Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

Page 5

Dear Diary po,

Today is March 4, 2002 po.

Birthday ni Ate Shane po. Ate ko po. 10 years old na siya po.

Sorry Diary po. Nawala kasi kita po. Ngayon ka lang nagpakita po. Gusto mo bang makipaglaro sa 'kin ng tagu-taguan po?

Ngayon lang tuloy ako nakapagsulat sa ‘yo po.

Nga pala po. Bagong gupit ako po. Si Ate Shane ang naggupit sa ‘kin po. Gusto niya raw kasi magpatayo ng salon sa future po. Ako una niyang gugupitan po. Praktis daw po. Nilagyan niya ako ng bangs po. Hanggang kalahati ng noo ko ang haba po. ‘Di umabot sa kilay ko po.

Sabi niya, ang ganda ko raw po.

Pero pinalo siya ni mama po. Umiyak si Ate Shane po. Sabi ni mama, mukha raw bunot ang buhok ko po.

Pinagsumbrero ako ni mama papasok sa school po. Grade 1 ako po.

Nahiya tuloy ako kay crush po. Opo! May crush na ako po. ‘Di pala ‘yun juice na may yelo po.

‘Di pagkain po. ‘Di rin bagay po. Tao po. Tao po.

PS: Gusto mo makilala crush ko po? Ang pangalan niya po… Jamie Curz Nengbeyan po.

Umiibig na bata po,
Angelica Bianca C. de Makapili po

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Jamie Curz Nengbeyan? Magkakaroon na lang ng unang crush, ang bantot pa ng pangalan.

Next time, Ms. de Makapili, kapag magkakacrush ka ulit, siguraduhin mong Kudos na ang pangalan.

Kudos ‘di para sa kanya. Kudos ‘di para sa iba. Kung ‘di… Kudos Pereseo.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE