Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My James Dean Season 1

Image Description frattibella   |   27 March 2020


Social climbers in love

NAKAILANG pilit na si Scarlet sa akin kinaumagahan nang bumisita siya sa condo ko sa Makati. I admit, ngayon ko lang naiisip na nakakainis ang kaibigan kong ito. Ang hirap na niyang gamitin sa alta sociadad. Masyado na akong nagagasgas sa mga galaw ko kay JD. Pinipilit kasi ako ni bruha sa nangyari kagabi.


Of course, kalat na sa buong Pilipinas ang nangyari kagabi na rebelasyon, so heto ako at nakatalukbong ng kumot sa loob ng kwarto at ayaw magpaistorbo. Mapilit lang talaga itong bitch na `to at gustong pumasok sa loob. Nagsinungaling pa akong may sakit pero hindi umubra sa kanya. She knew me very well. Well, who can smell liars? Only liars!


“Ano nga kasi ang nangyari, bitch? Dali, kwento mo na kasi!” pamimilit pa nito.


Saglit pa akong umungol para ipagpatuloy ang pagpapanggap na kagigising ko lang, pero ang totoo, hindi talaga ako nakatulog. Kapag naaalala ko talaga ang nangyari kagabi sa loob ng sasakyan ni JD, parang gusto kong sumigaw sa sobrang kahihiyan…


“How about I give you that token you’ll never forget?” JD’s voice became low and inviting. I can hear his sharp breathing again as he started to approach my area of responsibility.


Wait lang. What is he doing?!


Sa sobrang lapit na ng kanyang mukha sa akin, automatic na napapikit ako nang mariin habang naka-cross fingers ang magkabilaang kamay ko.


Handa na ba akong malapa ng isang malaking buwaya? Katapusan na ba ng mamahalin kong matte lipstick at madidikitan na ng nakapanlalambot na mga labi ng isang James Dean Ferrer?


Ilang sandali pa akong naghintay na maglapat ang mga labi namin pero wala akong naramdaman, hanggang sa narinig ko na lang ang roaring sound ng sports car niya at ang pag-andar ng sasakyan. Agad akong napadilat at napasulyap sa driver’s seat.


“Ihahatid na kita sa inyo. Masyado nang gabi…”


I must have been so drunk with margarita during the party. Totoo ba talagang kinakausap ako ni JD sa kalmadong tono?


Nang matantiya na mukhang safe zone na ako, saka ako umayos ng upo at napatungo buong byahe. We both sat in silence as he drove downtown. Ilang saglit lang iyon at agad na huminto ang sasakyan sa harap ng condominium na tinutuluyan ko, not minding the question popping in my head where and how on earth did he know about my address.


Bago pa man ako lumabas ay nagsalita ulit siya.


“Don’t feel superior after what you’ve done earlier. I will make sure your gift will be accepted with pleasure. You want to play games, I’ll give you one. Pasalamat ka may kontrol pa ako sa katawan… go,” he ordered coldly, and I obliged.


Nang makaalis na ang sports car niya, saka ako napabuntonghininga at napapikit.


Shit, Lola. You’re in big trouble…



After the punishing weekends, balik-taping na naman kaming lahat sa team. And as usual, inulan na naman kami ng bystanders sa set. It was a rough day that I had to pay for an ambulance just to drop me out of the traffic jam. Madalas na talagang escapade ang ambulance for an actress like me. Plus, the last week’s headline about me and JD is creeping the hell out of me. Kung dati ay sanayan lang ang labanan sa mga kontrobersya at sa mga makukulit na reporters, ngayon mas triple pa ang horror sa akin dahil sa nagagawa ng pangalan ni JD. Now, I’m really riding on his fame.


Kahapon kasi, napuno ang schedule ng manager ko dahil sa dami ng brand companies ang gusto akong kuhanin bilang endorser. Kahit hindi maganda ang timpla ng manager ko sa ginawa kong eskandalo last week, Tita Jet was still thankful that finally I’m on the spotlight. Natatabunan ko na halos ang ibang artista sa TV dahil sa ginawa kong ingay patungkol sa amin ni JD, and I’m really thanking him for not opposing my plans. Biglang nawala sa isip ko ang plano na malaman ang totoong pakay niya kay Gaia Lopez. I’m just enjoying the fame, for now.


We’re about to shoot the second quarter of the scenes of the movie. As usual, more intimate moments with JD, again. This time, mas maraming verbatim sa parteng ito. Although I have rehearsed a dozen of times for my parts, it’s still not working. I’m an actress. And I’m more of the extrovert than being an introvert pabebeng actress. I need someone to reinact the parts for JD but he’s nowhere to be found. Nasa kasagsagan ako ng paghahanap sa PA ko para maging proxy ni JD sa rehearsal ko, nahagip ng mga mata ko si Jaxx.


I was quite surprised na nasa set siya. I suddenly stood up and asked Direk. “What’s Jaxx doing here, Direk?”


“Ay si Jaxx? He’ll play the part of Gary sa movie.” Gary is the love interest of Jenny, my character. So, si Jaxx ang magiging karibal ni JD as ‘Franz’ sa movie? This is nice!


Agad akong lumapit kay Jaxx at kinawayan siya.


“Hey, Lola! I’m so glad makakatrabaho na kita. By the way, congrats sa engagement ninyo ni JD. Okay na ba kayong dalawa?” bungad na tanong niya sa akin.


Nag-pout na naman ako. “`Yon nga eh wala siya dito. I’m having trouble with my script. Kami na susunod na sasalang sa camera but I’m not quite sure if I’ll deliver this right since it’s more verbatim than actions eh. Can you help me practice my lines? Pretty please?” Nag-puppy eyes pa ako sa kanya para mas effective. Kapag ganitong lumilitaw si Jaxx sa buhay ko, nagla-light up ang imaginary bulb ko sa ulo.


“Sure! Nandito pa lang naman ako para i-receive ang script ko from Direk kaya I can help you.” He smiled.


“Yay! Thanks a latte, Jaxx.” Hinila ko kaagad siya pabalik sa upuan ko sa set at binigay ang isang spare script ko sa kanya. “Dito tayo, dali!”


The rehearsal went well. May mga itinuro rin si Jaxx sa akin na effective gawin para mas maging makatotohanan ang lines ko against JD’s lines. Remembering that I should forget my maarte accents and all the English fluency inside of me. We were like that for almost 15 minutes hanggang sa may hindi inaasahang tao na biglang sinapawan ang atensyon ko sa rehearsal.


All from the movie staffs attended to Gaia’s direction. She just shouted at the top of her lungs. After that, biglang sumulpot si JD sa likod ng babae, embracing her with both of his strong and protective arms.


“Snake! Snake!” sigaw pa ni Gaia nang mahawakan na siya ni JD.


Bwisit talaga ang babaeng `to!













  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019