Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

Page 6

Dear Diary po,

Baka iiwanan na kita po.

'Pag iniwan na, dapat ba balikan pa? ('Di ko alam po.)

Sabi kasi ni Ate Princess ang i-kukwento ko lang sa ‘yo ay mga ‘di makakalimutan na nangyari sa buhay ko po. Eh, wala naman po.

Itatago na lang po ba kita sa lumang baol ni Lola Birhinpa?

Patay na si Lola Birhinpa po. Galit naman sa ‘kin si lola po. Ewan ko po. ‘Di niya ako paboritong apo. Mas paborito niya ang bunsong kapatid kong si Dale po.

‘Yun nga po. Wala naman kakaiba nangyayari sa buhay ko po. Tinatamad na akong magsulat po.

Ano ilalagay ko po? ‘Yung pagtuturo sa ‘ming magkakapatid ni Ate Princess po? ‘Yung paglalaro namin ng patintero, Chinese garter, at ten-twenty sa tapat ng bahay namin ni Ate Shane kasama ng mga pinsan ko po?

Naglalaro rin kami tumba-lata po, tagu-taguan sa liwanag ng buwan, luksong-tinik, jackstone, texts at pogs po. Saka ‘yung mga goma pinaghihiwalay sa isa’t isa tapos ‘yung hinahagis para pagpatung-patungin po. Naghahabulan din po. Gumagawa ng saranggola at pinapalipad sa palayan na walang palay po. Saka nagduduyan din kami sa likod bahay kasi may ginawa doon ‘yung tito ko po. Nagpapadausdos din po kami gamit ‘yung patay na sanga ng niyog sa burol pababa po. Ang saya nun po.

Nanghuhuli rin kami ng mga gagamba sa palayan at mga talahib po. Tapos paglalaban-labanin namin sa walis tingting po. Hihintayin naming matalo ng isang gagamba ‘yung kalaban niya po hanggang sa mabalot ito ng sapot po. Tapos ‘yung kahon ng posporo ang kanyang tirahan po. Ang galing nga po. May pustahan pa ‘yun po. Chichirya na may laruan sa loob po.

Kasama ko ‘yung mga pinsan namin po. Mga de Makapili po. Doon kasi kami naninirahan sa lugar ng papa ko po. Marami ang mga de Makapili doon po.

Kaso pinagalitan kami ni mama po. Sinira kasi naming magpipinsan ‘yung bulaklak niyang santan po. Ginawa kasi naming kwintas, bracelet at singsing po. Meron pa pong nilalagay sa ulo para maging korona po. Pasimuno ulit si Ate Shane po.

Matamis pala ‘yung katas ng santan po. Isa po ‘yun sa mga paborito kong sipsipin maliban sa ice candy at Mik Mik po.

Nagkasal-kasalan din kami po. Bride ako nun po. Si Ate Shane ang magkakasal po. Tapos si Dale ang ring bearer po. At ‘yung groom ko ‘yung pinsan ko po. Si Kuya Benj po. Pero bago magkiss the bride po, may dumating para aawat ng kasal po. Pinsan ko rin po. Napanuod lang namin ‘yun sa isang palabas sa TV po. Ginaya lang namin po.

Nakakatuwa kasi po. Pero mas masayang magbahay-bahayan po. Nagluluto po kami sa maliit na palayok na binili ni mama po. May doctor pa po. May nanay po, may tatay po. Ako po ang dentist kasi pangarap ko rin ‘yun paglaki ko po. Ang gamit naming pera ‘pag walang play money ay tansan ng mga softdrinks na pinitpit po. ‘Yung mga papel pong pera ay papel na sinulatan o kaya dahon ng bayabas po.

‘Di ba po? Walang kakaibang nangyayari sa buhay ko po. Mas gugustuhin ko na lang pong mag-aral at maglaro po.

Wala na rin kasi akong crush po. ‘Di ko na crush si Jamie Curz Nengbeyan po.

Sabi kasi ni mama, second cousin ko siya po. Bawal mag-asawa ang mag-pinsan po. Hindi mapupunta sa langit po. Kaya wala na ako crush ngayon po.

PS: Babalikan kita Dear Diary ‘pag may nangyari na pong kakaiba sa buhay ko po. At ‘pag may crush na ulit ako po.

Nagmamahal po,
Angelica Bianca C. de Makapili


... ... ...

AlphabetSenpai's LLS (Lesson Learned Segment)

I've learned that...

Life isn't like a movie that you can pause, rewind, or fast-forward.
Life isn't like a book that you can flip the pages to know the ending, then go back to the beginning.

Now that you're still young and innocent, go play and act like your age. Cherish your childhood days; because someday, you'll learn how to love. You'll get hurt. You'll know that reality is cruel. And you'll wish to turn back the time where the only thing that can make you cry is... when your playmates ruined your favorite toy, when your parents forced you to sleep, or when you bruised your knees.

Life is like an aircraft, it flies so fast.
Life is like a clock, it tick tocks but you can never go back to the past.

... ... ...

AlphabetSenpai's WOW (Words of Wisdom)

While you're still young, appreciate the best years of your life. Take things slow. Don't be in rush. Enjoy the ride. You'll get there in the right time.

*.*.*

< Kudos Pereseo >

While reading, I can't stop myself from smiling.

There are two adjectives that can define her.

Adorable and mature.

Adorable, when she was a kid.

Now, she's matured.

The LLS and WOW parts are awesome, too.

'Yong sulat niya nung bata pa siya... magulo. Ang LLS at WOW ay maayos. Halatang isiningit lang sa pahina. At bagong sulat.

Maybe she's trying to reminisce the moments that've happened in her life and treasure the things she'd learned as time passes by.

I don't have any idea what she looks like. But I'm sure, I'll learn a lot of things by just reading the entries of her diary.

Actually, medyo naiinggit ako kay AB. Laking probinsya pala siya. Ibang-iba sa buhay ko nung bata ako. I grew up in the city. I haven't experience to live in the province. Pasyal-pasyal lang. Vacation with my family. O 'pag may mga events at tour sa school.

Saan kaya ang probinsiya niya?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE