una palang malinaw na magpapanggap lang kami ni Ji Yong para sa kanya-kanya naming plano. Si Ji Yong para pagselosin si Eun at ako naman para matupad ang pangarap ng mama ko na maging singer. Kailangan ko ng magising sa panaginip na iyon. Ilan beses siyang kumurap para magising.

Mabuti na lang at nakita ko si Bom at tinawag ito at kasabay niyon ang pagkakalas ng mga daliri nila.

Pumunta ako kay Bom at niyakap ito dahil maluha-luha na ito dahil sa pagkakapanalo namin.

Hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari. Gusto kong pagsisihan na natapos agad ang pagkakahawak ng mga daliri namin ni Ji Yong.



JI YONG:

Dara Won!

Yah GD!

They have a name it’s called TWO-EN=NY-ONE

Arasso?

Don’t forget it.

Sobrang saya ko para kay Sandara at para sa buong group ng 2ne1. Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, nanalo din ako. Naalala ko ng unang beses na manalo kami ng award kung noon, nasa cloud9 lang ako pero ngayon para akong nasa langit.

Tumingin ako kay Sandara. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya. Hindi niya malaman kung anong gagawin. Kung makahawak sa award at sa mic, kala mo, wala ng bukas.

Sobrang saya ko hindi para kay Sandara kundi para sa buong 2ne1.

“Wooh!!!” Sumigaw at pumalakpak ako kasama ng mga staff sa gilid ng stage.

Pero mula ngayon kailangan kong maging maingat sa lahat ng gagawin ko. Kailangan kong magkaroon ng peace of mind. Dahil hindi na ako masyadong makatulog sa kaiisip pagkatapos ng nangyari sa train station.

Kaya kahit mahirap tinatago ko ang cell phone ko sa closet bago matulog para hindi ko na siya matawagan, para kumustahin siya.

Pero hindi ganoon kadaling umiwas kay Sandara. One time, sinabi sa akin ni Josie, PA ni Sandara, na nakalimutan niyang linisin ang sugat niya dahil sobrang busy sa pagpa-practice. Kaya bumili kaagad ako ng care kit at ibinigay kay Josie. Binilin ko kay Josie na laging i-remind si Sandara na linisin lagi ang sugat niya at `wag kalilimutan lagyan ng bundage. At kailangan kong magsinungaling kay Josie na sobrang busy ako sa paggawa ng album kaya hindi ko ma-contact si Sandara…


FLASHBACK

Nang tumawag si Sandara at nagre-request ng apple ASASS (a soon as she says) bigla akong na blangko. Sobrang na miss ko ang boses niya. Pero hindi ko pa kayang harapin siya sa ngayon.

O baka naman naghahanap lang ako ng rason para makita siya?

Maybe...

I don’t know…

Pagkabili ko ng apple, dumeretso kaagad ako sa studio. Nakita kong laging nagkakamali si Sandara sa dance rehearsal.

“Sumasayaw ka ba o naglalaro?!” gusto kong isigaw pero pinili kong manahimik at tingnan na lang si Sandara.

She was very good during their debut pero bakit ngayon hindi siya makasayaw ng tama? Ano kayang nangyayari sa kanya? Weird… really weird krungy.

Well… krungy are meant to be weird…

“Ji Yong, bakit hindi ka pumasok sa loob?” sabi ni Mina pagkakita sa kanya.

“Dinala ko lang ito para kaya Dara, pakibigay na lang sa kanya.” Sabay abot sa apple na dala ko.

Pagkaabot ko niyon, tumalikod na ako kay Mina at naglakad palayo sa studio ng hindi man lang nagpaalam.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang pagsara ng pinto. Muli akong sumilip sa glass window at nakita kong kausap ni Sandara si Cl.

“If only I have the courage now, hahalikan kita para maibigay mo ang best mo.”



ALORA’S POV


Habang pababa ng hagdan ang janitor, nakita niya si Kwon Ji Yong.

“Sino kayang kausap ni Mr. Kwon? Eh, wala naman akong nakikitang kasama niya.”

Nanatiling nakatingin ang janitor kay Ji Yong at labis na natawa ang janitor sa nakita nito.

“Ha-ha-ha! Bakit sumasayaw si Mr. Kwon? Nababaliw na ba siya? Sayang nakalimutan ko ang cell phone ko na-video-han ko sana. Kikita sana ako ng malaki kung ibebenta ko ang video ni Mr. Kwon. Sayang!”

Walang boses na tumatawa habang nakahawak sa tiyan ang janitor.

“Sumasayaw naman siya ngayon ng Fire dance!”

“… you wanna get down” sabay split ni Ji Yong habang ginagaya ang dance moves ni Minzy.

Hindi na halos makadilat ng mga mata ang janitor dahil sa sobrang kakatawa sa mga pinaggagawa ni Ji Yong. “Fan talaga si Mr. Kwon ng 2ne1 dahil gayang-gaya niya ang sayaw ng 2ne1.”

Nagulat ang janitor ng biglang nagsalit si Ji Yong. “Anong ginagawa mo?!”

Nagulat siya. Hindi niya magawang imulat ang mga mata dahil hindi niya alam ang gagawin. “Patay! Kailangan ko ng maghanap ng bagong trabaho!”

Dahan-dahan iminulat niya ang mga mata. Nakahinga siya nang maluwag ng makitang hindi pala siya ang kinakausap ni Ji Yong. Focus ito sa ginagawang pagsayaw.

“Muntik na ako doon ahh! Kala ko ako ang kinakausap ni Mr. Kwon”

Lumapit siya kay Ji Yong at kinausap ito. “Pwede ba akong sumali?”

Nagulat si Ji Yong ng lumapit sa kanya ang janitor. Napangiti na lang siya ng nagsimula na itong sumayaw.”

Habang sumasayaw napansin ng janitor na nakatutok ang mga mata ni Ji Yong kay Sandara.“`Yong mapapangasawa niyo po? Tama po ba?”

Sumagot naman si Ji Yong. “Tingnan mo siya puro mali ang pinaggagagawa. Hindi siya makasunod sa mga dance steps. Ngayon naman nabitawan niya ang mic. Hindi siya makapag-concetrate.”

“Bakit hindi po kayo pumasok sa loob? May lover’s quarrel po kayo.”

Huminto sa ginagawa si Ji Yong at hinarap ang janitor. “`Wag kang magtanong! Ideretso mo ang likod mo! Sumunod ka sa mga dance steps!”

Sa takot, sumunod kaagad siya sa mga sinabi ni Mr. Kwon.

“Mukha kang robot! Hindi ito robot dance! Kaya ideretso mo ang likod mo, `wag masyadong matigas ang kilos mo!”

Sinubukang naman niyang gawin ang mga sinabi ni Mr. Kwon.

“Ngayon naman mukha kang zombie!”

Inulit-uli ng janitor ang dance steps.

“Ngayon naman mukha kang may bakol sa likod! Masyadong stiff!” Tinuruan ni Ji Yong ng tamang kilos ang janitor.

Pero hindi pa rin niya magawa ng tama ang itinuturo ni Mr. Kwon.

“Bakit ganyan ka kumilos? First time mo bang sumayaw?”

Hindi siya makasagot kay Mr. Kwon dahil nahihiya siya.

“Again from the top,” sabi ni Ji Yong.

Habang ginagawa niya at ni Mr Kwon ang dance steps, bigla silang napahinto ng marinig nilang bumukas ang pinto. Dali-dali silang tumakbo at nagtago sa loob ng locker malapit sa hagdan. Hindi sila gumawa ng kahit na anong ingay habang nasa loob sila ng locker. Nakita nila sa lockers hole na nagmamadaling lumabas si Sandara.

Tinakpan niya ang bibig ni Mr. Kwon ng biglang magsalita ito.

Nakita nilang papunta sa hagdan si Sandara ng muling magsalita si Ji Yong. Sinenyasan ng janitor si Ji Yong na `wag maingay at baka makita sila.

Nang makita nilang pababa na ng hagdan si Sandara, nagsalita naman ang janitor. Si Ji Yong naman ang nagtakip sa bibig ng janitor. Naglakad si Sandara at huminto sa tabi ng locker. Halos manlaki ang mga mata nila ni Mr. Kwon at nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ni Mr. Kwon at si Mr. Kwon naman nakatakip ang kamay nito sa bibig niya.

  1. millisecond

3 nights

15 sunsets

88 fullmoon

At sa wakas bumalik uli sa studio si Sandara. At ng masigurong nasa loob na si Sandara saka palang sila lumabas sa locker. Saka nila na-realize na nakakatawa ang ginawa nila.


END OF FLASHBACK


Next Chapter: Left Pinky


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE