I Do (DaraGon FanFic)

Image Description Alora Sasam   |   16 August 2018


Ang tangi ko lang nagawa ay tingnan ang guwapong mukha ni Jiyong habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang pisngi ko. Then, I felt it... The gentle touch of his lips on mine.

Cute Snoring Monster


JI YONG


Masasabi mo pa bang kamalasan lang ang lahat ng ito?

Hindi!

Mabuti na lang at kaagad akong tinawagan ni Josie para sabihin ang lahat ng nangyari kay Dara kasama na doon ang death threat na natagap nito. Sinabihan ko sina Josie at Mina na itago ang papel at huwag na huwag ipagsasabi kahit kanino ang nangyari.

Dahil dito kaagad kong tinawagan si YG at sinabi ang lahat ng nangyari kay Dara for the last six days. At nagdesisyon kami na sa bahay ko na muna titira si Dara para mabantayan siya maige. Habang pinapaimbistigahan namin kung sino ang nagbabanta kay Dara.

“Involved ako sa lahat ng nangyayaring ito, Dara! Baka nakakalimutan mo ako ang fiancé mo!”

“You are not my fiancé, for your information!” sagot ni Dara.

“Tumigil kayo!” sagot ni YG.

Parang walang naririnig si Ji Yong at patuloy sa pagsasalita. “Sige bigyan mo kami ng magandang paliwanag na nagkataon lang ang lahat ng disgrasya na nangyari sa `yo!” galit na sagot ni Ji Yong.

“`Yong sa event, baka naman may nabangga lang ako kaya may bumuhos sa aking pintura.”

“Kinausap ko ang maintenance staff at sinabi nilang walang naiwan na pintura doon dahil wala naman inaayos doon. At bago ang event siniguro nilang maayos ang lahat. So, saan nanggaling ang pintura?!”

“Hmm… `Yong sa ramen naman baka nabigla ang tiyan ko dahil malamig na.”

“`Yong ramen na kinain mo, expired na! At hindi iyon ang ibinili ni Josie para sa `yo. `Yong ramen na ibinili sa `yo ni Josie ay kulay yellow ang sabaw hindi brown. So saan nanggaling ang brown na ramen na kinain mo?!”

“`Yong sa CR baka hindi sinasadyang nai-lock ng janitor ang cubicle.”

“Bago ka pa mag-CR doon, nakaalis na ang janitor. At hindi ka ba nagtataka na tanging `yong cubicle mo ang naka-lock.”

“`Yong sa bike baka naman nawalan lang siya ng balance kaya nabangga niya ako.”

“Paano mong nasabi na aksidente lang `yon, eh, hindi mo nga nakita man lang ang bumangga sa `yo. At may nakalimutan ka pa, `yong sa salon.”

Magsisimula na sanang magpaliwanag si Dara pero kaagad na pinutol iyon ni Ji Yong.

“`Yong product na inilagay sa buhok mo, hindi iyon ginagamit sa salon na `yon. So sino ang gagawa no’n sa `yo?”

“Baka—”

Hindi natapos ni Dara ang sasabihin ng muling magsalita si Ji Yong.

“May gustong magbuhos sa `yo ng pintura. May gustong lasunin ka. May gustong ma-lock ka sa CR. May gustong sirain ang buhok mo. May gustong sumagasa sa `yon. May gustong—”

Mabuti na lang at kaagad kong nakontrol ang huli kong sasabihin. Ayaw kong malaman pa `yon ni Dara. Mas makakabuting kami na lang ang nakakaalam niyon. Para `wag siyang masyadong kabahan at matakot. Kailangan naming gawin ang lahat para protektahan si Dara. Para sa kanyang kabutihan.

Binalingan ko si Dara. Ngayon ko lang siya nakitang nag-iisip ng gano’n kalalim. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Muling nagsalita si Dara. “Paano mo nalaman ang lahat ng tungkol doon?”

Tinawagan ko lahat ng involved sa photoshoot. At first pinagsuspetsahan ko si Josie. Pero ng may nakita akong dalawang pack ng ramen na magkaiba ang brand at sa makaibang lugar nawala ang suspetsa ko sa kanya.

Pinuntahan ko ang cubicle kung saan ka na-lock at kinausap ko lahat ng maintenance staff na naka-assign doon. Nagpunta rin ako sa salon para kumuha ng ebidensiya. Pero wala akong nakuhang ebidensiya.

Pinuntahan ko ang nagma-manage ng surveillance camera kung saan ka nabangga ang sabi nila ng araw na iyon, hindi gumagana ang mga camera dahil inaayos nila ang mga iyon. Hindi ko napigilang magalit sa kanila dahil sa nangyari. Makakakuha na sana ako ng lead kung gumagana ang mga CCTV. Pinigilan ko lang ang sarili ko na `wag silang idemanda.

Ang hawak ko naman na papel, hindi inaaral ko pa. Dahil hindi handwritten ang nakasulat. Ilang ulit ko binasa ang nakasulat doon para makakuha ng ebidensiya at lead sa lahat ng nangyayari kay Dara.

Ilang gabi na akong hindi makatulog sa kakaisip. Kung saan ako kukuha ng ebidensiya para malaman kung sino ang gumagawa ng mga ito kay Dara.


Gusto kong sabihin ang lahat ng ito kay Dara pero mas pinili kong sarilinin na lamang. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Dara.

“Hindi na mahalaga `yon.” At iniwas ko ang tingin kay Dara.

Kung alam mo lang Dara gaano ako nag-aalala sa iyo. Muli akong tumingin kay Dara at muling nagsalita.

“Live with me, Dara Park.”


DARA

“Live with me, Dara Park.”

In-expect ko na sasabihin `yon ni Ji Yong. Pero may kakaiba sa pagkakasabi niya. Hindi ko alam kung ano iyon. Pero ang sinabi niya, magandang solusyon sa nangyayari sa akin ngayon.

Alam ko na maaasahan ko siya lalo na sa mga sitwasyon na gaya nito.

Marami man kaming hindi pinagkakasunduan. Madalas man kaming mag-away. Mga pagkakataon nagagalit kami sa isa’t isa. Isang bagay ang hindi nagbabago: He was always there for me.

Ang suggestion ni Ji Yong ay tumira ako sa bahay niya. Dahil mag-isa lang naman ako sa apartment ko. Si Josie hindi naman siya stay in sa akin. Ang kapatid ko busy sa pagte-train kay Rain. Ang papa ko nasa Pilipinas at ang mama ko naman…

One year ng wala ang mama ko. Hindi man lang niya nakita ng mag-debut ako bilang singer.

Technically mag-isa ako ngayon. Kung titira ako kay Ji Yong magandang idea iyon kaso masyadong risky.

Natatakot ako para sa sarili ko.

Natatakot ako para sa puso ko.

Hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari sa akin kapag magkasama na kami ni Ji Yong sa bahay niya.


Nakasakay na kaming lahat sa van papunta sa bahay ni Ji Yong. Magkatabi kaming dalawa sa sasakyan. Tahimik si Ji Yong nakabaling lang siya sa bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ng mga sandaling iyon.


Ng makarating kami sa apartment ni Ji Yong ay napamangha talaga ako. Sobrang linis ng apartment niya. Bawat sulok ng apartment ay napakalinis. Nahiya naman ako dahil hindi ganoon kalinis ang apartment ko.

“Noona! Kanina ka pa nakanganga diyan! Na-amazed ka sa sobrang linis ng apartment ni Ji Yong?” sabi ni Seung Ri. Habang dala-dala nito ang anim na bags na mga gamit ko.

Tinulungan ko si Seung Ri magbuhat pero dahil sa sobrang bigat ng bawat bag ay ibinbaba ko kaagad at sa paa ito ni Seung Ri bumagsak.

“Awww…”

“Sorry, Seung Ri, Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Dara dito.

“Bakit mo siya tinutulungan. Hayaan mo siyang buhatin lahat ng `yan. Parusa niya dahil sinuntok niya ako kanina.”

“`Yong pumasok ako sa kuwarto mo kanina, kala ko may ginagawa siyang hindi maganda sa ‘yo.”

Hindi yata maganda ang topic na pinag-uusapan ngayon. Awkward sa akin ‘yong nangyari kanina lalo na ng makita ako ni Ji Yong na naka-nighties lang.

Kailangan ko ng kalimutan ang nangyari na iyon. For the rest of my life!

“`Yong tanong mo kanina Seung Ri kung na-amaze ako sa bahay ni Ji Yong. Actually hindi,” sagot ko para maiba ang usapan namin.

Inilibot ko ang apartment at tiningnan kung gaano kaganda at kalinis ito.

“Siguro pinalis ito ng may-ari bago tayo dumating dito,” sabi ko para makalimutan na ang topic kanina.

“Hindi ahh Noona! Siya talaga ang naglilinis ng apartment na ito,” sagot ni Seung Ri habang bitbit pa rin ang mga bag.

“Siguro ngayong araw lang.” Hindi pa rin ako naniniwala na si Ji Yong talaga ang naglilinis doon.

Nakatingin lang sa akin si Ji Yong habang nakaupo sa sofa. Tinitingnan niya ang bawat kilos na ginagawa ko.

Uhmm…

Kung makatingin siya sa akin kala mo naka-nighties pa din ako up to now! Erase! Erase! Erase!

“Saan ang confort room?”

“Speaking of comfort room. Isa doon sa kitchen at isa malapit sa living room. At mayroon din sa room ko pero doon sa magiging kuwarto mo wala kaya ang gagamitin mo alin doon sa dalawa pang comfort room.”

“Anong klaseng apartment ito? Hindi kompleto… tsk!”

“Hindi pa niya ito pinapa-renovate dahil nagse-save siya para sa wedding niyo,” sagot ni Seung Ri.

Hanggang sa loob ng CR, naririnig ko pa rin ang pag-uusap nina Ji Yong at Seung Ri.

“Pati na rin sa honeymoon niyo at sa future little Ji Yong and little Dara…”

“Ibaba mo na nga ‘yang mga bag, Seung Ri.”

Hindi ko mapigilang kiligin. Nai-imagine ko na may little Ji Yong at Dara.”

Nag-iilusyon ka na naman Dara!

Bago lumabas ng CR dinouble check ko muna kung maayos na ang sarili ko bago humarap kay Ji Yong. Paglabas ko ng CR dumeretso ako sa living room at nakita kong natutulog na si Ji Yong.

Natawa ako dahil humihilik din pala ang mga MONSTER na gaya ni JI Yong.

Kahit pa medyo nakanganga si Ji Yong ay cute pa din ito.

…cute snoring monster.

Kailangan ko ng masanay dahil makakasama ko na siya sa iisang bahay.


Bigla ko na naman naalala ang sinabi ni Ji Yong sa akin.

“Live with me, Dara Park.”

Pero hindi ko ma-imagine na sasabihin mo sa akin ‘leave me, Dara Park.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kapag sinabi mo sa akin iyon.

I wished hindi iyon mangyari sa amin ni Ji Yong.

I prayed na hindi niya ako iwan.

Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon.


Habang nag-iisip ako nang malalim, nakamasid lang sa akin si Seung Ri mula sa kitchen.

He patted Gaho inside it’s cage, “It’s now in your hands, Gaho. Do your best to make this two fall in love, fast. Before it’s too late. Before...”


Gaho barks.


“Don’t worry. I’ll help you. I’m still your owner’s best slave,” Seung Ri said with determination in his voice.


To be continued...


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE