Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




DOSE Mga Tula ng Karupukan Poems of A Brave Heart

Image Description piamore   |   26 May 2020


Labindalawang tula na kinatha para sa lalaking inilayo ng tadhana Kilalanin ang mga salita ng kasiyahan at pait ng kalungkutan

Lihim Ng Liham

Di ko talaga alam kung pano ko sisimulan itong liham na makabuluhan.

Ikaw ba ay susulatan nang tula o magpapatuloy sa pag gamit ng salitang nakaayos sa mga parirala?

Sa araw nang mga puso nais kong maisulat tunay na pagsinta kaya ako ngayon ay nag ubos na ng tinta.

Heto nga't ako'y di pa rin makapaniwala na damdamin nati'y pag iisahin pala nang tadhana.

Di ko akalain na ako ay iyong mamahalin nang mga panahong sinukuan na kitang abutin.

Akala ko ay di sapat lahat nang gabi at umaga na inilaan upang samahan ka sa iyong pakikipagsapalaran.

Akala ko ay di na maibabalik pa ang samahang nabuo mula sa kwentuhan at kalokohan.

Akala ko ay di ka magiging matapang na tunguin ang daang binuksan nang kapalaran.

Kaya,

Salamat at pinili mong hawakan ang aking kamay, ngunit pakiusap na huwag mo itong bibitawan.

Salamat at pinili mong ilaan ang mga ngiti mo saakin, ngunit pakiusap sana ika'y manatiling masaya sa aking piling.

Salamat at pinili mo na ako'y yakapin, ngunit pakiusap na sa panahon nang kapighatian ipangako na ika'y uuwi parin sakin.

Salamat at pinili mong alagaan ang aking puso, ngunit pakiusap ilang beses man itong mabasag at dumugo patuloy mo itong gamutin - huwag kang sumuko.

Mahal, Mahal kita.

Makakaasa na ika'y patuloy kong susulatan nang tula.

Na patuloy na aawitan nang mga himnong pagsinta.

Na tanging ikaw ang bubuo nang mga dadaan na araw sa aking buhay.

Na sa iyong mga gabi't umaga'y makakasama sa luha man o sa saya.

Na ako'y patuloy na maniniwala sa iyong mga nais marating.

Na sasamahan ka hanggang maabot mo lahat na iyong pangarapin.

Ako'y mananatili sa iyong tabi. Kasama mo sa mga araw at gabi nang iyong bawat pagbangon. Ako'y mananatili.

At ipinapangakong sabay nating sasalubungin ang umaga nang magkahawak ang kamay nang mahigpit na ang tala at buwan ay di na sumasalungat sa ating pag iibigan.

Alam natin na mahirap.

Alam nating pareho na hindi magiging madali ang laban nang ating mga puso.

Ang ating pag-ibig ay hindi katulad nang sa mga pahina nang libro.

Hindi magiging madali.

Marami sila na magbabato nang salita't matutulis na tanikala.

Ngunit lagi mong tatandaan na hindi naging mali na mahalin natin ang isa't isa.

Marahil mali ang panahon ngunit pag ibig nati'y nasa tamang pagkakataon.

Aking hiling na sana ay patuloy tayong magkahawak nang kamay hanggang sa dulo na maiisisigaw natin sa mundo na tayo ay tama.

Sana ay makaabot tayo sa tamang panahon na di na kailangang magtago sa lilim nang buwan - Tamang panahon sa ating pinagtagpong kapalaran.

Ito ay magiging masakit, mahirap at madugo ngunit alam kong tayo'y parehong di susuko.

Mahal,

Kung dumating man ang araw na bigla mong maramdaman na hindi pala ako ang iyong tunay na mahal

Na hindi sapat na ako ang iyong maliwanag na buwan sapagkat matagal ka nang nakatitig sa mga maningning na tala

Na baka hindi naman pala ako ang tibok nang puso mo sapagkat may dati na itong laman nang matagal

Na baka ipinilit mo lang na ako'y piliin at sadyang natuwa lang sa aking himig at mga lihim

Na baka nalunod ka lang sa mga alon na dinala ko sa iyong kalmadong dalampasigan

Na baka pinaniwala mo lang ang iyong puso dito sa ating pulang pag ibig sapagkat ayaw mong masira ang inyong gintong tali

Na baka iba naman pala ang isinisigaw nang iyong isip, siya na hindi mo kayang iwan kahit na sa iyong panaganip

Ika'y aking papatawarin. At sarili ko ay handang palayain.

Masakit, Madugo.

Matatanggap ko,

Kung hingiin mo man na ika'y aking bitawan sapagkat hindi ko kayang hawakan ang bulaklak na iningatan mo sa iyong bakuran

Sapagkat ito ay puno nang tinik at ako ay dati nang nagdurugo sa kapighatian

Patawad sapagkat kung sabihin mo mang ika'y aking iwan at kalimutan,

Pipiliin kong mahalin ka nang walang imik sa sulok nang sakit at pighati

Kung ang panahon mang ito ay dumating, masaya akong maligaya ka kahit iba ang iyong kapiling

Isa lang ang aking hiling huwag mo akong kalimutan.

Mahal,

Kakayanin ko ang mga gabi na hindi ikaw ang kasama, titiisin ang mga oras na papatak nang wala ka

Lagi mong tatandaan na sa araw-araw na pagharap ko sa umaga ang puso ko'y sayo parin gigising at sasaya.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019