Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Hi, Mylabs! How are you? I miss you na! Sana namiss mo rin ako. Mwa mwa. Tsup tsup.

Ang bilis ng panahon. Gagraduate na ako ng Grade 6!

First Honorable Mention pala ako, 3rd place overall. Si Rury ay Salutatorian. Talino kasi ng best friend ko, eh. At ang ibang mga awards ko pa. Best in Math, Best in Filipino at Best in History. Si Rury ay Best in English at Science. Marami pa kaming mga special awards like most neat, most responsible at marami pang iba. Basta, DD. Marami akong honors. (I-beso mo ako!)

Syempre, mataas ako sa extracurricular activities. I'm proactive bagets daw po kasi.

If there are things that caught my interest or I'm curious to know how to do it or how it works... I won't stop hanggang sa hindi ko po nakukuha o natututunan. Unless I get bored po.

But I rarely get bored, Mylabs.

Siguro nga po tama sila... I'm such a pasaway and nosy kiddo.

Kaya nga po I always challenge myself. Mahilig po yata talaga ako sa adventure.

Pinagsikapan ko talaga na mataas ang grades ko at mga awards na 'yon para matuwa si mama at umuwi si papa sa graduation ko. Para palagi siyang aakyat-baba sa stage kapag tinatawag ang pangalan ko. Excited na ako!

Inaasikaso na po namin ang gagawing graduation. 'Yong mga presentations and graduation songs.

Sasayaw pa nga po kami. May isang folk dance at modern dance.

Napapagod ang hita ko kakasplit sa ending. Jusko po, baka biglang mapunit ang aking hymen at gagraduate pa lang ako ng Grade 6... hindi na ako virgin.

Napag-aralan namin sa Science, eh. Kapag napunit ang hymen, hindi ka na raw virgin.

Kapag gano'n nga po angtopic sa Science, ang mga kaklase ko, lalo na ang mga lalaki... nakikinig talaga.Jusko po sila! Naging attentive bigla kapag... usapang p-nis at v-gina. Gosh!    

Nakakapagod, DD. May special number pa kaming Top 5. Kakantahin namin 'yong kantang My Love. "An empty street, an empty house... bla bla bla."

Nagpapapirma pa kami ng clearance. 'Yung mga teachers namin, ang daming kaek-ekan na alam. Pinapadala kami ng kung ano-ano para lang pumirma sila.

'Yung isang teacher namin, pinadala kami ng isang sakong semento ng mga bato. 'Yung mga magagandang bato na makikita sa ilog, gagamitin daw 'yon sa palandscape sa school na kami naman ang nagtanim. Mamimiss ko tuloy 'yong mga bulaklak na dinidiligan namin tuwing umaga bago mag-flag ceremony. Saka 'yong talong, kamatis at pechay na tinanim namin dahil sa TLE.

'Yung isang teacher nagpadala ng mga dalawang tig-isang dipa na kahoy para gawing poste doon sa gulayan sa likod. Tapos 'yung isang teacher naman isang sako ng natuyong tae ng baka at kalabaw. Huhuhu. Nakakainis. Para lang mapirmahan ang clearance namin, kailangan mong magpulot ng tae. Kaya magkasama kami nina Rury, Brent, Jake at ibang mga pinsan ko na kailangan din ng mahiwagang tae ng kalabaw na number 1 abono raw para sa mga bulaklak at gulay sa school.

May natutunan ako habang nagpupulot kami ng tae. 'Wag magsusuot ng kulay pula, hahabulin ka ng mga baka.

Para nga 'di kami mabored sa kapupulot, hinahabol namin 'yong mga puting ibon na pumapatong sa ibabaw ng mga kalabaw at baka, eh. Tapos nung dumaan si Mang Kanor na may dalang kalabaw. Nagpasakay ako sa kalabaw niya. Wala lang, for experience. Ang saya kaya!

Ngayon lang ako 'di masyado naging busy. Nasa Manila kasi si mama ngayon, eh. Bumili ng damit ko para sa graduation. At para balitaan si papa sa mga awards na nakuha ko. Sana sabay silang umuwi na dalawa.

Dito muna kami kay na Mama Mercy. Kapatid ni mama. Dito kami palagi nina Ate Shane at Dale kapag lumuluwas si mama para mamili ng mga panindang damit sa Baclaran at Divisoria.

Kaya naisingit ko ang pagsusulat ngayon kasi katatapos lang namin manuod ng TV. Naglaro pa nga kami, eh. Paunahan sa paghula ng mga lumalabas na commercial. Eh, hindi naman ako nananalo. Ang gagaling ng mga pinsan ko. Babad sa TV madalas, eh. Ang palagi ko lang nahuhulaan 'yong commercial ng McDo at Tide.

Matutulog na ako, DD. Tutulong pa kasi kaming magpipinsan bukas sa lugitan (kuprahan.) Paano, nagkokopra sina lolo at Mama Mercy ngayon. Ay nakalimutan kong sabihin sa 'yo, hindi namin lupa ang tinitirahan namin. Tenant lang si lolo dito. Medyo matagal na kaya dito na rin nakitira ang ibang mga anak niya. Tulad namin. (Simula nung pinalayas kami sa lugar nina papa.)

Ang saya kasi tumulong sa kuprahan. Lalo na kapag binibiyak pa lang 'yong mga niyog. Nagpapaunahan kami doon sa bilog sa loob. (Nakalimutan ko ang tawag. Haha.) Tapos kapag naluto na ang niyog, masayang magtanggal sa bao at maghati-hati gamit ang itak. Kumakagat pa nga kami minsan kasi masarap.

Favorite ko ng puno ang niyog. Sobrang daming gamit. Mula ugat hanggang dahon. Ginagawang mantika, walis ting-ting, pawid, plywood, uling, at marami pang iba. Pati dahon palagi namin pinaglalaruan. Gumagawa kami ng kung ano-anong mga shapes. Minsan bola at 'yung parang elisi ng helicopter na hinahawakan namin habang tumatakbo. Tapos umiikot 'yon. Nakakatuwa.

Bakit kaya narra ang pambansang puno at hindi ang niyog? Maresearch ko nga!

Sige na, DD. Papatayin na ni Mama Mercy ang ilaw. Marami na naman kasing gamo-gamo na lumilipad sa fluorescent. Pahirapan na naman tuloy kaming kumain ng hapunan kanina.

PS: Hindi ko pa pala nalalaman kung sino nagbibigay sa 'kin ng mga love letters. Tatlo na ang natanggap ko simula nung naging Grade 6 ako. Feeling ko isang tao lang siya kasi parehas ng penmanship. Sino na naman kaya nantitrip sa 'kin?

Excited sa High School life,
Angelica Bianca C. de Makapili

... ... ...

AlphabetSenpai's LLS

I've learned that...

Life has stages; different kinds of levels you need to overcome as you grow up. It doesn't stop when you graduated from elementary or you completed puberty.

As you surpassed one level, you need to advance to face the next challenge. Secondary level, high school, wherein you'll encounter different types of people and more bewildering trials of life.

In this stage, you'll start to question things and get more curious about everything. You'll feel confused, get tempted, and you'll slowly change; your appearance, your behavior, your way of thinking, your understanding and... your feelings.

Yes, you're taking baby steps to the door of "maturity."

You'll understand not just the significance of life and family but also the importance of friendship, relationship... and love.

Oo, maiinlove ka.

Kahit pigilan mo, maiinlove ka!

Ibig sabihin, masasaktan ka.

But...

As life goes on, you need to go forward, too.

Kahit masaktan ka. Kahit sobrang masasaktan ka.

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Hindi na nakapagbigay ng komento ang utak ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Paris. Mabilis kong naipasok sa bag ang diary. Nakakunot pa ang noo niya, pero 'di naman pinansin kung ano ang green na notebook na 'yon.

Nakatulugan ko kasi ang pagbabasa kagabi. Mabuti mas nauna akong magising kay Risk.

Ngayon lang ulit nagkatime na magbasa sa school. Wala naman magawa kasi February na at patapos na ang school year. Puro activities na lang. Wala na rin kami praktis sa basketball dahil katatapos lang ng Sports Fest.

Kaso dapat pala hindi ko na dinala sa school ang diary. Baka may makakita pa na kung sino. Bahala na nga.

Niyaya akong kumain ni Paris. Dahil wala namang pasok si Risk ngayon... at mag-isa lang ako, sumama na ako.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE