Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My James Dean Season 1

Image Description frattibella   |   18 March 2020


Social climbers in love

“PWEDE BA NAMIN KAYO MA-INTERVIEW, MISS LEE AND MR. FERRER?” Matapos umalis sa harap namin ni Jaxx ay pumalit naman ang isang TV reporter.


Ngiti lang ang iginawad ko at gano’n din si JD.


“Of course! Ano po ang mga questions ninyo?” I said.


Inilahad nito ang isang maliit na microphone malapit sa amin at nagsimulang magsalita. “Ano na po ang score between you and JD Ferrer?”


“Ang totoo—”


“Actually, since naitanong n’yo na rin lang, JD is actually asking me something kanina kung hindi nga lang super dami ng mga kailangang kausapin. But since everyone’s been asking us, aamin na kami. We’re actually been dating for almost two years now, and now I’m engaged!” I exclaimed as I showed a diamond ring on my finger.


Lahat ng tao na nakarinig ng sinabi ko ay agad na napalingon at nanlaki ang mga mata sa direksyon namin. Kita ko rin sa peripheral view ko ang pag-iiba ng timpla ni JD sa sinabi ko. Nanatili lang itong nakaakbay sa braso ko at hindi hinayaan na mapahiya kami.


You will never get out of this mess, James Dean Ferrer. I will definitely be with you `til the end of hell’s wrath.


Nakita ko rin sa peripheral view ko ang pagsama ng timpla ni Gaia mula sa di-kalayuan habang nakatitig sa amin.


Everyone was showing their shocked expressions while I kept my composure intact. Taas-noo akong ngumiti at patuloy na sinagot ang mga katanungan ng paparaming reporters na dumagsa sa harapan namin ni JD.


Sa ganitong kalapit na tanaw, mas napatunayan kong mas napaka-effective ni JD sa pagpapanggap when he tries to nod and affirm my lies without even shaking.


I haven’t had the time to praise his cool face with his newly trimmed hair and shaved mustache and beard hanggang sa kanyang patilya. He’s indeed perfect from head to toe, strong and very powerful in his black tux and shiny high class tictacs. Hindi ako masyadong exaggerated sa pagde-describe sa isang artistang katulad niya but I will no longer deny how his existence affects my whole being. His European ancestors must have put something in his face to make him look like a Greek god in motion in live colour, hot flesh and hard muscles na hindi maitatago sa loob ng kanyang tuxedo. His manly scent screamed dominance and respect. Kahit siguro isang kilometro ang agwat niya sa mga tao, everyone would bow to him before he could reach their normal view sa sobrang laki ng amount ng intimidation ang ibinibigay niya sa bawat tao na makakasalamuha.


JD is a silent giant serpent, a croc and a cunning snake. He can fake everything in front of everybody mapatunayan lang na isa siyang hari. And we are all his willing slaves.


“I think we have answered all of your questions for today. I should probably give my fiance a rest. She’s quite exhausted because of the event. Mind if we escape for a while?” Nagulat man sa sinabi ng katabi ko ay agad na lang akong nagpatangay sa kanya nang marahan akong hilahin palayo sa mga tao. Dinig ko pa ang patuloy na pagpupumilit ng mga tao na makapanayam kami pero may mga lalaki nang humarang sa kanila.


Isang lalaki pa na naka-tuxedo ang lumapit kay JD at binulungan.


“Kayo nang bahala sa mga `yan. May gagawin lang muna ako. Just talk to Direk that I have to leave early for an emergency,” sagot naman ni JD dito.


Hindi pa mawala-wala ang ngiti ko sa labi pero ang dibdib ko parang sasabog na sa sobrang kaba. Ano kayang gagawin sa akin ni JD? Will he be mad because of what I did? Will he kill me?


Ang daming tanong ang biglang sumulpot sa isip ko sa mga oras na `yon dahil sa sobrang kaba na nadarama.


I know that I pushed too much my luck out of the limit, but it’s the only way to get to JD’s attention. Walang mangyayari sa misyon ko kung tutunganga lang ako sa harapan niya at patuloy na mangapa sa mga susunod na eksena sa taping.


Nagpatuloy ang panghihila ni JD hanggang sa mapunta kami sa harap ng mamahaling sasakyan niya.


Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko nang huminto kami doon. Nagkatinginan kami saglit ni JD saka ko narinig ang kanyang boses.


“Sakay…” Sa boses pa niya, halata ko na ang kanyang galit. Who wouldn’t? I just ruined his shady plans toward Gaia. That’s my second mission after getting in to his life. I have to find out kung totoo ngang pareho kaming social climber.


Pero infairness naman sa social climber na katulad niya, ha? May sarili siyang high class sports car. Ilang model na kaya ang nakolekta niya? Talaga bang social climber siya? Parang hindi ko mapaniwalaan ang mga akusasyon ni Scarlet sa isang James Dean Ferrer. Parang hindi makatotohanan.


“Didn’t you hear what I just said?” I stopped at the trail of my thoughts when JD spoke again.


“Ha?”


“Ang sabi ko ‘sakay’…” Halata sa boses niya ang pagtitimpi. Naramdaman ko bigla ang paglamig ng paligid at agad na tumalima sa utos niya.


Sa loob ng sasakyan, tahimik na lumipot siya sa driver’s seat at binuhay ang makina.


“W-wala ka bang sasabihin?” pag-uumpisa ko. I know it’s a lame start, pero iyon lang ang tanging paraan para mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa. I feel the suffocation inside the car as he started to be very silent.


“Ano bang pangalan mo?”


Hindi makapaniwalang napalingon ako sa kanya. “H-ha?”


“Does making me speak makes you a deaf ?” he spat at me.


“No… Because I don’t believe you’re that stupid for forgetting my name kahit magkatrabaho na tayo at magkatambal pa. How dare you?!” Grabe lang, ha?! Ako kilalang-kilala ko siya pero ako hindi niya ako kilala? I don’t believe this!”


“How dare me? Ako ba talaga ang tinatanong mo ng ganyan? Did you realize what shame have you given me in front of my investors?” Yes, hindi naman lingid sa kaalaman ko na isang negosyante si JD, a very powerful one. He’s ranked 6th most powerful and richest person last year. I know all about him, duh! Hindi pa ba sapat na obsessed akong makuha ang atensyon niya? Medyo sawa na rin kasi ako sa mga sikat na artista na puro casino ang kaabalahan sa buhay.


And so? That’s what you get for not even saying hi to me! Do you ever felt being so ashamed infront of everybody expecting someone to talk to you? gusto kong sabihin, pero pinigilan ko ang sarili. Of course, sino ang tao ang tatanggapin ang napaka-lame kong excuse? It is true that I’m so obsessed with wanting to ride in his fame. Ang suplado niya kasi, eh. Kung ano-ano na tuloy ginawa ko para lang makuha siya at masolo ngayon.


“I-investors?” iyon na lang ang napili kong ulitin sa mga sinabi niya.


“Yes! That event is not just for the movie, but for my business. And yes, thank you very much for runing my birthday! I really don’t like your gift but as a respect, bakit hindi ko na lang patulan instead of shaming you in front of the reporters?” Nagulat ako sa sinabi niya. Mas ikinagulat ko pa ang bigla niyang paglapit sa akin hanggang sa ilang hibla na lang ng buhok ang pagitan namin. Halos nasakop na niya ang upuan kung saan ako nakaupo. “Your gift is invalid without my token of approval. How about I give you that token you’ll never forget?” His voice became low and inviting. I can hear his sharp breathing again as he started to approach my area of responsibility.


OMG. Is James Dean Ferrer about to kiss me right now? No hell way!





  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019