Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Half Of Me

Image Description KallieRuiz   |   14 January 2019


young innocent love with a psychological twist..they were 17 and in love until life pulls them apart...will they find their way back into each other?

#Naya

"Galingan mo mamaya, okay? Make me proud." Sabi ko kay Maya habang nagmamaneho papunta sa venue ng audition na sasalihan niya.

"Sus, ako pa ba? I always make you proud." Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, binangga kami ng truck. Sumubsob ako sa manibela, umikot ang kotse, ang mundo; ramdam ko ang mainit na likidong umagos mula sa noo ko; hanggang sa magdilim ang lahat.

Humihingal na bumalikwas ako ng bangon. Namamawis ako at basang-basa ng luha ang mukha ko. Napanaginipan ko nanaman si Maya!

"Maya..." naninikip ang dibdib na hikbi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako makahinga. Kailangan kong kumalma.

Bumaba ako mula sa kama at nagpunta sa banyo. Naghilamos ako para mahimasmasan ako; saka ko dinukot ang gamot ko sa medicine cabinet. Uminom ako ng isang tableta.

Nanghihinang bumalik ako sa kama at nagtalukbong sa ilalim ng kumot, tahimik na umiyak.

Maya is dead. Dead.

No! No ! No!

Pero 'yon ang katotohanan...

Napaiyak ako. Nang mamatay si Maya, namatay din ako. Dahil sa labis na pagdadalamhati at guilt, mas nilayo ko ang sarili ko sa mga tao. Gusto kong laging mapag-isa.

Sa umpisa, ayaw kong maniwala na wala na si Maya so I tricked my mind. I made myself believed that Maya was never gone. So I would talk to her as if she was still alive. Maraming beses din akong nag-sleepwalk. Kinabukasan, natatagpuan ko nalang ang sarili ko sa kotse ko. Maybe because in that place, pakiramdam ko kasama ko pa rin si Maya.

Nang nabubuhay pa si Maya, madalas kaming mag-soundtrip sa kotse namin. Habang papunta kami sa school, sa mall, o kahit saan. We bonded through music. Ako ang number 1 fan at supporter niya sa pangarap niyang maging singer/performer balang-araw. I believed in her. Always. Kahit ngayon na wala na siya.

But Maya is gone. Forever.

Hindi ko na uli mapapakinggan ang napakaganda niyang boses maliban sa recordings na nasa laptop at cellphone ko. Hindi ko na siya makakausap, hindi ko na maririnig ang tawa niya, hindi ko na makikita ang kinang sa mga mata niya. My precious twin is gone. At kasalanan ko 'yon...

Lumakas ang iyak ko habang yakap ang mga tuhod ko sa ilalim ng kumot.

My conscience is burning my insides like acid every second of my life. At nakikita ko rin 'yon sa mga mata ni mom. She blames me, too. I can still hear her hateful words clearly in my heard. Every word a dagger to my soul.

"Sinabi ko na kasi sayo, Naya, na tantanan mo na 'yang pagsuporta sa kakambal mo sa mga mga audition-audition na 'yan, di ba? Kasi matutulad lang siya sa tatay niyo! Dahil walang napuntahan ang pinangarap niyang music career, nilulong niya ang sarili niya sa alak hanggang sa magpakamatay siya! Ilang ulit ko na bang sinabi 'yon sayo, ha? Pero anong ginawa mo? Hindi ka nakinig sa akin. Tingnan mo ngayon ang nangyari! Nang dahil sayo, ng dahil sa katigasan ng ulo mo, namatay ang kakambal mo! Namatay ang anak ko!"

All I could say that time was sorry. Because I really was so sorry. Ginusto ko lang na matupad ni Maya ang pangarap na pangarap ko rin. I want her to reach her dreams, to shine and be the brightest of stars. Pero tama si mom, may kasalanan ako sa pagkamatay ni Maya.

Days passed slowly and passively. Mom and I drowned ourselves in grief. Mom kept herself busy in her dental clinic, barely even talking to me 'pag nasa bahay siya. Ramdam ko ang galit niya sa akin. Sinusubukan akong kausapin ni tito Dan pero pinagtatabuyan ko siya.

I don't want to talk. Gusto ko lang mapag-isa. Madalas akong tahimik at tulala. Ang bestfriend kong si Haley nalang ang nagtitiis sa akin.

Haley would try to cheer me up. Sinasamahan niya ako sa bahay, nagdadala ng paborito kong pagkain at DVDs na papanoorin namin. Niyayaya niya akong mamasyal, kumain sa labas. Pero hindi nakatulong.

Time didn't even help.

Sabi nila, unti-unti ring mawawala ang sakit sa paglipas ng mga araw. Pero kabaligtaran ang nangyayari sa akin. As time passes by, mas lumalalim ang kirot, dalamhati at pangungulila.

I miss my twin so much...

______________

As usual, napapatingin sa akin ang mga tao saka napapailing habang naglalakad ako palabas ng mall. Others look at me with disgusting look on their faces. Dinedma ko nalang. I don't fucking care what they think about me.

Naka-black ako mula ulo hanggang paa; nakasuot ng black choker; black eyeliner at black lipstick. If they hate what they see, I don't give a bloody fuck. Who told them to look anyway? Choice nila 'yon.

"You're beautiful just the way you are, twinny." Narinig ko bigla ang boses ni Maya.

Napasighap ako, naputol ang pagmumuni-muni ko dahil biglang may humablot sa braso ko at hinila ako mula sa daraanan ko.

"Ano ba!" I screamed, irritated and hurt. Hinarap ko ang lalaking nakahawak pa rin sa braso ko. He's tall and lean and toned and intimidating. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Wow, those sneakers are obviously expensive. Even that blue jeans and that button-up shirt; including that cap on his head. Dahil sa cap, hindi ko agad nakilala ang mukha niya.

But then when I studied him carefully, I realized who he was. I recognized every angle because I've seen that face on tons of magazines before.

He's Caleb Fucking Ross-my twin's super duper crush. The most beautiful boy in her eyes. Her heart. Her soul.

Napakurap ako para masigurong totoo ang nakikita ko. Si Caleb nga ang kaharap ko ngayon!

Napatiim-bagang ako nang maalala ang pananakit ni Caleb kay Maya noon. Pinaasa at sinaktan niya ang kakambal ko. Pilit tinago ni Maya, pero alam kong sa mga lumipas na taon, naiisip pa rin niya si Caleb. And she died hurting. She fucking died hurting because of this jerk!

So the jerk is back in the country, huh. Maya would have been happy to see him back.

I remember my twin sister's dreamy eyes tuwing pinagmamasdan niya mula sa malayo si Caleb dati, tuwing nakukwento niya sa akin ang binata. Her eyes filled with love, longing and admiration. Dreamy eye- in-love that I will never get to see ever again.

I hate this guy for hurting my beloved beautiful twin. I fucking hate him!

"Are you all right, miss?" tanong ni Caleb, his voice a little bit hoarse and raspy. Kung hindi ako galit sa kanya, maa-appreciate ko siguro ang boses niya. Buo at lalaking-lalaki ang dating. But I hate him so I hate everything about him including his voice. He's ugly. The ugliest man in the world. "You're walking like a zombie. Had I not stopped you..." he glanced around us. Malapit kami sa dinadaanan ng mga sasakyan.

Had he not stopped me, baka nabundok na ako ng sasakyan. 

Wala na naman ako sa sarili ko kaya hindi ko nanaman namalayan ang paligid ko. I was just walking, walking without being aware of my surroundings.

"Thanks." Napipilitang sabi ko. I don't want to thank this jerk. I want to spit on his ugly face instead and tell him what a bastard he was for hurting my sister. My beautiful twin sister na walang ibang ginawa kundi pagpantasyahan siya, mahalin siya.

Hinila ko ang braso kong hawak pa rin ni Caleb. Na-concious ako kasi titig na titig siya sa akin, as if he was trying to read my soul. Maybe it felt that way because he has nice eyes, natural na nakaka-melt makatitig. No wonder my twinny fell hard. But shit, I don't want to admit that. Agad kong pinaalalahanan ang sarili ko. This boy is ugly. Ugly as hell.

"Hey, are you all right?" tanong sa akin ng magandang babaeng kasama ni Caleb na noon ko lang napansin.

"Yeah, I'm fine." Sinulyapan ko si Caleb bago ako dali-daling lumayo. Pero dahil nawindang ako sa nangyari, may nabangga akong babae. "Sorry, sorry!"

"Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo, Miss!" inis na sita sa akin ng babae.

Nairita ako. "Ikaw 'tong nagti-text habang naglalakad, bitch!"

Namula ang babae, naningkit ang mga mata. "Well, mas bitch ka! Nakita mo palang nagti-text ako, dapat umiwas ka na!"

"Anong tingin mo sa sarili mo, si Queen Elizabeth? Ako ang maga-adjust sayo? Kapal mo." It's such a waste of time na makipagtalo sa kanya kaya umalis na ako.

"Bitch!" pahabol ng babae.

I lifted my middle finger without even bothering to look at her.

______________


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018