Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

< Kudos Pereseo >

- - -
To: My Property

|
- - -

Kung nagsasalita lang ang blinking cursor sa cellphone na hawak ko, kanina pa nagreklamo. Kanina pa rin nalusaw dahil nakatitig lang ako dito.

My fingers were itching to sort a message. Pero naihipan yata ang aking utak. Nablangko. Walang maisip.

Ano'ng itetext ko? Nakng!

I'm not fond of texting. I don't even have a textmate. Ni wala akong unang tinitext maliban kung exigent.

Sina Paris at Hazel lang ang nakakatext kong babae. Minsan, sina Ate Kira at Master, if necessary. Palagi, tinatamad akong magreply lalo na kung nangungulit lang.

But now... I'll be the one who's gonna send a message?

To someone I don't even know... entirely?

That would be creepy, right?

Inscrutable. Totally preposterous.

Hindi naman ako kilala ni AB.

Humingi kaya ako ng tips kay Risk? Maraming katext 'yon, eh. Expert sa babae.

Kaso... tokwa! Baka puro kamanyakan lang sabihin sa 'kin ng tukmol na 'yon.

Pinapaikot-ikot ko sa isang kamay ang cellphone habang nakatitig sa mga dumadaan sa hallway, nag-iisip... habang kinakagat ang dulo ng isang thumb finger.

Nasa tambayan ako, sa may bench sa lilim ng punong mangga. Katatapos lang ng klase. Hinihintay si Paris. Kasama niya raw si Hazel. Sabi niya kausapin ko raw.

Okay.

Huminga ako nang malalim at nagtipa sa cellphone. Mas kinakabahan pa yata ako ngayon kaysa sa tuwing naglalaro ng championship sa basketball. Mas inaalala ko ang magiging reaksiyon ni AB kaysa sa reaction ni coach kung titira ako sa labas o magpepenetrate sa loob.

This time, I'm so anxious to make a move. Pakiramdam ko kahit ano'ng gawin ko, mafofoul ako.

Nakng-

- - -
To: My Property

Hi! You don't know me, but would you mind if we uh|
- - -

- - -
To: My Property

Hi! You don't kno|
- - -

- - -
To: My Property

Good day! Can you be my textmate?|
- - -

- - -
To: My Property

Good da|
- - -

- - -
To: My Property

If you receive this message. Text me back. ASAP|
- - -

- - -
To: My Property

If you rec|
- - -

- - -
To: My Property

You're still single so if I|
- - -

- - -
To: My Property

Can I cour|
- - -

- - -
To: My Property

I'm Kudos. Is it okay if I c|
- - -

- - -
To: My Property

I'm Kudos, the guy who picked up your lost diary. Can we meet?|
- - -

- - -
To: My Property

I'm Kudos|
- - -

- - -
To: My Property

I have your diary. If you're not busy, can I see yo|
- - -

- - -
To: My Property

I know this may sound crazy but I really wanted to see you|
- - -

- - -
To: My Property

Your number won in a raffle promo. To claim your reward, you should meet me|
- - -

- - -
To: My Property

Nakngtokwa! What the fck am I doin|
- - -

- - -
To: My Property

Hi, AB. I'm Kudos. Kudos 'di para sa kanya. Kudos 'di para sa iba. Kung 'di... Kudos Pereseo|
- - -

"Kudos, Boy!"

Muntik ko nang maihagis ang cellphone nang sumulpot sa harapan ko ang humahangos na kambal. Sina Psalm at Philemon na akala mo hinahabol nang mga babae kaya nagmamadali.

Ibinalik ko ang tingin sa screen ng cellphone ko. Tumiim ang bagang.

Sent
12:53 pm

Bago pa ako makapagtype ulit, hinugot ni Phil ang cellphone sa kamay ko. Tapos si Psalm na kanina pa binabanggit ang pangalan ni Risk na wala akong maintindihan kung bakit sila hinihingal at nagmamadali, sumilip din sa cellphone.

Napatayo ako para agawin pabalik pero may humawak sa siko ko. Si Hazel. Naghahabol din ng hininga. Parang sumunod dito sa dalawang tukmol. Kumunot ang noo ko.

Tawa ni Philemon ang bumasag sa kung ano mang meron sa paligid. "Gumawa ka rin pala ng kalokohang banat na pauso ni Risk, Boy?"

Umiling-iling din si Psalm na may knowing na ngisi sa 'kin. Si Hazel naman parang nagtataka kung ano'ng pinag-uusapan namin.

Gumawa rin ng banat? Rin? So pati sila meron din? Sinakyan din nila kagagohan ni Risk? Kahit naman gano'n ang tukmol na 'yon, lakas makaimpluwensiya nun kapag nagseryoso.

Nung time na kumpleto kami sa apartment. Nag-iinuman. Tinalo kasi ni Risk nun 'yong mayabang na tennis player sa campus. Parang celebration lang dahil sa naitaas na ego ng tukmol na pinsan ko slash best friend. Baseball ang sports ni Risk pero varsity player sa tennis ang kalaban niya doon sa chix na pinopormahan niya. Kasamahan ni Shield sa tennis club 'yong lalaki. Nagkahamunan yata.

Eh, mahilig pumatol si Risk. Walang inuurungan. Madalas kaming napapaaway dahil sa kanya. Solo lang siyang anak nina Tita Minerva, in short, spoiled; kaya kami na rin ang tumatayong mga kapatid ng tukmol.

Hindi kami masyadong close sa mga kateammates namin sa varsity na kinabibilangan ng bawat isa sa 'min. Mas trip pa namin na kami-kami lang. Iwas na rin sa gulo.

Lahat sa 'ming magpipinsan, varsity players. Pero magkakaiba ang forte. It runs in our blood. Pereseo's genetic factor. Kahit ang mga lolo namin sa tuhod, mahilig sa sports. Athletic.

Si Risk, baseball ang kinahiligan. Naglalaro rin siya ng soccer paminsan-minsan, masarap daw 'pag nakagoal, pero mas priceless kapag naka-homerun. Feeling ko, double meaning 'yon.

Si Shield, sa tennis napadpad. Nung una, pinag-iisipan pa niya kung sa billiards o sa darts magfofocus. Kaso isang sports lang ang p'wede 'pag nag-varsity ka. First love niya ang tennis, so...

Ang kambal na sina Psalm at Philemon, dating varsity sa basketball. Kaso ayaw daw nila akong masapawan kaya lumipat sa volleyball. Ang yayabang ng mga tukmol. Akala mo naman. Eh, bangko lang sila kapag may laro kaya nga lumipat sa volleyball. Mabuti nga nag-excel pa sila sa volleyball. Tsk.

Sa 'ming magpipinsan, Steel is good at any sports. In fact, he's that great. Fast-learner. A wild card. May bola man o wala. Kahit saan siya ipasok, mabilis siyang makapag-adjust. Kung pinili niya siguro ang basketball, baka hindi ako ang MVP. Nung freshman year, nasa soccer siya. Last year, nag-taekwondo siya. This year, I'm not sure. Swimming yata.

Sa lahat naman ng ginagawa niya, hindi siya ang nagdedesisyon. Si Magnet. 'Yung best friend niya na palagi siyang buntot.

"Hi, AB. I'm Kudos. Kudos 'di para sa kanya. Kudos 'di para sa iba. Kung 'di... Kudos Pereseo," tawang-tawa si Phil habang binabasa 'yong message ko. "Seryoso ka sa pick-up line mo na 'to, Boy? Ang corny! Baka masuka si AB."

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanila ni Psalm. Hindi na rin ako nag-abalang magtanong kung ano ba 'yung mga banat na nabuo nila dahil sa kagagohang suggestion ni Risk. Baka mas corny pa. Ano naman ang mabubuo mong pick-up line sa mga pangalan nila? Pang-bibliya. Baka mag-end of the world bigla.

Kasalanan talaga 'to ni Risk, kung hindi niya pinauso 'yong linyahan niya na sasabihin niya lang raw sa babaeng seseryosohin at papakasalan niya... 'di ako mag-iisip ng mga kacornyhan. Hindi ko ineexpect na pati ang mga tukmol na 'to, may mga binuo. Sina Sheild at Steel kaya?

"I would risk it all for you. Remember the name, Risk Pereseo."

'Yan ang linyahan ni Risk. Believe it or not, kahit babaero ang tukmol na 'yon... wala pa siyang sinasabihan ng linyang 'yan. I doubt if he would ever say that line. Wala naman yatang balak magseryoso sa isang babae ang lokong 'yon.

Nung time na nag-iinuman kami at seryoso siya sa linya niya, at talagang gusto niya na bumuo rin kami... napaisip na ako nun. Simple lang kasi 'yong linyahan ni Risk, pero ang bigat ng dating. May balak talaga siyang i-risk ang lahat para lang sa isang babae?

Wala akong duda. Kahit gano'n ang lokong 'yon... kilalang-kilala ko 'yon.

Sigurado ako, swerte ang babaeng 'yon.

'Di ko pa nakikitang sumeryoso ang tukmol. Hindi ko kayang isipin kung paano kapag sumeryoso na nga siya?

Sabi pa niya nung nag-iinuman kami. Golden line 'yon na may golden rule. We will just say our golden line to the girl we really certain to spend the rest of our lives with.

We even tossed our glasses to seal Risk's words. Kahit na hindi kami sumang-ayon nung time na 'yon. Usapang lasing, pero sigurado ako ngayon... na lahat kami sineryoso ang usapang 'yon.

Kahit na aminado ako na 'yong naisip kong pick-up line na yata ang pinakacorny sa 'ming magpipinsan, papanindigan ko 'yon. I'd give my hundred and one percent to that crappy line.

Natigilan ako. Lalo na dahil nakatitig lang sa 'kin si Psalm, 'di na tumatawa habang binabalik sa 'kin ang cellphone ko.

"Hindi na 'yan ang number ni AB, Boy. Miniscall namin ni Phil nung nabasa namin ang diary. Nagpalit na yata. Unattended." Mahina niyang tinapik ang balikat ko.

Wala ng ibang sinabi.

Mas gusto kong sinasakal ako ng mga pang-aasar nila. Hindi 'yong nakikipagtalo ako sa kung ano-ano mang umiikot sa isip ko.

Tumikhim na lang din si Philemon. Isinuksok ang dalawang kamay sa suot na pants uniform at tumingin kay Hazel. Napalingon din tuloy ako kay Hazel na kunot-noo pa ring nakatitig lang sa 'min.

"Uhmm..." Tumikhim si Hazel. Sa 'kin nakatitig. "Are you guys done talking? Can we go to Risk now? I suppose he's barely breathing, at this moment."

"Pussycat! Oo nga pala, boy, nakipag-away na naman 'yong gago. Tara..." Nauna si Phil at sumunod agad si Psalm sa pagtakbo. Tinahak nila ang papunta sa basketball court? O sa tennis yata.

Naiwan si Hazel na nakatitig pa rin sa 'kin. Parang may hinihintay. Ewan. Gusto ba niyang ngayon na kami mag-usap? Bumaba ang tingin niya sa hawak kong cellphone. Kinagat niya ang labi at bumuntong-hininga. Saka siya tumalikod para sundan ang kambal nang 'di man lang nagsalita.

Ibinulsa ko ang cellphone.

That message was nothing. Besides, AB won't read it anyway.

I just sent it accidentally. Nabigla. Nagulat lang ako sa pagsulpot ng kambal.

It wasn't intentional.

Huminga ako nang malalim. Buburahin ko na lang ang number mamaya. Wala rin naman pa lang silbi.

Sumunod ako para i-check kung talagang mamamatay na ba si Risk.

*.*.*

MALI ANG hinala ko, akala ko mga tennis players o mga kateammates ko sa basketball ang nakaaway ni Risk. Mga ka-varsity niya pala sa baseball ang involved. Unusual. Hindi ko pa nakitang nagkagulo nang ganito ang grupo nila.

Masarap silang panuorin kapag nagpapraktis dahil lahat nagkakaisa. But this time, dinaig pa ang hagupit ng Yolanda.

Hindi lang si Risk ang nakikipagsuntukan. Halos karamihan ng mga players... present, may mga hawak pang baseball bats ang ilan. Kaya pala wala silang praktis ngayong araw. Nagtipon-tipon dito sa likod ng College of Eng'g para magbugbugan.

Nakita kong nandito na sina Shield at Steel na pilit hinahatak si Risk sa pagkakahawak ng pangatlong kuya ni Paris. Tapos ang pangalawang kuya, nakita kong nagpalipad ng kamao na tumama sa sikmura ni Risk.

Napangiwi ako. Mukhang mas masakit 'yon kaysa sa suntok ko. At dumudugo na ang gilid ng labi ni Risk. Singkit na rin ang isang mata. Malapit nang magkaroon ng cut sa ilalim ng kilay. Sht!

Naririnig ko ang boses ni Paris. Sumisigaw. Umiiyak. Pinipigilan ang dalawang kuya niya. Pakiramdam ko, parating na rin 'yong pinakapanganay sa kuya niya ano mang sandali.

Ano ba'ng nangyayari? May ginawa na naman ba si Risk kay Paris?

Pero hindi ko pa nakitang nagalit nang ganito ang mga kuya ni Paris kay Risk. To the point na bubugbugin nila nang ganito ang pinsan ko.

Saka paano sila nakapasok sa campus? Hindi na sila estudyante dito sa university. At may mga 'di pamilyar na mukha at hindi mga nakauniporme. Mga kasama yata nung mga kuya ni Paris. 'Di ko alam kung si Risk ang sanhi ng gulo dahil buong baseball team ang nakikipagsuntukan sa mga outsiders.

'Di ko alam kung saan ako babaling. Si Psalm pumipito si gilid. Si Philemon may hawak na puting panyo na pinapaikot-ikot niya sa ere. Nakng! Wala talagang silbi ang dalawang tukmol na 'yan sa ganito. Mga messengers lang ng mga away at gulo pero hindi nakikisali. Takot na takot magalusan ang mga g'wapo raw nilang mukha. Tokwa!

Pasugod na ako nang hawakan ni Hazel ang aking siko. Umiling siya. Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya't inalis.

Mabilis akong lumapit kay Paris. Hindi ko pa nahahawakan ang braso niya, may sumalpok ng kamao sa 'king panga. Napangiwi ako't napamasahe doon. Halos may matanggal na ngipin sa lakas ng impact. Nakakabingi ang tunog na naririnig ko sa 'king tainga.

Nilingon ko ang sumuntok sa 'kin at nanlaki ang mga mata nang makita si Philemon na nakanganga. Halatang nagulat. Kuyom niya ang kamao at mabilis na itinaas dahil humakbang ako palapit.

"Boy, 'wag!" Pinigilan ako ni Psalm na hindi ko alam kung bakit nagagawa pang tumawa. "'Yung kuya dapat ni Paris ang susuntukin niyan. Kaso bigla kang humarang."

Saka niya hinatak si Philemon sa tabi. "Sabi sa 'yo, 'wag na tayo makigulo."

Nakng! Kahit talaga kailan... sakit sa ulo ang mga tukmol na 'yan.

Minasamasahe ko ang panga.

"Tama na! Tama na! Tama na..." Malakas na sigaw ni Paris sa namamalat na boses, na nagawa nang humarang sa pagitan ng dalawang kuya niya at nina Steel at Shield. Pero nakatayo siya sa harapan ni Risk, tipong pinanghaharang ang katawan kung sakali mang sumugod pa ang mga kuya niya.

"Umalis ka sa harapan ng gagong 'yan, Patricia!" dinaig ang kulog sa lakas ng boses ng pangalawang kuya ni Paris.

Matigas na umiling si Paris at hinawakan ang kamay ni Risk. Hinila para sana umalis. Pero marahas na hinatak ni Risk ang kamay niya. Muntik nang matumba si Paris.

"Stay away from me," mahinang sabi ni Risk.

'Di nga ako sigurado kung 'yon nga ang narinig ko. 'Di ko rin siya mabosesan. Kapag tinitigan ang mukha niya, halos 'di na rin siya mamukhaan. Kaitsura na niya ang mga boksingero kapag nakikipagbugbugan sa loob ng ring.

"R-Risk naman..." Lumakas ang hikbi ni Paris, nagtangka ulit kumapit sa kamay ni Risk pero mas naunang hawakan ni Risk ang braso niya.

"If you don't want your sister near me, tie her up..." Tinulak niya si Paris dahilan para masubsob ito sa pagitan ng dalawang kuya nito. "I don't want her tailing me either."

Malakas na nagmura 'yong nakakatandang kuya. Muntik na kasing masubsob si Paris sa semento dahil sa lakas ng tulak ni Risk. Pasugod na ulit sila kay Risk nang may pumito. Akala ko si Psalm ulit pero isa ng prof.

Ang resulta... nauwi sa guidance office ang buong baseball team. Pati ang mga outsiders ay kinausap ng dean. Nasama rin sina Steel at Shield. Hindi na kami pinasali nina Psalm at Philemon. Hindi ko alam kung mas mabuti 'yon dahil gusto kong malaman ang puno't dulo ng gulo.

Best friend ko si Risk. Kaibigan ko si Paris.

Ayokong dumating sa puntong maiipit ako sa pagitan nila.

Nitong mga nakaraang buwan, madalang na akong kausapin ni Risk. I mean, hindi na siya nagkukwento tungkol sa mga babae niya o sa problema niya kay Tita Minerva. Akala ko ayos lang siya, pero mukhang mas malala ang nangyayari ngayon.

Bakit damay pati ang mga Demaloco?

What have you done this time, Risk?

Mukhang magigisa naming magpipinsan ang tukmol mamaya sa apartment. Or not. Kasi feeling ko, 'di siya magsasabi nang totoo.

Something's wrong. I'm sure. Pero 'di ko lang mapangalanan.

Pabalik na ako sa classroom para sa sunod na subject nang may bumangga sa balikat ko. Muntik ko nang kaltukan ang sarili. Nagsorry na lang ako doon sa HRM student, based sa suot niyang uniporme. Tipid siyang ngumiti at yumuko. Tapos muling naglakad, mukhang nagmamadali at may tinatakasan. Panay ang lingon niya sa likuran.

"Wait..." sabi nung lalaking sumulpot sa isang pasilyo ng building, kung saan nanggaling ang babae. Nilagpasan ako nung lalaki. Nagmamadali rin. "Sandali lang, AB."

Parang may sariling buhay ang katawan ko na pumihit para lumingon sa kanila. Ramdam ko ang pagbilis ng bawat pitik sa pulsohan ko. Ipinilig ko ang ulo para silipin ang mukha ng babae, pigil na pigil ang hininga.

Did I hear it right?

Pasimple siyang lumingon para silipin ang lalaking tumawag sa kanya. Pero hindi ko nakita nang husto. Side profile niya lang. At bahagyang natatakpan ng nakalugay niyang buhok ang mukha. Curly strands.

Hindi na siya tuluyang lumingon. Tumakbo lang siya palayo. Hinabol siya nung lalaki. Lalong kumunot ang noo ko.

Ewan ko ba kung ano'ng pumasok sa 'kin. Tumakbo rin ako para sundan sila.

--



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE