Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

< Kudos Pereseo >

TUMIGIL AKO sa pagtakbo nang humarang si Hazel sa hallway. Gusto ko siyang hawiin, but that would be rude.

Salubong ang kilay niyang tumitig sa 'kin saka sa dalawang taong sinusundan ko. “Where are you going, Kuen? Nagsisimula na klase n’yo.”

“Later, Haze. I just need to…” Tumingin ako sa unahin pero kahit anino nung lalaki, ‘di ko na makita. Sht!

“Wait…” Hinawakan niya ang braso ko nang lagpasan ko siya. “Do you know them? Or that guy, Gelo, has anything to do with you?” Umiling ako. “So… Eivee, then?”

Nagsalubong ang mga kilay kong napatitig sa kanya. “Ha?”

“Do you know Eivee?”

“AB? That’s her name? As in capital A and B?”

Kumunot ang noo niya. Tapos umiling. “E-I-V-E-E,” she spelled it out. “She’s my classmate. A transfer student, last year, together with her boyfriend, that guy… Gelo. Why were you following them? Is there anything you want to tell Eivee? I can help you.”

Napahawak ako sa tainga. Sandaling napapisil at dinala ang palad sa batok. Huminga nang malalim. Umiling.

Nakng! Napaparanoid na yata ako.

Pati dinig ng pangalan… namamali ako.

Tokwa. Parang gago. Asar!

Sarap bigwasan ang sarili.

“Are you sure?” Tinanguan ko na lang si Hazel kasi lalong naniningkit ang singkit niyang mga mata. She’s curious. “But you look…”

Pinisil ko ang ilong niya gamit ang hintuturo at gitnang daliri para tumigil siya. “Wala nga.”

Pinalo niya ang kamay ko saka umatras. “D-Don’t do that anymore…” Kitang-kita ko kung gaano kabilis namula ang pisngi niya hanggang tainga.

Maputi siya. Makinis. May dugong Chinese. ‘Yon lang ang gusto kong isipin. Pero tinataga ako ng eksena two months ago. Pilit pinapaalala sa utak ko. Lalo na’t nakikita ko ulit kung paano niya ako titigan nung araw na ‘yon.

Those muffled eyes. Those painful tears. Those poignant words. Ayoko nang makita at marinig ulit. ‘Yung pagkabasag ng boses n’ya, ‘yung tunog ng hagulhol niya, ‘yung panginginig ng katawan at labi niya… ramdam na ramdam ko ‘yung sakit na nararamdaman niya. Nanunuot sa ‘kin. Tumatagos. Para rin akong binabasag.

And… I hate it.

Sa lahat ng nagconfess sa ‘kin, Hazel’s confession, words, and tears bothered me all night. Kahit ngayon… naaapektuhan pa rin ako.

She’s my friend.

I want it that way. I want us to remain friends. Just friends.

Nothing more, nothing less.

Nung oras na ‘yon… naistatwa lang ako sa harapan niya, ‘di alam ang gagawin. I didn’t expect it. Her confession. Her feelings.

Kelan pa? Matagal na? Gano’n ba ako kamanhid? O tama sila na paasa nga ako?

Ni hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. Ni hindi ko siya magawang hawakan. I felt that she’d breakdown for real if I touched her. I just said… sorry. Hindi ko mabilang kung ilang beses. Nakakaspeechless.

Sumulpot si Paris nun na nagtatago lang pala sa sulok. Nakikinig. Nagpasama yata si Hazel sa kanya. Moral support, siguro? Ewan. Wala akong masyadong alam sa utak ng mga babae. Magulo.

Natuhod at nasuntok pa ako ni Paris nun. Masakit. Galit na galit siya sa ‘kin, eh. Hindi naman galit si Hazel pero siya halos umusok ang ilong at lumuwa ang mga mata katitirik sa ‘kin. Saka niya hinila palayo si Hazel.

I guess, I deserved to get hit? Sana sinampal niya na lang din ako para mas dama.

Kaya ‘yon, iniiwasan ko si Hazel after nung confession. Hindi ko i-dedeny. Aminado. Gago ako.

Not that I’m insensitive with her feelings, but I really don’t know how to deal with it, with her. I don’t want to hurt her even more. I can’t hurt her. I can’t afford to ruin our friendship because of that.

Binigyan ko lang naman siya ng time and space to think. To move on na rin? Siguro.

Pakiramdam ko kasi sa tuwing nakikita niya ako, masasaktan ko lang siya.

Gaano ba katagal ang pagmomove-on? Kailangan niya pa ba ng panahon?

Wala akong mapagbasehan dahil ‘di ko pa nararanasan. Paano ko malalaman? Paano ko siya matutulungan na kalimutan ‘yong feelings niya sa ‘kin?

Kung sana parehas kami ng nararamdaman… eh, ‘di mabuti. ‘Di ko na siya masasaktan.

But… I really don’t see myself with her. I don’t feel the same way. She’s important to me. Of course, she’s my friend. She’s my friend for more than 10 years now.

Kung tama ngang natuturuan ang puso… I’d choose her without having a second thought.

Pero ayokong maging jerk at unfair. Mas masasaktan ko lang siya ‘pag ginawa ko ‘yon.

Hindi naman ako namimili ng babae. Ni standard nga wala akong mapagbasehan. ‘Di ako naniniwala dun, eh.

Hinihintay ko lang naman na tumibok ang puso ko. Hindi literal. Siguro ang corny na naman ng dating. Nakng! ‘Wag na nga.

I don’t care about the looks, the status, the attitude or whatever it is. I don’t care who you are, if I love you… I’d give my all to you.

Bonus na lang ang kagandahan. Bonus na lang ang kasexyhan.

“Haze…” I tried to reach her shoulder but she stepped back. Ibinulsa ko na lang ang nakakuyom na mga kamao.

Kailangan pa niya ng oras?

“D-Don’t, please. Don’t say you’re sorry again. I’m the one to blame. I fell… even though it’s a taboo when it comes to friendship. It wasn’t your fault that you have a strong force of gravity, Kuen.” Mahina siyang tumawa. I’m not sure if it’s genuine. Bumuntong-hininga ako. “Nanghahatak. Dami tuloy nahuhulog. Don’t worry about me. But can I request one thing?”

“What do you want me to do, Haze?”

“Don’t overthink, Kuen Lacrosse.”

Kumunot ang noo ko.

“I know you my entire life. You tend to say you care less, but you always think too much. You may not say it, but you’re really worried about me. Don’t. I can handle this. I love you, but I’m not expecting anything from you. Just don’t change. Don’t put a galactic space between us. Treat me like the old times.” She smiled. Sa paraan nang pagngiti niya sa ‘kin ngayon, ‘di ko alam kung paano ako makakatanggi. “Can you do that for the sake of our friendship, right?”

“Are you sure, Haze?”

“Oo naman,” saglit siyang tumawa saka kumurap-kurap. “But on the second thought… no.” Kinabahan ako nang muli siyang tumingin sa ‘kin at seryoso na ang aura niya. Hinintay ko na lang kung ano’ng sasabihin niya pa. “There’s one more thing… don’t be too sweet with me.”

“Ha?”

“We’re friends, but please lessen the touch. Don’t smile too much. I know it’s nothing for you but for me… may malisya. Everything. Every time. Uhmm…” she mumbled words that I couldn’t hear. Sinuklay niya ang lagpas balikat na tuwid na chestnut-haired na may highlights na parang purple sa ibaba. “N-Never mind. Ako na bahala. Sa feelings ko. Basta. Sige, I still have a class. You can go, too. You’re already late.”

“Hatid na kita.”

“Don’t.”

“I insist.”

“Don’t be too sweet, Kuen, remember? Sige ka, bibigyan ko ng malisya.” Tumawa siya nang hinawakan ko ang tuktok ng aking tainga. “Sabay na lang tayong umuwi mamaya?”

“Uh, sige?” After two months, ngayon lang ulit kami sasabay pauwi.

Nag-aapartment din sila ni Paris. One street away from our apartment. Palagi silang tumatambay dati sa apartment. Kaso dahil kay Risk, banned na sila pumunta. Or ayaw na ring pumunta ni Paris. Palagi kasi may inuuwing babae si Risk.

“Let’s turn around? Sabay tayong alis?” sabi niya dahil magkasalungat ang way ng mga department namin. Napatango na lang ako. Ngumiti siya saka naglakad palayo.

Hinintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago naglakad patungong room. Sana ‘di pa ako namark na absent.

Mabilis na natapos ang three classes ko pa. Konting briefing na lang din ang nangyari dahil finals na next week. Tapos end na ng school year next next week. Online naman ang clearance at checking ng grades kaya hindi na hassle. Next month, start ng enrollment for summer classes. At required and summer classes sa degree ko. Asar!

Palabas na ako ng gate nang may nahagip ang mata ko. Natisod ‘yong isang babae. Nadapa. Kumalat ‘yung mga librong dala sa hallway. Pati ‘yong suot niyang eyeglasses, natanggal. Nakarinig din ako ng tawanan ng mga kalalakihan.

Hindi naman sadya ‘yung pagtisod. Sadyang natisod ‘yong babae. Aksidente. Pero walang tumulong. Tinawanan pa. Kagigil.

Lumapit ako. Pinulot ang mga libro. Huminto ang tawanan. Napamaang sa ‘kin ‘yong babaeng nadapa. Hindi ko na masyadong tinitigan ang mukha. Wala naman akong pakialam sa mga bullies o ganitong mga eksena. Kaso kapag harap-harapan na… nakakagigil lang talaga.

“Papogi amputa!” dinig kong sabi nung isang lalaki sa grupo na nakaupo sa parang cottage. Isa sa mga tambayan sa campus.

May mga iba pang sinabi ang ilan sa kanila pero ‘di ko na inintindi.

Inabot ko na lang ang mga libro doon sa babae. Inalalayan tumayo. Mukhang ayos lang naman siya. Walang sugat o galos sa tuhod o siko.

“S-Salamat…” mahinang sabi niya. Tumango lang ako saka tumalikod. “I-I’m D-Dina.”

Napalingon ako. Kumunot ang noo. Bigla siyang yumuko na parang nahihiya. Ipinilig ko ang ulo saka umalis na. Napapahimas sa batok.

May ginawa ba akong mali?

Dapat ba hinayaan ko na lang?

May marahas na umakbay sa balikat ko. Malakas na pumalo. Saka tumawa. “Nakita ko ‘yon.” Si Train. Ang captain namin sa varsity. “Kaya maraming umaasang babae dahil diyan sa ginagawa mo, eh. ‘Yung pinsan ko na lang patulan mo, pre. Maganda ‘yon. Pero si Steel yata ang type. Baka lang gusto mo makilala. May pustahan bukas. Gusto mo maglaro?”

Basketball ang tinutukoy niya. Madalas kaming naglalaro sa grupo. Hinahati ang buong team. Minsan, may mga players na nagkakapustahan mula sa ibang schools. Friendly match naman. Rivalries pero magkakaibigan sa personal. Tropa-tropa. ‘Yong mga nanunuod lang talaga ang gumagawa ng issues na may something sa mga players kapag naglalaro tuwing tournament.

Sila. Pero hindi ako masyadong attached. Mas gusto ko pa ring kasama sa mga trip ang mga tukmol na pinsan ko.

“Sa sunod na lang, Train.”

“Busy ka? Pucha! May girlfriend ka na?” Tumawa siya. Napatingin sa may gate. Nakaabang doon si Hazel. Kanina pa yata siya doon. “’Di nga, pre? Kayo na ni Hazel? Paano si insan?”

Napailing na lang ako. Hindi na umimik. Kakapagod magpaliwanag ng totoo at mga iniisip.

Nilibre ko muna si Hazel bago kami umuwi. Pambawi lang sa two months na hindi kami nagkakasama madalas. Hindi naman siya nakatanggi na nung nag-insist ako. Kahit ano’ng reklamo niya.

Sabi lang niya… “Wala ‘tong malisya, ha?”

Hiniram niya rin ang cellphone ko. Lowbat na kasi siya. Tinext si Paris na hindi siya sabay makakauwi. Saka niya 'ko kinunutan ng noo. "Wow! You have a Bible app. Are you a religious person now, Kuen?"

*.*.*

Page 24

Mylabs,

This is the shortest story na isishare ko sa 'yo.

Alam mo ba, may nauto ako?

May nagload sa 'kin ng 500!

Ay halaaa!

Opo, Mylabs! Isa dun sa mga nagtext sa 'kin. Dahil sa nireply ko. Waaah. 'Tapos ang masaklap? Feeling ko... sinadya niya. Kasi dapat daw bayaran ko siya. At 'di ko p'wedeng ibalik ang load. Gusto niya ng cash at kailangan dapat...

Meet-up!

Ay hala talagaaaa.

Wala kaya akong peraaa.

Napa-headbang,
AB

... ... ...

AlphabetSenpai's CT (Crush Tips)

Paano mo malalaman na crush mo siya? (A thread)

- Kapag napapangiti ka sa tuwing naririnig ang pangalan niya.

- Kapag kinakabahan ka sa tuwing nakikita mo siya.

- Kapag naiinis ka sa ibang taong nagkakacrush sa kanya.

- Kapag hindi mapakali ang mga mata mo na pasulyap-sulyap sa kanya. (Madalas)

- Kapag may isang kanta na bigla mo siyang maaalala. (Kaya pasekretong dinidedicate mo rin ang kanta sa kanya.)

- Kapag kaya mong makipag-usap sa iba pero sa kanya nahihiya ka.

- Kapag patulog ka na, pero maglalaan ka pa ng oras para lang isipin siya.

- Kapag naiisip mo siya habang binabasa mo 'to. (Kahit wala naman akong tinutukoy kung sino.)

Nakakarelate ka ba? Congratulations! Confirmed. Crush mo nga siya.

Eh, paano mo malalaman na in love ka na sa crush mo lang sana?

- Kapag nasasaktan ka na at iniiyakan mo na siya.

Eh, paano nga ba malalaman kung crush ka rin ng crush mo?!

Aba malay ko! 'Wag mong itanong sa 'kin 'yan. Hindi ko rin kasi alam. Hahaha

Dahil no'ng High School ako, hindi ko malalaman na crush niya rin ako kung hindi niya sinabi na... "Type kita!"

Nakupoooo. #TalandiNiAlphabet! Hahaha

Basta, ang tip ko lang... 'wag masyadong umasa para hindi masaktan nang sobra.

Hindi masamang magka-crush. Pero konting ingat.

Kapag ang crush mo, nagkacrush din sa 'yo... mas'werte ka.

Pero minsan kasi...

Si crush ay gustong-gusto mong maging sa 'yo... kaso hanggang pangarap lang talaga 'to.



*.*.*

< Kudos Pereseo >

Dumaan ako ng NBS kanina pagkahatid kay Hazel bago umuwi sa apartment. Bumili ng sticky notes na color green.

Kacornyhan.

Marami akong gustong sabihin kay AB sa personal. My thoughts while reading her diary. Marami. Pero hindi ko matatandaan lahat 'yon 'pag nagkita kami.

Sabi nina Pariz at Hazel, don't overthink. Stop overthinking.

So, I'd just write my thoughts.

Iipunin. I'll give her a bottle of sticky notes someday. Looking forward. Umaasa. What if lang naman. 'Di naman siguro masama?

Ang masama kung mababasa ng mga tukmol 'yong mga notes na gagawin ko. Nakng! Aasarin na naman ako ng mga 'yon. Kailangan kong i-double locked ang drawer ko. Mga pakialamero pa naman. Lalo na ang kambal-tuko.

Corny. Papanindigan ko na. Pero hindi naman siguro creepy? Baka magfreak-out si AB.

Tokwa. Bahala na.

Notes to AB:

#1 First of all, thank you for writing and losing your diary. I'm not really sorry that I read it, tbh. Don't forgive me.

#2 Reading your childhood life makes me happy. Your diary became my favorite story.

#3 Ever since I read the first line from the first page, I can't get you off my mind.

#4 Don't freak out, 'coz before you run through my mind now, no one else has been worth thinking about.

--


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE