Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Mylabs, today is December 25, 2008!

Merry Christmas!

I missed you.

Mahigit six months na nung huling nagsulat ako sa 'yo. Tagal na 'no?

Maraming nangyari. Tinatamad lang talaga akong magsulat, lately.

Masyado kasi akong masaya sa buhay ko kaya hindi na kita madalas naaalala.

Tinamaan lang ako nung may narinig akong nagsabi na... "Ganyan kayo, eh. Saka n'yo lang ako naaalala 'pag may problema kayo at kailangan n'yo ako."

Eh, wala naman akong problema. Kaya 'di kita naaalala? Nakakakonsensiya tuloy.

Masaya ako ngayon, Mylabs. Sobrang saya ko to the point na natatakot ako.

Sabi rin kasi nila, "Kapag masaya ka, mamaya magiging malungkot ka."

Hindi ko alam kung totoo 'yon. May gano'n ba?

Sana hindi 'yon totoo.

Ito ang mga reasons kung bakit masaya ako ngayon:

1. Umuuwi si papa. Hindi madalas pero the fact na umuuwi siya, I'm happy. Kahit alam namin na may ibang pamilya siya... masaya pa rin ako kasi may time pa rin siya sa 'min. Hindi niya kami nakakalimutan. Sa katunayan... tinuturuan niya akong magmotor. Kami nina Ate Shane at Dale. 'Yung Suzuki na may tank. May clutch. Hindi automatic.

Tapos 'yong kalsada doon sa 'min may mga pataas, pababa at mga zigzag. Ang saya tuloy. Exciting!

2. Third year na ako. At mas naging kaclose ko ang mga kaklase ko. Isang buong pamilya. Walang grupo-grupo. Nalaman ni Rue na crush ko siya dati. Pero hindi naman na 'yon naging big deal kasi wala na rin akong crush sa kanya. I mean, bigla na lang nawala. Hindi na nga ako naiilang sa kanya, eh. Walang ilangan sa 'min. Nagdedicate pa siya ng song sa 'kin dahil nakakatext ko siya nitong huli.

Lips of an Angel by Hinder. Natuwa naman ako.

3. 'Yung mga kaibigan ko... may mga jowa. Eh, 'di sila na masaya. Haha. Tapos ako... dakilang chaperone nila. At alam mo kung bakit nila ako sinasama, Mylabs? Kasi kapag kasama nila ako sa date nila, wala silang nagagawang milagro. Paano kasi minsan... umalis lang, pagbalik nila namumula ang mga labi.

Hindi na ako inosente, ano. Kaya alam kong hindi lipstick 'yon. Nagtukaan sila. Nagkagatan ng mga labi.

Minsan, may mga namumuong pula sa leeg. Jusko po!

#RatedSPG!

#PornAlert!

4. Si Cristine, may boyfriend na rin. College student din. Criminology ang course sa ibang school. Nakakaloka sila. Iniiwan nila ako sa ere. Lahat sila may mga nakakalandian na, eh. Hahaha.

Kaya palagi nila akong pinupush kay Toni.

Sa kakatulak nga nila, parang gusto ko na lang matisod at magpadapa kasi alam ko namang may sasalo.

Ay hala siya!

#HoyAlphabetAngLandiMo!

5. Speaking of Toni? Gosh! I'm out of words. No coatings. Direct to the point. He's the source of my happiness.

Aaminin ko na, gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Mahal ko na nga yata siya.

Isang text niya lang, napapangiti niya ako.

Isang sulyap niya lang, napapabilis niya ang tibok ng puso ko.

Isang ngiti niya lang, gusto ko rin sabihin ang mga katagang... "I love you."

Gosh! Sorry, Mylabs kung parang nagiging ibang tao ako kapag nakukwento ko siya sa 'yo. 'Wag ka sanang magtatampo o magseselos. Importante ka sa 'kin.

Pero may mga tao talagang darating sa buhay mo na feeling mo wala ka nang hihilingin pang iba... siya lang.

At 'yon ang nararamdaman ko.

Ayoko sa iba. Ang gusto ko siya.

His hair. His eyes. His nose. His jaw. His lips. His smile. His complexion. The built of his body. The roughness of his hands. The size of his feet. I know, he's not perfect. But he's all that I want.

Maybe I sound selfish right now, but I don't know what to do if he'll love someone else aside from me.

'Yung lahat ng effort niya na ginagawa sa 'kin, malulungkot ako kapag nakita kong gagawin niya rin 'yon sa ibang babae.

'Yung wagas niyang pagmamahal na pakiramdam ko... ako lang ang nag-iisang babae sa mundo, iiyakan ko 'yon 'pag biglang naglaho.

Lahat ng tungkol sa kanya, nakasanayan ko na... kaya kapag biglang nawala, ikakabasag ko. Mawawasak ako.

I'm happy right now, but at the same time... I'm scared.

I'm not afraid of Toni and his love for me.

But I'm petrified of the time, myself... and my love for him.

Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako na mas mahalin ko pa siya nang higit pa sa nararamdaman ko ngayon... to the point na masakal ko siya ng pagmamahal ko.

Tama nga sila, Mylabs.

Nakakatakot magmahal.

Kahit nga kay mama... nakukwento ko siya. Palaging si Toni ang bukam-bibig ko. Gosh! 'Di ko mapigilan. Mabuti nga si mama, hindi naman nagagalit.

Sinasabi lang sa 'kin na... "AB, anak, 'ne, malaki ka na... may sarili kang puso at utak. Pinalaki kita nang tama, kaya may tiwala ako sa 'yo na hindi mo papabayaan ang sarili mo at gagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo. Pero 14 ka pa lang, bata ka pa. Kailangan mo pa rin ng guidance. Kung may problema ka at kailangan mo ng kausap... nandito lang si mama."

Napapangiti na lang ako. Ang swerte ko kasi ang babait ng parents ko. Hindi man kami kumpleto. Hindi man laging umuuwi si papa. Hindi man buo ang pamilya namin, sobrang swerte ko kasi busog ako sa pagmamahal.

Hindi ako kulang sa atensiyon.

Maraming nagmamahal sa 'kin.

Umay ka na ba, Mylabs?

HAHAHAHA.

Sorry na! :(

Mahal ko, eh.

Oh, tama na.

Oh ito, sa school... walang pinagbago.

Tuwing exam, palaging ako ang bida. Hindi dahil ako ang source ng mga sagot nila.

Kung 'di dahil... ako rin ang source ng papel.

Mga walang hiya! Exam na exam walang dalang mga papel ang mga loko. Nag-aral pa sila? Ang sarap kurutin sa singit, eh.

At ang masaklap... wala rin silang ballpen!

Natatawa na nga lang ako. Kasi after ng exam ganito madalas ang naririnig ko...

"Putek! Oo nga 'no? Bakit ngayon ko lang nagets? Kung kelan tapos na ang quiz!"

"Ngayon ko lang naalala 'yong nireview ko. Langya!"

"Pucha! Hindi na ako magrereview sa sunod... wala namang lumabas na nireview ko sa exam."

"Uy! Ano'ng sagot mo sa number 3? Parehas ba tayo?"

Oh, well.

Napakatalented nila basta kopyahan.

Eh, 'yung ibang mga kaklase ko, lalo na ang mga lalaki... ang talent lang yata manuod ng porn o scandal. Grabe sila! Tumpukan sila sa likod ng classroom kapag break time para lang mag-porn marathon.

Walang pakundangan kasi mga nakaloud speaker pa. Jusko po!

Ang dami ko tuloy naririnig na mga ungol at iba't ibang klaseng positions.

Kaya minsan nakikinuod din ako.

#HalfInosenteNaLangAko

Gosh!

May naalala tuloy ako, Mylabs. Waaah.

Last week lang 'to nangyari.

Ganito. Nakikinig ako ng music sa earphones habang nanunuod ng scandal sa likod ang mga boys. Nakaupo ako sa upoan at nagsiswing ang isang kamay. Maganda kasi 'yong beat ng music. NakakaLSS.

Kaso nawindang ako. Dumaan 'yong isang kaklase ko. Sa tagiliran ko. Ang masaklap si Rue. Ang mas masaklap... may nahuli 'yong nagsiswing na kamay ko. May nadamba. Malaki. Na biglang tumigas. At tumitibok.

Napatitig ako sa kamay ko... at kitang-kita ko na nakahawak 'yon sa pagitan ng mga pants ni Rue.

Waaaaah! #HeadBang!

Ang lakas ng tili ko. Tapos siya dumaing at nagtatalon. Ilang beses din siyang nagmura. Nakangiwi. Mukhang nasaktan kasi nangamatis ang mukha.

Masakit ba 'yon? Ang lakas pa naman nung pagkakaswing ng kamay ko.

Pero hindi ko talaga makalimutan. Ang laki. At matigas. Pero bakit tumitibok? May puso?

Hala! Alam kong wala. Pero bakit nga tumitibok? Kasi buhay at nabubuhay?

Kasi, 'di ba... mukha 'yong baril? Baka kumasa? Ay hala!

Ilang gabi akong hindi nakatulog nun.

Si Rue 'yon, eh. Dati kong crush.

Siguro kung si Toni ang nagano'n ko... baka hinimatay ako.

Nakakahiya 'no?

#AngLandiMoAlphabet!

Then, last week... nakajacket si Maria Fe kahit ang init.

Pagtanggal niya ng jacket, ang dami niyang hiwa sa magkabilaang pulsohan. Napanganga talaga ako. Sariwa pa! Kung ginalaw nga ang mga hiwa... parang dudugo ulit.

Tapos feel na feel niyang sprayan ng pabango madalas. Mahapdi raw pero masarap. Gosh! Ano'ng trip niya? Kasi uso ang emo? Sabagay, may bangs siya.

Pero kahit na! Delikado 'yon. Nung tinanong namin siya, wala naman daw siya problema. Nag-alala pa nga kami kasi baka may anxiety siya o depression. Ang mga gano'ng tao kailangan ng extra attention.

Grabe kasi, eh. Lyrics ng kanta 'yong sinulat niya sa braso niya. Hindi lang hiwa. Drawing! Ang sakiiiiit nun.

Kaya nung nagbreak... gumawa ako ng tula. Short poem. Pakialamera kasi ako.

Your hands are talented, you'd be a good artist.
So, why did you carve on your wrists?
Use different tint of inks to draw on the paper
Not blade to let precious blood stream from your veins.

If you think you're isolated and depressed, pray.
Nothing beats the power of prayer.
If you think you're despised and unloved, think about God.
If you think you've naught, He's all that you have.

Maybe you have a depression or anxiety that petrifies you to be happy
Still, it's up to you if you'd give the devil his victory.

Saka ko dinikit sa bag niya. Nakita pa ako ni Tintin (Cristine) na nilagay ko, tinawanan pa ako nung mabasa niya. Natawa na lang din tuloy ako. Corny yata 'yung poem na ginawa ko.

PS: Oo nga pala, Mylabs. May date kami ni Toni next year. 2009. Sa pasukan. Date? Oo, date. Gosh! Excited na nga ako. Bigyan mo ako ng maraming lakas at tibay ng loob para makapagpigil ako, ha? Baka kapag 'di ko nakontrol ang sarili ko... masagot ko siya bigla. Hirap na hirap na pa naman akong magpigil ng nararamdaman nitong nakaraan.

Ganap nang dalaga,
AB

*.*.*

Notes to AB:

#10 You always smile and laugh lately, and it makes me happy. Even though the reason behind those smiles and laughter was not me and will never be me.

< Kudos Pereseo >

(Present Time)

HUMAHANGOS AKONG bumalik sa resort. Ilang minuto ko lang yatang tinakbo. Tumigil lang ako nang makita ang mga tukmol at si Steel na naglalaro ng volleyball sa buhangin.

Nandoon din sina Kuya Yuen at Ate Kira... at Hazel at Paris. Pati sina Master at Bossing na busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kamag-anak namin.

Mukhang kanina pa naglalaro ang mga tukmol at wala pa yatang balak huminto. Lumubog na ang araw. Tanging liwanag mula sa mga ilaw sa resort ang tumatama sa basa nilang mga kasuotan. Hindi iniinda ang malamig na simoy ng hangin na tipong sinusulit ang bakasyon.

'Di tulad ko na cellphone ang inatupag mula sa Antipolo hanggang sa dumating dito sa Batangas.

"Saan ka galing?" tanong ni Hazel sa 'kin. Lumapit siya nung makita akong parating.

"Diyan lang. Nagpahangin."

"For three hours?" Pinagmasdan ni Hazel ang mukha ko. "Wait, ba't ka namumutla?"

I shrugged. Kinagat ko ang labi at pinunas ang likod ng kamay sa noo. Hindi na umimik dahil nakita kong nakangisi nang malagkit sa 'kin si Master sa kalayuan. Sinisiko niya rin si Bossing. She's pouting her lips to Hazel. I averted my gaze.

Inisa-isa ko ang mga tao sa paligid. All of the faces here are familiar. Maliban sa ilang mga naglalakad na hindi naman kami pinapansin.

AB's here? Where is she?

Tiningnan ko si Steel na nagvovolleyball. Tumiim ang bagang ko. Pinagtitripan niya ba ako?

Lumapit ako sa kanila.

"Boy, kanina ka pa namin hinahanap. Sali ka na!" sabi ni Risk. Hinatak pa ako sa grupo nila. Magkagrupo sila nina Philemon at Psalm.

Nasa kabila naman sina Steel, Shield, at Kuya Yuen. Nandoon din sina Ate Kira at Paris. Outnumbered sina Risk. Pero 'di naman na nila ako kailangan, 'yong kambal pa lang ayos na.

Hindi ko pinansin si Risk. Lumapit ako kay Steel. Tumigil sila sa paglalaro dahil seryoso ang aura ko. Hinatak ko si Steel palayo. Sumunod ang mga tukmol. Naalarma. Tinawag ako ni kuya pero 'di ako nagpatinag.
"Boy, ano'ng problema?" Pinigilan ako ni Steel na makalayo pa kami. "Nagpupuyos ka yata."

"Si AB..." Hinarap ko siya. Pinalibutan kami ng mga tukmol na parang nag-aabang lang ng mangyayari pero nananahimik lang sa tabi. Kinunutan ako ng noo ni Steel. "Kilala mo siya? N-Nandito siya?"

"Ha? Si AB? Kilala ko?" Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Nandito si AB?!" sabay na tanong ng mga tukmol. Pasigaw.

"Nakng! Pinagloloko n'yo ba ako?" Napahilamos ako sa mukha ko. "Alam n'yo na matagal ko na siyang hinahanap. Gustong-gusto ko siyang makita. Tapos... tokwa! Kaibigan n'yo pala?"

"Kaibigan mo si AB?" tanong ni Psalm at Philemon sa isa't isa. Nakngtokwa! Gusto ko silang bigwasan.

"Boy, kalma. Hindi namin kilala si AB. Kung kilala namin siya, kami mismo magpapakilala sa kanya sa 'yo," mahinahon na sabi ni Steel.

"Wala rin akong kilalang AB, Boy. Minsan ka lang namin makitang ganyan, sisirain pa ba namin?" seryoso ring sabi ni Shield.

Kinuyom ko ang kamao at bumuntong-hininga. Mukha namang hindi nila ako pinagtitripan. Pero bakit? Ang gulo!

"AB?" Kinagat ni Risk ang labi habang hinihimas ang baba. "What's her full name again?"

"Angelica Bianca C. de Makapili," sabay ulit ang kambal. Sinamaan ko sila ng tingin. Tumikhim sila. "'Yun ang nakalagay sa diary, Boy. Pero wala kaming kilalang AB sa personal."

"Then why are you friends on facebook? Lahat kayo mutual friends ko! Mas nauna n'yo siyang maging friend kaysa sa 'kin. In-add ko kayo sa dummy account dahil sabi n'yo para hindi halata na gumawa ako ng isang acct para sa kanya. Tapos friend n'yo pala sa real account n'yo?"

"Damn! Ang oblivious talaga pagdating sa social media," bulong ni Risk na medyo natatawa.

"Ang haba ng sinabi mo, boy. Seryoso ka na nga," natatawang sabi ni Shield. "Totoo 'yung chat mo kanina?"

"Tokwa! Oo. At sineen n'yo lang ako."

"Dahil magvovolleyball na kami. Malay namin na totoo pala ang chat mo," sabi ni Psalm sabay tawa rin. "Pero paano namin naging friend si AB kung 'di namin kilala?"

"Pussycat! Baka stalker natin si AB-" Sinapak ko si Philemon.

Tokwa! Nabibwisit na ako sa kanila pero nagagawa pa nilang tumawa.

Hinarap ko si Steel. "Kilala ka niya, boy. Paano nangyari 'yon? At sabi mo, nandito siya."

"Nandito siya? Kelan ko sinabi?" Katulad ko, mukhang naweweirduhan din siya sa nangyayari.

"Kanina. Sa chat."

"Sa chat? Hindi ako nagcellphone-" Natigilan siya. "Ah, baka si Pards!" dugtong niya sabay ngiti. "Siya lang naman nakakaalam ng acct ko, baka nagbukas kanina at napagtripan ka."

"Si MM?" tanong ng mga tukmol. Tumango si Steel.

Si Magnet. Ang best friend ni Steel.

So, si Magnet ang kachat ko sa acct ni Steel kanina?

Pero magulo pa rin... bakit friends ni AB 'tong mga tukmol kung hindi naman nila kilala si AB? At bakit mukhang kilala ni AB si Steel? Tinawag pa ngang bakal, eh. Sht!

Naguguluhan ako.

"Tawagan ko si Pards," kumapa si Steel sa bulsa. Mukhang naiwan nila ang mga cellphone nila sa resort. Inabot ko ang cellphone ko sa kanya.

Ilang sandali lang, magiliw na hagikhik ng babae ang sumabog mula sa loud speaker ng cellphone ko. "Hello, Kudos! Hi, Pards. Mukhang nandiyan din ang buong angkan. Kumusta Pereseo boys?" sabay tawa ulit.

Mukhang ang saya-saya niya na napagtripan niya ako kanina. Kahit si Steel na kanina ang seryoso... tumatawa na rin ngayon. Tsk!

The effect of Magnet to Steel. Ang tindi. Madikit. Makapit.

"Boys, nahulaan n'yo na kung sino si AB? Alam ko naman na 'yon ang intensiyon n'yo, kaya tinawagan n'yo ako. You know her. Ano ba! Nameet n'yo na siya before. Nakabonding natin sa night swimming sa Laguna. Si Kudos lang naman ang 'di nakakakilala sa kanya kasi 'di sumama," sabay tawa ulit ni Magnet na parang inaasar ako.

Iba't iba ang reaksiyon ng mga tukmol pagkasabi ni Magnet niyon. Lalo ang kambal na nakikipag-agawan ng cellphone kay Steel para lang mas makausap nang maayos si Magnet.

Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksiyon ko. Kilala ng mga tukmol si AB? Kilala ni AB ang mga pinsan ko? Sht!

Nagtatangis ang mga bagang ko. Gusto kong manapak na ewan. Kinuyom ko lang nang mahigpit ang mga kamao at ilang beses bumuntong-hininga para kumalma.

"Ah! Naalala ko na," sabay kaming napalingon kay Risk. Ngumisi siya sa 'kin. Huminto yata sa pagdaloy ang dugo ko. Fck! Not Risk. "Nice choice, boy. Ang chix nun-"

Tinaas niya agad ang kamay nang matalim ko siyang tingnan. "Relax, boy. Hindi tumalab. Sinubukan. Pero ang tibay ng pader. 'Di ko natibag," sabay tawa. Pero tumigil din agad kasi sasapakin ko talaga siya 'pag 'di siya tumino.

"Pussycat! Si Angel?" Nanlalaki ang mga mata ni Philemon. "S-Si Angel si AB?!"

"AB? Angelica Bianca? Angel?"

"Holycow! Si Angel nga."

Angel? AB is Angel? Who's Angel?

Iba-iba na naman ang reaksiyon nila. Hindi ko alam kung sino ang una kong sasapakin. Lalo at naririndi ako sa malakas na tawa ni Magnet sa speaker.

Kumukulo ang dugo ko. Matutuwa ba ako kasi ang liit ng mundo o maiinis? Si AB may mukha na para sa mga pinsan ko. Pero sa 'kin... tokwa!

"Kudos..." tawag ni Magnet. Pero nanatili akong tahimik. "Buhay ka pa?"

"Buhay pa, Pards. Mukhang 'di pa nga lang nadidigest ang mga info. Nag-overload. Naimpatso," natatawang sabi ni Steel.

"Kudos, gusto mo bang makita at makilala si AB? Susunod ako sa Batangas bukas... isasama ko ba, Pereseo?"

"Sige, MM! Isama mo si Angel..." sagot ng mga tukmol na napatalon at napasuntok sa hangin. Mukhang mas excited pa sa 'kin.

Hindi ako nakaimik. Nanigas lang sa kinatatayuan. Bawat himaymay sa katawan ayaw gumalaw. Parang nawalan ng baterya na kahit ang utak ko 'di alam kung ano'ng iisipin. Ultimo ang bawat pagpitik ng mga pulso. Pagtibok ng puso. Hanggang sa pagdaloy ng dugo. Nakakakilabot. Parang magkakalasan mga lamang-loob sa katawan.

Napapailing si Steel na pinagmasdan ang reaksiyon ko. "Maawa ka kay Kudos, Pards. Banggitin mo nga lang ang pangalan... namumutla na. Paano pa 'pag nakita niya sa personal si kulot? Tae! Kung alam ko lang na si kulot si AB. Bakit ngayon mo lang sinabi, Pards?"

Tumawa si Magnet, "Para may thrill. Pero, Kudos. Are you serious? Do you like Angel? Matagal ko nang kaibigan 'yon. Mahal ko 'yon. Kaya kung wala ka namang balak seryosohin-"

"Hoy, MM! Minsan lang umibig 'tong si Kudos. Seriozo... 'yan!" pagputol ni Psalm.

"Oo, hindi 'yan mag-eeffort gumawa ng mga dummy accounts at magstalk kung hindi 'yan... Seriozo," dagdag ni Phil.

"Hindi 'yan gagawa ng mga bagay na hindi niya pa ginagawa sa buong buhay niya kung hindi 'yan... Seriozo," sabi naman ni Shield.

"Really? Or is it because he read the diary of Angel? Baka naman ginagawa niya kasi alam n'ya kung ano'ng mga ayaw o gusto ni Angel? Baka naman gusto niya si Angel dahil sa mga nakasulat sa diary? Or mali ako, Kudos?

"'Yang mga pinsan mo, kilala nila si AB sa mukha at personal pero marami silang hindi alam tungkol kay AB. But you, you don't know her personally... but you know her personality and all the good and bad things that happened to her.

"Tutal naman alam n'yong si AB ay si Angel, sasabihin ko na rin ang totoo. AB doesn't know that she lost her diary. She doesn't know it until now. Ako ang nakawala ng diary niya. Well, it's a long story. I'll tell you, when I see you. Kung binasa mo ang diary hanggang sa huling pahina, Kudos... alam mo ang mga dahilan kung bakit hindi na siya nagsusulat sa diary. You know all the things about her.

"You know how much she hated to be in a relationship now. Ayaw na niya. Kahit NBSB siya, ayaw niya subukan ulit. At alam mo kung bakit. You know all the reasons behind it.

"So, how far can you go to pursue her? You know she's unreachable now! She has too many issues. She's easy to please, but she's difficult to hook.

"Kasi kung gusto mo lang siya o crush mo lang siya... itigil mo na 'yan. Ikaw lang ang masasaktan. At ayokong mangyari 'yon dahil kilala kita.

"Could you ever love the girl with a blissful façade but the heart is damaged?"

"Could you ever love the girl with too many open wounds and deep scars?"

"Could you ever love a broken girl knowing that you'll get hurt?"

"Because it's impossible to love her without breaking yourself."

"I do," seryosong sabi ko.

Nagtawanan ang mga tukmol. "Pucha! Akala mo ikakasal." Tumikhim at humalukipkip sila nang tingnan ko isa-isa.

"Really, Kudos?" Natatawang sabi ni Magnet. "Prepare yourself and tell her that in person. Tingnan natin kung magagawa mo... 'pag nagkita na kayo."

_._._



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE