Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My James Dean Season 1

Image Description frattibella   |   09 March 2020


Social climbers in love

NAGDAAN ANG ILANG araw at lalong tumindi ang obsession ko sa pagtuklas sa buhay ni JD. Sa ilang tapings na magkasama kami, ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng pansin o binati man lang sa set.


I feel so nadedma to the max! Hindi ko akalain na magiging ganito kasaklap ang buhay ko sa piling ng isang James Dean Ferrer. That also explains why Scarlet couldn't hold her laughter upon hearing what I just reported.


Mas lalong tumriple ang pagkabwisit ko at pinagtaasan siya ng kilay. "Okay? So, it's funny na pala, ah? I don't wanna continue this crap, bitch! Bakit kasi ako pa ang napili mong patrabahuin niyang revenge plans mo against JD?" Nakakapagtaka naman kasi talaga. Bakit ako? Oo, social climber lang ako, pero hindi ako desperada para makakuha ng atensyon. Madalas madali ko lang nakukuha ang atensyon ng kahit sino. But JD is different.


The second time we had taping, halos mangapa ako sa eksena because it's more touchy than the first taping. Kinuhanan namin ang pinaka unang scene ng movie. The scene was my character is being chased by an Arabian National, bumbay kumbaga. Marami kasing pagkakautang itong character ko kaya gano'n na lang kung tumakas sa mga bumbay. Nakikipagtakbuhan ako sa mga pangit na extra at sa dulo ng eskinita, mabubunggo ako sa character ni JD. `Di ba, ang sweet?


Pero nunca! Sa mga panahon na `yan naging komedyante akong aktres. Bwisit kasi `tong si JD, hindi makuha ang timing ng pagdating ko. Para akong tanga na naghihintay sa tao na bubunggo sa akin. Napakahilaw ng scene! Buti na lang ilang beses iyon pinaulit ni Direk Bim, hanggang sa officially, sa take 7, nagkapasa na nga ang braso ko kakabunggo sa dibdib ni JD. Kung hindi nga lang sa gusto ko rin ang mabunggo ro'n sa dibdib niya, baka nasigawan ko na siya sa sobrang inis.


"Cut!" cue na iyon ni Direk Bim para ideklara na tapos na ang eksena at wala nang lilinisin. Pagkatapos na pagkatapos no'n, agad ding tumalikod si JD para bumalik sa upuan niya sa set. `Kagigil, `di ba?


Doon ko na-realize na sobrang cold niya, as in double dead cold. Ibang-iba kasi ang pakikitungo niya pagdating sa akin, pero kapag kasama na si Gaia sa eksena o sa taping, super sweet siya sa babae. Parang nakakainsulto lang, eh. Ako `yong star! Ako `yong bida na katambal niya pero sa ibang katrabaho siya sumasama! Bwisit!


"Bitch, I can't tell you muna. Mawawalan ng saysay ang lahat kapag sinabi ko sa  `yo, noh! I'm just enjoying the first encounters." Scarlet continued to laugh and puffed another from her cigar. "May press con at birthday kayong pupuntahan nila Direk Bim. JD will be there. For sure, makaka-score ka na ng 'hi' sa kanya. Of course, Gaia will be there, but you can have your way in eliminating her, right? Just do everything to capture his attention, bitch."


Napailing naman ako. "Kinakabahan na ako lalo habang tumatagal na gusto ko siyang mapansin ako. Kung hindi ko na lang kaya pansinin?" paghahamon ko. Sabagay, may motto rin ako sa buhay na kung ayaw magpahanap ang isang bagay, huwag ko nang hanapin para kusang lilitaw. Baka sa pagkakataong `yon, mapansin na ako ni JD. Ano ba kasing wala sa akin na hindi ako mapansin-pansin no'n? Maganda naman ako, big catch pa!


Napabuka ang bibig ni Scarlet at nag-form ng "o". "You're so brilliant, noh? Why not try that, pero kung `di effective, pikutin mo!"


"Eww! Bitch, nakaka-goosebumps ang mga suggestion mo. Kapag hindi na ako pinansin ni JD, I will definitely stop this nonsense!"


*****


Araw na ng event. Abalang-abala ako sa pagpapaganda sa sarili. Nagsuot ako ng emerald green body-fitting dress na turtle neck. Hantad ang shoulder blade ko at pagdating sa braso, may manggas na. Hanggang tuhod ko ang dress at sobrang fit nito sa akin. I brushed my hair up at naglagay ng spray gel para ma-achieve ko ang mala-Kardashian look ko. Smoky eyeshadow at dark red lipstick. Defined din ang cheekbones ko sa contour na nilagay ko. Sanay na sanay talaga ako sa pang-kontrabidang mukha. Hindi kasi talaga mabait ang hitsura ko.


Pagdating sa venue, sobrang aligaga na ng ibang taga-media, lalo na nang lumabas ako mula sa sasakyan at nagsimulang lumakad sa red carpet. All cameras flashing to my face. Lahat sabay-sabay nagsasalita at gusto akong ma-interview, but I just smiled my prettiest smile while doing my catwalk.


Sa loob, nagsisimula na ang event at lahat ay may kausap. Sa mga ganitong pagkakataon, mas marami na dapat ang lumalapit sa akin ngayon, pero napapansin ko na lahat ay nakatingin kay JD. Lalo akong naiinis dahil doon. Paano eh nakahawak na siya sa likod ni Gaia. Pakiramdam ko hindi na ako ang bida sa movie at sa event. I felt so alone, kung sana dinala ko na lang si Scarlet sa event, baka hindi pa ako na-OP sa loob.


I tried my best not to frown and bitch out my killer brows, pero hindi ko talaga maiwasan ang mainis kay Gaia. Why is she ruining my plans? Sino ba siya sa inaakala niya?!


I sighed frustratedly.


"Mind if I join you in your table?" Isang boses ang bumasag sa pagku-curse ko sa isip. Napalingon ako at nakita ang isang pamilyar na bulto ng katawan.


I suddenly smiled. "Yeah, sure."


Inilapag ng bagong dating ang drinks na dala at binigyan din ako. "Ako nga pala si—"


"Jaxx Ramos," pagtatapos ko.


His eyes grew bigger in surprise. "You know me?"


"Of course! Everyone knows you..." lalo pa't isa ka sa dapat na target ko to fame! I'm just hell stuck with JD as of this moment.


"I'm so flattered," he, then, laughed. "I haven't seen your boyfriend around. I mean—may kasama ka ba?" pag-iiba niya.


"Oo, meron. But he's too busy with Gaia. I'm beginning to assume that he's cheating on me," I said as I pouted my lips. Way to go, Lola! Umarte ka para may score ka na kay JD!


"Really? You're with JD? At bakit hindi ka niya kasama?" He's starting to get emphatic.


I continued the pouting and started to point my sexy finger toward JD's direction. Napasunod naman ng tingin si Jaxx at nakita ang tinutukoy ko.


"Wait lang, Lola. I'll call JD and tell him to stop flirting. Dapat hindi ka niya ginaganyan. Hay naku..." Napapailing siya habang papaalis.


OMG, Lola! You're so smart ass bitch, dapat sa `yo ina-award-an ng pagiging matalino sa mga plano mo. Tingnan ko na lang kung hindi pa umubra `to sa `yo, James Dean Ferrer. Humanda ka!


As if on cue, biglang nagkagulo sa hanay nila JD at Gaia. I can't help but to hide my laughter at the sight of them. Hanggang sa nakita kong walang nagawa si JD na nagpapatangay sa pagkakahila ni Jaxx mula kay Gaia.


Ano ka ngayon, Gaia?!


"There you go!" Nagulat pa kaming dalawa ni JD nang itulak siya ni Jaxx papunta sa akin at ito pa ang nag-akay ng braso ko sa braso ni JD. "Sa susunod na makita kitang nanlalandi ng ibang babae bukod kay Lola, I will definitely punch you on the face on live camera," pagbabanta pa ni Jaxx sa kanya.


Natawa naman ako. "Jaxx, relax. He's not gonna do it again. `Di ba, honey?" I smiled sweetly to JD. Nakita ko ang munti niyang pagsulyap sa akin na kaagad ding binawi at napatitig muli kay Jaxx. He's with his stiff stance again, like a sculpture—so emotionless.


I know JD will not protest with this scene. He'll definitely like it and start regretting for not doing the first base since day one.


At last... the big catch is with me...



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019